webnovel

Chapter 15

He held her hand firmly and gave her thin smile. Di siya makapaniwala na makakaharap niya ang may-ari ng Stallion Riding Club. Parang hindi na nga kailangan pang sabihin sa kanya. Sinasabi na kasi ng mga mata nito na lahat ng lupaing tanaw ng kanyang paningin ay ang pag-aari nito. Ang lupang tinatapakan niya ay pag-aari nito pati na rin ang hanging hinihinga niya. At sa lugar na iyon, ito ang hari. Ito ang batas.

She had never been intimidated with a guy in her life. Noon lang. Kahit si Emrei na mataas ang level ng self confidence ay takot din dito.

"So you are the lucky girl. I hope you enjoy your stay at the riding club. Treat it like your own home. Emrei will take care of you," pormal nitong sabi.

"Y-Yes, Sir. Thank you."

Humalukipkip ito. Nadagdagan ang kaba niya at bahagyang napasiksik kay Emrei. "Mukhang masaya ang pinag-uusapan ninyong dalawa ni Emrei."

"Ha? Anong masayang pinag-uusapan namin, Kuya?" tanong ni Emrei.

"Iyong tungkol sa tapa. Tapos may nasingit pang kabayo."

Tumawa si Emrei at pinisil nito ang balikat niya. Nakitawa na rin siya. Sa totoo lang, di niya alam kung bakit kailangan nilang gawin iyon. Wala naman kasing nakakatawa. Halata namang peke ang mga tawa nila. Parehong tensiyonado. Wala siyang dapat katakutan pero parang dapat siyang matakot.

"S-Sabi ni Marist, natutuwa daw siya dahil tapat na kaibigan ang mga kabayo. Masayang makasama sa buhay. Parang gusto nga daw niyang mag-stay dito nang mas matagal para mas makasama niya ang mga kabayo."

Saka lang umayos ang ngiti ni Reid. "That is good to hear. Mabuti naman at interesado ka sa mga kabayo. They are the real catch here. Dahil ang kabayo, hindi ka iiwan. Di tulad ng boyfriend o girlfriend. Iiwan ka kapag may nakitang iba."

"Tama kayo diyan, Sir Reid!" nasabi na lang niya. "Huwag kayong mag-alala. Kapag yumaman ako, bibili ako ng kabayo sa inyo.

"Sa tingin ko naman papayag si Emrei na bumalik ka dito sa riding club kahit na tapos na ang date promo ninyong dalawa." Tinapik ni Reid ang balikat si Emrei. "Mabait naman ang pinsan ko. At mukhang close na kayong dalawa. Sabi pa mandin sa akin ni Neiji, may pagkasuplada ka daw. Man-hater ka pa nga daw."

Gusto sana niyang tumawa pero nauwi na lang sa ubo.

"Dati pa kami magkakilala, Kuya Reid. Kaya parang close na kami," ani Emre.

Nag-ring ang cellphone ni Reid. "Anong nangyari kay Rocky? Alam ba ninyo kung gaano kamahal ang kabayong iyon. Look for Tamara. Tell her to do something about it or I will skin her alive!" sigaw nito. Ang tanging senyales nito na aalis na ito ay tumango lang ito at naglakad na palayo.

Higit pa rin niya ang hininga hangga't di umaalis ang kotse nito palayo. Sabay pa silang nagpakawala ng hininga ni Emrei. Kinabig nito ang ulo niya pahilig sa balikat nito. "Ah! We are saved! Akala ko hindi na tayo lulubugan ng araw."

She was too weak to move. Pakiramdam kasi niya ay di na rin siya lulubugan ng araw. Halo-halo ang emosyong naramdaman niya nang araw na iyon. Nariyan si Emrei na kanina pa ginugulo ang sistema niya. At ang pinsan nito na parang di pwedeng huminga ang mga tao sa paligid nito hangga't di nito sinasabi. Parang nahigop na ang lahat ng lakas ng katawan niya. Di na nga niya magawang gumalaw o mag-isip habang nakasandig ang katawan niya kay Emrei.

"P-Pwede bang umupo?" tanong niya.

Tumuwid ito ng tayo. "I'm sorry." Mabilis siya nitong ipinaghila ng upuan. "Please take a seat." Saka umupo ito sa tapat niya. Pero wala na ang confidence sa anyo nito. Parang nanghihina na rin ito tulad niya.

"Grabe! Bakit ganoon ang pinsan mo? Hindi ko maipaliwanag. P-Parang… nase-sense ko na reincarnation siya ni Hitler. Nakakatakot."

"Tama ka diyan. Kahit sino tumitiklop sa kanya isang tingin pa lang. Magpasalamat ka dahil hindi niya narinig ang sinabi mo tungkol sa tapa ng kabayo."

"Ano bang problema sa tapa ng kabayo? Masarap naman iyon, ah!"

"Kung narinig ka ni Kuya Reid, he would surely kick you out of the riding club. Kahit sino ka pa o kahit ano ka pa, kakaladkarin ka niya palabas dito. It is a heinous crime for horse lovers to eat horsemeat. Lalo na sa tulad naming na mula pagkabata lumaki na kasama ang mga kabayo."

Nakagat niya ang labi nang makita ang lungkot sa mga mata nito. May mga tao nga na mas mahal pa ang mga alagang hayop kaysa sa tao. "Sorry na. Hindi ko naman sinasadyang kumain ng kabayo. Saka nakain ko na. Hindi na ako uulit."

Ginagap nito ang kamay niya. "Basta huwag mo ulit babanggitin, ha?"

Napatitig siya sa kamay nitong nakahawak sa kanya. His thumb was massaging the back of her hand. Wala pang nakahawak nang ganoon katagal sa kamay niya. And she thought that it was too intimate for her who didn't like to be touched. Pero bakit pinapayagan niya si Emrei na hawakan ang kamay niya? Bakit hindi siya naiirita dito? Parang gusto pa nga niyang lagi nitong hawakan ang kamay niya. It made her feel more human.

Nagulat siya nang bigla nitong bitiwan ang kamay niya. "S-Sorry. Hindi ko naman sinasadya. I mean…"

Tumuwid siya ng upo. "Um-order na lang tayo."

Palala na ako nang palala bawat minuto na kasama ko siya. Anong dapat kong gawin para bumalik ako sa normal?

Don't forget to comment, vote, and rate this chapter.

To be updated on my latest books, events, promos, and more news, send me a "Hi" message to Sofia PHR Page on Facebook.

Sofia_PHRcreators' thoughts
下一章