webnovel

Chapter 8

YOANNA was enjoying the silent lap of waves at the banks of Taal Lake. Nasa outdoor porch siya dahil gusto niya ang view doon kapag gabi. The popular crater was just a shadow. Doon niya gustong mag-dinner. Tahimik. Walang magulo. Walang nangungulit at nakakapag-relax siya.

"Finally! Nakita rin kita, Yoanna," sabi ni Rupert, ang anak ng senador na sunod nang sunod sa kanya. "Kanina pa kita hinahanap. Sa guesthouse, sa gym, sa stable, sa arena…"

"Ano naman ang gagawin ko sa stable at sa arena. Gabi na. Wala nang game ngayon. Saka bakit naman hinahanap mo ako?" iritado niyang tanong. Ito kasi ang major na panira sa araw niya. Minsan kasi kung magsalita ito ay parang kayang ibigay sa kanya ang buong Pilipinas. May kayabangan.

"Yayayain sana kita na makipag-date."

She sipped her tea. "I told you I am busy. Wala akong oras sa mga ganyang klaseng kalokohan."

"Lagi ka namang busy. Sige ka, malapit na rin akong maging busy. Baka mapagod na ako sa kayayayang makipag-date sa iyo. Malapit na ang eleksiyon. Plano kong tumakbo na governor sa province namin."

"Eh, di maging busy ka at tumakbo kang governor." Mas okay nga iyon sa kanya dahil kapag busy na ito, wala na itong pagkakataon para bulabugin siya.

"I also want to marry you."

Nasamid siya at napaubo sa sinabi nito. "Rupert, hindi ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo? Kung makipag-date sa iyo, ayokong pumayag. Mas lalo namang wala sa hinagap ko, kahit pa sa bangungot, na pakakasalan kita."

Kaawa-awa naman ang probinsiyang tatakbuhan nito oras na manalo ito. They would elect a first-rate loser. Sayang lang ang kaban ng bayan. Alam naman niya kung bakit siya ang kinukulit nito. Sikat kasi ang nasira niyang lolo sa probinsiya nito dahil dating mayor doon ang lolo niya.

Natigilan ito. Di inaasahan ang rejection niya. Samantalang sanay na sanay naman itong I-reject niya. "Ayaw mong makipag-date sa akin? Ayaw mo rin akong pakasalan? I will buy you a nice engagement ring. Iyong kaiinggitan ng lahat ng babae. Gaano ba kalaking diamond ang gusto mo."

Malungkot siyang ngumiti. "I-donate mo na lang sa mga nangangailangan ang ipambibili mo ng engagement ring. Mas makakatulong pa iyon sa reputasyon mo para manalo ka sa eleksiyon. Good luck!"

Tumiim ang anyo nito. Sobrang tinapak-tapakan na kasi niya ang pride nito. "You will regret this, Yoanna. Hahanap ako ng mas maganda sa iyo. Iyong sikat. At kapag gusto mo na ako, baka ikaw naman ang hindi ko na pansinin. Hahabul-habulin mo tiyak ako. It will be your loss, not mine."

Kumaway pa siya dito habang paalis ito. "Good luck din sa love life mo!"

She went back to leisurely sipping her tea. Subalit tuluyan nang nawala sa isip niya ang pagre-relax nang makita si Kester na palapit sa kanya. Mukhang tapos na itong mag-work out and he was wearing a casual polo and slacks. At katulad niya, mukhang ready na rin ito para mag-relax mula sa mahabang trabaho.

Kanina ay nagawa niya itong takasan sa gym. At sa pagkakataong ito, kailangan ulit niya itong takasan. She wanted to relax. Wala na siyang lakas para sa isa pang head on collision sa pagitan nila. Naubos na ang powers niya kay Rupert kanina. Tama na siguro iyon para sa isang gabi.

Hinarangan nito ang dadaanan niya at pinigilan siya sa braso nang tangkang lalagpasan niya ito. "The night is still young, Yoanna. Huwag mong sabihin na aalis ka na agad."

Humikab siya. "The tea I drank a while ago made me sleepy. Good night."

"As if I will easily let you get away after what you said a while ago. Nakatakas ka siguro sa gym pero hindi na ngayon. We need to talk."

