webnovel

Chapter 23

BUMUKAS ang gate na kawayan ng hot spring area at lumabas si Hiro nang nakatapis lang ng tuwalyang puti sa baywang. "Anong nangyari, Jem?" tanong nito at mabilis na lumapit sa kanya.

"Iyong langgam, kinagat ako!"

Umuklo ito sa harap niya at hinaplos ang binti niya. "Ito ba? Dito ba?"

Nakasuot lang siya ng night gown kaya walang nakapigil sa kamay nito na haplusin ang binti niya. Pakiramdam niya ay summer noon at di sila malapit sa Tagaytay. Magha-hyperventilate na rin siya sa ginagawa nito. Ah, Hiro! You will be the death of me! Ano bang ginagawa mo sa akin?

Di na niya magawang sumigaw o magsalita man lang. Nakatitig na lang siya sa ulo nito at sa malapad na hubad na balikat. Buo pa rin ang imahe nito sa isip niya na umahon ito sa hot spring at walang ibang suot maliban sa tuwalya.

Ni hindi siya nakaimik nang akayin siya nito sa may wooden patio na nakaharap sa garden. "Umupo ka diyan. Kukuha lang ako ng oinment," sabi nito at nagmamadaling pumasok sa bahay. Pagbalik nito ay binuksan nito ang cap ng skin ointment. "Wag kang malikot. Lalagyan ko lang ng ointment ang kagat ng langgam."

Nagtayuan ang balahibo niya. Ito ang gagamot sa kanya. Hiro, don't do this to me! Pinaparusahan na ako ng langit dahil nanilip ako nang walang permiso. Kinagat na ako ng mga langgam. Pero huwag mo akong I-torture. Sobra na iyon.

"Hiro, ako na lang ang gagamot sa sarili ko. Kaya ko naman."

Matalim siya nitong tiningnan. "Sabi ko huwag kang malikot, di ba?"

"Di naman ako malikot, ah! Gusto ko lang gamutin ang sarili ko."

Umupo ito sa harap niya at ipinatong ang binti niya sa hita nito. "Huwag ka nang mangatwiran sabi, eh!" sabi nito at maingat na pinahiran ng ointment ang binti niya. Seryosong-seryoso ito sa paggamot sa kanya. His touch had a soothing effect on her. Nawawala ang sakit.

Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ito. She watched a drop of water trail down his body. She was aware that under that piece of towel, he was naked. Nanuyo ang lalamunan niya. If she was bold enough, she'd love to trace his naked skin with her lips just like the water droplet did.

Jemaikha, ngayon ka lang nakakita ng hubad na lalaki, kung anu-ano na ang iniisip mo. Mabuti sana kung pumayag si Hiro sa pantasya mo.

Ipiniksi ni Hiro ang ulo nang ilang hibla ng buhok nito ang bumagsak sa noo nito. Mabilis niyang hinawi ang buhok nito. Ngumiti ito sa kanya. "Thanks!"

"Wala iyon. Pasensiya na. Naabala yata kita sa paliligo mo."

"Nag-alala lang ako nang tumili ka. Hindi ka dapat nagyayapak kapag nasa garden. May mga tsinelas naman na provided para sa iyo, di ba?"

"M-Masarap lang kasing maglakad-lakad nang nakayapak."

At di siya pwedeng magsuot ng tsinelas. Mabubuko nito ang modus-operandi niya. Na pinagna-nasaan niya ito nang walang kamalay-malay.

Ibinaba nito ang paa niya at tumayo. "Next time, be careful. Ayokong may mangyaring hindi maganda sa iyo habang nandito ka sa poder ko."

Tumayo rin siya at humawak sa balikat nito. "Thank you, Hiro."

Inilapit niya ang mukha dito upang bigyan ito nang magaan na halik sa labi. Pero paglapat ng labi niya sa labi nito ay hinawakan nito ang batok niya at hinapit ang katawan niya palapit sa katawan nito.

