Isang nakakatakot na balita ang nakakuha ng atensyon ng buong pamilya ng Ruscie.
"Breaking news!!! Pasintabi po sa mga manood ang susunod na balita ay merong maseselan na content kaya sa mahihina po na sikmura jan. Wag po kayo manood at makinig. Salamat po. Isang dalaga natagpuang patay sa loob ng unit nito sa isang kilalang hotel. Ang nasabing dalaga ay halos di na makilala dahil sa nalapnos nitong mukha at putol putol na nakatawan na nagkalat sa loob ng unit. Minasacre daw ito at walang awang pinatay. Sabi ng may-ari ng hotel ay handa silang makipag cooperate sa mga police para mahuli agad ang salarin."
"Napansin ko po na ilang araw na palang due si Ms. *** kaya naisipan ko po na alamin kung bakit di pa po siya naka check out. Sabi ng mga employee namin ay wala daw sumasagot sa loob ng unit nito kaya pinasok na po namin ang unit at..." hindi na natapos ng babaeng inenterview ang sasabihin dahil nasuka ito sa harap ng kamera.
Nakita ni Liam Ruscie ang logo ng hotel ng pamangkin na si Johnny kaya tinawagan niya ito.
"Don't worry Uncle, hindi po iyon si Wei." Alam ni Johnny na ang unang nasaisip ng pamilya ay kung si Wei ba ang biktima, alam nila na siya agad ang una sa magpipinsan na pinupuntahan nito pag hindi ito nakauwi sa bahay nila. Ikaanim na tawag na ang kanyang nasagot dahil sa pangyayari. Una si Max, pangalawa mga magulang ni Wei, pangatlo at pangapat mga kaibigan ni Wei na sina Graesia at Majirica, at panglima si Miko pero ang kumausap sa kanya ay si Sebastien.
"Good, good I believe you can handle your situation right? If you can't, just call Max ok."
"Yes Uncle. Thanks."
Siya mismo ang sumama sa mga authority para tignan ang cctv ng hotel. Lahat sila nagtataka sa nakita dahil wala silang nakita.
Sa video makikita na pumasok ang babae sa unit nito at hindi na lumabas pa iyon lang at wala ng iba pa. Kung hindi lang sana putol-putol ang katawan nito meron na sana silang conclusion na suicide ang nangyari. Tumagal ang investigation pero hindi nalutas ang kaso. Dahil sa marami ang pera ni Johnny ay mabilis naman nawala ang balita at pangyayari tungkol sa hotel niya.
"Ano ba talaga iniisip ng leader natin at kailangan ko pa gawin na parang masacre ang pagpatay sa lintang babaeng iyon. Mabilis at malinis tayong magtrabaho pero ngayon ano ito!?"
"Sumunod ka na lang. Alam mo naman na sumusunod lang din sa utos ang leader natin! Isa pa bagay naman daw yan sa babae dahil sobrang galit at pandidiri daw ang naramdaman ng client."
Ng mawala si Wei sa Yfel ay lumuwas din si Orion ng matapos niya ang paghahanda. Matagal na siyang may tauhan sa labas ng Yfel kaya napagpasyahan niyang gamitin na ang mga ito. Sa labas ng Yfel ipinakilala siya ng tauhan bilang isang mahalagang kaibigan ng isang sikat na fashion designer. Syempre marami ang gustong mapalapit sa sikat na designer kaya halos lahat ay naisip na gamitin si Orion.
At yung babaeng nasa hotel ay isa sa mga iyon. Hindi nila alam na nandidiri at galit sa mga babaeng papansin at walang respeto sa sarili si Orion. Pero syempre dahil lalaki siya ay paminsan-minsan pinaparusahan niya ang mga babae gamit ang hallucinating potion na sa Yfel lang makukuha. Ang potion na ito ay magbibigay ng hallucinations sa sino mang makakaamoy nito. Ang hallucination na makikita nila ay depende sa kung anong situation sila naayon or sa anong fetish ang gusto nila kagaya ng babae sa hotel. Akala nito pinipleasure siya ng lalaki pero ang totoo niyan ay siya mismo ang gumagawa nito sa sarili habang ang lalaki ay kanina pa umalis matapos nito itapon ang potion sa unit ng babae.
'hahaha' tumawa ng mapait ang dalaga ng muli siyang magising. 'Ganun pala iyon! may ganoon pala na nangyari sa akin! Kaya pala sobrang saya ng lalaking yon ay dahil naikasal din kami sa wakas!' nakasay siya ata sa isang eroplano ngayon at ng tumingin siya sa paligid nakita niya sa tabi niya ang natutulog na lalaki.
'Hamakim mo yun! isang taon ako nawala sa amin hindi man lang nila sinabi!' paninisi niya sa pamilya. 'Hindi ako pwedeng bumalik sa Yfel ng hindi pa nakakaganti! Pusong mamon lang ang di gumaganti! at ang mamon kinakain lang hindi yun puso!'
Napatingin naman ang dalaga sa mukha ni Orion at sa mga labi nito. 'nahalikan ko na pala yan! Ibig sabihin akin na yan! Maghintay ka lang mabangong lalaki sa oras na matapos ko ang mission impossible ko babalikan kita.' at dahandahan niya itong hinalikan sa noo at labi tapos may inilagay sa kamay nito.
Dahil sa alam ni Orion na kasama niya na si Wei at nasa himpapawid sila ay napanatag ang loob niya kaya sa unang pagkakataon nakatulog siya ng mahimbing. Hindi niya naramdaman na umalis na sa tabi niya si Wei. Pumunta ito sa room ng mga piloto kumuha ng parachute at patagong tumalon paalis ng eroplano. Marunong ba siya mag parachute? Syempre hindi, ginaya niya lang ang nakita sa mga palabas. "Goddess of Wind! Please guide me!!!" sigaw nito habang nahuhulog pababa.
"Pinagpala talaga ako." sabi nito ng ligtas na makalanding.
"Baby ilang anak ang gusto mo?" nahihiyang tanong ng babae.
"Ilan ba kaya mo?"tanong din ng lalaki
Masayang nakatingin ang dalawa sa kulay asul na dagat mula sa veranda. Nakayakap ang lalaki sa mahal nitong babae habang nakahawak sa malaki at bilog nitong tyan.
"Ano kaya magandang pangalan? hmmm." tanong ulit nito habang inaamoy ang lalaki.
"Any name would be great if you're the one giving them." natawa naman ng mahina ang babae dahil sobrang pag spoiled sa kanya ng lalaki.
"I love to spoil you and I want to give you everything. Even conquering this world will be easy for me."
"Ahhh!!!" bigla naman namilipit sa sakit ang babae kung hindi siya hawak ng lalaki malamang ay natumba na siya.
"What's wrong?" tanong ng lalaki at nakita nito ang tumutulong dugo mula sa babae. "What's wrong? No, no Wei you'll be fine. Please hold on don't leave me please... No!!!"
At nagising si Orion na may luha sa mga mata. 'Mabuti at panaginip lang yon.' nang makita na wala na siyang katabi ay dumilim ang mukha niya at sobrang nakakatakot ito.
"Wei!!!"
Hehehe I will clarify something, I'm not a pervert person. Due to almost of the novel that I'm reading lately it happen to be that I'm a little slow at moving forward so almost of the chapters for now will have some small stuff like that. I hope you forgive me. Thanks ^_^