webnovel

Who's The Culprit?

Shanaia Aira's Point of View

HINDI ko alam kung bakit ang lakas ng kalabog ng puso ko. According to Gelo, hindi daw makita nila daddy at daddy Archie si senator Faelnar. Bakit na lang sa tuwing may problema sila dad ay wala si senator? This time, feeling ko kaya hindi nila siya makita ay dahil ayaw talagang magpakita.

May kakaiba akong pakiramdam dito. At iyon ang gusto kong tuklasin ngayon.

" Baby, baka gabihin ako ngayon. May mall tour kami. And then, baka makakuha ako ng tiyempo ngayon para makausap ko si senator Faelnar." paalam ni Gelo sa akin. Ito na yung ikatlong araw simula nung mag-usap sila nila dad. Hindi raw niya masabi kay Gwyneth ng hindi ito mag-iisip ng kakaiba.

" Bhi tapatin mo nga ako. Bukod ba sa pwedeng maipasara ang business nila dad, ano pa ang pinaka-malala na pwedeng mangyari? Ilang beses ko na itong natanong sa mga tao dito sa bahay pero walang gustong magsalita tungkol dito. Lahat sila sinasabi na magiging ayos din ang lahat. "

" Baby, yun naman talaga ang sagot. Once na makausap na si senator, magiging maayos na ang lahat. " sagot niya.

" You think so? Bakit may pakiramdam ako na may mangyayaring hindi maganda. Sa tingin mo ba, kapag nakausap mo siya, magiging maayos nga ang lahat? Bakit feeling ko may hindi magandang balak yang mga Faelnar na yan. " diretso ko ng sinabi sa kanya ang kutob ko. Napatingin si Gelo sa akin. Para bang may nakikita akong takot sa mga mata niya.

" Baby, huwag kang magsalita ng ganyan. Magiging maayos din ang lahat. Basta ipangako mo na, diyan ka lang. Kami na ang bahalang lumutas sa problema ng pamilya natin." kalmadong wika nya pero kahit ganon hindi pa rin talaga ako kumbinsido.

Napahinga na lang ako ng malalim. Kahit na siguro ilantad ko ngayon sa harap nya ang alindog ko, hindi pa rin siya magsasalita. Hindi ako mapakali. Kapag kasi kinukutuban ako ng ganito, mayroon talagang hindi magandang mangyayari. Panay na nga ang dasal ko kay God ng paulit-ulit. Sana lang huwag Siyang makulitan sa akin.

Umalis na si Gelo matapos ang tanghalian. Nagbilin siya na huwag na akong mag-isip ng kung ano-ano at baka makasama lang sa recovery ko.

So wala akong nagawa kundi ang magmukmok na naman sa kwarto. Gusto kong umuwi ng Tagaytay pero ayaw akong payagan dahil nag-aalburoto raw ang bulkan. Delikado nga daw dahil sa ashfall. Tumawag kasi si mang Turing kagabi, binalita sa amin na kailangan na daw nilang lumikas. Pina-lock na lang namin ng maige ni Gelo ang bahay para hindi naman manakawan. Pero, pwede naman daw mag pabalik - balik si mang Turing para mag-check.

Sa buong maghapon wala akong ginawa kundi ang mag-ayos ng room namin. Pinalitan ko ang mga punda ng unan at pati na rin yung bed sheet. Nang matapos ako ay saka ako naligo at bumaba sa living room.

" Mommy baby!" masayang bati ni Dindin sa akin na kasalukuyang gumagawa ng assignment niya.

" Oh you're here already sweetie. Need help?" tanong ko.

" Nope. I'm done. Thanks po." sagot nya at sinimulan ng iligpit isa-isa ang mga notebooks nya.

" Okay. Would you like to come with me?" tanong ko.

" Where mommy?"

" Let's just stroll around the park while eating ice cream. Sobrang bored na ako dito sa house. " turan ko.

" Yeah. I like that mommy. Let's go." excited na turan nya tapos hinila na ako palabas ng bahay.

Nagpaalam lang kami saglit kay yaya Didang tapos mabilis na kaming lumabas ng gate.

Habang naglalakad kami ni Dindin papunta sa park ng village, may napansin ako na isang van na unti-unting umaandar. Bigla akong kinabahan, uso pa naman ngayon yung puting van na nangunguha ng bata. Kaya lang hindi puti ang van na ito kundi kulay gray.

