webnovel

Chapter 11

My Demon [Ch. 11]

Soyunique's Point Of View

"Everything is settled then," tito Romeo stated after his another speech. He glanced at his wrist watch then continued, "I have a meeting to attend to, so Keyr umayos ka." Nagtagalog na si tito Romeo kaya magtatagalog na din ako. Hihi! Nadadala ako sa pagiging english spoken nya eh.

"Ako na naman?" angal ni Demon. Mas bagay sakanya ang pangalang Demon kaysa Keyr. Diba?

"Sino pa ba? Umuwi ka ng maaga, okay? Hindi umaga." In-emphasize pa talaga ni tito Romeo ang umaga. Anong kalokohan naman kaya ang ginagawa ni Demon para abutin sya ng umaga? Pakialam ko ba sakanya.

Matapos pagsabihan ng paulit-ulit ni tito Romeo ang napakabait nyang anak (mark the sarcasm please!) at magpaalam sa school principal, lumabas na rin kami ng principal's office. Umiba ng way si tito Romeo kasi palabas sya ng school. Kami kasi ni Demon ay may klase pa. Lunch break lang kasi ngayon.

Boink! Nasabi ko na bang kasunod ako ni Demon habang naglalakad? In other term, nasa unahan ko sya. Eh, huminto sya kaya ayun, nabunggo ng malapad at matigas nyang likod ang cute kong ilong.

 

"Aray!" Napahawak ako sa ilong ko. Kasing tigas ng ulo nya ang likod nya.

Marahan syang umikot para harapin ako. "Why are you fuckin' following me?"

"Kapal naman ng apog nito."

"Anong sinabi mo?" Grr. Heto na naman ang nakakatakot nyang boses. Humakbang sya kaya naman napaatras ako. Wala si tito Romeo kaya wala akong shield.

"S-sabi ko po wala." Nauutal na naman ako. Shems. Dahil sa nerbyos 'to eh.

Tinitigan nya ko ng masama bago tumalikod at pinagpatuloy ang paglalakad. Ako din, naglakad na ulit. Kailangan ko ng makabalik sa classroom dahil malapit ng matapos ang lunch break.

Boink! Aray ko ulit! Kung kanina, ilong ko ang nabunggo sa malapad at matigas nyang likod, ngayon naman yung cute kong noo.

Bago pa ko lingunin ng demonyo, binilisan ko ang lakad ko hanggang sa malagpasan ko sya. Pagkalagpas na pagkalagpas ko sakanya, mabilis nyang kinuha ang braso ko at hinila paharap sakanya.

"Sinusundan mo ko eh! May gusto ka sa'kin, ano?" maangas na tanong nya at nilapit ang mukha nya sa mukha ko.

"Pft." Natawa talaga ako sa sinabi nya. "Ang kapal mo talaga, Demon! Hahahaha!" Medyo napalakas ang pagkakasabi ko kaya napatingin sa'min ang ibang estudyante sa hallway.

"Anong tinawag mo sa'kin?"

Napahinto ako sa pagtawa nang humigpit ang kapit nya sa braso ko. Tumingin-tingin ako sa paligid at nakitang pinagtitinginan kami ng lahat. Isa lang ang ibig sabihin nito, narinig ng madla na tinawag ko syang Demon. Patay. Lagot ako.

"Hoy, tinatanong kita!" he yelped, shooking me.

Hindi ako nakasagot. Tumingin lang ako sa mga taong nanonood sa'min. Uh, hindi ba nila ako tutulungan? Nagtanong pa ko. Halata naman na ang sagot ay hindi. Bukod kasi sa mga lalaking mukhang natatakot labanan si Demon, yung mga babae na mismong kauri ko, ang sasama ng tingin sa'kin. Siguro dahil sa tinawag kong Demon si Demon. Ayun naman talaga ang pangalan nya, ah!

"Kayo?" Tinitigan ng masama ni Demon ang lahat ng tao kaya nama nagsialisan sila paalis. Isang salita nya palang, napaalis na nya ang mga yun. Wow huh! Matindi pa sya mga SC officers kung magsaway.

"Demon, yung kuko mo bumabaon na sa balat ko!" reklamo ko habang kinukurot-kurot at sinusuntok-suntok ang kamay nyang mahigpit na nakakapit sa braso ko. Ang sakit na kasi. Padiin ng padiing ang kapit nya sa braso ko.

"Pwede ba! Keyr Demoneir ang pangalan ko! Call me Keyr, will you?" sabi nya na hindi manlang iniinda ang pananakit na ginagawa ko sa kanya.

Ang manhid nya lang- ay, baka naman immune na sya sa pain. Kahit anong gawin ko kasi, wala lang sakanya.

"Ang arte. May Demon din naman sa Demoneir mo ah! Atsaka," yumuko ako at bumulong. "Bagay na bagay sa'yo ang pangalang Demon."

"Bumubulong bulong ka pa dyan. Akala mo naman hindi ko narinig."

Inangat ko ang ulo ko nang magsalita sya tapos tinitigan sya sa mata. Hindi ko alam pero hindi ko nagawang umiwas agad. His eyes are fierce and dangerous yet it is indeed beautiful. Sa unang tingin, matatakot ka talaga sa mga mata nya na palagi nalang nanlilisik. Pero kapag pinagmasdan mo na ito ng mabuti, masasabi mong napakaswerte nyang nilalang dahil sa mga mata na mayroon sya. Itim na itim at kapag tinatamaan ng sikat ng araw o kung anumang liwanag, nagiging kulay yellowish brown ito.

