Excited mag-gym si Yoanna. Matapos ang isang buong araw na pagtatrabaho, iyon lang ang araw niya para mai-release ang tensiyon niya. Napakaraming kailangang gawin sa guesthouse at bilang manager, sa kanya bumabagsak ang mabibigat na trabaho. Mabusisi kasi siya. Gusto niya ay nasa ayos ang lahat. Terror nga daw siya sabi ng mga staff niya kapag may mga di nasusunod sa mga utos niya. Importante kasi sa kanila ang service sa mga guest.
Bumalik naman sa normal ang araw-araw niyang buhay. Di na kasi siya binubulabog ni Kester. At least he learned his lesson. Kaya naman nakakahinga na siya nang maluwag dahil di ito pumupunta sa isang lugar kapag alam nitong naroon siya. Di na niya kailangan pang umiwas dito.
"Ma'am Yoanna, alam mo ba na sunud-sunod ang nadidisgrasya ngayon sa riding club. Nitong linggo lang na ito."
"What's wrong?" tanong niya at nilingon si Maricon. Nasa treadmill sila pareho. Wala na kasi silang oras mag-exercise sa umaga kaya sa pagkalabas na lang ng trabaho sila nagwo-work out. "Hindi naman maulan ngayon. Hindi delikado mag-horseback riding. That's weird."
"Hindi lang iyon, Ma'am. Puro mga babae pa ang nadidisgrasya. Nahuhulog sa kabayo, nakakaladkad, nakakagat ng langgam. Punung-puno nga ang clinic."
"Ano? Pati ba kagat ng langgam isinusugod na rin sa clinic? Ano naman ang problema ng mga babaeng iyon?"
Maricon let out a sigh. "Natural lang siguro na mag-acrobatics ang kahit sinong babae para lang makuha ang atensiyon ni Doc Kester. With that hunk of a doctor, kahit sino mai-in love," kinikilig nitong sabi.
Umingos siya at binilisan ang speed ng treadmill. "How cheap! Kailangan mo ba talagang saktan ang sarili mo para lang mapansin ng isang lalaki?"
Kahit nang kasagsagan niya ng kabaliwan kay Kester, di naman niya naisip na saktan ang sarili niya para lang makuha ang atensiyon nito. Nakakakonsensiya. Maraming tao ang nangangailangan ng medikasyon at doktor na di naaabot ng tulong. Tapos ang iba ay nagpapanggap lang para magpa-cute.
"You are right. It is cheap," sang-ayon nito.
"And I don't think Kester is worth all the attention. Bago lang siya dito sa riding club kaya siya ang pinagkakaguluhan ng mga babaeng iyan. At ikaw, Maricon, huwag kang sasali sa kalokohan ng mga iyan. Magiging cheap ka rin…"
Subalit wala na sa kanya ang atensiyon nito. Nakatingin na ito sa entrance ng gym. Nang sundan niya ang tingin nito ay nakatitig ito kay Kester na kapapasok pa lang. He was not wearing his doctor's coat. Naka-sports polo lang ito at jogging pants. Tapos na rin ang duty nito at mukhang balak lang mag-work out.
"Si Doc Kester, o!" anang si Maricon at di maitago ang matinding kilig. "Doc Kester! Doc Kester!" Kumaway ito at tumili. "Doc!"
Bumitiw ito sa pagkakahawak sa treadmill at bumagsak sa sahig. Mabilis niya itong dinaluhan. "Maricon, anong nangyari sa iyo?"
"Ah! Ah! Masakit!" sigaw nito na parang gusto pa yatang ipagsigawan sa buong riding club ang aksidenteng nangyari dito.
Naramdaman niyang umuklo si Kester sa tabi niya. "It's okay. I am here. Ako na ang bahalang tumingin," sabi nito.
"Thanks, Doc. Nandito na kayo," malambing na sabi ni Maricon. "Nalaglag ako sa treadmill. Masyado kasing mabilis."
Okay naman ito sa treadmill kanina. Di naman ito babagsak kundi ito nagtitili at nagkakaway kay Kester. Tumayo siya at mataman itong pinagmasdan. Parang naghihinala siya kung may masakit nga ba dito o nagsasakit-sakitan lang ito.