"Ano naman ang gusto mong pag-usapan? Ang tungkol sa pagiging bato mo? Totoo naman, hindi ba? You are made of stone. Kahit kasi anong gawin sa iyo, wala kang pakialam. Manhid ka!"

"I am made of stone? But it didn't stop you from wanting me."

She rolled her eyes. "You are really so full of your self, Doctor Mondragon. Oh, yes! I am attracted to you. I want you. Pero hindi naman ako in love sa iyo. There is a big difference between the two. At bakit naman ako mai-in love sa isang tulad mo na bato? Maybe you don't even know how to kiss. And that would be boring. No fun at all."

He gently pulled her arm and their bodies touched. "I am boring? I don't even know how to kiss? And you even insinuated before that I am a virgin. Are you really trying to provoke me?"

Lakas-loob niyang sinalubong ang tingin nito. Kahit na nanghihina siya dahil nararamdaman niya ang init ng katawan nito. If only she was like the other girls who wanted him. She would willingly succumb to his charms. At hindi na siya papayag na makita pa nito ang kahinaan niya. Kundi ay tatapakan na naman siya nito.

"Provoke you by what? Telling you the truth? Totoo naman, hindi ba? Daig mo pa ang estatwa kapag may babae sa paligid mo."

"Hindi dahil gustong-gusto kang I-date ng ibang lalaki, ganoon na rin ako. Not all men will ask you out on a date. I am not like that sorry guy you rejected. Maybe you also enticed him with your charm. At kapag nakuha mo na ang atensiyon niya, you will just drop him. Ganoon din ba ang gagawin mo sa akin? You will tempt me to go out with you. And it is like a trap. Once I am caught, you will dump me. I will never fall for that kind of trap."

Dinuro niya ang dulo ng ilong nito. "Listen to your self, Doc! Kasi hindi ko alam kung ako ba ang kinukumbinsi mo o ang sarili mo. I told you that I am not interested with you anymore. Kung nasaktan man ang pride mo, problema mo na iyon. At mas lalong wala akong balak na makipag-date sa iyo."

"That is nice to hear. But I want you to take back what you said a while ago."

"Alin sa sinabi ko? Na bato ka?"

"No." Inilapit nito ang mukha sa kanya. "That I am not a good kisser."

"I said maybe. Hindi ko pa naman alam. Kaya nga baka lang."

"That's the point. Hindi mo pa nga alam kaya bawiin mo na."

"Okay. Maybe you are a good kisser." Hindi naman niya pwedeng sabihing good kisser nga ito dahil di pa naman siya nito nahahalikan.

"That word maybe is pissing me off. I guess it is high time that you put the word 'maybe' out of your dictionary."

He cupped her face and fiercely claimed her lips for a kiss. Nag-aapoy ang labi nito na dahan-dahang tumutupok sa pagkatao niya. It wasn't gentle but he took her lips with care. Ni hindi niya alam kung paano sasagutin ang halik nito. It was so sudden, her brain stopped functioning. Ang alam na lang yata niyang gawin ay tanggapin ang lahat ng sensasyong ibinibigay at ipinadarama ng halik nito.

So this is what a kiss should feel.

Nakatulala na lang siya matapos nitong halikan. He was not a good kisser. He was an excellent kisser. Pakiramdam niya, lahat ng cells niya sa katawan ay nayanig sa halik na iyon. Drat! Pinag-aralan din ba nito sa medical school kung paano humalik nang halos mapapasabog na ang utak ng isang babae?

"So much for telling me that I am not a good kisser." He touched the corner of her lips. "You don't know how to kiss yourself. How ironic!"

Nang matauhan siya ay naglalakad na ito palayo sa kanya. He kissed her and she had no comeback from the snide remark. He was right. Di nga siya marunong humalik. Drat him! Did he really have to do that just to make a point?

At ang masama ay pinagtatawanan pa siya ng walanghiya. Sinabihan pa siyang di marunong humalik. Gusto sana niyang pangibabawin ang inis dito pero parang hinigop na nito ang lahat ng lakas niya. Bukas na lang siya magagalit. For now, she would just dream. Because that kiss was something to dream about.

But just for tonight.

下一章