webnovel

Chapter 16

WALA pang alas-nuwebe ay nakabihis at nakaayos na si Quincy.

"Sister, sana, lahat na lang ng aayusan ko, kasingganda mo. Hindi na kailangan ng masyadong makeup. Tiyak na tutulo ang laway ni Yuan Zheng sa iyo," sabi ng baklang make-up artist. "At maraming girls ang maiimbiyerna sa iyo."

"Thank you!" sabi niya nang ihatid niya sa pinto ang make-up artist.

Eksakto naman na bumaba ng sasakyan si Yuan. He was striding towards her when he suddenly stopped a few steps away from her. "Quincy?"

"Well, you are on time, Yuan Zheng. Shall we go?"

"No!" he said in distress. "Bakit ganyan ang hitsura mo? Hindi iyan ang dapat na isusuot mo. At hindi rin dapat ganyan ang ayos ng buhok mo."

Nakataas ang isang kilay na tiningnan niya ito. "That's your problem. Ito ang gusto kong isuot. Kung ayaw mo sa suot ko, huwag na lang tayong umalis. Humanap ka ng babae na magsusuot sa damit na gusto mo."

"You are defying me?" he asked in a deadly tone.

"Yes," walang gatol na sagot niya. "Gusto kong magsuot ng damit na komportable ako at alam kong bagay sa akin."

With a grave look on his face, he walked towards her. Nanginig ang mga labi niya nang hawakan nito ang baba niya. "Well, you got spunk."

"Hindi puwedeng lahat na lang ng babae, sumunod sa gusto mo," lakas-loob na sabi niya. "Not every girl thinks you are a demigod."

"You really think so?" Inilapit nito ang mukha sa kanya. Sumasal sa kaba ang dibdib niya. Itutuloy na ba nitong halikan siya bilang parusa? "This is the last defiance I'll get from you," he uttered then stepped away from her. "Let's go."

Sayang! Kailan kaya ako makakatikim ng halik—parusa pala sa kumag na ito?

"WHY IS her dress prettier than ours?"

"That waitress is ruining our dress code. And is she allowed to lay down her hair? That is improper, right?"

Malakas ang bulung-bulungan mula sa mga female guests ng Stallion Riding Club nang pumasok sila sa arena ni Yuan. Halos lahat ay matalim ang tingin sa kanya. Parang gusto siyang balatan nang buhay.

"See? The ladies hate you now," bulong ni Yuan sa kanya.

"I don't dress up to please them, Yuan," sabi niya. "Bumabawi lang ako dahil sa kahihiyan na ibinigay sa iyo ni Estella kahapon. Kung hindi mo nagustuhan ang effort ko na magpaganda para sa iyo, sorry!"

Ginagap nito ang kamay niya. "You don't show off to the women here. They are so vicious when they get jealous. You saw Estella yesterday."

"Hindi ko sila papatulan. I have more class than them."

"Masakit pa ba ang sugat mo?" tanong nito at ininspeksiyon ang daliri niya. He slowly ran his finger along her wounded one.

"Not anymore." Hindi niya mapigilang mapangiti at kiligin. There was a different kind of sensation running through her veins as their fingers touched. It was too intimate and warm. It was something that happens out of a daydream. Na sana ay ganoon kalambing si Yuan sa kanya.

"Is it full moon today?" tanong ni Hiro na umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Yuan. Kasama nito ang nobyang si Jemaikha. "This is really unusual. You are together and you are not bickering at each other."

Mabilis na binitiwan ni Yuan ang kamay niya na parang napaso. Nag-iwas naman siya ng tingin at nagkunwaring walang narinig.

"Shut up, Suichiro," sabi ni Yuan. Tumalim ang tingin nito sa bagong dating.

"Hiro, hayaan mo na siya. Baka mapikon si Yuan," saway ni Jemaikha rito.

"Pustahan tayo, Jubei. Iyan ang kukunin ni Neiji na bagong model ng Stallion shampoo," sabi ni Temarrie—ang original model—sa asawa nito. Isa-isa nang dumarating ang iba pang mga miyembro ng Stallion Riding Club. Ang ilan sa mga ito ay kasama ang mga asawa, katulad ni Jubei.

"Makikipagpustahan ka sa akin? Sure nang panalo ka. Malamang, sinabi na sa iyo ni Neiji ang tungkol sa kanya," protesta ni Jubei. "Madaya ka."

"Kapag nanalo ako, outside the kulambo ka lang naman."

Hindi niya maiwasang mainggit sa nakikitang paglalambingan sa paligid niya. Nakakainggit. Sana, ganyan din sila ka-sweet ni Yuan. In love sa isa't isa ang mga tao sa paligid nila. At hindi iyon katulad nila ni Yuan. Magbibigay man ng affection si Yuan, napaka-minimal lang. Pasumpung-sumpong lang.

"Ano naman ang pumasok sa utak ni Neiji at kukuning model si Quincy?" tanong ni Yuan na parang walang tiwala sa kagandahan niya.

"Look at her, Yuan. She's a perfect beauty," depensa agad ni Neiji na siyang manufacturer ng Stallion shampoo and conditioner.

"Yes. She's like a horse that has to be tamed," Yuan baited. "If you need to whip her at the commercial, count me in. That's the only way to break her."

She didn't know if it was a joke. Pero hindi siya natawa.

"Nah! I like her the way she is," sabi ni Neiji. "She's young, sexy with a femme fatale look, an innocent yet fiery look."

"Women should be soft and feminine," kontra naman ni Yuan.

"Women should be what they want to be," salag naman niya. "We can be either soft or strong as we please. Men should accept that."

Pumalakpak si Neiji. "That's it! That's what we want to project. So are you ready to be our model, Quincy?"

She twitched her lips. "I am sorry, Sir Neiji. Hindi lang ako sanay mag-project sa harap ng camera. I believe there are other girls prettier than me."

Hindi na natuloy ang pangungulit ni Neiji sa kanya dahil nagsimula na ang show jumping competition. "Why didn't you accept the offer?" tanong ni Yuan.

"Given the choice, I prefer to work behind the camera. Saka sinabi mo rin na hindi ako bagay sa commercial, hindi ba?"

"Neiji is right. You are perfect for the image they want to project. And you are pretty. Sayang naman ang chance."

"Talaga? Nagagandahan ka sa akin? `Di ba, ayaw mo sa buhok ko?"

"I don't know why I said that. Nang tanungin mo kasi ako kung bakit ayaw ko sa iyo, wala lang akong maisagot. But you are beautiful." Tinitigan siya nito. "Actually, you remind me of someone I know."

"Sino naman siya? Is she like me?"

Bahagyang tumawa ito at naipilig ang ulo. "It's crazy. Hindi ko alam kung bakit naaalala ko siya sa iyo samantalang magkaibang-magkaiba kayo. Forget what I said. Manood na lang tayo sa competition."

Hindi na siya nagtanong pa. Ang totoo, natatakot din siyang banggitin nito ang pangalang "Celine." Siya mismo ang tinutukoy nito. She was afraid that if she kept on pushing him, he would eventually get a hint of who she really was. And it would jeopardize her plans.

Hi, guys!!! Kumusta naman ang pagliliwaliw ninyo sa mundo ng Stallion Boys?

Don't forget to comment, vote, and rate this chapter.

Sofia_PHRcreators' thoughts
下一章