Naging masaya ang gabi namin dalawa ni Celine. At hindi din naiwasan ang may mangyari samin ng gabing iyon. May bago pa ba? Hindi naman ito ang unang beses tama? At wala naman ng masama dahil mahal naman namin ang isa't isa at kahit na anong mangyari ay sya lang din naman ang pipiliin kong makasama.
Huling araw na namin ito sa boracay. Ngayon ang kasal ni Sey at kailangan ay dumalo kami. Sa isang kilalang businessman ikinasal si Sey at napakaganda din nya at aaminin kong mas maganda sya kesa kay Celine. Pero iba pa din para sakin si Celine. Naiiba pa din sya.
Nang matapos ang kasalan ay dumeretso na ang lahat sa reception at nagkainan. Pero hindi kami nagtagal don ni Celine. Nagayos na din naman agad kami ng gamit dahil maaga pa ang uwi namin. Nagpaalam naman kami ng maayos at syempre ay binati namin sila. Naisip ko tuloy, kami kayang dalawa ni Celine. Kailan kaya kami ikakasal?
Magdamag lang kaming nanood sa loob ng kwarto ng TV. Hanggang sa sabay na nga kaming nakatulog. Maaga din kaming nagising dahil uuwi na nga kami. Pagdating namin sa Manila ay ang driver ng dad nya ang sumundo samin. At habang nasa byahe kami ay don kami nagbawi ng tulog. Sa bahay namin kami dumeretso para don na kami magpahinga at dahil iyon din daw ang utos ni mommy. Kaya pagdating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ni mommy.
"Hija!! Anak. Mabuti at dumating na kayo. So how's bora!?"
"Ok naman po Tita. Masaya po!" At tumingin sya sakin at ngumiti. Tumingin din sakin si mommy at ngumiti. Nang ibalik nya ang tingin nya kay Celine ay hindi nya naiwasan ang hawakan si Celine sa kamay kaya napatingin ito sa kamay ni Celine.
"Wow, did you bought it in boracay??"
Tumingin muna sakin si Celine at si mom.
"Binigay po ni Xander."
"Ah so niregaluhan ka pala ng anak ko.!" Natatawang sabi ni mom at nakangiti lang si Celine. Pansin kong hindi nya alam kung paano sasabihin na nagpropose na ako.
"I already proposed. Inaya ko syang magpakasal. We're engaged now mom.!" Ako na ang nagsabi habang hawak ko ang kamay nya. Halata naman na nagulat si mom dahil sa itchura nya na bahagyang nanlaki ang mata at napanganga. Hinawakan nya ang dalawang kamay ni Celine kaya napabitaw ako.
"Is it true my dear?? Did Xander proposed to you??" Nakangiting tanong ni mom. And Celine nodded while smiling. Sa sobrang tuwa ni mom ay niyakap nya si Celine at pati ako.
"Oh my God. Xander! It's good to know that you proposed now to her !! Im so happy. Ano. Kailan nyo ako bibigyan ng apo!?" Nagulat ako sa tanong ni mom. Kakaproposed ko pa lang apo na agad ang hinihingi!????
"Mom! Nagproposed pa lang ako. Wala pa nga ang kasal apo na agad ang tinatanong mo?" Natatawa kong sabi kay mom. Nilapitan nya ako at kumapit sa kamay.
"Son, I want a baby girl. Hija. Let's go!!"
Yun ang bulong nya sakin before nya hinila si Celine papunta sa dining area. Nagpaluto daw kasi sya ng marami para samin. Si mom, nakakatawa sya. Parang alam nyang may nangyayari na samin dalawa ni Celine para humiling ng babaeng apo. Palibhasa kasi ay hindi nagkaanak ng babae kaya sabik sa babaeng apo. Ganon din ang dahilan kung kaya malapit sya kay Celine.
Wala pa din noon sina daddy kaya dito muna kami pinatulog ni mommy. Magkasama kaming dalawa ni Celine sa room ko dahil sabi ni mom ay mas maganda na daw na magkasama kami. At may pahabol pa. Babae daw ang gusto nya. Kaya nagtawanan na lang kami ni Celine.
"Babe, you hear my mom. She wants a baby girl. So i think we should give her a cute baby girl!???" Biro ko kay Celine habang nakayakap sa bewang nya. Nakatayo kasi sya sa harap ko dahil kaliligo lang nya at ako naman ay nakaupo sa kama. Natawa lang si Celine at bahagya akong kinurot sa pisngi ko. Nang umupo sya sa tabi ko, hindi ko na naiwasan ang masabik sa kanya. I kissed her on her lips and she kissed me back. It become passionate. At san pa ba mapupunta ang ginawa namin. At muli may nangyari samin.
