webnovel

FRIENDLY FIGHT

Chapter 13

"Yes, She's my older sister and she's your mother" pagtatapat ni mommy.

what? tita Cass is my really mother but how? bago pa magpakasal si mommy ay nawala na si Cass.

"You must be kidding me mom" napailing na lang ako dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mommy, dahil sobrang labo talaga base sa mga kwento ni Lolo.

"I'm telling the truth Cass is your real mother" no. this is not happening.

"No way. Paano nangyari yung kung nawawala naman siya mom" bakas sa mukha ni mommy ang pagtataka.

"Paano mo nalaman na nawawala siya" napaiwas naman ako ng tingin.

"Why don't you answer me mom first?" kinuha niya ang kamay ko.

"Anak I never treated you na iba ka tinuring kitang tunay na anak ko. I know na dapat hindi ko tinago ung totoo pero kasi natatakot lang ako na baka kapag nalaman ni daddy ung totoo baka kunin ka niya sa akin. Sa akin ka pinagkatiwala ni ate so I can't lose you ikaw lang ang pag-asa ko para makita ko si ate" I saw pain and sadness sa mga mata ni mommy pero hindi ko pa din maintindihan.

"Then paano ako napunta sa inyo kung nawawala si tita Cass. It means hindi kami magkapatid ni kuya? then I don't have a family?" mom hugged me but I don't feel anything. All this time akala ko may pamilya ako pero wala naman pala. tapos nawawala pa ang tunay ko nanay.

"We are your family. Don't think like that" totoo naman ang sinabi ni mommy never kong naramdaman na iba ako pero masakit.

"No mom. I don't belong to this family. you're not even my mother" tumayo na ako pupunta muna ako sa kwarto ko kailangan kong mapagisa.

"I will find my real mother. I don't care whatever it takes" tuluyan na akong umakyat sa kwarto ko.

I know its too much pero hindi ko maiwasan dahil all my life akala ko siya ang mommy ko pero hindi naman pala. Alam kong magiging okay din kami ni mom pero hindi muna ngayon.

someone knock on my door. "can we talk?" sumilip si kuya.

"Yeah sure, But make sure na hindi yan tungkol sa nalaman ko kanina. Okay?" tinapik ko ung kama ko para umupo si kuya. Tumango naman siya.

"I'm sorry if we keep the truth from you" sinamaan ko ng tingin si kuya.

"Diba I told you na wag natin pagusapan" humiga na lang ako dahil napagod ako.

"I know but you still need to know and stop blaming mom. So you meet lolo already" tumango na lang ako bilang sagot.

"lolo told you that your mom is gone? and he tell you the whole story?" tumango lang ulit ako.

"Now I know why I have this feeling that I need to find her. Is because she's my mother and as her daughter its my duty to find her. This past few days I'm thinking about her a lot" I closed my eyes and try to think about my real mom.

"Did you ever meet my mom?" umupo na ako dahil inaantok na ako gusto ko malaman kay kuya kung anong klaseng tao si mom.

"Yes, I meet her and I think you are her duplicate. it's funny because at first I thought she's mom because they look a like" I smiled. At some point I'm still thankful.

"Is she mabait ba? does she have a lots of friends?" I'm really curious.

"Yeah, Tita Cass is very kind and very strong girl like you" tumango tango na lang ako.

"Thanks kuya. Even though I didn't have the chance to meet my mom at least I have some info about her" niyakap ko si kuya. Buti na lang nanjan si kuya para magkwento sakin tungkol sa totoong nanay ko.

"Welcome. But please talk to mom you can ask her about your real mom. She knows everything about her you can take your time" tumango ako. Tumayo na siya at lumabas ng kwarto ko. Gusto ko muna magpahinga at magkapagisip ng tama.

-----

"Good Morning Gabbie. I cook breakfast" She smiled at me. I smiled back.

"Morning Mo--What should I call you tita?" napayuko na lang si mom. "I'm sorry mom" naging mabait naman si mommy sakin kaya hindi niya deserve ang ganito

"No, Its okay you can call me whatever you want" I saw pain in mommy's eyes. i feel very bad for doing that.

"okay mom" I smiled.

"where's your brother?" I shrugged.

"maybe he's still sleeping" I start eating. malelate na ako sa school.

"Gabbie your kuya told me you already meet my real dad? Is that true?" I stopped eating and look at mom.

"Yes, But don't worry he's not dangerous. I know what happen in the past and it will not happen again" tumango na lang si mom.

"But be careful okay"

"Yes, mom I promise" then we start eating again.

-----

"Gabbie!" sigaw ni Irene.

"What?" iritang sagot ko. "Don't shout masakit sa tenga"

"What's the problem you look so stress" inirapan ko na lang siya I'm not in the mood to talk about me.

"Wala. Eh ikaw bakit ka ba nakasigaw hindi mo ba alam na nakakairita?" nagpout na lang siya at umupo na sa tabi ko.

"Sungit. PMS!" bulong niya. sinamaan ko naman siya ng tingin.

hindi ko na maintindihan ung sinasabi ng mga prof lumilipad kasi ung utak ko sa ibang lugar. Natapos na lang lahat ng klase ko na wala akong naiintindihan hindi rin ako nakapagtake ng notes.

"Gabbie let's go. I'm hungry na" tumayo na ako at sinundan siya pero nagvibrate ung phone ko.

"Hello po"

(Gabbie iha are you free tonight?) si lolo pala.

"hmm yes why po"

(tonight is the fight. is that okay with you?) I almost forget that fight.

"Yeah sure po. But i thought you will give me enough time po"

(Well ung apo ng kaibigan ko ang my gusto. Do you want to take your time I can tell them)

"No po it's okay"

(Okay then it's settled. See you later. Bye)

Ngayon gabi na pala yun. I will cut my class I need to prepare kahit ba friendly match lang yun hindi kami pwedeng matalo ni lolo mayabang pa naman daw ung kaibigan na yun ni lolo. ayaw kong mapahiya si lolo.

"Gabbie here" pumunta na ako kay Irene.

"Irene pwede bang I send mo sa sakin ung mga notes mo tonight. Mag-skiskip ako ng class. May gagawin lang akong importante" kumunot naman ang noo niya.

"Where are you going? At ano ung gagawin mo?" nakataas na ang kilay niya. nagdududa siya.

"Basta" tumango na lang siya.

"Okay take care" nginitian ko siya saka ako umalis.

kailangan ko maging handa ayokong mapahiya si lolo. Humanda ka sakin kung sino ka man you're dead!

下一章