webnovel

Chapter 6: Mr. Iced Coffee

Chapter 6

Belle

"Belle, wake up. May prof na tayo."

Nagising ako sa mahinang pag-alog sa akin. Nag-angat naman ako ng ulo at masamang tinignan ang katabi kong gwapo. Medyo nakaharap ito sa akin at may nakapaskil na ngiti sa mga labi.

"Five minutes more, please?" Tamad na tamad kong sabi bago bumalik sa pagkakasalampak sa lamesa ko.

"What? Belle, gumising ka na. May prof na tayo." Inalog na naman niya ako kaya naman nawala na yung antok ko. Masama kong tinignan ang pogi na katabi ko. Ngumisi lang naman siya sa akin.

"Ano ba? natutulog pa ako e. Nawala tuloy yung antok ko. Leche." Inirapan ko siya bago kinusot yung mata ko dahil bigla akong nahiya at baka may muta pa ako sa mata tapos nakaharap pa ako kay Rhonin, baka sabihin hindi ako dalagang pilipina.

Napatingin ako sa harap ng may makitang professor na nakatayo sa harapan ng whiteboard at may kung ano-anong sinusulat.

"Napuyat ka ba?" Narinig kong tanong ng katabi ko. Tinignan ko ito pero nakabaling ang atensyon nito sa harapan. Ibinalik ko din naman ang tingin ko sa harapan baka kasi pagalitan kami kapag nahuling nagu-usap. Mabuti na lang at nasa may likuran kami nakapwesto at hindi narinig ng prof yung pagrereklamo ko kanina.

"Oo, bakit kasi naisipan ko pa uminom ng kape kagabi." Tamad na tamad kong sabi habang nakapalumbaba. Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na may hinahalungkat sa bag si Rhonin. Hindi ko na siya pinansin at natuon na lang ang atensyon sa harapan.

Eleven na kami nakauwi sa dorm dahil sa likod pa kami ng university dumaan. Mabuti na lang at nagoffer si Crimson na ihatid kami sa likod ng Univeristy. Estidyante din pala ng Asterin si Crimson, kaya pala alam niya iyong daanan doon. Pagkauwi ay hindi agad kami nakatulog dahil sa kape na ininom namin. Kaya naman naisipan namin na manuod muna kami ng movie, pampaantok. Tatlong movie na 'ata ang napanood namin pero hindi pa din kami dinadalaw ng antok. Pagkagising namin ay muntikan na kaming malate dahil pare-parehas kaming puyat. Hindi na nakapagluto pa ng agahan si Silvia dahil nagmamadali na kami. Kaya napagdesisyunan namin na magkita-kita sa dorm mamayang lunch para doon na lang kumain at magluluto si Silvia.

Papikit-pikit iyong mata ko at mahina kong kinukurot yung pisngi ko para magising-gising ako dahil baka mahuli ako ng prof na natutulog. Maya-maya ay may inilapag na chocolate bar na may kasama note si Rhonin sa lamesa ko. Agad kong tinignan iyon.

'Eat it, para ganahan ka sa klase.'

Napatingin naman ako kay Rhonin na nagsusulat na sa kanyang notebook ng notes. Ibinalik ko ang tingin sa chocolate na nakalagay sa ibabaw ng notebook ko. Lihim akong napangiti dahil sa kilig na nararamdaman. Saglit na nawala iyong antok ko dahil sa ginawa nitong si Rhonin.

Dahan-dahan ko iyong binuksan at sinimulang kainin. Ingat na ingat iyong pagnguya ko dahil baka mahuli ako ng prof namin na kumakain sa klase niya. Laking pasasalamat ko ng matapos ko kainin iyon ay nawala ang pagka-antok ko at hindi ako nahuli ng prof. Agad kong inilagay sa bag ko ang pinagbalatan at kinuha ang note na itinabi ko bago sulatan ang likod niyon.

'Thank you for the chocolate, Rhonin.' Ang isinulat ko. Agad ko iyong inilagay sa ibabaw ng mga kamay niya at dahil sa nagsusulat siya ay napatigil siya sa ginagawa at napatingin sa akin bago sa papel. Napangiti naman siya ng mabasa niya iyon at iniipit iyon sa notebook niya.

