webnovel

Chapter 10 | The Red Mark

Chapter 10 | The Red Mark

I've been half-walking and half-running for how many minutes already. Kanina ko pa kasi hinahanap si Mikan pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya makita.

She told me a while ago that she'll just go to the library. Sa dining hall kasi ako tumuloy. Then, I followed her to the library after I ate just to find out that she's not there.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ko ba siya hinahanap. Kung tutuusin ay wala naman dapat akong pakielam kung papasok ba siya sa susunod na klase o hindi.

Napailing na lang ako. Saan na ba kasi napadpad ang babaeng 'yon? Ang laki pa naman nitong school.

One month had already passed since I first came here. Hindi ko nga akalain na magtatagal ako rito. Pakiramdam ko kasi ay kaunti lang kaming normal na tao rito.

I'm not saying that most of the people here were abnormal. Don't get me wrong. Pero sadyang ang weird lang talaga nila. Pansin ko nga na pati ang mga teachers ay gano'n din. Pagkatapos ay sobrang puputla pa.

Ni hindi rin uso ang pagdadasal dito sa hindi ko malamang kadahilanan. Wala rin silang subject na may kinalaman sa religion unlike in other schools.

Ang isa pa sa bumabagabag sa 'kin ay ang iniinom nila. Minsan ko na kasing nakita ang ibang mga estudyante rito na may iniinom na kulay pulang likido. I don't know if it's a wine or what, but it's kinda different.

Isa pa ay hindi naman siguro nila hahayaan na uminom ng gano'n ang mga estudyante rito. Gustuhin ko mang tikman 'yon para malaman kung anong klaseng inumin 'yon ay hindi ko naman magawa. Pili lang kasi ang mga estudyante na puwedeng uminom no'n. Which is weird as well.

Okay naman sana 'tong academy. Wala akong mairereklamo pagdating sa facilities, security at high standard of education. Parang pang-international na nga 'tong academy, eh. 'Yong tipong mayayamang tao lang talaga ang makaka-afford.

Ang kaso nga lang ay mukhang hindi talaga uso rito ang equality.

Nalaman ko rin na miyembro pala ng student council dito ang mga itinuturing nilang royalties. Sabagay, hindi ko naman maitatanggi na talagang matatalino at magagaling sila.

Sa paglalakad ko ay napadpad ako rito sa likurang bahagi ng dorm building namin. Marami ring nagtataasan na mga puno rito at napakasariwa pa ng ihip ng hangin. Paborito namin tumambay rito kung minsan kaya baka naman nandito siya.

At hindi nga ko nagkamali.

Napairap na lang ako nang sa wakas ay nakita ko rin ang hinahanap ko. Malapit na rin kasi matapos ang breaktime.

Nakatungo siya habang naglalakad. Abala kasi sa pagkalikot ng phone niya. Mukhang pabalik na rin siya.

Then she suddenly stopped while still looking down on her phone. Sisigawan ko na sana siya dahil malayo pa ang distansya naming dalawa ng may bigla akong napansin mula sa itaas.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang paso roon na mahuhulog. Babagsak 'yon sa mismong kinatatayuan ni Mikan kapag nagkataon!

''Mikan!'' I shouted. Hindi ko na nakita kung ano ang naging reaksyon niya dahil mabilis akong tumakbo palapit sa kanya.

Masyadong mabilis ang mga naging pangyayari. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa ibabaw ni Mikan. Natumba kasi kaming dalawa nang dahil sa lakas ng pagkakatulak ko sa kanya. Kasabay no'n ang malakas na pagtunog ng isang nabasag na bagay.

Mabilis akong tumayo at agad ko siyang inalalayan. ''Are you okay?" Napatango naman siya.

Muli akong napatingin sa itaas. "Paano kaya nahulog ang paso na 'yon? Samantalang wala naman akong nakitang tao roon na posibleng naggalaw?'' takang tanong ko.

Hindi ako maaaring magkamali. Dahil kitang-kita ko na kusang gumalaw 'yong paso para mahulog!

Pero paano? May multo ba? Pero masyado pang maaga, eh.

Napabuntong hininga na lang ako bago muling nilingon si Mikan. Kumunot naman ang noo ko nang mapansin na nakatitig lang siya sa 'kin.

''Ayos ka lang ba talaga?'' Pinagpagan ko ang suot na uniform upang matanggal ang alikabok na napadikit dito.

''H-How did y-you do that?'' nauutal niyang tanong.

Tinaasan ko siya ng kilay. ''Do what?'' Wala kasi akong ideya sa kung ano ba ang tinatanong niya.

