It was just a simple brush at first. But Tamara was addicted to that taste of Reid. He kissed her once and she wanted some more.
Her knees turned into jelly. The darkness fueled more passion within her. Dahil alam niyang wala namang ibang makakakita sa kanila. Yumakap siya sa leeg ni Reid. She opened her lips so that he could deepen the kiss.
Ah, it was sheer heaven when his lips probed her. Pakiramdam niya ay nakikilala pa niya ang isa pang bahagi ni Reid kapag hinahalikan siya. He was a passionate yet a gentle man. He was taking something from her but he only pleasured her tenfold in return. She was hungry for him. She wished the kiss would last forever.
She was blinded by the light. Nang idilat niya ang mga mata ay nakatutok sa kanila ang spotlight. "Reid," usal niya at bahagya itong itinulak.
Dumilat din ito at nasilaw sa liwanag. "What the…"
Kasunod niyon ay nagsigawan ang lahat ng guest. May nagpalakpakan pa. Sa kanila na naka-sentro ang spotlight. Kitang-kita ng lahat nang halikan siya nito.
"Our kissing couple of the night, Reid Alleje and Tamara Trinidad."
"I will kill Neiji for this," mariing bulong ni Reid habang masama ang tingin sa ngingisi-ngising si Neiji. Di lang ito nag-iisa. The rest of the Stallion boys were wearing a grin. Looked like they enjoyed the show.
Naisubsob niya ang mukha sa dibdib ni Reid sa sobrang kahihiyan. "I want to die, right here, right now."
"Get hold of yourself, Tamara. That's what husbands and wives do."
"Shut up!" mariing wika niya kay Reid. She wanted to run away from him. She wanted the whole crowd to disappear. Subalit di siya makagalaw sa kinatatayuan dahil nanlalambot pa ang tuhod niya.
Reid would pay for that kiss. Big time.
NANGANGAWIT nang ngumiti si Tamara habang nagpapaalam sa mga guest ng party. Katabi nila ni Reid ang mag-asawang Winry at Neiji. Obligado siyang samahan si Reid. Kasama daw sa role nito na batiin ang mga guest habang paalis bilang may-ari ng Stallion Riding Club.
"That was a perfect kiss. Nakakakilig!" anang mommy ng member na si Gabryel Honasan. "My husband and I can't compete. Kung kasing edad lang siguro ninyo kami, kami ang mahigpit ninyong makakalaban."
"Baka po kayo na ang mapili next time," nakangiti niyang sabi.
"Congratulations!" nakangising bati ng chef ng Rider's Verandah na si Gino. "I never thought that you could kiss like that. Nagalit pa sa akin si Miles kung bakit di kami ang nanalo. Kulang siguro kami sa practice."
Siniko ni Miles si Gino. "HIndi ko sinabi iyon!"
"Wala naman talaga kaming practice," nausal niya.
Lalo lang tuloy silang inulan ng kantiyawan ni Reid. "Wala pa pala kayong practice nang lagay na iyon," nanunuksong wika ni Celeste.
"May sinasabi ka, Doctor Celeste?" tanong ni Reid habang may banta sa mga mata. Mukhang napupuno na rin ito sa panunukso sa kanila.
Namutla si Celeste. "Ah, kayo na po ang maghatid kay Tamara, Sir. 'Night!" At nagmamadali nang umalis ang kaibigan niya.
"Reid, hindi na ako makakatagal dito. Umuwi na tayo," pakiusap niya. Di naman siya katulad ni Reid na matatag ang dibdib sa mga panunukso.
"Ilang guest na lang ang natitira. Matatapos din tayo dito."
Kinuyom niya ang palad. Isa pang tukso sa kanila, magwo-walk out na siya.
"It is a nice party!" nakangiting wika ni April nang lapitan sila.
"Thank you," wika ni Winry.
"I had a great time," sabi nito at tumingin sa kanila ni Reid. Pinili ni Reid ang pagkakataong iyon para kausapin ang kapatid ni April kaya siya na langa ng kinausap ng dalaga. "Thanks for being nice to me tonight. Hinayaan mong isayaw ako ni Reid."
"You should thank Reid. Hindi ka niya sinungitan, di ba?" sabi niya.