Samantalang ako ay nakinig na lang din sa prof dahil kanina pa ito nagtuturo. Panay ang salita niya sa harapan at aktibo naman na nakikinig sa kanya ang mga kaklase ko. Sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan ng classroom ng may kumatok at may pumasok dito.

"I'm sorry, Miss. I'm late." Sabi ng kararating lang na si Fio. Halatang bagong gising lang ito dahil sa magulo pa nitong buhok na parang kakabangon lang sa higaan. Napairap naman ako. Wala ng pinagbago, lagi ka naman late. Tahimik na sabi ko sa isip ko.

Tinanguan lang siya ng prof namin at siya naman ay umupo na sa upuan niya na nasa kabilang row, kahanay ko. Naglalakad lang siya pero makikita mo na iyong kayabangan na taglay niya. Nakipag-apiran pa ito sa mga kaibigan niyang mga lalake bago umupo at naglabas ng notebook.

Kahit naman na mayabang si Fio sa paningin ko at lagi siyang late sa klase mula pa first semester ay masasabi kong may maipagmamalaki siya.

Isa siya sa Honors of Asterin simula pa noong unang semester. Hindi lang siya basta nalista doon dahil nasa pangalawa siya. Nauuna ang kabigan ko na si Peter sa listahan. Si Silvia ay nasa 3rd place kasunod si Rosè na nasa 6th place samantalang si Dawn ay nasa 30th place. Ako? I'm in 99th place.

Oo na, ako na ang mahina ang utak.

Natapos ang klase at nag-iwan ang Prof namin ng homework. Agad naman na nag-sialisan ang mga kaklase ko nang marinig ang school bell dahil lunch na. Inayos ko na ang gamit ko para makapunta na ako sa dorm at makaidlip ng kaunti. Mamaya pang three p.m ang susunod naming klase kaya makakatulog pa ako. Tumayo na ako sa upuan ko at inayos iyon bago humarap kay Rhonin na kasalukuyang inaayos ang gamit niya.

"Rhonin, mauna na ako sayo ah. Doon kami sa dorm kakain ng girls e." Napaangat naman siya ng ulo niya sa akin bago ako ngitian.

Hays, bakit ba ang hilig mo ko ngitian? Hindi ba niya alam na ang pogi niya kapag ngimingiti?

"Sure, didiretso din ako ng coffee shop dahil andoon si auntie at gusto akong makita. Support me later sa try-out?" Napangiti naman ako sa huli niyang sinabi.

"Of course. Basta galingan mo ah? Kapag nakapasa ka sa basketball club, ililibre kita ng iced coffee." Nakangisi kong sabi. Nakita ko naman na napangiwi siya.

"Iced coffee? baka gawin mo akong drinking buddy ah, but it is coffee." Parehas naman kaming natawa sa sinabi niya. Sabay kaming lumabas ng classroom at hinatid niya ako hanggang arch bago siya nagpaalam para pumunta na sa coffee shop ng auntie niya.

Hinintay ko muna na mawala siya sa paningin ko bago naglakad patungo sa dorm namin. Nagvibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng suot kong palda kaya kinuha ko iyon. It's a text message from Peter.

From Peter:

lunch? my treat.

Napangiti naman ako sa text niya. Kaya agad ko iyong nireplyan.

To Peter:

Nope, I'm having lunch with the girls.

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa lobby ng dorm. Ilang minuto pa ang lumipas ng mag-vibrate na naman ang cellphone ko.

From Peter:

Aww. I can't invite Wendee because she's still have a class.

Napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa nabasa. He can't invite Wendee so he invite me instead? I am an option for him? Ganoon ba iyon?

Hindi ko na siya nireplyan. Pinatay ko ang cellphone ko at nagpasya na itago iyon sa loob ng bag ko. Nabadtrip ako bigla. Hanggang sa makapasok sa loob ng kwarto namin ay nakabusangot ako. Ako pa lang ang tao dito kaya napagpasyahan ko na matulog muna. Maya maya ay dadating na rin siguro sila Silvia. Dumiretso ako sa kama ko at nahiga para makatulog dinalaw naman agad ako ng antok.

NAGISING ako sa maingay na sigawan ng dalawang babae. Kaya naman napamulat ako ng mata bago kusutin iyon. Napabangon ako at napatingin kay Rosè at Dawn na nagaaway.

