webnovel

Returning Home

Pagkatapos ng pirmahan at ayusin ang lahat ng kailangan, handa na si Ashley at Tanaga na lumipad pabalik sa Houston. Habang sina Dr. Garcia at Dr. Green ay magsisimulang gawin ang kailangan para makagawa ng serum. Kapag tapos na sila, ipapaalam nila kaagad kay Tanaga upang sila ay makabalik at masimulan na ang gamutan.

Nakiusap si Sato na pabayaan siyang manatili sa Spaniard Kingdom habang ang mag asawa lamang ang babalik sa Houston. Ginamit niyang dahilan na gusto niyang makasama pa ng maraming oras si Mrs. Garcia at matuto tungkol sa industriya ng fashion.

Matagal na niya itong pangarap na pumasok sa larangan ng fashion at ito ang perpektong oportonidad na ayaw niyang masayang.

Sinuportahan naman siya ni Ashley, at pinilit na sumang-ayon si Tanaga sa isang kundisyon na sina Mrs. Garcia at Dr. Garcia ay walang problema na doon muna siya manirahan habang sila ay wala.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章