"Ano inlove ka na? Ligawan mo na ko." Nabalik ako sa katinuan nang magsalita sya ulit. Kailan pa ko nagday dream ng hindi si Johan ang iniisip?

"Kapal mo ah!" Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak nya. Hindi naman sya nanlaban at hinayaan akong mabawi ang braso ko. Mabuti naman.

"Babalik na ko sa classroom,"paalam ko sa kanya at tumalikod. Again, hinablot na naman nya ang braso ko at hinila ako paharap sakanya.

"Hindi ka pwedeng umalis. Sasamahan mo pa ko," aniya. Binitawan nya ang braso ko para mag-inat. "Hay, boring," sabi nya habang naghihikab.

"San kita sasamahan? May klase pa kaya tayo!"

Wag nyang sasabihin na magcucutting class kami. No! Hindi ko pa nagagawa ang bagay na yun at wala akong planong gawin iyon.

"Then let's ditch class," he casually said. Sabi na eh.

"No way highway! Mag-ditch ka mag-isa mo!" Tumalikod na ko at tatakbo na sana kaso mabilis nyang nahila ang likuran ng uniform ko. Anebe. Kanina braso ko, ngayon uniform ko naman.

"Sasama ka sa'kin sa ayaw at sa gusto mo," he declared. Hinawakan nya ko sa siko at sinumulang kaladkarin.

"Oy, ano ba! Ikaw ata 'tong may gusto sa'kin eh!" Malakas na sabi ko sakanya habang kinakaladkad nya ko sa hallway. Wala ng mga estudyante ngayon so it means nagsimula na ang next class. Ugh! May quiz kami ngayon sa physics. Short quiz lang naman pero kahit na! Dagdag points din yun sa computation ng grades.

Hindi sumagot si Demon. Sige lang sya sa paghila sa'kin. Nakakaladkad na ko kasi ang bilis nyang maglakad. Nakakaasar na talaga sya! Hindi nya nga ako masaktan using his iron hand, pero kung anu-ano naman ang ginagawa nya sa'kin. Worst, gusto nya kong magditch ng klase. Argh!

"Ang daming babae ang nagkakandarapa sa'yo pero ako ang hinihila mo ngayon para makasama mo. Gusto mo lang makipagdate sa'kin eh. Ayee! May gusto sa'kin si Demon," pang-aasar ko habang kinakalad nya ko. Hindi ako feeler at alam na alam kong wala syang gusto sa'kin kahit na 0%. Sinabi ko lang ang mga yun para maasar sya at huminto sa paglalakad.

At nangyari nga ang plano ko sa isip. Huminto sya sa paglalakad at nung hinarap nya ko, salubong na salubong yung kilay nya. Nanlilisik na naman ang mga mata nya. Kulang nalang talaga ng sungay, buntot at pala. Mali, malaking tinidor pala. Ano bang tawag dun? Di ko alam eh. Di bale, kapag naging close kami ni Demon, itatanong ko sa kanya kung ano yun.

"Napakaliit mo na nga, napakailusyunada mo pa! Baliw na ko kapag nagustuhan pa kita," he paused. In-up and down nya ko ng tingin. Ang isang gawain na talaga namang nakakapang-insulto. Grr. "Height mo palang, bagsak na bagsak na sa taste ko."

"Ah, ganun?" sabi ko sa tonong nanghahamon. Hinila ko ang braso ko dahil hawak pa nya at inilagay ang mga kamay ko sa hips ko.

"Kaysa naman sa'yo. Mata mo palang, pwede ng isabak sa horror movie. Ano pa kaya kung buong ikaw na, diba?" In-up and down ko rin sya. Hindi ko na pinansin kahit anong sama ng tingin nya sa'kin. Sinabihan kasi ako ni tito Romeo kanina na kahit asarin ko ng asarin si Demon, hinding-hindi nya ako mapagbubuhatan ng kamay kasi daw babae ako. At isa daw yun sa mga dahilan kung bakit babae ang pinili nya pati na rin daw ng asawa nya na maging personal tutor ni Demon.

Natunaw ang lahat ng tapang ko sa katawan nang hablutin nya ang collar ng uniform ko at hinila paangat. Halos nakatingkayad na ang mga paa ko sa lupa.

"Iniinsulto mo ba ko, ha?" Lalo nya kong hinila paangat. Konting-konti na lang, aangat na talaga ang mga paa ko sa lupa.

"Ha... ah... eh..." Tumingin-tingin ako sa paligid, nagbabaka sakali na may mahahanap ng pwedeng tumulong sa'kin.

"May babaeng hubo't-hubad!" Tumuro ako sa likuran nya.

"San?" Sa sobrang excitement nya, nabitawan nya ang kwelyo ko.

Napaupo ako sa lupa. Aray. Ang sakit ng butt ko. Tumingala ako para makita sya. Nakalingon sya at nililibot ang paningin. Talagang hinahanap nya ang sinabi kong babaeng hubo't hubad, ha? What a pervert one.

Dahil nakakuha na naman ako ng chance para makatakas, agad akong tumayo at tumakbo palayo.

"Hoy, bumalik ka rito!" rinig kong sigaw nya.

Nang makalayo na ko, binagalan ko na ang takbo ko at nilingon sya. Nakatayo pa rin sya sa pwesto nya kanina at kahit nasa malayo, nakikita ko ang nakamamatay nyang tingin.

Nag-bleh muna ako sa kanya bago tuluyang tumakbo papunta sa classroom namin.

下一章