Si Thyago ang pinaka-celebrated na polo player sa team at pinakamaraming fans. Kung anu-anong regalo ang ipinadadala dito ng mga babae at kung anu-ano ring proposal ang nakukuha nito. Di na siya nagugulat kung iba't iba mang babae ang ka-date nito sa araw-araw. Kaya nga nagtataka siya kung bakit pilit siyang itinutulak ng kapatid niya dito. May pinaplano ba ang mga ito?
"Elvin!" malambing na tawag ng isang babae sa kapatid niya.
"Hi, Eyna!" bati naman ng kapatid niya na abot-tainga ang ngiti.
"Na-late ako ng dating. I missed your practice game," sabi ni Eyna at pinalamlam ang mga mata.
Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Elvin. Eyna Abanica was a man-eater. Anak ito ng isang Filipino businessman na naka-base sa Thailand at isang polo fan. She devoured on her victims. At paborito nitong biktimahin ang mga polo players. Hindi siya papayag na maging biktima nito ang kapatid niya.
Mabilis na inilapat ni Eyna ang atensiyon kay Thyago nang makitang guwardiyado niya si Elvin. "Thyago, do you have a date tonight?"
"Yes. Si Liyah!" anang si Thyago at itinuro siya.
"Wala siyang ka-date," mariin niyang wika at pasimpleng itinulak si Thyago kay Eyna. "Sige na! Mag-enjoy kayo sa date ninyo. Dalhin mo siya doon sa bagong restaurant. Di ba, may membership ka doon."
"Really? I am impressed!" wika ni Eyna at kumapit sa braso ni Thyago. Bingo! She got her claws on him. "I will make sure that we will have a great time."
Gusto niyang humagalpak sa itsura ni Thyago. Hindi nito alam kung paano hihindi o babaklasin ang braso ni Eyna. Dapat nga ay magpasalamat pa ito sa kanya dahil nagkaroon ito ng ka-date. For him, any woman will do.
"WOW! This place is really cool! Try the pandan chicken, Kuya," sabi ni Liyah at ipinaglagay ang kapatid sa plato. Nasa paborito silang Thai restaurant ng kapatid niya. May mga Thai dishes kasi na di nalalayo sa panlasang Pinoy. Doon sila madalas na kumain ng kuya niya.
"Bakit hindi ka sumamang makipag-date kay Thyago? Madalang iyong magyaya ng date sa babae. I think he likes you."
Kumunot ang noo niya. "Come on, Kuya! Thyago doesn't really like me. Parang hindi mo naman kilala ang lalaking iyon. Basta kahit sinong babae pwede na basta may maka-date lang siya."
"Not really, Liyah. Masyado kang cynic pagdating kay Thyago. Sa palagay mo ba papayag akong I-date ka niya kung tatratuhin ka lang niya na basta kung sinong babae lang? Thyago respects me."
"Bakit pa ako makikipag-date sa kanya o sa kahit sinong babae kung ikaw lang naman ang gusto kong makasama?"
"Hindi ka ba nagsasawa na laging tayo lang ang magkasama?"
"Nope!" Umiling siya at uminom ng young coconut shake. "You are so dear to me so I will never get tired of you."
Namatay ang mommy niya nang ipanganak siya. Habang ang daddy niya ay namatay sa isang aksidente habang nagte-training ito ng polo horse noong sixteen siya. Her brother took the responsibility. Ito na ang tumayong magulang niya. Di siya nito pinabayaan. Kaya naman supportive din siya sa kapatid niya. At hindi siya papayag na magkahiwalay sila.
"Liyah…"
"Hmmm?" aniya at sinulyapan ang kapatid.
"In case you don't notice, you are already twenty-one. Hindi ba dapat maging katulad ka ng ibang normal na babaeng ka-edad mo? Di na ako dapat ang kasa-kasama mo sa dinner. Go out with some nice guys. Magka-boyfriend ka naman. Iyong iko-consider mo na pakakasalan mo balang-araw."
Natigilan siya sa pagdi-dip ng special sesame sauce sa chicken pandan niya. "Ipinamimigay mo na ba ako, Kuya?"
"No! Of course not!"
"Sa tono ng pananalita mo, parang ayaw mo na akong makasama. Kita mo nga kanina. Halos ipagtulakan mo na ako makipag-date lang kay Thyago."
HIndi pa naman siya tumatandang dalaga. Kung itaboy siya nito ay parang malapit nang mawala ang edad niya sa kalendaryo.
"Gusto ko lang ma-experience mo ang mga bagay na nararanasan ng mga kaedad mo. Ayokong isipin ng mga lalaki sa paligid mo na hinihigpitan kita. You are free to date all you want. May tiwala naman ako sa iyo."
Umingos siya. "Akala ko naman mag-aasawa ka na kaya pilit mo akong pinapahanap ng boyfriend."
"Paano nga ako makakapag-asawa kung ni hindi ko magawang makipag-date?"
Hinaplos niya ang dulo ang ilong nito. "Kasi ayokong mag-asawa ka, Kuya."
"Ha?" bulalas nito sa mataas na boses. "Ayaw mong mag-asawa ako?"
Nakangiti siyang tumango. "Bakit pa? Andito naman ako para alagaan ka."
"Ayaw mo ba ng sarili mong pamilya?"
Nagkibit-balikat siya at itinuloy ang pagkain. "Ayokong gawing komplikado ang buhay ko. I am happy with just you and me. Saka paano kung di mo kasundo ang lalaking pakakasalan ko?"
"Nasasabi mo lang iyan kasi hindi ka pa nai-in love."
Gusto mo bang mabasa ang iba pang Stallion Boys in print with signature and other PHR books? Order here:
Facebook: My Precious Treasures
Shopee: www.shopee.ph/sofiaphr