webnovel

Chapter 31

My Demon [Ch. 31]

 

"Ayun sila! Sugooood!"

 

May anim na lalaki ang paparating─ or shall I say, sumusugod. May dalang kahoy ang dalawa sa kanila. Nung nakalapit sila sa pwesto ko, hindi ko alam kung anong ilag ang gagawin ko. Ang bilis nilang tumakbo, at parang hindi ako nag-e-exist: hindi nila ako napapansin.

Ang dami na nila. Kung kanina mga sampu lang sila, ngayon more than fifteen na.

Uh, ano bang pwedeng gawin habang nanonood ng street fight? Wala naman pwedeng upuan dito.

Hinanap ng mga mata ko si Demon. Ayun! Tatlo-tatlo ang kalaban. Galing galing talaga! Idol ko na talaga siya pagdating sa ganitong bagay. Ang cool niya makipaglaban. Nakakadagdag sa angas-look niya.

May humarang na dalawang nagsusuntukan sa tapat ko kaya nawala sa paningin ko si Demon. Agaw eksena lang. Tumingkayad ako ngunit sadyang ang tangkad ng dalawang nakaharang, kaya tumalon nalang ako. Yun nga lang, wala na si Demon kung nasaan siya kanina.

Bukod sa dalawang lalaki na nagbubugbugan sa harapan ko, meron pa pala sa gilid ko. Sinipa nung lalaki ang kalaban niya ng malakas kaya tumalsik sa'kin yung lalaki.

Napasigaw ako nung nasalo ko ang bigat nung lalaki at na-a-out-of-balance. Akala ko talaga babagsak na ang ulo ko sa lupa pero may agad na sumalo sa bewang ko.

"Demon," ang tanging lumabas sa bibig ko. Naka-bend pa ang likod ko. Sa posisyon namin ngayon para kaming nagsayaw ng ballroom dance at ito ang pinaka-closing part.

Matapos nang sandaling titigan, mabilis niya kong tinayo at halos tinulak sa wall.

"Diba sabi ko sa'yo wag kang aalis?!" Ang lapit-lapit niya sa'kin. Para kong nalalasing sa bango niya.

"Eh kasi . . ." I tried to say some explanation pero nakita ko ang lalaking papasugod. "Sa likod mo!" Pagkasabi ko nun, tumalikod sa'kin si Demon at nakipagsuntukan at sipaan sa lalaki.

Hindi siya umalis sa unahan ko. Pinapatulan niya lang ang kung sino mang magtakang sumugod sa kanya. Nasa corner kami at para siyang shield na nagpoprotekta sa'kin.

May panibagong lumapit sa kanya. Umamba ng suntok ang lalaki pero nakaiwas si Demon.

"Yuko!"

Yumuko ako at iniwasan ang kamaong tatama sa mukha ko.  Siyempre nung umiwas si Demon, sa'kin sasakto ang suntok. Mabuti nalang at mabilis ang reflexes ko. Hehe.

May lumapit na naman. This time, may dalang kahoy. Hinablot ni Demon ang kamay ko mula sa likuran nang hindi lumilingon. Umabante siya kaya napaabante rin ako. Sipa. Suntok. Sipa. Suntok. Sa bawat pag-abante at pag-atras niya, napapasama ko. Hindi niya ko nilalayo sakanya.

Sa mga nakalaban ata ni Demon, ito ang pinakamatibay at malakas. Yung iba kasi agad napapatumba ni Demon pero siya hindi. Natatamaan niya pa nga si Demon na hindi nagagawa nung iba.

Nakaramdam ako ng kilabot nung tiningnan ako nung lalaki. Yung tingin na parang may masamang binabalak.

Napahigpit ang hawak ko sa uniform ni Demon, yung isa ko kasing kamay hindi pa rin niya binibitawan. May another guy na lumapit at nilabanan si Demon.

Lalong sumama ang tingin sa'kin nung lalaki. Bumwelo siya at hinampas ang kahoy papunta sa'kin. Napapikit nalang ako at inaantay ang sakit sa katawan ko. Nagbilang ako ng one to three pero wala akong sakit na naramdaman kaya naman dinilat ko na uli ang mga mata ko.

"Okay ka lang?" Demon worriedly asked while looking at me over his shoulder. Nakataas ang braso niya, at halos mapatakip ako ng bibig sa nakikita ko. Sinalo niya ang kahoy na dapat ay tatama sa'kin. Siya 'tong tinamaan pero ako pa rin ang inaalala niya. Bakit ka ba ganyan, Demon?

Hinawakan niya yung kahoy at sinipa sa tiyan ang lalaking may hawak nun dahilan para bumagsak ito. Napansin kong natutulog na sa lupa yung lalaking kalaban niya kani-kanina lang. Hinila niya ko at pinwesto sa unahan niya.

