Nandito ako ngayon sa Criza's Café kasama si Jasmine, kakarating lang rin naming galing mag mall para bilhan ng limang libro si Joshua para ngayong meet up niya at ulam na iniutos ni mama.
"What's your order madam?" tanong saamin ng waiter
"Two empresso please" mabilis na sagot ni Jasmine
Ito yung gusto ko kay Jasmine yung mabilis sumagot haha.
By the way, she is Jasmine Jayne Rupinta, best friend ko siya noon pa. Siya yung tipong kaibigan na maasahan, lahat ng sekreto ko alam niya.
"Hoy! Alam mo ba na buntis si ate?"
"Buntis ate mo?" gulat na tanong ko
"Oo, lumalayas na nga siya saamin e, kasama ang boyfriend niya.." kita mo sa mata niya ang lungkot na nadarama. Ate niya lang kasi ang sundo niya kaya ayaw niyang humiwalay
"Okay na yun matanda narin naman ate mo.. wag ka nang malungkot matan--" hindi ko na natapos ang sinabi ko nang biglang nag vibrate ang cellphone ko. "Teka lang" sabi ko kay Jasmine at tumango naman siya. Tiningnan ko naman ito kong sino ang tumawag.
Mahal Calling!
Accept| Declined
Agad ko naman itong sinagot.
"Hello Mahal"
"O? Napatawag ka?"
"Na miss kita e" malambing na sabi niya "Asan ka ngayon? Bakit ang ingay?" nag-alalang tanong niya
"Nasa Criza's Café"
"Anong ginagawa mo diyan?"
"Tumawag kasi si Jasmine kaya nag meet kami, matagal tagal rin kasi kaming hindi nagkita"
"Ahh ganun ba sige magsulat muna ako"
"Oh, sige tawagan lang kita kapag naka- uwi na ako"
"Sige bye"
~TOOT! TOOT! TOOT!~
Galit? Hindi pa nga ako nakapagpaalam e. Psh..
"Oh?! Ano?" bumalik ako sa reyalidad ng biglang magsalita si Jasmine.
"Parang galit e, hindi pa nga ako nakapagpaalam e, binabaan agad" nakanguso kong sabi
"Hahahahahahahahahahahahahaha" ngi? bat tumawa?
Kumunot naman ang noo ko kaya huminto siya sa pagtawa at tsaka nag- peace sign.
"Mamaya uuwi naako" sabi niya saakin
"Ako rin"
Tiningnan ko naman ang orasan ng Café rito.
Time Check 9:01 pm
"Kumusta na kayo ni Jack?" tanong ni Jasmine
"Heto! Palagi siyang nagsusulat ng kwento tapos may meet up pa siya this coming eight in April.."
"Sasama ka?"
"Oo, ipapakilala niya raw ako sa mga readers at supporters niya"
"Ayiee, sweet ng boyfriend mo"
"Tch." singhal ko
"Hindi ka ba masaya?" tanong niya
Bakit ako sumaya kong minsan nalang kami nag communicate. tch..
"Hindi"
"Bakit?"
"Eh kasi puro nalang siya sulat minsan nalang kami magkita, hindi man lang ako replayan o tawagan"
"E, ano yung patawag-tawag niya kanina?"
"Minsan lang e" nakangusong sambit ko
Maya- maya ay tumayo na siya bago nagsalita.
"Mauna na ako!" wika niya at tsaka naglalakad papalayo.
Tumayo narin ako at tsaka pumara na ng taxi.
Pagdating ko sa bahay ay nakita kong tulog na si mama kaya pumunta na ako sa kwarto ko at tsaka nagpahinga.
KINABUKASAN
Maaga akong gumising at tsaka kinuha ko ang cellphone, agad kong pinindot ang wattpad at tsaka pumunta sa profile at hinanap ang following.
Finollow na kasi ni Jack ang account niya kaya madali ko lang makita.
