webnovel

CHAPTER 2

Paglabas ko pa lang ng elevator ay nabungaran ko na agad ang sekretarya ni Mr. Jackson. Halatang busy ang sekretarya nito dahil hindi man lang niya ako nagawang lingunin dahil sa tambak na papeles sa kaniyang lamesa. Nahihiya mang istorbohin ito ay wala na akong ibang choice kundi kunin ang atensyon nito para malaman niyang dumating na ako.

"Good Morning" magalang kong bati at doon lamang niya ako nilingon at halatang nagulat ito sa aking presensya dahil na rin malamang sa sobrang dami niyang ginagawa kaya ganon. "Sorry to bother you Miss but I need to see Mr. Jackson. I'm Elettra Anderson from Ma-Mo Company." dagdag ko pa.

"Ahm Good Morning din po, sige po. I'll just inform him. Please wait a second Ma'am Elettra." magalang nitong sabi.

Dahan-dahan itong tumayo at dire-diretsong naglakad patungo sa napakalaking pinto roon na kulay brown. Tinignan ko lamang ang bulto niya hanggang sa tuluyan na nga itong nakapasok.

While waiting here I just scanned my surroundings and based from my observation mula pa noong lumabas ako sa elevator ay makikita mo agad sa magkabilang gilid ay puno ito ng mga paintings. Makukulay ito siguro dahil na rin sa Purong itim lang lahat ang nandito kaya sa paglalagay na lamang ng mga makukulay na painting ibinuhos ang kulay. Mula sa itim na kulay ng dingding, itim na tiles pati mga vases itim rin.

For me this is a boring place but...

"Excuse me Ma'am, pwede na po kayong pumasok sa loob" nakangiti nitong sabi. Ngayon ko lamang napansin ang itsura nito. Kulay brown ang hanggang balikat nitong buhok, may manipis na labi, may bilugang mata at nakasalamin pa ito. Katamtaman lamang ang tangkad nito na babagay lamang sa itsura ng pangangatawan niya na medyo may katabaan pero tama lang.

I smiled and nodded to her to acknowledge her that I understand what she said earlier. Habang naglalakad papalapit dito ay hindi mabura ang matamis nitong ngiti. At ng sa wakas ay makalapit na ako sa kaniya ay siya na mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin. "Thanks" I said to her.

Pagpasok ko pa lamang ay nakita ko na agad ang sandamakmak na libro sa magkabilang gilid ng opisina na maayos ang pagkakalagay sa bookshelf, may sofa set na marahil ay para sa mga bisita. Tulad ng kanina sa labas ay marami din ditong mga paintings at makukulay din ang mga ito. May pinto pa akong nakita sa aking kanan na sa tingin ko ay c.r, sa kaliwang gilid naman malapit sa sofa ay makikita din ang maliit na mesa na may nakalagay na mga mamahaling alak. "Tss lasinggero din ata itong si Mr. Jackson" I murmured to myself.

"Mr. Jackson?" I asked. Hindi ko pa kasi siya nakikita. Baka nasa c.r pa kaya naman walang pagdadalawang-isip akong umupo but before that to happen "Good Morning Ms. Elettra Anderson" ani ng isang baritonong tinig. Kaya naman napalingon ako dito. At doon ko lang napansin na nakaupo ito sa swivel chair niya na nakatalikod sa akin.

Lintik ng! Kanina pa pala ang isang 'to dito ni hindi man lang nagpakita. At di man lang humarap sa akin. Bastos din ang isang 'to! Siguro pangit tsk.

"Good Morning Mr. Jackson" magalang kong sabi. At doon lamang siya dahan-dahang humarap sa akin. At ganon na lang ang gulat ko ng makita ko na ng tuluyan ang buong itsura ni Mr. Jackson.

"It's nice to meet you Ms. Elettra Anderson. I'm Holt Jackson, the CEO of Veela Hotel and you're 10 minutes late." tila ba naiinis nitong sabi sa akin habang tumatayo at inaayos ang necktie niya at naglakad papunta sa akin at sa harap ko mismo at naglahad ng kamay. Ngunit hindi ako doon nabahala kundi sa kaniya mismo. Mula sa itim nitong. buhok, mapulang labi, matangos na ilong at pati na rin sa matikas nitong pangangatawan.

And damn! I can't believe this I'm now facing the man who's in my dreams last night. Oh God!

------

Kahit na nababahala ako ay nagawa ko pa ring tumayo ng tuwid at taas noong tumingin sa kaniya at sinabing "Likewise Mr. Jackson" ng may pilit na ngiti sa aking labi at nakipagkamay sa kaniya. I have to be professional in front of him.

I'm confused right now. I think I'm just imagining things. It's very impossible to see him in my dreams with those weird wings and stuff. 'Cause looking him right now seems more realistic like there's nothing wrong with him. He has no wing on his back. And damn! Napaka-imposobleng magkaroon siya noon malibang na lamang kung magsusuot siya ng costume na may pakpak. And the weird thing is sa panaginip ko nagagawa niyang lumiit eh samantalang ngayon hindi naman ganun.

Maybe Dad and Luisa are right. I'm just imagining things.

Pinagmamasdan ko lang siya habang nagsasalita Ewan ko pero mas gusto ko na lamang siyang titignan. Hindi ko na nga maintindihan ang pinagsasasabi niya kanina pa pero sige lang tango ko. Natapos lang pagtitig ko sa kaniya ng bigla siyang tumango at sinabing "I think it's a deal Ms. Anderson. Since from the very start of our meeting it seems that you agreed at everything that I say" ani nito. At ngayon ko lang nalaman na tapos na pala ang meeting namin.

Ganun ba ako katagal tumitig sa kaniya at hindi ko na namalayan ang oras pati na rin and pinaguusapan namin. Shit! Nakakahiya naman kung ganun.

"Thank you Sir. I'll just send to you the contract, hmm.. maybe tomorrow. I'll just ask my assistant to do it" magalang kong sabi habang tumatayo na rin. "Since we are already done I have to go because I have other meetings to do. Thanks again Mr. Jackson!"

Pagkatapos noon ay dali-dali na akong umalis dahil hindi ko na makayanan ang presensya niya. At nahihiya din ako na kapag nalaman niya na nasa panaginip ko siya eh baka sabihan niya pa akong weird.

------

I'm making myself calm inside my car. "Shit shit shit shit!" sigaw ko sa loob ng sasakyan at umalis na.

Naalala ko na naman ang nangyari sa meeting na yon. Nakakahiya Kay Mr. Jackson. Hindi ko na rin alam kung nakahalata ba siya sa kinikilos ko.

15 minutes drive and I'm here now at our house. I'm being careful with my steps for me not to disturb the maids in their sleep. As I'm heading to my room. Hindi ko pa rin malimutan ang itsura ni Holt sa panaginip at ang itsura niya sa personal. They're very look alike that's why I'm confused with it.

I will not tell this to Dad and Luisa 'cause they will definitely not believe me. They're just going to tell me that I'm insane so no-no. I don't have a choice but to keep it for me, just for me only.

After finishing everything from eating the food I bought to my night time routine and praying and then I'm off to bed.

I hope this time I'll be sleeping peacefully.

下一章