It was not a teasing, safe kiss that he used to give her. This one was meant to possess. His lips opened over her, coaxing her to open. Alam siguro nito na wala siyang alam. And he was teaching her. When she opened her lips, it was like opening a portal of immense sensation.

She felt like she was floating on air. Iyon pala ay nakaangat na ang paa niya sa lupa at ang katawan na lang nito ang sumusuporta sa kanya. She started to run out of breath when his lips left hers. Dahan-dahan siya nito nitong ibinaba sa lupa. But he deliberately let her body brush against his.

Pakiramdam niya ay namumula siya mula ulo hanggang paa. It was too intimate and she was not prepared for it. She didn't know what to say.

"So tell me, Jemaikha. Anong ginagawa mo sa bakod ng hot spring?"

Bigla siyang napatingala dito. Saglit siyang na-mental block. Alam nito na nandoon siya? "Bakod ng hotspring? Wala ako doon. Nandito lang ako sa may damuhan. Naglalakad-lakad lang ako at pinapanood ang buwan nang kagatin ako ng mga langgam. Ano naman ang gagawin ko sa bakod?" kaila niya.

Bahagya itong lumayo sa kanya at parang walang kompiyansa sa sagot niya. "Hindi ka lalanggamin dito sa garden. Sa may halamanan lang sa gilid ng bakod na kawayan may mga langgam." Hindi siya aamin na sinilip niya ito.

Nanlaki ang mata niya at humalukipkip. "Bakit? May listahan ka ba ng ruta ng mga langgam na iyan? At may rules ba sila na bawal tumapak dito sa garden at doon lang sila sa may tabi ng bamboo wall?" hamon niya.

He gave her a playful smile. Hinawakan nito ang ilang hibla ng buhok niya at naglalarong inikot sa daliri nito. "Jem, kung gusto mong samahan akong maligo sa hot spring, sana sinabi mo sa akin. Hindi ka na sana nahiya. There is more than enough space for the two of us."

Doon na siya tuluyang sumabog. Alam na nito ang lihim niya. "Hoy, Suichiro! Sinasabi mo bang pinagnanasaan kita? Na sinisilip kita sa may bakod?"

Nagsalubong ang kilay nito. "Teka, wala akong sinasabing ganyan. Hindi ko naman sinasabi na sinisilip mo ako sa may bakod, ah!"

"Ha? Wala ba?" Saglit siyang natigilan at bahagyang iniwas ang tingin dito. "Parang ganoon na rin ang sinabi mo, di ba?"

Ngiting-ngiti si Hiro habang pailing-iling. "Ngayon alam ko na kung ano ang ginagawa mo sa may bakod." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Para di ka na kagatin ng langgam sa susunod, bubuksan ko na ang gate para sa iyo. Hindi mo na ako kailangan pang silipin sa bakod. Hindi mo na kailangang mahirapan," sabi nito at saka naglakad papunta garden.

At gaya nga ng sinabi nito ay sadya nitong binuksan ang gate at tangkang tatanggalin ang tapis na tuwalya kahit na alam nitong naroon siya.

"Hiro, sandali!" sigaw niya.

"Bakit?" tanong nito at lumingon sa kanya. "Sasamahan mo na ako?"

Tinakpan niya ang mga mata ng palad. "Oyasuminasai! Goodnight!" sigaw niya at saka nagmamadaling pumasok ng kuwarto niya.

Habol niya ang hininga habang nakasandal sa pinto ng kanyang silid. Wala sa sarili niyang hinawakan ang labi habang dahan-dahang dumausos sa kinasasandalang pinto. "Hiro kissed me. And it was so real!" usal niya. "I even felt his naked body against mine. Konti na lang, baka katulad na ako nila Mayi. Baka hindi na rin ako virgin!"

Hindi na siya papayag na maulit pa iyon. Well, not until Hiro tells her that he still loves her. Pero parang imposible nang mangyari iyon. Because in the end, she knew that they couldn't be together.

Sobrang sakit na mahal ninyo ang isa't isa but you can't be together.

Agree?

Sofia_PHRcreators' thoughts
下一章