webnovel

So Inlove

Shanaia Aira's Point of View

LOVE is a special feeling that only begins when you open up your heart and let somebody in.

Hindi ko alam na sa simula pa lang ay may gusto na talaga si Gelo sa akin, isang special na damdamin na hindi ko pinagtuunan ng pansin dahil naka-focus lang ako dun sa friendship namin.Maaring may nararamdaman na rin akong kakaibang spark sa pagitan namin nun pero ayoko lang masyadong i-entertain dahil sa maraming kadahilanan.At ang main reason dun ay ang pagkatakot na ma-inlove sa isang taga showbiz at isa pa baka one sided lang ang love at yung posibleng pagkasira ng friendship kung isa lang ang nagmamahal.

Mabuti na lang mutual ang feelings namin sa isat-isa kaya hinayaan ko na syang makapasok sa puso ko at subukan ang ibang level ng relasyon sa pagitan naming dalawa.I hope mag work out kami as lovers.Siguro naman magagawa namin na maging maayos dahil nagsimula kami sa pagiging magkaibigan, matalik na magkaibigan to be exact.Alam na namin ang mga flaws at weaknesses ng isat-isa at wala ng kikilalanin pa dahil kabisado na namin ang kilos at galaw ng bawat isa.

So far maayos naman kami sa nakaraang isang linggo simula nung maging kami.Tanggap ng mga pamilya namin ang bagong label ng relasyon namin.Walang problema sa kanila, para pa ngang mas gusto nila na kami na ang magkatuluyan in the future.Mas sila pa ang maraming plano para sa future namin. Natatawa na lang kami ni Gelo at hinayaan na lang namin sila, mahaba pa ang panahon, mas mabuting enjoyin muna namin kung ano ang meron kami ngayon.Carpe Diem.Seize the day ika nga.

Pero isa lang ang hiling ko kay Gelo at sa mga kapamilya namin, yun ay ang ilihim ang relasyon namin. Yung kami lang ang nakakaalam at closest friends namin. Ayoko kasi na pagpiyestahan ng publiko ang kung ano man ang meron kami ni Gelo. Mahirap kung magkaroon ng mga intriga o bad publicity, baka yun ang ikasira naming dalawa.So far, nakuha naman nila yung punto ko, hayaan na lang daw na isipin ng ibang tao na mag best friend pa rin kami. May lumabas na kasi na balita noon na may non showbiz girlfriend si Gelo nung minsang may makakita sa aming reporter sa mall. Pero nilinaw na ni Gelo yun at sinegundahan pa ni ate Shane. Kaya alam ng lahat na mag best friends lang kami.

Kaya yun ngayon ang naisip kong paraan para hindi kami masangkot ni Gelo sa tsismis, yun ay ang ilihim ang tunay naming relasyon.

" Hi baby! How's your day?" si Gelo papalapit sa kinatatayuan ko sa may gate ng school namin, sinusundo ako.

Ngumiti lang ako sa kanya at iniwasan ang anumang act of intimacy, medyo marami kasing tao sa paligid, mahirap na.

" I'm good and my day is complete now coz you're already here." pabulong lang na turan ko.

" Sorry medyo na late ako ng konti, yung prof kasi namin hindi agad kami dinismiss." he apologetically said.

" No, it's ok bhi, kakaalis lang din nila Venice.Tara na?"

Napangiti sya sa term of endearment ko sa kanya.Siya kasi ang nag-insist non na yun ang itawag ko sa kanya kapag walang nakakarinig.

" Gusto mo bang mag snack muna tayo dyan sa mall?" he asked.

"Gusto ko sana bhi kaya lang baka mapagalitan tayo nila dad hindi tayo nakapag-paalam." sabi ko habang papasok sa kanyang sasakyan. Dumiretso naman sya sa driver's seat matapos akong alalayang umupo sa shotgun seat.

" Don't worry, tumawag na ako kay tito kanina sabi ko kakain lang tayo sandali, pumayag naman sya basta wag lang tayong papagabi."