Habang sumusulong kami, umaandar din yung van, kapag medyo bumagal kami, humihinto naman siya. Kaya naman hinigit ko na yung kamay ni Dindin at mabilis kaming tumakbo sa kabilang street, doon kila lolo Franz.

" M-mommy why are we r-running?" tanong ni Dindin na medyo hinihingal na.

" M-may van na s-sumusunod sa atin s-sweetie." hinihingal na rin ako ng sagutin ko ang tanong niya. Lumingon naman siya.

" Yes, mommy malapit na yung van. Let's hurry." sabi nya.

Binilisan na namin ang pagtakbo. Halos kinakaladkad ko na nga si Dindin. Ninenerbyos na ako. Mabuti na lang bukas ang gate nila lolo Franz dahil may lalabas na sasakyan. Mabilis kaming pumasok ni Dindin kaya biglang napa-preno yung driver nung palabas na kotse.

" What happened Aira?" tanong ni tito Frank na bumaba mula sa drivers seat.

" Tito p-papunta po kami ni Dindin sa p-park tapos... tapos bigla na lang may van na sumusunod sa amin." sabi ko na medyo may hingal pa.

" Ha? Where?" tanong ni tito Frank tapos tumanaw sa harapan. Sabay kaming tumanaw ni tito tapos biglang dumaan yung van na mabilis yung takbo.

" Thats the van tito." sabi ko.

" Paanong nakapasok yan dito sa village natin? Unless may sticker ang sasakyan niya. Sige, magtatanong ako sa mga guard sa gate kung sino yung may-ari ng van na yun. Ang mabuti pa, umuwi na kayo ni Dindin, ihahatid ko na kayo para safe. " sabi ni tito.

Sumakay na kami ni Dindin sa kotse ni tito Frank para makauwi na kami. Habang nasa daan ay panay ang tawag ni tito Frank sa cellphone nya.

Pagdating namin sa bahay ay nagulat ako ng masalubong namin si Gelo sa may gate. Humalik siya sa amin ni Dindin tapos nagmano siya kay tito Frank na noon ay may kausap na naman sa phone niya.

" Bhi, akala ko ba gagabihin ka? Kanina ka pa ba?" tanong ko kay Gelo.

" Kakaalis nyo lang nung dumating ako. Susunod nga sana ako sa inyo sa park kaya lang nagbihis muna ako. Bakit kasama ninyo si tito Frank?"

" Daddy bhi hinabol po kasi kami nung van. " singit ni Dindin.

" What? May ganoon na rin dito sa atin? Paano nakapasok yun? " nagtatakang tanong niya.

" Hindi ko nga rin alam bhi. Natakot ako para kay Dindin. Tumakbo kami hanggang makarating kami kila lolo Franz, mabuti na lang bukas yung gate nila dahil paalis si tito Frank, nung lingunin namin yung van, mabilis na lumampas dun sa harap ng bakuran nila lolo." kwento ko sa nangyari kanina.

" Sigurado ka ba na may balak talaga silang kunin kayo? " tanong muli ni Gelo.

" Siguro. Kasi nung huminto kami, huminto din yung van, tapos nung sumulong kami umandar din. Nung tumakbo kami, yun nga hinabol kami. Kung hindi kami ang pakay, bakit hanggang kila lolo Franz, sumunod sila? "

" My God! Sino kaya yon at bakit kayo hinabol? At paanong nakapasok dito yung van na yon? " naguguluhang tanong muli ni Gelo.

" May sticker ng village yung van kaya nakapasok at dati ng nakakapasok yung may-ari dito sa atin. " sabi ni tito Frank. Katatapos lang niyang makipag-usap sa kung sino man yung kausap niya kanina sa cellphone niya.

" Po? Sino po yun tito Frank? Bakit niya kami hinabol hanggang dun sa inyo? " kinakabahang tanong ko.

" I'm afraid to say that it's an attempt kidnapping. But base on the observation sa mga cctv, ganoon ang conclusion ng mga guards. Nakita sa cctv na pumasok ang kotse ni Gelo na may nakasunod na van na ilang distansya ang pagitan sa kanya. Nung pumasok ang kotse niya dito sa inyo, napahinto ang van tapos biglang umandar, then nakita sa ikalawang footage na may sinusundan na dalawang tao at bata yung isa. Nakita rin sa footage na tumatakbo na yung dalawa at sumusunod yung van sa kanila hanggang dun sa amin. Hindi ko alam kung ano talaga ang pakay pero sigurado ako na ikaw baby ang kailangan. Dahil kung si Gelo ang kailangan, dun pa lang sa gate nyo, titigil na sila. " mahabang pahayag ni tito Frank.