Sumilip siya sa bandang likod ko bago muling tumingin sa 'kin. ''A-Ang layo ng pinanggalingan mo. P-Paanong nandito ka agad? Nagulat na nga lang ako nang bigla kang sumulpot sa harap ko at itinulak ako.''

Bigla akong natigilan nang dahil sa tanong niya. Oo nga pala. Paano ko nga ba nagawa 'yon?

Ang naaalala ko lang kasi ay tumakbo ako. Pagkatapos ay naramdaman kong tila may malakas at mabilis na puwersang nagdala sa buong katawan ko papunta rito.

What the hell? May superpowers ba ko?

Nah. Dala lang siguro 'yon ng adrenaline rush.

''Hindi ko rin alam, eh. Baka napabilis lang talaga 'yong takbo ko,'' alanganin kong sagot sa kanya dahil hindi ko talaga alam kung ano ba ang nangyari. Ni hindi ko na nga 'yon napansin kung hindi lang niya binanggit.

Magsasalita pa sana siya ng mapalingon ako bigla sa bandang kaliwa ko. Naramdaman ko kasi na tila mayroong nanonood sa 'min.

Hindi naman ako nagkamali. Because there they are. The royalties of this academy. Standing in front of me with their shocked faces.

Ano naman kaya ang problema nila ngayon?

''Interesting,'' I heard Vince muttered. Nasa pinakadulo siya ng grupo at kung tutuusin ay pabulong lang naman ang pagkakasabi niya no'n. Kaya hindi ko alam kung paano ko ba narinig ang sinabi niya.

''I don't think that what had just happened is somehow interesting,'' I said sarcastically.

Paano naman kasi naging interesante 'yong nangyari? Eh, muntikan na ngang mapahamak si Mikan!

Halatang nagulat siya nang dahil sa sinabi ko. Pero agad rin siyang nakabawi at naging blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha.

''Wait, Nicole! Ano 'yang nasa leeg mo? Bakit namumula 'yan?'' I almost jumped in surprise when Mikan shouted.

''Hah?'' Dali-dali ko namang kinuha 'yong compact mirror ko na nasa bulsa para tingnan kung ano 'yong sinasabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa nakita. "What's this?'' May hugis bilog at kulay pulang marka kasi sa kanang bahagi ng leeg ko.

Hindi naman ito masakit or makati. Kung tutuusin ay maliit lang din ito. But still!

''Ano ba 'to? Bakit ayaw matanggal? Wala pa naman 'to kanina, eh!'' Pilit ko itong kiniskis pero wala namang nangyari.

''No way.''

Napatingin naman ako kay Kyle nang bigla siyang nagsalita. Tila hindi rin siya makapaniwala sa nakikita niya. Pagkatapos ay nagkatinginan sila ni Kira at bigla na lang siyang nag-walk-out.

Ano naman ang nangyari sa isang 'yon?

Agad naman siyang sinundan ni Kira. Samantalang sina Hiro at Vince naman ay nakatingin lang sa 'kin na parang nagdududa at naguguluhan.

They're both looking at me intently as well. Ganyan din 'yong tingin sa 'kin ni Vince no'ng una kaming nagkakilala.

''Ate! Tara dalhin na namin kayo sa clinic. May mga galos din kasi kayo at saka para mapatingnan natin sa nurse kung ano 'yang nasa leeg mo.'' Hindi pa man din ako pumapayag ay nahila na kami nina Miley at Reiri.

Nagpatangay na lang ako dahil ang daming gumugulo sa 'kin ngayon. Noong una ay kung anu-ano ang nararamdaman ko. Ngayon naman ay kung anu-ano na lang ang bigla-biglang lumalabas sa katawan ko.

Does this school have a curse? Hindi kaya 'yon ang sikreto ng academy na 'to?

Mariin akong napapikit. I need answers!

-----

Kyle Ethan's POV

Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa likod ng dorm building ng mga tao. Hiwalay kasi ang dorm nila sa 'ming mga bampira. Siyempre kaming mga bampira lang ang nakakaalam no'n. Hindi ko lang sigurado kung mayroon bang nakakapansin na mas malaki ang sa 'min at mas marami kami.

Pabalik na sana kami sa academy ng bigla naming makita 'yong kaibigan ni Nicole na naglalakad mag-isa.

Wala naman kaming balak na lapitan o kausapin siya. Pero mukhang siya ang bagong target na pagtripan nina Hiro at Vince ngayon.

Hinayaan lang namin sila sa gusto nilang gawin. Sila naman 'tong mananagot kung sakali, eh.

