webnovel

Chapter 22

"What the…" Hinaplos ni Illyze ang pisngi niya at may bakas ng pintura ang daliri niya. Matalim niyang tiningnan si Romanov na nakaupo sa sahig at enjoy na enjoy siya na pagtawanan. "You!"

Akala niya ay nagagandahan nga ito sa kanya. That he would kiss her passionately because he found her beautiful. He tarnished her pretty face. Iyon pala ay gagawin lang siya nitong laughingstock.

Sumugod siya at itinulak ito sa labis na iritasyon niya. "Anong palagay mo sa akin? Clown? Stop laughing! It is not funny."

"I am sorry. I can't help it."

Tawa pa rin ito nang tawa kaya naman lalo siyang napikon. "I said stop it."

She pushed him on the floor, both her hands pinning his. But he just kept on laughing as if she didn't pose any threat at all. Gusto sana niyang punuin ng pintura ang mukha nito para di na ito makatawa pa. But she just looked at his gorgeous face. He looked so delectable in a light mood.

Sige, tumawa ka nang tumawa. Makakaganti rin ako sa iyo. Naalala niya ang pagbalewala nito sa kagandahan niya kanina. At nang umaasa siyang hahalikan siya nito pero pupunasan lang pala siya nito ng pintura.

Hahaha! Wala ka nang magagawa sa akin ngayon. Nasa ilalim ka ng aking kapangyarihan at wala kang kalaban-laban. Kung ayaw mong halikan ako, ako na lang ang hahalik sa iyo. And there is nothing you can do about it.

Yumuko siya at dahan-dahang inilapit ang mukha dito upang isakatuparan ang maitim niyang balak nang biglang bumukas ang pinto. Napatingin sila pareho sa Kuya Rolf niya na humihingal pa.

"Romanov, anong ginagawa mo sa kapatid ko?" sigaw nito.

"K-Kuya?" gulat niyang usal.

Natigilan si Rolf nang makita ang ayos nila ni Romanov. "Ano.. anong nangyayari dito? Bakit ganyan?" Mabilis siyang nilapitan ni Rolf at hinila patayo. "Illyze, anong ginagawa mo?"

Hindi siya makatingin nang diretso dito o kay Romanov man. Mission failed. Palpak na naman ako! "Ano… Kuya… kasi…" Alangan namang aminin ko na hahalikan ko sana si Romanov. Baka balatan ako ni Kuya nang buhay.

Tumayo si Romanov at bahagyang pinagpag ang damit. "It is nothing really. Gumaganti lang siya sa akin. Pinahiran ko kasi siya ng pintura sa mukha."

"Huh?" usal ni Rolf at nagpapalit-palit ng tingin sa kanila. Bumulanghit ito ng tawa nang makita ang itsura nila. "Bakit ganyan kayo?"

Sumimangot siya. Numero-uno nga palang tagakantiyaw si Rolf Guzman. Ano pa ba ang aasahan niya? "Gusto mo bang sumama sa tribo namin, Kuya?" tanong niyang may kahalong banta sa boses.

Nawala ang ngiti sa labi ni Rolf at napaurong. "Ayoko nga!"

Nilingon niya si Romanov. "Rome, hawakan mo si Kuya. Ako na ang kukuha ng paint na ipapaligo kay Kuya."

Gusto rin kasi niyang gantihan ang kapatid niya. Kung hindi ito dumating, sana ay nakaganti na siya kay Romanov. Sana ay naka-score na siya.

Wrong timing ka. Malapit na sana ako. Malapit na. Konti na lang.

Naglakad si Romanov palapit kay Rolf. Mukhang hindi rin gusto ng binata na pinagtawanan ito ng kapatid niya.

Itinaas ni Rolf ang kamay. "Romanov, subukan mo lang! Makikita mo, hindi ka na makakalapit kahit kailan sa kapatid ko."

Nagpatuloy lang sa paglalakad si Romanov. Parang wala itong pakialam sa banta ng kapatid niya o baka di ito interesado kahit na di pa sila magkita. Wala na ba takagang pakialam si Romanov kahit na di na niya ako makita?

Tumigil si Romanov di kalayuan kay Rolf. Subalit di nito tinangkang pigilan o hawakan man lang ang huli. "Nasaan ang washroom ninyo? Kailangan kong tanggalin ang paint sa mukha ko bago bumalik sa polo practice."

"Bumaba ka ng hagdan. First door to the right," sagot ni Rolf.

Nakangiti itong lumingon sa kanya. "Illyze, maghugas ka na rin ng mukha mo. Ma-irritate ang balat mo," anito at lumabas.

"Is that really Romanov Cuerido?" her brother asked. Di pa rin nito maalis ang tingin sa pintong nilabasan ni Romanov. "Is he drugged or something?"

Hinampas niya ito sa balikat. "Kuya!"

"Parang napaka-weird kasi niya ngayon. Nakita mo, ngumiti siya? Di lang siya ngumiti. Tumatawa pa. Naeengkanto rin pala ang Dark Lord."

"Stop calling him that, will you? He is Romanov so call him by his name. Hindi ko na ito-tolerate na tawagin mo siyang Dark Lord." Pinamaywangan niya ito. "And what are you doing here, Kuya? You should be at the indoor polo arena, mingling with your girls."

Kinunutan siya nito ng noo. "They are not mine. Hindi nga ako playboy. Nadadamay lang ako dahil sa mga babae ni Reichen. Saka anong masama kung nandito ako? Sinusundo ko lang naman si Romanov. Did I interrupt something?" may halong malisya nitong tanong.

Humalukipkip siya at inirapan ito. "Wala." Your timing ruined the golden chance I have. Wala na si Romanov. Nakatakas na!

"Why are you blushing?" he teased.

"Nothing happened, all right?" And that was what pissed her off.

"I never imagine that he could smile much less laugh. Looks like you are doing a great job of fixing him, sis," anito at pinisil ang balikat niya. "Sa wakas nagiging normal na siyang tao."

"I didn't fix him, Kuya. That's the real him."

Sino ang pupunta sa Manila International Book Fair 2019?

I will be there on September 15 sa Precious Pages Booth. Book signing starts at 1PM. See you there.

Sofia_PHRcreators' thoughts
下一章