I sigh." Ikaw talaga napapabilib mo ako, at sigurado pati si dad bilib na rin sayo nyan."

" Of course I respect them as I respect you, I'm an old school you know."

" Haha..halika nga dito, kaya mahal na mahal kita eh." hinila ko sya at niyakap.

" Baby, I love you so much, iingatan at irerespeto kita hanggang sa ikasal tayo in the future."

Medyo nag blush naman ako sa sinabi nya, buti na lang nakasubsob ako sa dibdib nya at hindi nya nakita.Kung ano-ano kasi sinasabi,kinikilig tuloy ako.

Bago dumilim ay hinatid na rin ako ni Gelo sa bahay, pagkakain kasi nagtingin-tingin lang kami sa mga boutique sa mall then nagpasya kaming umuwi na para hindi naman kami mapagalitan nila dad.

Days had passed quickly and we are now celebrating our first monthsary.Dahil friday naman, pinagpaalam ako ni Gelo kay dad para makapag-celebrate kami.

Pumayag naman si dad kaya nung sunduin nya ako ng hapong iyon, umuwi lang kami saglit sa bahay para makapagpalit ako ng damit.I opted for a navy blue flowing dress na above the knee with matching white flat sandals.Naglabas na rin ako ng polo shirt nya na dati pa nakatambay sa closet ko para makapagpalit rin sya.I prefer na katulad na rin ng kulay ng suot ko para terno kami.

We went to MOA to watched a movie.Romantic comedy ang napili ko since wala naman din masyadong mapagpipilian.Sa may dulo kami pumwesto dahil dun na lang din may bakante.

Nagpapakiramdaman kami nung makaupo na kami.Hindi naman ngayun lang kami nanood ng sine na magkasama, actually maraming beses na pero kasi ito ang unang beses naming manood as boyfriend and girlfriend  kaya parang ang awkward ng sitwasyon.

Then suddenly he pulled me closer to him.Niyakap nya ako mula sa likuran and rest his chin on my shoulder.Malamig ang buga ng aircon pero parang naiinitan ako sa posisyon namin.Kelan pa ako nainitan ng ganito kay Gelo? Dati naman nya akong niyayakap ng ganito.

Hay naku Aira, naging kayo lang nagkamalisya ka na?Grabe ang harot mo ha!

Nararamdaman kong parang tense din si Gelo sa likuran ko.Panay na nga ang buntung-hininga at halik sa ulo ko.

" Bhi ano ba! Parang hindi ka mapakali dyan?"

" Huh!"

" Napi-feel ko parang nate-tense ka."

" Kasi baby I want to....ahm.."

" Ano ba ang gulo mo! You want to go to the comfort room ba?"

" No! I want to.....kiss.you."

" Sus naman.First time mo? I'm your girlfriend now bakit nagpapaalam ka pa?"

" Ang pangit naman kung bigla na lang kitang susunggaban dyan."

" Ah okay ."

" So?"

" okay !"

Then he claimed my lips and kiss me tenderly.

Naging passionately...

Hanggang maging torridly.

Grabe sya.Hindi ko na halos maintindihan ang movie dahil para kaming nagpractice ni Gelo sa paghalik.Habang tumatagal para kaming na-addict sa labi ng isat-isa.Tumitigil lang kami kapag pinangangapusan na kami ng hininga.Malamang maga na ang mga nguso namin kapag natapos na yung movie at lumabas na kami ng sinehan.

Nung lumabas na kami ng sinehan para kaming sira na nagngingitian.Paano ba naman hindi namin naintindihan pareho ang movie dahil minaster namin ang art of kissing.Mahihiya ang mga Pranses sa galing ni Gelo mag french kiss.

Hay ang harot.Ang harot lang namin.Pero don't get me wrong ha? Dahil hanggang dun lang kami,promise!

Tumuloy kami sa favorite naming restaurant para mag dinner.Kilala na kami ng mga staff dito kahit pag may special occasion lang kami pumupunta dito. Sikat nga kasi si Gelo at kilala naman ako bilang kapatid ng artistang si Shane Gallardo.

Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil konti lang ang tao at magkakalayo pa ang table. Mukhang nag prepare din sya ng husto para dito kasi ang dami nyang inorder at ang mahal pa nung mga pagkain na napili nya.Sabagay mayaman tong taong ito, sa dami ng kinita nya sa mga movies nya, siguradong kaya nyang magbayad dito.

" Bhi bakit ang mamahal pa ng mga inorder mo? kahit naman sa fast food lang,okay na ako."

" Okay lang baby, mahal ko yung pakakainin ko kaya dapat hindi ko sya tinitipid.I want to give her the best, she deserves it."

" Alam mo ikaw, you have this incredible ways of making my heart happy. I'm so lucky to have you Ariel Angelo Montero, you're such a blessing to me."

" Uy kinikilig ako baby, wag masyadong ganyan lalo akong nai-inlove sayo."

" Sira puro ka kalokohan, seryoso ako dito noh!"

" Hindi nga, nakakataba kasi ng puso yung sinabi mong isa akong blessing sayo.Mas maswerte ako baby dahil ako ang minahal mo, para sa akin isang karangalan ang mahalin ng isang Shanaia Aira Gallardo."

" Sobra naman yun bhi, pero nakakataba rin ng puso.Sana mapatakbo natin ng maayos itong relasyon natin.Ang main ingredient lang naman dyan eh trust para mag work out tayo ng maayos.I'll give you my trust in everything bhi, wag mo sana iyong sisirain.Be faithful and don't cheat on me."

" Yes baby I promise, I'll be faithful to you.You have me until every last star in the galaxy dies.You have me."

" Ay ang cheesy naman nun bhi, kainis ka, kinilig ako dun ah."

" Hahaha..tinutupad ko lang yung pangako ko sayo na liligawan pa rin kita kahit girlfriend na kita.Yan yung mga linyahan ng mga nanliligaw di ba? nagpapakilig."

" Haha.. Oo na, ikaw na talaga."

After nung dinner ay naglakad-lakad lang kami sa likod ng MOA dun sa may park.Marami na ring tao kaya naupo lang kami dun sa may concrete bench at pinanuod yung fireworks display.

Nakayakap si Gelo sa akin mula sa likuran ko at nakasandal naman ako sa dibdib nya.Naririnig ko pa ang bilis ng tibok ng puso nya na kapareho ng sa akin.Manaka-nakang hinahalikan ang gilid ng ulo ko habang sinasabi ang salitang I love you.

Kinikilig talaga ako sa sobrang sweetness na ipinapakita ni Gelo, dati na syang sweet sa akin, mas dumoble nga lang ngayon.Buti na lang medyo madilim na at naka-disguise sya. Pinasuot ko sa kanya yung malaking salamin ko sa mata tapos naka cap sya na medyo natatakpan yung mukha nya. Mahirap na kasi na baka may makakilala sa kanya.

Nasa ganung posisyon lang kami hanggang sa matapos yung fireworks display.Nakakaramdam ako ng sobrang kaligayahan kahit ganito lang kami, nakaupo doing nothing.At sa tuwing magtatama ang tingin namin ni Gelo, nakikita ko ang labis na pagmamahal nya sa akin.At wala rin akong anumang regret na sya ang pinili kong mahalin.

They say everyone gets a miracle in life and Gelo happened to be mine.He is God's greatest gift to me.

At sa ganun natapos ang celebration namin ng aming first monthsary.Simple pero memorable sa amin dahil ramdam namin pareho ang pagmamahal namin sa isat-isa.

At matatapos ba naman ang gabi kung walang kissing under the moon and stars na parang kami lang ang tao sa earth. Pero nasa loob na kami ng sasakyan nya syempre.

Haha..si Gelo at ako pa ba?Ow come on...💓

Pero alam namin ang aming limitations, hindi kailangang maging mapusok kapag nagmahal ka...

下一章