"I want hotdogs! hotdogs is much better than bacon!" Sigaw ni Rosè habang inaagaw kay Dawn ang hawak na hotdog na nasa tupperware pa. At dahil sa mas matangkad si Dawn kay Rosè itinataas nito ang tupperware na hawak para hindi ito maabot ni Rosè. Kahit kailan talaga hindi na sila nagkasundong dalawa.

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at dumiretso sa banyo para maghilamos. Pagkalabas ay nakita ko naman na naghahabulan iyong dalawa. Maliit lang ang dorm namin pero nagagawa nilang maghabulan dito?

Napailing na lang ako bago dumiretso ng kusina at naglakad papunta sa tabi ni Silvia na abala sa pagluluto. Agad ko namang sinilip iyong niluluto niya.

"What's that, Mother?" Panga-asar ko. Mother material talaga itong si Silvia e. Inirapan lang naman niya ako bago sumagot.

"It's giniling and don't call me Mother, if you want to have a share. I dare you." Tinawanan ko lang naman siya at kumuha ako ng apat na plato kasama ang apat na spoon and pork para sa aming lahat. Pagkalagay sa lamesa noon ay umupo ako sa doon at napatingin kay Silvia na mahinang kumakanta. Sinasalin niya na iyong niluto niya sa tupperware.

"Hindi na ba talaga babalik si Dee dito sa dorm?" Nakapalumbaba kong tanong sa kanya. Humarap siya sa akin at naglakad palapit dala ang tupperware at mainit na ibinaba iyon sa lamesa. Umupo muna siya bago ako sagutin.

"You know her Mom, Belle. Ayaw 'non na nalalayo sa kanya ang anak niya. Kaya nga nang malaman na nagdorm si Dee ay agad na pinabalik siya ng Mom niya sa kanila. So, I don't know, Belle." Malungkot naman na sabi ni Silvia.

Wendee is our friend since high school. We used to be five here in our dorm room. Before, there is an extra bed for Wendee dahil nalate siya ng dating sa dorm na ito kaya napagpasyahan namin na kuhanan siya ng extra bed. Apat lang talaga ang dapat na bilang ng tao sa isang kwarto ng dorm pero dahil sa pinilit ko si Grandad, ang Dean ng Asterin, ay napayagan kami na lima dito. But, hindi pa nga nagtatagal si Dee dito ng ilang buwan ay nalaman na ng Mommy niya na nagdo-dorm siya kaya agad siyang pinabalik sa kanila. Nagkikita pa din naman kami kapag may birthday at important occassion ang isa sa amin pero hindi na katulad dati na halos araw-araw ay magkakasama kami.

I miss Dee.

Napabalik ako sa reyalidad ng sumigaw si Silvia. "Mga bata, kakain na!" sigaw niya. Maya maya ay tumatakbong pumasok si Dawn sa kusina kasunod si Rosè. Nawala na iyong pinaga-agawan nilang tupperware kanina.

"Dawn! Where's the hotdog?" Tanong ni Silvia kay Dawn ng umupo ito katabi ko at nakaharap kay Silvia. Sumunod naman si Rosè dito na umupo sa tabi ni Silvia kaharap ko.

"The hotdog is in the good hands now." Sagot ni Dawn na pinalalim pa ang boses. Maya maya ay tumawa ito. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa kakulitan niya. Hindi na ako magtataka kung bakit madalas ay sinusukuan siya ni Rosè kapag nagtatalo sila sa kahit na anong bagay.

Nagdasal muna kami na pinangunahan ni Silvia bago kumain. Si Dawn ang naghugas ng pinagkainan. Pinagalitan kasi siya ni Silvia dahil itinago niya yung Tupperware ng hotdog sa CR.

Napailing na lang ako ng marinig silang nagaaway mula sa kusina. Nakaupo ako sa sofa at kinakalkal ang bag ko ng may makita akong isang bagay na nakapagpangiti sa akin. Iyong balat ng chocolate bar na ibinigay ni Rhonin sa akin kanina. Kinuha ko iyon at inilagay sa basurahan dahil baka mangamoy chocolate pa ang bag ko.

Pagkabalik sa sofa ay kinuha ko ang cellphone ko. At dahil sa pinatay ko ito kanina ay binuksan ko iyon. Pagkabukas ay may tatlong missed calls ang bumungad sa akin. Dalawa ang galing kay Peter at ang isa naman ay galing sa unknown number. Kanina pa ang mga tawag na iyon kaya naisipan ko na tawagan iyong unknown number at hindi pinansin ang kay Peter. Nakatatlong ring lang ito bago may sumagot.