Pagkagising ko wala si Celine sa tabi ko. Marahil ay maaga syang nagising at bumaba na sya. Pagbaba ko ay nakita ko syang kumakain na kasabay ni mom. Nagtatawanan habang nagkwekwentuhan. Lumapit ako at umupo sa tabi ni Celine
"Bakit hindi mo ko ginising!?" Tanong ko sa kanya habang kumukuha ng tinapay at hotdog.
"Hijo, mahimbing kasi ang tulog mo kaya hindi ka na nya ginising. At saka hindi naman nawala ang fiancé mo. Ito lang sya oh, kasama ko lang naman sya!" Natatawang sabi ni mom. Ang sarap pakinggan nung sinabi ni mom. Fiancé. Celine is my fiancé.
"Anyway,dalian mo ng kumain at maligo ka na. May pasok pa tayo.!" Naalala kong bigla na may pasok nga pala kami. Kaya nagmadali na akong kumain at naligo na agad.
"Ma, papasok na po kami. Sa condo na po kami uuwi.!" Paalam ko kay mommy saka ko inihanda yung sasakyan. At dahil nag request si Celine na motor ang sakyan, kaya iyon ang ginamit namin.
Pagdating namin sa school ay nagpaalam muna sakin si Celine na pupunta sa library dahil may kukunin daw syang mga libro. Gusto ko nga sana na samahan sya pero mauna na daw ako kaya sinunod ko na lang ang gusto nya.
Habang naglalakad na ako sa hallway ay nakasalubong ko si Zia. Nakangiti pero ibang klase ng ngiti ang binigay nya sakin.
"Magkasama pala kayo ni Celine sa bora. Ano,enjoy ba?" Sabi nya sakin.
Paano nyang nalaman na magkasama kaming dalawa? Malamang pareho kaming wala.
"Zia, ano bang kailangan mo ha!?"sabi ko sa kanya sa matapang na paraan.
"Wala naman babe. Gusto lang naman kitang kamustahin eh. Ano, masaya ba ang bakasyon nyong dalawa?"
"Oo, masaya dahil sya ang kasama ko. Dahil kasama ko ang mahal ko!" Diniin ko pa ang pagkakasabi ko ng mahal ko kaya nagiba ang mukha nya. Halatang galit na sya.
"Babe, ienjoy mo lang yan. Dahil malapit ka ng bumalik sakin.!" alam kong may pinaplano sya pero hindi ako magpapatalo sa kanya.
"In your dreams Zia. Only in your dreams!" Saka ko sya tinalikuran. Kung inaakala nyang magiging sa kanya ako, nagkakamali sya. Dahil kahit kailan hindi ako mapupunta sa kanya.
Sabay kaming pumunta ni Celine sa cafeteria para kumain. Nauna na kasi samin si Carla para kumuha ng table.
"So ano kwento naman kayo sa bakasyon nyo. Ano marami bang artista don!?" Naeexcite na tanong ni carla samin ni Celine.
"Yes, masaya. Hmm madaming artista at model na nandon.!"
"Haist sayang naman. Ako kaya kailan kaya ako pupunta ng bora!?" Sabi nya at sabay nangalumbaba. Habang tinutusok ang karne na nasa plato nya ay bigla syang napatingin sa kamay ni Celine.
"Oh My God!!! Celine!!!!!!!!" Lahat kami sa loob ng cafeteria ay napatingin kay Carla. Anong nangyari sa kanya? Tiningnan nya ako at sabay hinila ang kamay ni Celine.
"Don't tell me nagproposed na sya sayo!??????" Pasigaw pa din nyang sabi. Ngayon ko lang nalaman na may pagkaiskandalosa pala sya. Nagnod si Celine kaya si Carla ayon mas napanganga.
"Oh my engaged na kayo!!!!!!" Sigaw nya. Hinila sya ni Celine at tinakpan ang bibig ako naman ay natatawa lang sa kanila. Wala naman sakin kung malaman ng lahat na engaged na kami eh.
Mas masaya nga yun eh.
"Oh my !!! Girl maid of honor ako ha!! Guys !!! Engaged na silang dalawa !!!" Sigaw ni Carla kaya ang lahat nakangiti samin at nakatingin. Si Celine naman ay namula sa sobrang hiya. Hinawakan ko ang kamay nya para kahit paano ay mawala ang kaba nya. Wala naman dapat syang ikahiya dahil paninindigan ko naman ang proposal ko sa kanya. Pero dahil sa ginawa ni Carla sa cafeteria, lahat ng makakita samin ay binabati kami. Masaya daw sya para samin ni Celine. Nakaka flutter.. Pero masaya. Masarap sa pakiramdam. Kahit ang mga Prof namin binabati ako. Ang iba sabi pa hindi nila akalain na magbabago ako ng ganito. At ipagpatuloy ko lang daw. Sana nga daw ay kami na ang magkatuluyan dahil bagay naman daw kami. Halos buong linggo ay kami ang usapan sa buong campus at ang tungkol sa pagpropose ko kay Celine. Kaya kami ni Celine para bang mas lalong naexcite sa future. >_<