''Hay, naku! Siguraduhin n'yo lang na hindi masasaktan si Ate Mikan, hah. Kung hindi ay malalagot kayo sa 'min.'' Sinamaan sila ng tingin nina Rei at Miley.

Hiro chuckled while Vince just shrugged. ''Don't worry. Just watch and be amazed.''

Tumingala si Vince at tiningnan 'yong paso na nandoon. Sakto namang tumigil sa paglalakad si Mikan. Balak kasi nilang magpakitang gilas.

Hindi pala. Ang totoo niyan ay si Hiro lang naman talaga ang may gustong magpapansin. Ganyan ang style ng pagiging babaero niya.

Isa pa, sa pagkakaalam ko ay matagal na siyang curious sa Mikan na 'yon.

Ang magiging eksena ay ihuhulog ni Vince 'yong paso gamit ang telekinesis ability niya. Pagkatapos ay kunwaring ililigtas ni Hiro si Mikan gamit naman ang super speed ability niya.

Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung bakit sinusuportahan ni Vince ang ganyang klaseng kalokohan ng matalik na kaibigan niya.

Maayos na sana ang lahat. 'Yon nga lang ay bigla naming narinig ang malakas na pagsigaw ni Nicole.

Kaya naman ay dali-dali ng pinuntahan ni Hiro si Mikan. Sana lang talaga ay walang makapansin sa kanya. Malalagot talaga sila sa 'kin kapag naghinala sa 'min ang dalawang taong 'to.

Pero napatigil siya ng biglang may nauna sa kanya.

Pare-pareho kaming natulala nang dahil sa nangyari. Sa sobrang bilis niya ay naunahan niya pa si Hiro!

Seriously? Eh, wala pang nakakauna kay Hiro kung pabilisan lang din ang pag-uusapan!

Mukhang hindi niya napansin ang ginawa niya dahil mabilis din siyang tumayo na parang walang nangyari.

Malayo kami sa kanila kaya hindi nila kami kaagad napansin. Nagsimula na kaming humakbang upang mas mapalapit sa kanila ng biglang lumingon sa direksyon namin si Nicole.

Natigilan ako. Ang lakas naman ata ng pakiramdam niya. Bakit ba tila may kakayahan din siya na katulad ng sa 'min?

She's not a vampire! Ni wala ngang nananalaytay sa kanya ni katiting ng dugo namin. Pero bakit?

We're all shocked. Who wouldn't, anyway?

Narinig kong may ibinulong si Vince mula sa likod ko. But what I didn't expect was when Nicole heard him!

Noong una ay ang pagiging matalas ng mga mata niya at pagkakita sa mga bagay na kami lang ang dapat na makakita.

Pagkatapos ngayon ay ang mabilis niyang kilos, malakas na pakiramdam at matalas na pandinig.

What's next?

Natigilan lang ako sa pag-iisip nang biglang sumigaw 'yong kaibigan niya. Napatingin naman ako sa kung ano ang tinutukoy niya.

''No way,'' I muttered in disbelief. Ganyan din ang naging reaksyon ko ng bigla akong magkaroon ng kulay pulang marka.

Nagkatinginan kami ni Kira. Mukhang alam na niya kung ano ang iniisip ko. Siya pa lang kasi ang nakakita at nakakaalam ng tungkol sa bagay na 'yon.

Gulong-gulo na ko kaya naisipan ko na lang na umalis. Ramdam ko naman na sumunod sa 'kin si Kira.

''Kyle, ano sa tingin mo ang ibig sabihin no'n? Bakit—''

''Hindi ko rin alam. Sa tingin ko ay masasagot lamang ang mga tanong natin sa oras na mabasa natin ang nilalaman ng propesiya.''

Wala naman akong pakielam sa kung ano ba ang nilalaman ng propesiya rati. Narinig ko lang din na nakalathala ito sa isang libro na siya namang pinakaiingatan ng mga magulang ko.

'Yon mismo ang libro na gusto kong hanapin no'ng nakaraan. Hindi ko alam kung bakit. Pero pakiramdam ko ay may kinalaman si Nicole roon.

Mas lalo lang tumindi ang hinala ko nang dahil sa mga nasaksihan ko ngayon.

''Then we need to know about it as soon as possible,'' seryoso niyang saad.

''Yeah.''

Pagkarating na pagkarating namin ng mansyon ay diretso akong pumasok sa loob ng kuwarto ko at humarap sa salamin.

I let out a deep sighed. Pagkatapos ay dahan-dahan kong inalis sa pagkakabutones ang suot kong uniform.

