"MARKY, I want to confirm the delivery of the furniture tomorrow at Lakeside Café. I have my assistant at the site. Siya na ang bahalang mag-discuss sa iba pang kailangang I-deliver sa restaurant," wika ni Dafhny sa owner ng furniture company na siyang gumagawa ng furniture para sa mga projects niya.
Ilano International was the top choice among her clients. Dahil maging sa Hollywood ay nagagamit ang mga creation nito. Isa pa ay member din ng Stallion Riding Club ang general manager na si Mark Anthony Ilano. Pili lang ang mga furnishings na ginagawa nito kaya naman mahal.
"Finally, nakapag-decide na rin ang dalawa," tukoy nito kina Richard Don at Danzelle Ann. "Mabuti at ikaw ang nakikipag-usap sa kanila. Those two might give me a migraine. Mabuti at nakakatagal ka sa mga giyera nila."
"Nasanay na akong maging referee. Nagawa nilang mag-compromise." Kaya naman nasimulan na niya ang renovation ng Lakeside Café and Restaurant.
Nire-review pa niya ang mga floor plan na gagamitin para sa ibang projects nang lapitan siya ng mommy niyang si Noemi at may dalawang mga bala ng DVD. "Hija, it's Sunday night! Tama na iyang trabaho. Mabuti pa manood na lang tayo."
Libangan na nilang pamilya na manood ng pelikula tuwing Linggo ng gabi. Nag-iisa siyang anak at tanging tagaaliw ng mga magulang niya.
"Anong movies iyan, Mommy?" tanong niya at yumakap sa baywang nito.
"Sukob at Feng Shui. Bigay ni Gianpaolo ang mga iyan."
Nahindik siya. "Ayoko niyan, Mommy! Di na lang ako manonood."
"Natatakot ka na naman? Pelikula lang iyan. Hindi naman totoo," pang-aayo nito sa kanya. "Sige na. Huwag ka namang killjoy. Excited na kami ng Daddy mo."
At siya pa ngayon ang killjoy dahil natatakot siya sa mga horror films. Alam naman niyang grateful ang mga magulang niya dahil sa pagiging malambing ni Gianpaolo sa mga ito. At di niya kailanman maa-appreciate iyon.
"Next time na lang, Mommy. Bibili ako ng mas magandang movie, okay?"
"Tiyak na magtatampo si Gianpaolo kapag di ka nanood."
"Ako na ang bahala sa kanya, Mommy," aniya at humalik sa pisngi nito. Nang mapagsolo sa kuwarto ay tinawagan niya si Gianpaolo. "Ano na naman ang DVD na ibinigay mo kina Mommy?"
"Bakit? Maganda naman ang Sukob at Feng Shui, ah! Mas maganda pa siya kaysa sa ibang mga horror films sa ibang bansa," depensa ni Gianpaolo.
"Shut up! I won't fell for your trap!" Noong minsan ay nanood siya ng The Ring na bigay nito. Binangungot siya ng isang linggo.
"Gusto mo siguro akong makasamang manood para mayakap kita, no?" nanunukso nitong tanong. "Sige, sa susunod kasama mo na ako. Yayakapin kita para di na ako matakot. Katawan ko lang ang habol mo."
"Hoy, ilusyunadong basted! Huwag kang ambiyoso. Ipakain ko pa sa mga tiyanak iyang katawan na ipinagmamalaki mo."
"Huwag! Maraming babaeng luluha kapag ginawa mo iyon."
Ngumisi siya. Kung tutuusin ay ito ang number one na kinatatakutan niya kaysa sa mga horror films. Nakakatakot na tangayin ng hangin nito.
"Come on! Luluha sila sa tuwa. I did them a favor. Di mo sila mabibiktima." Saka siya humalakhak ng nang-iinis. "O, paano? Saka mo na lang ako inisin, ha? Sa susunod tiyakin mo na di ako makakalusot."
Tatawa-tawa niyang tinapos ang usapan nila at binuksan ang email. It was a ritual that she usually does. Tuwing gabi na lang kasi niya nabubuksan ang personal email niya. Sa umaga ay ang business email lang niya ang naasikaso niya.
Nagtaka siya nang dumating ang isang email mula kay Gianpaolo.
Subject: I'm sorry.
Nagtaka siya. Isa yatang himala. Nagso-sorry ang kumag. Siguro dahil na-realize nito na wala naman itong mapapala sa pang-iinis sa kanya.
Nang buksan niya ang email ay may video na nakalagay doon.
Something to cheer you up.
Kumunot ang noo niya nang mabasa ang mensaheng iyon. Matiyaga naman siyang naghintay sa paglabas ng video.
Una niyang nakita ay isang kuwarto… mukhang abandonado ang lugar. Lumipas ang ilang segundo ay wala namang nangyayari. Hanggang makita niya ang isang puting bagay na gumalaw. Mabilis iyon. Nang ganap na lumapit ang bagay camera ay mukha iyon ng isang babae na nanlalalim at nangingitim ang mata. Nangingitim din ang ngipin at sabog-sabog ang buhok. Isang white lady.
Napatili siya nang malakas na bumulabog sa buong kabahayan. Kasunod niyon ay ang malakas niyang sigaw habang mangiyak-ngiyak siya.
"I hate you, Gianpaolo!"
Be a Sofia subscriber. Send me a hi on Sofia PHR Page's Messenger on Facebook.