Ilang buwan ang nakaraan simula ng naglayag ang grupo ni Ashley upang tumungo sa ibat ibang bansa, marami rami na rin silang bansang napuntahan. Pagod at sawa na rin silang lahat. Nang huling nagkausap si Ashley at Grandma Hanada, sinabi nito sa kay Ashley na inaayos na ang papeles nilang lahat upang tumungo sa America.
Masayang masaya ang lahat sa narinig nilang balita dahila sawa na talaga sila sa buhay sa gitna ng dagat. Sa ilang buwan nilang paglalayag, ilang araw lang ang tinatagal nila sa lupa. Tamang tama lang na makaikot sila, mamili ng mga souvenir. Pagkatapos ay balik dagat na naman sila upang tumungo sa susunod nilang destinasyon.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者