" Ha? Sino po ba tito yung may-ari ng van? " tanong ko.

" Naka-record sa main gate ng village ang pangalan ni senator Faelnar bilang may-ari ng van. Pero ang may dala kanina ay yung anak niyang si Gwyneth na may kasamang mga tauhan.Mukhang nasundan ka nila kanina Gelo. At base sa description nung mga guard sa main gate mga mukha daw goons yung kasama niya kaya ang conclusion nila ay hindi maganda. Ang mabuti pa huwag muna kayong lumabas, delikado. " pagtatapos ni tito Frank.

Nagpasalamat kami ni Gelo kay tito Frank nung magpaalam siya na aalis na. Nagmamadali na sya nung umalis dahil kailangan daw siya sa office ng FCG.

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay masinsinan kong kinausap si Dindin. Ipinaliwanag ko ng maayos yung nangyari kanina sa paraang hindi naman siya mato-trauma.

Umakyat na kami ni Gelo sa room namin. Pareho kaming hindi kumikibo at may malalim na iniisip.

" Bhi ano sa palagay mo ang pakay ni Gwyneth kanina?" ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Honestly baby, hindi ko alam ang tumatakbo sa isip nya. Masyado syang tahimik kanina sa mall show at hindi ko mabasa ang kilos nya. Tinanong ko kung nasaan ang daddy nya dahil may gusto lang kako akong itanong, ang sabi niya nasa senado daw."

" What? Bakit hindi siya makita nila daddy kung nasa senado lang pala sya? " bulalas ko.

" Yun nga rin ang ipinagtataka ko. Naisip ko na baka sinasadya na talaga ni senator na hindi magpakita dahil may ginawa siya dun sa business nila dad. " sabi niya.

" Alam mo naisip ko nga rin yan pero bakit kailangan niyang gawin yun kung sakali nga? "

Hindi kumibo si Gelo. Tila nahulog siya sa malalim na pag-iisip.

" Kapag hindi naayos yung mga paratang kila daddy, maaring maipasara nga yung business nila at hindi lang yon ang maaaring masamang mangyari unless kung... " hindi na natuloy ni Gelo yung sinasabi nya dahil may biglang kumatok sa pinto. Lumapit ako at pinagbuksan yung nasa labas.

" Yes po yaya? "

" Anak dumating na ang mommy at daddy mo kasama ang mga magulang ni Gelo, pinatatawag kayo. " sabi ni yaya Didang. Nagkatinginan kami ni Gelo at mabilis na bumaba ng hagdan. Inabutan namin si mommy at tita Mindy na umiiyak.Nasa tabi naman nila ang mga daddy namin at inaalu sila.

" Mommy ano po ang nangyari? "tanong ko kaagad.

" Anak, yung coffee shop. " sagot ni mommy tapos binirahan na naman ng iyak.

" Ano pong nangyari sa coffee shop? " kinakabahang tanong ko.

" Pinasara pansamantala yung coffee shop hanggat hindi pa naiimbestigahan ang nangyari. May mga kumakain kasi kanina na bigla na lang sumakit ang tiyan, mabilis naman naming naisugod sa ospital at ang findings sa kanila ay food poisoning. Nagulat nga kami dahil alam nyo naman kung gaano kami kalinis at kaingat sa lahat ng pagkain at gamit dun. Hindi nga namin alam kung paanong nangyaring ganun. Pagkatapos ng imbestigasyon saka pa lang namin malalaman kung kailan magbubukas o hindi na. " si tita Mindy na ang sumagot dahil si mommy ay hindi makapag salita ng maayos.

Napatulala na lang ako at nanghihinang napaupo sa couch. Kung hindi ako naalalayan ni Gelo ay baka diretsong sa sahig ako napaupo. Ano ba naman itong nangyayari sa pamilya namin? Bakit sunod-sunod na yata? May kinalaman din ba ito dun sa nangyari sa amin ni Dindin kanina o coincidence lang?

Kung pare-parehong tao lang ang may kagagawan ng lahat, hindi ko na alam ang magagawa ko.

So help me God.

Pasensya na po kung natagalan ako sa pag-update. Yung English version kasi ang pinagtutuonan ko ng pansin ngayon dahil kailangan ng ma-publish. You see, ang haba na ng hahabulin ko para sa translation, nasa chapter 138 na tayo. So pasensya na po sa matagal na paghihintay.

Thanks for reading.

AIGENMARIEcreators' thoughts
下一章