Linabas ni Sato ang kanyang cellphone upang kumuha ng litrato ni Ashley habang palapit ito sa kanila ni Mrs. Garcia.
Kumuha siya ng madaming litrato mula sa iba't ibang direksyon, at nagsasabi ng iba't ibang pose para sundan ni Ashley.
"Teka lang, wag ka pong gumalaw! Yan, ganyan lang po kayo!" Sabi ni Sato habang kumukuha ng litrato.
Maglalakad pa sana si Ashley bago magpose pero muntik na siya madapa.
Tumakbo si Mrs. Garcia patungo sa kanya para tulungan siya. "Ingat! Ayaw naman natin na mahulog ka o masaktan," Sabi ni Mrs. Garcia at tumingin kay Sato.
"Sato, dapat hindi mo ginugulat si Ashley," Sabi niya habang napatungo lang si Sato
Habang katabi na niya si Mrs. Garcia sinabihan ni Ashley si Sato na kunan sila ng litrato, gusto niya ito ipadala sa Houston bilang isang souvenir.
"Sato pwede mo ba kaming kunan ng litrato ni Mrs. Garcia?" Tinanong ni Ashleyhabang naghahanap na ng magandang angle para sa litrato.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者