"Pumikit ka, please." Sandali akong natigilan. Parang nawala ang mga nagrarambulan sa paligid namin at tanging si Demon lang ang nakikita ko. Ngayon ko lang siya narinig magsabi ng "Please".

Nilipat niya ang kahoy sa kanang kamay niya. Yung kaliwa kasi ay nagsisimula ng mamaga.

Nararamdaman ko na kung ano ang mangyayari.

Tumango ako at pumikit. Using his left hand, ipinangtakip niya yun sa mga mata ko. Maya-maya, nagsimula na siyang maging malikot.

Ang ingay sa paligid, at para akong nabibingi sa pag-ungol ng kalaban ni Demon dahil sa sakit. Gusto kong malaman kung ano ang nangyayari pero ayokong makita kung ano ang ginagawa ni Demon─ may hawak siyang kahoy.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at sobra akong kinakabahan. Halos nakayakap sa'kin si Demon at ayun ang nagpapakalma sa'kin. Kahit nadadala ako sa mga galaw niya, hindi ako natatakot na matumba at masaktan kasi alam kong sasaluhin niya ko at poprotektahan. I really feel do secured everytime he's with me.

 

Makalipas ang ilang sandali, unti-unting humina ang ingay sa paligid hanggang sa tuluyan na itong nawala. Naka-steady na rin si Demon pero hindi pa niya inaalis ang kamay niyang nakatakip sa mga mata ko. Ramdam ko rin ang mabilis na paghinga niya dahil siguro sa pagod.

Inikot niya ko paharap sa kanya at doon niya lang inalis ang kamay niya sa mga mata ko. Tumingala ako sakanya. May mga namumuong butil ng pawis sa noo niya at ang messy ng buhok niya. Gwapings talaga.

"Hinihingal ako," sabi niya. "Payakap." And before I could react, he pulled me into an embrace.

Lalong bumilis ang tibok ng dibdib ko. Nung una na-estatwa ako, pero di naglaon niyakap ko rin siya pabalik.

"Thank you, Demon." Salamat sa pagprotekta sa'kin kahit palagi tayong nag-aaway.

Ang bango bango niya talaga. Ang sarap yakapin! Hihi.

"Ehem." May pumeke ng ubo kaya automatic akong lumayo kay Demon.

"Hello!" bati sa'kin nung isa sa tatlong lalaki. Mukha silang mga weird.

"Hala, akin yan ah!" sabi ko sa lalaking kumakain ng cake na binili sa'kin ni Demon kanina.

"I know," casual na sagot nya.

Naramdaman kong sinusuot sa'kin ni Demon yung isang strap ng bag ko na natanggal kanina sa aking balikat.

"Nanghihingi ako kanina pero ayaw mong sumagot. Kaya kinuha ko nalang. Di ka naman nagreklamo kaya akala ko payag ka."

"Di ko namalayan."

"Gusto mo?" pang-aalok niya as if kanya talaga yung cake.

"Wag na. May laway mo na yan." Si Demon na ang sumagot.

Teka nga . . .

"Tropa mo sila?" I questioned Demon.

"No," mabilis na sagot niya.

"May riot eh. You know we love fights. Kaya nung nakita naming may rambulan nakisali kami. Hehehe," tugon nung lalaking may blue highlights ang buhok.

But thanks to them anyway. Kasi nakatulong rin sila kay Demon.

Tumingin ako sa lupa. Ang daming mga lalaking natutulog.

Tinakpan ni Demon yung mata ko at sinabing, "Wag ka ng tumingin sa kanila."

Inalis ko yung kamay niya at sumagot, "Hinahanap ko yung card. Nabitawan ko kanina."

"Ito ba?" Pinakita sa'kin nung isa sa tatlong weirds yung card at winave-wave.

"Oo, yan nga." Ngumiti siya at inabot sa'kin yung card.

"Demon, para san ba 'to?" Pinakita ko sa kanya yung card. "Kinakausap ako nung lalaki kanina hindi ko naman maintindihan. Di ako marunong mag-japanese eh."

Tumawa lang siya at inakbayan ako. Nagsimula na kaming maglakad.

"Pare, salamat! Salamat sa pagtulong namin sa'yo!"

Natawa lang si Demon sa pahabol nung lalaki though hindi niya nilingon ang mga ito at magpasalamat. Asa naman sila na gagawin yun ni Demon sa kanila. Ako na ang lumingon at nagpasalamat sa tatlo habang naglalakad kami at nakaakbay sa'kin si Demon na gwapong mabango. Haha!

下一章