webnovel

Chapter 4

Iningusan ito ni Jemaikha. "Drop it, Hiro!"

Ngayon lang ulit sila nagkausap ni Hiro nang matagal pero parang walang nagbago sa relasyon nila. It was still like yesterday. Nakakapagbiruan sila. Ni wala siyang nararamdaman na pagkailang dito. Maliban na lang kung mababanggit ang pagtanggi niyang magpakasal dito. She knew she missed a whole lot when she refused to marry him. Pero di na niya maibabalik ang nakaraan.

"Galit ka ba?" anito at pilit na hinuhuli ang tingin niya. "Mabuti pa ibibili na lang kita ng coffee. Wala ka pang order."

"Hindi na. Okay lang muna sa akin ang mag-water."

"Come on. It is my treat. Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin nagpapalibre?"

Noong boyfriend niya ito, madalas silang magtalo dahil di siya pumapayag na magbayad ito kapag may gusto siyang bilhin.

Umiling siya. "Wala lang talaga ako sa mood mag-coffee."

Kumunot ang noo nito. "Weird. Umaga, tanghali, gabi, wala kang gusto kundi kape. Doushitano?" tanong nito kung anong problema.

"Naka-water therapy ako." Ang totoo ay wala pa siyang pera. Gusto niyang um-order kapag may pera na siyang pangkape. Pagdating pa iyon ni Mayi.

Hinawakan nito ang kamay niya at sinipat ang braso niya. "Pumapayat ka yata. Your boyfriend doesn't take care of you."

Uminom siya ng tubig sa tensiyon. "As if you don't know me. Wala akong oras sa mga lalaki. Sobrang busy lang ako sa trabaho."

Lumungkot ang mata nito. "Yes, you always thrive on work."

Hiro was the same. Busy rin ito sa trabaho. Kaya naman kahit twenty-eight pa lang ito, successful na ito sa field nito. Marami kasing technology ang nai-launch ng kompanya nito na kilalang-kilala sa buong mundo.

Pero di ibig sabihin ay tulad niya ito na walang love life. Kapag may social gatherings, lagi itong may ka-date. And she was happy for him. At least hindi nito dinamdam ang paghihiwalay nila. Kahit pa nga gusto niyang pasabugin ang sinumang babae na nakaka-date nito.

"Minsan naman ipakilala mo ako sa girlfriend mo."

"Sure. I will call you sometime. Ipapakilala kita."

Uminom siya ng tubig pero parang hirap na iyong pumasok sa lalamunan niya. Aray! Nananantiya lang naman siya. Malay ba niyang may girlfriend na nga ito. Iba kasi ang impact na makita lang ito na may ka-date sa diyaryo o magazine. Iba pa rin kapag galing mismo sa bibig nito.

Makakasama kaya niya ang girlfriend niya sa Stallion Riding Club? Anong gagawin nila doon? Parang maloloka ako isipin ko lang na may kasama siyang iba.

"Oh, look who's here! The ever gorgeous Suichiro Hinata."

Nilingon ni Hiro ang bagong dating. "Mayi! You look great!"

"I always look great. I have to for my boyfriend."

"That's nice to hear. At last may boyfriend ka na." Siya ang unang nagka-boyfriend sa mga kaibigan niya noong college at si Mayi naman ilang buwan pa lang ang nakakaraan mula nang ipakilala ang nobyong si Carriev.

"That's good to here." Tumayo si Hiro. "Sorry, ladies but I have to go."

"Kadarating ko lang tapos aalis ka na?" tanong ni Mayi.

"Hay, naku! Magpapasarap pa iyan. Alam mo naman ang mayayaman, pabaka-bakasyon lang. Pare-relax-relax," kantiyaw niya.

"You heard her. Itinataboy niya ako," sabi ni Hiro.

Humalik si Mayi sa pisngi nito. "Good bye then!"

Kumaway siya dito at di humalik tulad ni Mayi. "Ja ne!"

Masama ang loob niyang sinundan ng tingin si Hiro habang paalis. Ang totoo ay ayaw pa niyang umalis ito. She just realized how much she missed him.

Tumigil ka, Jemaikha. He is not yours anymore.

"Hay! Guwapo pa rin ang ex mo. Akala ko naman nagkabalikan na kayo. At dahil mayaman siya, di ka na uutang sa akin."

"Luka-luka! I need the money. Saka may girlfriend na si Hiro."

Kulang pa rin ang two thousand na pahiram ni Mayi para patahimikin ang Tiya Vilma niya. Pwede na siguro ito. May Lunes pa naman, isip-isip niya.

Nag-ring ang cellphone niya. Ang kaibigang si Jaimee ang tumatawag. "Je, magkita tayo sa Gateway Mall. May ipapahiram ako sa iyo."

"Ha? Akala ko ba wala kang pera?"

"May bonus akong nakuha. Akala ko kasi hindi dadating. Kahit di mo muna bayaran sa akin, okay lang. Di ko pa naman gagamitin."

"Thanks, Jaimee!" Sa lovelife lang naman pala siya malas nang araw na iyon. Maswerte pa rin siya sa pera.

下一章