"Illyze! Illyze!" malakas na tawag ni Romanov sa kanya na sa backdoor ng kitchen na dumaan. Dinaluhan agad siya nito nang makita siyang nakayukyok sa gilid ng kitchen counter. "Anong nangyari?"
Napasigaw ulit siya nang gumuhit na naman ang kidlat. Yumakap siya dito nang mahigpit habang nanginginig sa takot. "Make it stop, Rome. Make it go away. Natatakot ako," wika niya kasabay pag-iyak.
Hinaplos nito ang likod niya at lalo pang hinigpitan ang yakap sa kanya. "It is okay, Illyze. Everything will be okay," he said in a comforting voice.
"Andiyan pa rin siya. Hindi pa rin nawawala." Nang tumayo ito ay humawak agad siya sa kamay nito. "Don't leave me, Rome. I am scared. B-Baka…"
"Nothing will happen." Binuhat siya nito. "Just hide your face. Doon sa tayo sa kuwarto. Sa palagay ko mas safe ka doon."
Patuloy lang siya sa tahimik na pag-iyak at lalong ibinabaon ang mukha sa dibdib nito. Inilapag siya nito sa kama. Mabilis siyang dumapa at nagtalukbong ng kumot nang makitang gumuhit na naman ang kidlat sa langit.
Nagtaka siya nang maya maya pa ay di na niya narinig ang kulog o kahit ang hagupit ng malakas na ulan. Napalitan iyon ng classical piano music mula sa batang Japanese musician na si Yuko Ohigashi. Nang sumilip siya ay nakasara na ang mga bintana at natatabingan ng blinds. Tumutugtog din ang Touch Music Screen.
"Huwag kang lalabas dito sa kuwarto. Maririnig mo ang kulog ay ulan sa labas. Magbe-brew lang ako ng coffee at ihahanda ang lunch natin. Kung gusto mong manood ng DVD or palitan ang music, nasa bedside table ang remote. Okay lang ba na iwan kitang mag-isa dito?"
Tumango siya at itinaas ang kumot hanggang sa balikat niya. "Basta babalikan mo ako, ha? Huwag mo akong iiwan."
"Of course, I won't leave you," anito at binuksan ang pinto. Di niya alam kung pinaglalaruan lang siya ng kanyang paningin subalit nakita niya itong ngumiti. Sandali lang iyon dahil tumalikod na ito at lumabas.
He looked so handsome when he smiles. Or maybe it is just my imagination. Inaaliw lang siguro ako ng utak ko para di ako matakot sa kidlat.
Paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang ngiting nakita sa labi ni Romanov nang bumalik ito dala ang tray ng pagkain. "Do you want to eat in bed?" tanong nito. "Diyan ko na lang ise-serve."
"Is it okay?" Nanlalambot pa rin kasi ang tuhod niya sa takot.
"I reheat the food. Beef tapa pala ang binalot natin ngayon," anito sa pinasiglang boses. "Isinalin ko na rin sa pinggan para makakain ka nang maayos. And it won't be coffee for you. They have rose tea. It can help calm your nerves."
Kinuha niya ang tasa ng tsaa at nilanghap. She felt better. "Thank you, Rome. Pasensiya na kung naging pabigat pa ako sa iyo."
"What are you saying? Hindi ka pabigat sa akin. Kung tutuusin, ikaw nga lang ang nagtitiis na makasama ako. Baka ako ang pabigat sa iyo."
She shook her head. "That's not true. I am happy when I am with you."
"I am glad to hear that," anitong nakatuon ang paningin sa kinakain. But she heard a hint of delight in his voice. Di lang niya nakita kung ngumiti nga ito.
Tahimik silang kumain matapos iyon. He occasionally checked her about her needs. Wala rin siyang ginawa hanggang huli kundi ang manatili sa kama. Malakas pa rin daw ang ulan sa labas at matatalim pa rin ang kidlat.
"Don't worry. Matatapos din ang ulan," anito nang mabakas ang pag-aalala sa mukha niya. "Marami kang nai-kwento sa akin pero hindi mo nasabi sa akin ang tungkol sa phobia mo sa kulog at kidlat. Care to tell me about it?"
"Bata pa lang ako, takot na ako sa kulog at kidlat. Sa halip kasi na I-comfort ako ng yaya ko na nagbabantay sa akin, tinatakot pa ako. At hindi na iyon natanggal hanggang lumaki ako. Kapag kumukulog o kumikidlat, nakayukyok lang ako sa isang tabi o kaya nagtatago. I thought I would get over it but it won't go away."
Ginagap nito ang kamay niya. "Wala ka bang kasama minsan?"
"Sometimes Kuya Rolf is there for me. O kaya si Mommy. Pero pinapagalitan sila ni Daddy. Di daw ako makaka-recover sa phobia ko kung di ako pababayaan na mag-isa. So in the end, I end up being alone. Now that you are here with me, I didn't feel so alone. Thank you, Rome."
Yumakap siya dito. Pumaikot ang kamay nito sa katawan niya. His body was warm. As if it was warming her very soul, melting away her fears.
Kinintalan siya nito ng halik sa noo. "Pwede ka nang matulog kung gusto mo, Illyze. Don't worry, I won't leave you."
Pumikit ang mata niya at pinakinggan ang marahang tibok ng puso nito. It somehow served as a lullaby and she fell fast asleep. She just wished that she'd wake up with his arms around her.
Thank you sa mga power coins na donate ninyo, guys.
Right now, Stallion Series is #11 sa ranking. Kaya ba nating iangat iyan?