webnovel

Chapter 29

"TELL MOM that I will visit her next week. Gusto ko sanang samahan ka pero maraming clients ngayon. Just call me if you have problems," anang si Rolf kay Illyze at hinalikan siya sa pisngi. Halos sa riding club na rin umiikot ang trabaho nito. He turned it into his own office. At may facilities rin sa riding club para makapag-conduct ng mga business meetings at conference.

"Thanks, Kuya. Thanks for letting me stay here," she said with a sad smile.

"Are you sure you can drive on your own? Di ka halos nakatulog."

"Come on, I am used to it. Noong first time kong pumunta dito, mahigit tatlong araw akong walang tulog. I will be fine, bro."

His lips compressed. "Kung bakit hindi man lang tumawag sa iyo ang Romanov na iyon. Pinag-aalala ka niya. Kapag nakita ko siya…"

Matalim niya itong tiningnan dahil may pagbabanta sa mga mata nito. "Don't you dare hurt him. I want to handle things on our own. Problema namin ito."

"Paano kung dumating siya?"

"He knows where to find me. If he wants to find me." Hindi niya alam kung gusto pa rin siyang makita ni Romanov. Or maybe he would prefer to find solitude elsewhere. Away from the riding club. Away from her. At kapag nangyari iyon, di niya alam kung susundan pa niya ito o isusuko na lang ang pagmamahal niya.

"Nandito na pala siya!" anito at itinuro ang paparating na kotse ng binata.

Nag-park si Romanov sa tapat mismo ang villa nito. Bumaba ito at tumakbo papunta sa kanya. "Illyze, are you leaving?"

Pinisil ni Rolf ang balikat niya. "Sa loob muna ako." Mukhang binigyan sila ng pagkakataon na magkausap nang sarilinan.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Romanov na puno ng pag-aalala.

"Somewhere away from here."

"Bakit? Dahil ayaw mo na akong makita?"

Umiling siya. "No. I simply have to go."

Hinawakan nito ang kamay niya. "As if I will let you." Sa higpit ng hawak nito sa kanya, parang mapuputol na ang daloy ng dugo niya. "We have to talk."

Binawi niya ang kamay dito. "Romanov, I really have to go. Baka ma-traffic pa ako kapag hindi ako umalis ngayon. "Kung gusto mong mag-usap tayo, sa ibang araw na lang. O kaya…"

Umikot ito at binuksan ang kabilang pinto. He took the front seat without asking for her permission. "Then I am going with you if you want to go. Hindi ako aalis hangga't hindi tayo nag-uusap," he stated firmly. "Kahit na tawagin mo pa ang Kuya Rolf mo para hilahin ako, hindi ako aalis. I won't let you out of my sight."

Napilitan siyang pumasok ng kotse at nagmaneho. Sa palagay nga niya ay di siya nito titigilan hangga't di sila nakakapag-usap. "Okay. Ibababa kita pagdating sa gate ng club kung di pa rin tayo tapos mag-usap."

"Sandali lang ang oras natin. Malapit lang ang entrance ng riding club dito."

Bahagya siyang ngumiti. "We are taking the Mountain Trail."

His face became more solemn when he started to talk. "I am so sorry for being mean," he said in a kind voice.

Madalang niyang marinig ang tono na iyon. Madalas kasi ay masungit ito. That even if he apologized, he still had that haughty impression around him.

"You were not mean, Romanov. You just put me in my place. You are right. It is none of my business. Wala akong karapatan na makialam. Wala akong karapatan na magdikta kung ano ang dapat mong gawin. It is your life after all."

He shook his head. "No! You got it all wrong. Di ko sinabi iyon dahil hindi ka importante sa akin. I just don't want you to intrude with that problem. That incident with Jewel brought me so much pain that it paralyzed my heart. May pagkakataon na pakiramdam ko na hindi ako tao. Ayoko lang na madamay ka sa problema na iyon. I don't want to involve you to the pain I've been through."

Nagulat siya at naipreno ang sasakyan. Napalingon siya dito. "Does it mean that you don't hate me?"

Who wants their own book copy of Stallion Series? Visit us at My Precious Treasures on Facebook and www.shopee.ph/sofiaphr to get Stallion books and Stallion merchandise.

Sofia_PHRcreators' thoughts
下一章