"Hello?" bungad ko.

"Hi, Belle!"

Agad naman akong napakunot ng noo ng marinig ang hindi pamilyar na boses ng lalake.

Tinignan ko ang caller ID dahil baka binabaan na ako ilang minuto ang lumipas pero hindi lang pala nagsasalita ang nasa kabilang linya.

"Who's this?" Agad na tanong ko

"Aww, nakalimutan mo agad ako? I'm Crimson at your srervice." Crimson?

"Yung pinsan ni Rhonin? yung humalik kay Dawn kagabi?" Napahalakhak naman ito sa kabilang linya bago sumagot.

"Yep! that's me! Speaking of Dawn, where is she? Can I have her number? Pero wag mong sabihin na hiningi ko." Sunod-sunod nitong tanong na para bang bata. Sasagot na sana ako ng makarinig ako ng ingay sa kabilang linya.

"Who's that, Crim? wait. That's my phone, idiot!" Narinig ko naman ang pamilyar na boses ni Rhonin sa kabilang linya. His phone? Ibig sabihin ay siya iyong tumawag kanina?

Nakarinig pa ako ng halakhak at ingay na nagaagawan ng cellphone bago ito mamatay. Napailing na lang ako ng may maalala. Nagpalitan pala kami ng number ni Rhonin kahapon, nakalimutan ko lang na isave yung number niya sa contact list ko. Bakit ba nakalimutan ko iyon?

Maya-maya ay lumabas si Dawn mula sa kusina kasama si Silvia na may dalang juice. Si Rosè naman ay nasa kama niya at natutulog. Nilapitan siya ni Dawn at ginising bago sila lumapit sa pwesto ko at naupo sa sofa. Uminom muna ng juice si Dawn bago magsalita. Inabot naman sa akin ni Silvia iyong juice.

"What's your next class? Ako, wala na akong klase dahil wala daw ang Prof for my three p.m class tinatamad akong pumunta sa Badminton club." She said before sipping on her juice.

"Me too, it's already cancelled. The Cheerleading club are preparing for The Trials." Sabi naman ni Rosè habang may hawak na phone at para bang may binabasa doon.

"The swimming club are also preparing for The Trials. If there are classes, I guess it will be cancelled." Napatingin naman sila sa akin ng hindi ako magsalita pagkatapos magsalita ni Silvia. Napataas ang kilay ko.

"What? I don't know if my club are preparing for The Trials. Saka hindi ako kailangan doon." I shrugged. Tama naman iyong sinabi ko na hindi ako kailangan doon dahil mas kailangan ang president at VP ng bawat club for The Trials.

Sabay-sabay kaming napatingin sa cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ng tumunog ito. Dahil malapit sa cellphone ko si Dawn ay siya na ang kumuha niyon bago i-abot sa akin. Binaba ko iyong juice na hawak ko bago kuhain iyon mula sa kanya.

Rhonin Calling...

"Mr.Iced coffee is calling." Rosè said mockingly ng makita niya kung sino ang tumatawag. Katabi ko lang siya kaya nakita niya iyon. Inirapan ko naman siya at tumayo, dumiretso ako sa kusina bago sagutin iyon.

"Yes, Rhonin?" Sumandal ako sa lababo habang nakaharap sa pintuan ng kusina.

"I'm in the arch. I'm with Crimson. We're going to wait here. Pababa na ba kayo?" Napangiti naman ako ng sumagot siya.

"Yeah, tapusin lang namin iyong iniinom namin tapos bababa na kami." Agad na sabi ko.

"So, see you later." Tumango ako na para bang makikita niya iyong ginawa ko.

"Yeah, see you. I'll hang up now." Naglakad naman na ako pabalik sa kinaroroonan ng mga girls bago ibaba iyon.

"Girls, I forgot to tell you. Manunuod ako ng try-out ni Rhonin sa basketball club. You want to come?" Lumapit ako sa bag ko at kinuha iyon bago ilagay sa loob ang cellphone ko.

"Yeah, sure." Silvia said before they got up from their seat. Nagpalit muna kami ng respective club shirt. I wear my yellow club shirt and a grey plaid skirt, I matched it with white rubber shoes. Nag-ayos lang kami ng kaunti bago i-lock ang dorm room at sabay-sabay na umalis.

