webnovel

Chapter 19

Sakit agad ng latay sa likod ni Keira ang naramdaman niya paggising. Sa isa pang guestroom sa villa siya itinuloy nito. Doctor Kester, riding club's resident doctor, put her under sedation. Pakagamot sa kanya ay gusto sana niyang umalis agad para makausap si Monica subalit ayaw ni Eiji. Di na siya makatutol nang bigyan siya ng sedative at nakatulog.

Nakaupo ito sa tabi ng kama habang hinahaplos ang buhok niya. "Huwag ka munang maggagalaw. Magpahinga ka muna."

Nakatagilid siya dahil di niya maaring ihiga ang likod. "I am okay. Parang kagat lang naman ng langgam ang sakit." At pilit siyang ngumiti. Ayaw na niyang alalahanin pa siya ni Eiji. Sanay naman siya sa sakit.

"With that ugly gash at your back, milyon-milyong langgam siguro ang kumagat sa iyo." Ginagap nito ang kamay niya. "Huwag ka nang magtangkang bumangon dahil ipapa-sedate lang ulit kita."

Bumangon siya. "Eiji, nasaan si Monica?"

Tumiim ang anyo nito. "Ipinahatid ko na pabalik sa Manila. She is banned from the riding club."

"Bakit naman?" nag-aalala niyang tanong. Gustong-gusto pa mandin ni Monica sa riding club. At pangarap rin nitong makasama si Eiji.

"Hindi ko desisyon iyon. It is the riding club management's decision, Reid himself. Mahigpit na patakaran sa riding club na manakit ng kabayo. Kahit sa training ninyo, maximum tolerance ang ginagawa ninyo. Nadoble pa ang kasalanan niya dahil sinak tan ka rin niya. Rules are rules."

"Hindi na ba siya mapapatawad?" Malaking kahihiyan para kay Monica na ma-ban sa riding club. Naaawa siya para sa pinsan.

Bumuntong-hininga ito. "Hindi iyon ganoon kasimple, Keira. Everything was caught on camera. Mahigpit ang pagmo-monitor sa mga kabayo dito. If there is an animal abuse, the penalty is applied right away. Na-monitor sa camera sa stable ang ginawa ni Monica. Kaya nga itinawag sa akin mula sa control center ang nangyari. Bumalik agad ako dito at naabutan kong pati ikaw sinaktan niya."

"Nagalit lang siya dahil biglang nagwala si Serenity. Akala niya tama lang na turuan niya ng leksiyon si Serenity sa ganoong paraan," depensa niya kay Eiji. Gusto niyang mabawasan ang galit nito kay Monica.

"Stop justifying what she did. Matagal ka nang horse trainer. Hindi kailangang gumamit ng dahas kapag tinuturuan sila ng leksiyon."

"Hindi naman horse enthusiast si Monica. Muntik na siyang mamatay at akala niya iyon ang paraan para gumaan ang loob niya."

"At hindi na gagaan ang loob ko sa kanya. Mali na saktan niya si Serenity." Lumamlam ang mata nito nang kintalan siya ng halik. "Mas lalong mali na saktan ka niya. Iyon ang hindi mapapatawad ni Reid. At lalong di ko iyon mapapatawad."

"Eiji, aksidente lang iyon."

"Aksidente o hindi, sinaktan ka pa rin niya," giit nito. Isinubsob nito ang mukha sa buhok niya. "Nang makita kong sinaktan ka niya, parang namatay ako sa kinatatayuan nito. I can't bear to see you hurt."

Nang tumingala siya ay misty ang mata nito. Umiiyak ito para sa kanya? Ibinaba niya ang tingin at hinayaang itago ang mukha nito sa buhok niya. Ganoon ba katindi ang pagpapahalaga ni Eiji sa kanya?

"I am not really hurt. Hindi nga masyadong masakit."

Mahigpit siya nitong niyakap. She had a feeling that he wanted to crush her. "I could really strangle her for hurting you. You are the person I cared for the most."

"Huwag ka nang magalit kay Monica. Pinsan ko naman siya," lambing niya.

"Hindi ako papayag na may manakit sa iyo kahit siya na lang ang nag-iisa mong kamag-anak. Kung sasaktan ka niya, mabuti pang di ka na niya makita kahit kailan," matigas nitong wika. "Ayokong masasaktan ka."