Then there I saw it on my chest. The same red mark that Nicole have on her neck.

Napansin ko lang na mayroon ako nito ilang linggo pagkatapos ng 18th birthday ko. Sa totoo lang ay si Kira nga ang unang nakapansin nito. Noong mga panahon na 'yon ay nakauwi na kasi ang iba mula sa pagbisita nila sa 'kin sa Romania.

Tandang-tanda ko pa ng nagkayayaan kaming maligo sa dagat no'n ng bigla na lang siyang natigilan.

''Kyle, bakit may namumula sa dibdib mo? Sugat ba 'yan?'' kunot noong tanong niya sa 'kin.

Napatungo naman ako roon sa tinuturo niya. ''Fuck! What's this? Wala pa naman 'to kanina, ah!'' Kahit anong kiskis ang gawin ko no'n ay hindi rin ito natanggal.

Nabanggit ko rin ang tungkol dito kila Dad. Ngunit hindi rin daw nila alam at ni hindi man lang sila nag-alala o ano.

Pero hindi ko malilimutan ang kakaibang tinginan nila ni Mom noon. Kaya alam kong nagsisinungaling sila sa 'kin ng mga panahon na 'yon.

Makalipas ang isang buwan ay hinayaan ko na lang din ito dahil wala naman akong nararamdamang kakaiba.

Puwera na lang sa mas naging malakas pa ko.

Kaya kanina habang papalapit ako sa kanya ay may isang bagay na biglang nagpakaba sa 'kin.

Dahil ramdam ko rin ang kakaibang lakas niya na maihahalintulad sa 'kin.

I can't help it but to wonder. How it even becomes possible?

-----

Kira's POV

I was leaning my back against the wall while looking at Kyle's serious face.

Kung may mas naguguluhan man sa 'ming mga royalties ng dahil sa mga nangyayari ay paniguradong si Kyle 'yon.

Wala kaming mapapala kung hindi pa kami kikilos ngayon. Isa pa ay naniniwala ako na kung anuman ang mga nangyayari ngayon ay naaayon sa kung ano ang nakatakda.

Kailangan lang namin malaman kung saan at paano nagsimula ang lahat at kung ano nga ba ang koneksyon ng mga ito.

''Kyle, aalis lang ako saglit. May kailangan lang akong alamin,'' paalam ko sa kanya.

Napalingon siya bigla sa 'kin. ''Ano naman 'yon?''

I walked towards him and tapped his shoulder. ''Sa totoo lang ay hindi ko rin alam. Bahala na. Pero malakas ang pakiramdam ko na may koneksyon sa inyong dalawa ang mga kakaibang nangyayari ngayon.''

Napatango naman siya. "Balitaan mo na lang ako kung sakaling may malaman ka. Susunod na lang ako sa kanila.''

Agad siyang nag-iwas ng tingin. Pero kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

''Sige. Kausapin mo na rin si Nicole at baka may makuha ka ring impormasyon sa kanya.''

Tinanguan lang niya ko at nauna na kong lumabas.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nandito na ko sa tapat ng records section. Nilibot ko muna ang tingin sa paligid bago pumasok. Mabuti na lang at kahit papaano ay wala namang tao.

Agad kong tinungo ang mga file cabinet na nandoon at nagsimulang maghanap. Alphabetical naman ang pagkakaayos ng mga files dito kaya hindi ako nahirapan hanapin ang pakay ko. Good thing there is indicating letters posted on each of the cabinets.

A smile formed on my lips the moment I saw her name on one of the envelopes there.

I took it out and the paper inside of it. Ang unang bagay na kailangan kong gawin ay kilalanin kung sino nga ba si Nicole Jane Parker.

Sinimulan kong basahin ang lahat ng impormasyon na nakalagay roon. Kung saan siya nakatira, pangalan ng mga magulang niya at kung anu-ano pa.

Then something caught my attention.

Birthdate: May 19, 1997

So, it means that it's been over a month since her 18th birthday.

Pero hindi lang 'yon ang iniisip ko.

Because she and Kyle does have the exact birthdate. Same month, day and year! Is it some kind of coincidence or what?

Now, I think it does make sense. Pero hindi ko pa nga lang matukoy kung ano ba talaga ang koneksyon nilang dalawa.

I think this is a good start. But there's still a lot of missing puzzle here, and that's what we need to find out. Soon.

About that red mark? Alam kong hindi lang basta marka 'yon. Para kasi 'yong simbolo na nag-uugnay sa kanilang dalawa.

Doon pa lang ay masasabi kong mayroon talaga silang koneksyon.

下一章