PAGKALABAS sa dorm, malayo pa lang nakikita ko na si Rhonin katabi si Crimson. Narinig ko naman ang reklamo ni Dawn.

"Bakit kasama yang sunog na yan?" Napatawa na naman ako ng marinig yung tawag ni Dawn kay Crimson. Hindi naman ganoon kaitim si Crimson, actually kayumanggi yung kulay niya. Kaya natatawa na lang ako kapag naririnig yung sunog na description mula kay Dawn. Porket maputi siya.

Papalapit pa lang kami ay nakangiti na sa amin si Rhonin. Talaga palang nakakahawa ang pagngiti kasi napapangiti din ako sa kanya.

"Someone is happy." I heard what Silvia said. Inirapan ko lang siya sa sinabi niya.

"Hi, girls. Hi, Dawn." Crimson winked at us and before shifted his gaze on Dawn who's standing beside me. Inirapan lang naman siya ni Dawn.

"Hi mo yang mukha mo, sunog." Natawa naman si Crimson sa tinawag sa kanya ni Dawn.

"Awww. Is that your endearment for me, Baby? You're so sweet." Ibinuka niya iyong mga braso niya para yakapin si Dawn ng samaan siya ng tingin ng kaibigan ko dahilan para matigilan siya sa paglapit dito.

"Sabi ko nga, no hugs." Napakamot ito sa batok niya bago humarap sa akin sabay akbay kay Rhonin.

"Napaliwanag mo na pala dito sa 'insan ko yung sistema ng The Trials?" Napatango naman ako.

"Ikaw, baby Rhon pinagpapalit mo na ba ako sa maliit na 'to?" Malanding sabi ni Crimson kay Rhonin dahilan para sikuhin siya sa tagiliran ni Rhonin. Sinamaan ko lang naman siya ng tingin sa sinabi niya. Umayos si Crimson ng pagkakatayo at humarap sa amin na may boyish na ngiti sa labi.

"By the way, girls. Wala tayong magandang pagpapakilala kagabi kaya magpapakilala ako. I'm Crimson Davis. And yeah, I'm a 50/50." Napakunot naman ang nuo ko sa huli niyang sinabi.

"Half adik, half sunog." Rinig kong bulong ni Dawn sa tabi ko kaya naman siniko ko siya.

"I mean, half pinoy and half american. Fil-Am ako. Hindi lang halata." Dagdag niya pa.

"I'm Silvia, and this is Rosè. And that girl is Dawn, and this is Belle. Nice too meet you." Pagpapakilala ni Silvia. Tumatango-tango lang naman si Crimson.

"Shall we go to the gym? The Trials are starting any time now." Rosè said before pulling my right hand inside the university.

Hindi pa kami nakakalayo nang may marinig kong tumatawag sa akin. Dahilan para matigilan ako sa paglalakad.

"Belle!" Napahinto si Rosè na siyang may hawak sa akin at napatingin kami sa likod namin para tignan kung sino ang tumawag sa akin.

Nakatayo si Peter sa arch hindi kalayuan sa amin. Napakunot ang noo ko ng tumakbo ito papunta sa akin.

"Peter? what are you doing here? Dapat nasa gym ka na diba?" Nagtatakang tanong ko sa kanya ng tumigil siya sa harapan ko. Imbis na sagutin ang tanong ko ay nagtanong ito.

"Who are they?" Napatingin ito kay Rhonin at Crimson na nasa likod namin.

"Siya iyong sinasabi ko na Rhonin yesterday, magta-try out siya sa basketball club. At iyong kasama niya ay si Crimson, pinsan niya." Pagpapakilala ko. Nakita ko naman ang pagsalubong ng kilay niya sa sinabi ko.

Bahagya akong nagulat ng kunin ni Peter iyong kamay kaliwang kamay ko bago ako hilahin sa tabi niya.

"Hiramin ko muna si Belle, Girls. I need her to be with me in the club." Hindi na niya hinintay ang sagot ng mga kaibigan ko at hinila na ako sa gymnasium. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na naiwan at kumaway sa kanila para magpaalam. Nakita ko naman na umiwas ng tingin sa akin si Rhonin bago naglakad at nauna na.

下一章