"Magiging masungit pa rin siya sa akin kundi dahil sa iyo. And I give up! I won't pursue Reid anymore."
Nagulat siya. Mukhang pursigido pa mandin ito kay Reid. "But why?"
"When I saw you kiss, I realized that he'd never kiss me that way. Kahit pa siguro tutukan ko siya ng kanyon. Paano naman siya mai-in love sa akin kung nakatagpo na siya ng isang katulad mo?"
Umiling siya. "There is nothing between me and Reid."
Ipinadyak nito ang paa. "Manhid ka ba? He likes you."
"Reid Alleje, magkakagusto sa isang babae? Give me a break!"
"I will give you two time. Babawiin ko si Reid sa iyo kapag di mo siya inalagaan. He needs a woman who will love him. He needs a queen."
"He is fine being a king alone." Hindi siya nito kailangan.
"April, let's go!" tawag dito ng kapatid nito.
Tumingkayad si April at kinintalan ng halik sa pisngi si Reid. "Goodbye, Reid!"
Tahimik siya nang ihahatid siya ni Reid sa lodge. "Nandito na tayo."
Nilingon niya ito. "Reid, why did you kiss me a while ago?"
"Nang mamatay ang ilaw, tinawag mo ako. I thought you want to join the kiss in the dark game."
Her jaw dropped. "You kissed me because of a game?"
"May iba pa bang dahilan para halikan kita?"
Nakuyom niya ang palad. Masyado siyang nagpadala sa ilusyon niya at sa sinasabi ng iba. Akala niya ay espesyal siya kay Reid. Akala niya kahit paano ay may nararamdaman ito para sa kanya. For a cold man to kiss her that way, it must mean that there was something more with a simple kiss. Mali pala siya,
"Hindi ko naman alam na laro lang iyon. And you kissed me like that just to win that silly game?" tanong niya habang nararamdaman niyang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso niya. Bumaba ang tingin niya sa sarili niya.
Sumandal ito sa headrest ng upuan. "Why are you making a fuzz about it?"
"Kung ibang babae ba ang ka-date mo, ganoon din ang gagawin mo."
"No. I am honor bound to you as your husband."
She smiled sardonically. "How convenient! You will kiss me and will tell me that it's okay because we are married whenever it suits you, right?"
"Ano ba ang ikinagagalit mo?"
"Pumayag akong maging ka-date mo dahil may atraso ako sa iyo. Pero wala kang karapatan na halikan ako!"
"Isipin mo na lang na bayad iyon sa pagsasayaw namin ni April."
Gusto niyang sabunutan ang sarili sa inis dito. Unfeeling talaga ito kahit kailan. "Well, that kiss won't happen again."
"Kung ako ang masusunod, ayoko rin naman. But you asked for it. Magpasalamat ka nga dahil pinagbigyan kita."
"I didn't ask for it!" sigaw niya. Dinuro niya ito. "Stay away from me from now on! Di mo ako pwedeng kausapin maliban sa trabaho. Tratuhin mo ako bilang empleyado mo at huwag mo nang sasabihing asawa mo ako!"
"Mas pabor sa akin iyon."
"Gaano katagal pa ako dito bago natin ituloy ang annulment?"
Tumingala ito. "Let me see. Two years, three years… uhmm… maybe six!"
"No! Isang taon lang ibibigay ko sa iyo. Sa palagay ko sapat na ang panahon na iyon para malinis ang pangalan mo na sinira ko!" mariin niyang wika. Kasing diin ng pagkakabagsak sa pinto ng kotse nito nang ibalibag niya.
Di na siya pwedeng paglaruan ni Reid. Di na siya papayag na pahirapan nito ang loob niya habang tino-torture ng halik nito.
Ipinilig niya ang ulo. Sino ba ang mag-aakalang aabot sila sa ganito? Sana pala ay inilagay niya sa kontrata na bawal siya nitong halikan, bawal siyang akitin.
She could feel her heart screaming his name. Nai-in love na ba siya dito?
Ready ka na ba para sa Book 2?
Mag-ingay ang gusto na masunda ito agad.
Please don't forget to give review, spirit coins and gifts to show your appreciation.