Nakangiti niyang ipinikit ang mata. Nararamdaman niya ang sincerity ni Eiji. He wanted to treat her like a porcelain doll. Kahit anong sabihin niyang di siya nasaktan ay di ito nakikinig. Bumuntong-hininga siya. Di na niya ito kinontra pa. Kung ito man ang makikita niyang masasaktan, iyon din ang gagawin niya.

"Naawa ako kay Monica. She must be hurting right now," usal niya.

"Malaki na siya. Kaya na niya ang sarili niya."

"Pero kamamatay pa lang ni Uncle. Baka ano pa ang mangyari sa kanya. Ayokong may masamang mangyari sa pinsan ko."

"This is from the girl who could throw a mean punch and tame the wildest horse. Masyado kang malambot pagdating kay Monica."

"She's the only relative I've got. Ulila na ako. Ulila na rin si Monica. Wala na siyang ibang babalingan kundi ako lang." Kahit na sinaktan pa siya ng pinsan niya ay magpinsan pa rin sila. Iintindihin pa rin niya ito at tatanggapin.

"Mukhang hindi ka niya nakikita tulad ng tingin mo sa kanya. She uses you whenever it suits her. Akala mo siguro di ko napapansin na pinaglalapit mo kami. Iyon ang gusto niyang mangyari, hindi ba?"

Yumuko siya. "Gusto ka niyang makasama habang nandito sa riding club. Pinagbigyan ko lang siya. Wala namang masama, hindi ba?"

"Walang masama? Akala tuloy niya may gusto din ako sa kanya. Don't put me on the spot again. Kaya laging matalim ang tingin niya sa akin kapag binabanggit kita. She is a spoiled brat. Huwag mo na siyang kunsintihin."

"Gusto ko lang maramdaman na may nagmamahal sa kanya."

Ikinulong nito sa palad ang pisngi niya. "Sa palagay mo ba naa-appreciate niya ang pagmamahal mo? Alam kasi niyang napapaikot ka niya. Wala na siyang inisip kundi ang sarili niya."

"She's in love with you."

"I don't think that is love. Huwag mo na siyang ipilit sa akin. Wala akong planong magmahal ng ibang babae."

"Will you forgive her?" she asked then kissed his chin.

"Is that small kiss a bribe?"

"No. I just want to show you that I feel better now."

"You really won't stop!" Hinaplos nito ang pisngi niya. "Kahit ano pang sabihin mong okay ka, di basta basta mawawala ang galit sa dibdib ko. Nakita ko kung paano ka niya hampasin ng latigo sa mismoang harapan ko. Di iyon maalis sa isip ko. Dahil nang masaktan ka, mas nasaktan ako. Sinaktan niya ang babaeng mahal ko. Ako na lang sana ang sinaktan niya kaysa sa iyo."

Niyakap niya ito. "Hindi na kita pipilitin kung hindi ka pa handang patawarin siya. Pero payagan mo naman akong kausapin siya. Please?"

"Ayoko! Baka ano pang gawin niya sa iyo. What if she lashes out her anger on you again? I swear, I will kick her out of your life forever."

"I will be fine." Itinaas niya ang kamay. "Promise."

Umiling ito. "Wala akong tiwala sa pinsan mo. I don't want to take chances."

"Okay na ako." Kinabig niya ang ulo nito at pinagsanib ang labi niya.

Eiji kissed her passionately. Naramdaman niya ang matinding pangungulila nito sa kanya pati na rin ang pag-aalala nito. And there was this emotion that he wanted to protect her when he slowed down the kiss. She never thought that she could read all those emotions with just a single kiss.

Nakangiti na siya Eiji nang maghiwalay ang labi nila. "Mukhang magaling ang gamot ni Doc Kester. Magaling ka na nga."

Malapad ang ngiting isinagot niya. "Ibig sabihin pwede ko na siyang makita?"

"Sige. Pero kapag magaling ka na."

Niyakap niya si Eiji. Alam niyang sa huli ay di rin siya nito matitiis. Lagi pa ring nangingibabaw ang pagmamahal nito sa kanya. Sana ay dumating na rin ang pagkakataon na masasabi na niyang mahal niya ito nang walang pipigil sa kanya.

下一章