"Anong masakit sa iyo?" tanong ni Kester.
"I-Itong binti ko," anitong hawak ang binti.
"Dito ba?" Pinisil ni Kester ang bahagi ng binti nito na maaring may diperensiya. "Dito?"
"Aray! Aray!" usal nito. Kahit saan yatang hawakan ni Kester ay umaaray ito. "Masakit talaga. Parang mababali ang binti ko."
"Dito ba?" At hinaplos ni Kester ang unang sinabi nitong masakit.
"Oo. Diyan nga. Sige pa! Sige pa!" nakapikit na usal ni Maricon. Sa palagay nga niya ay di naman ito nasasaktan. Mukhang nag-e-enjoy pa ito.
"Feeling better?" tanong ni Kester.
"Sige pa, Doc. Sige pa. Nawawala ang sakit kapag ginagamot ninyo ako."
Tumaas ang kilay niya at humalukipkip. Cheap pala, huh! Bakit ngayon ay nakikisali na ito sa mga babaeng nagpapanggap na naaksidente para mapalapit kay Kester? Masasabunutan talaga niya ang babaeng ito.
"Maricon, honey! Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Damian, ang isa sa mga staff din niya at boyfriend ni Maricon.
Nawala ang ngiti sa labi ni Maricon nang makita ang nobyo. "Anong ginagawa mo dito? Di ba sabi mo wala kang balak mag-work out dahil maglalaba ka pa?"
"Tinawagan ako ng staff ng gym. Nadisgrasya ka daw. Anong masakit sa iyo? Ako na ang bahalang gumamot," malambing na sabi ni Damien.
"Hindi na kailangan. Nagamot na ako ni Doc Kester." Tumayo si Maricon na parang walang anumang nangyari. "Halika na nga! Umalis na nga tayo!"
"Maricon, kaya mo na ba?" tanong ni Kester.
Ngumisi lang si Maricon. Saka lang yata naalala na wala naman talagang masakit dito. "Y-Yes, Doc. I am okay now. Magaling po kasi kayong doktor." Saka nito kinaladkad palayo si Damian. "Halika nga! Nakakainis ka talaga!" Tiyak na naiirita si Maricon dahil nawalan ito ng chance na magpa-cute kay Kester.
Inokupa niya ang treadmill na gamit kanina at nagpatuloy sa pagwo-work out. Habang si Kester ay sumampa naman sa treadmill na binakante ni Maricon. "Hello, Yoanna! Great shape," he commented as he eyes her body.
"Thanks!" pormal niyang sabi. "Mabuti naman at may time kang mag-work out, Doc. Puro casualties ang inaasikaso mo."
"Wala naman nang masyadong nadisgrasya ngayong araw na ito at hindi rin malala. Mabuti nga at napahinga naman ako. Pero kailangang lagi pa rin akong on call. Mabuti na lang nandito ako kanina nang maaksidente si Maricon."
"Yes. Accidents, accidents everywhere. So how does it feel to be a doctor hunk? The girls are practically falling on their knees just to get your attention."
Bigla itong lumingon sa kanya. "What?"
"You are a doctor. Alam mo kung kailangan orchestrated ang isang pangyayari, kung nasaktan nga ang pasyente mo o hindi."
"Bakit ka nakasimangot? Nagseselos ka ba sa kanila?"
Humalakhak siya na may halong panunuya. "With those cheap tricks? Sa palagay mo ba magseselos ako sa ganoong klase ng cheap strategy. It is just a waste of time, Kester." She stopped the treadmill and stepped down. Nakapamaywang niya itong pinagmasdan. "And you are just a waste of time. You are not even worth anybody's attention."
"What did you say? I am worth anyone's attention?"
Umangat ang gilid ng labi niya. "Because you are made of stone."
Saka siya tumalikod. Naiwan niya itong nakatulala. It must be like a slap on his face. Pero ano ba ang dapat niyang ipag-alala. Bato naman ito. Wala itong nararamdaman. At kung wala pang nagsasabi dito na manhid ito at walang pakiramdam, she was glad that she did the honor.
Please send a "Hi" message to Sofia PHR Page on Facebook to get the latest news, info, book release, event and promos.