'jackillychi?'
Bakit ganyan username niya? weird..
---
Jack
@jackillychi
5
works | 0 Reading List | 2M followers
About | Conversation | Activity
Description:
I love her♡
5 Publish Story
Love Her (Complete) [Published by book]
Make my girlfriend Happy (Complete)
Tomboys Love (Complete) [Published by book]
Tarantado ka ah! (Complete)
Kiss! (Complete) [Soon to be Publish]
---
'wow! ang rami na niyang nagawa na story at followers'
Kung ganon napakaswerte ko pala sa boyfriend ko.
Agad ko namang ni- add sa library ang kwento niya at tsaka nagsimulang magbasa.
Maya- maya ay bigla nalang may tumawag at sinagot ko naman ito.
"Hello Mahal?" nakangiting sambit ko
"Nakauwi kaba ng maayos mahal?" nag-alalang tanong niya
"Oo naman, e ikaw nagpayat ka na naman ano? nang dahil sa pagsusulat ng kwento?" sarkatikong biro kong tanong
"He-he para sayo i--to e.." nauutal niyang sagot
"Ayiie.." kinikilig na sabi ko
"Anong ginagawa mo ngayon?" tanong niya at tsaka ko tiningnan ang oras
Time Check: 7:57am
"Ito nagsisimula ng magbasa ng kwento mo... kyaaaah ang ganda.."
"Anong pamagat nayun?"
"Yung kiss hehe.."
"Ah! Sige, sige magbasa kana, basta wag mong kalimutan ang pagkain ha.."
"Opo boss!" masiglang sabi ko "Ang sikat mo ano? 2M? Ang rami kaya"
"Hehe thank you!" pagpasalamat niya "Sadyang ganyan talaga iyan kapag magsumikap kang magsulat"
"Sige na! Sige na! Tatapusin ko na yon bye" sabi ko at tsaka mabilis na ni- off at bumalik sa pagkabasa.
♡♡♡
ISANG ARAW ANG NAKALIPAS
Dalawang araw nalang bago ang meet up ng boyfriend ko, at exited na akong makilala sa buong pilipinas --este buong fans niya.
Nandito ako sa labas ng bahay naka dress na red at white sandal.
Hinihintay ko lang si Jack, birthday kasi ng kapatid niya ngayon and I expect na marami talaga silang bisita ngayon.
Maya- maya pa ay may dumating na sasakyan at bumungad ang mukha ni Jack.
"Sorry ngayon lang.." parang nag slow motion ang lahat ng makita ko siya. Naka business attire lang siya at tictak.
"Cheska?" natauhan ako ng bigla akong sinampal ni mama "Kanina ka lang namin tinatawag pero hindi ka nakikinig.. hali kana" tiningnan ko lang si Jack at tsaka kami pinagbuksan ni mama ng pinto.
Maya-maya pa ay dumating narin kami sa mansion ng mga Guipos.
Nakaramdam ako ng may humawak sa kamay ko kaya dali-dali akong lumingon.
SI JACK HINAWAKAN YUNG KAMAY KO.
Hindi lang ito yung una niyang hawak sa kamay ko pero kakaiba ito.
"Ladies and Gentlemen welcome to Guipos Mansion.. I just wanna invite you because this is my son Birthday." sabi nung emcee
Maraming tao ang nandito sa loob, halos lahat ng ito ay taga campus.
Si Jazzrill ay pupolar at hearttrob sa kanyang paaralan kaya asahan mo talaga na ganito karami ang pumunta.
"Tara doon tayo.." sabi ni Jack sabay turo sa may table sa unahan. Nakita ko namang nandun ang pamilya ni Jack.
Naglalakad na kaming tatlo nang may nabunggo ako.
"Aray!" sabi ko at tsaka hinawakan ang siko
"So--" hindi na niya natapos ang kanyang sinabi ng biglang magsalita si Jack.
"Joshua?"