webnovel

Sa Kaliwa o Sa Kanan

"Sinong kausap mo?"

Tanong ni Lando kay Anthon.

Anthon: "Si Enzo! May alam na sya sa posibilidad na lokasyon ni Yasmin, pero malayo dito, nasa labas ng syudad!"

Lando: "Sino si Enzo?"

Napakunot ang noo ni Anthon sabay tingin kay Lando.

'Totoo ba ito? Hindi nya kilala si Enzo?'

Anthon: "Si Enzo ang boss ni Rod! Sya din ang nagimbita sa kanila sa binyagan!"

Napalunok si Lando.

Lando: "Siya si Mr. Belmonte ....?

.....yung may ari ng hotel na pinapasukan ni Rod?"

Tumango lang si Anthon kaya lalong bumaha ng kwestyon ang isip nya. Gusto nyang magtanong pero hindi nya alam kung paano sisimulan.

Napansin sya ni Anthon dahil rumerehistro sa mukha nito na kanina pa nya gustong magtanong.

Anthon: "Bayaw, may gusto ka bang itanong?"

Lando: "Bakit kayo magkakilala ng boss ni Rod?"

Hindi na nito napigilan ang magtanong.

Napansin ni Anthon ang tanong ni Lando. "Bakit" hindi "Paano". Halatang hindi sya makapaniwala na may posibilidad kaming magkakilala ni Enzo.

Anthon: "Mahabang kwento ... pero dahil yun sa isang tao... Si Isabel!"

Lando: "???"

Anthon: "Sya yung kasama ni Yasmin na nakidnap at bodyguard nya yung mga sumunod sa kanila!"

Natahimik si Lando na ipinagtataka ni Anthon. Inaasahan nyang uulanin sya ng tanong nito.

Anthon: "Bakit Bayaw, anong nasa isip mo? Pwede ko bang malaman?"

Lando: "Nagtataka kasi ako kung bakit sila nagkainteres kay Yasmin."

"Simple lang kaming tao at wala kaming kaaway. Pero ngayon na nalaman ko na kakilala mo si Mr. Belmonte, naisip ko na pare pareho kayo ng estado sa buhay!"

"Hindi kaya nagkamali lang ang bodyguard na kausap natin?

Hindi kaya si Ms. Isabel talaga ang target nila at hindi ang kapatid ko?"

Ito din ang unang naisip ni Anthon ng hindi pa nya alam na pati si Yasmin ay dinukot din. Pero....

Nang malaman nyang si Yasmin ang totoong target ng mga kidnapper, may posibilidad na sya ang dahilan, kaya pumasok sa isip nya agad ang bata.

At ng sabihin ni Enzo na may hinala si Miguel na si Congressman Sanchez ang mastermind, natitiyak na nyang sya ang dahilan kaya ginawa nila ito.

Anthon: "Mukhang ako ang pakay nila. Gusto nilang makuha ang atensyon ko!"

Hindi makapaniwala si Lando na mapapahamak ng ganito si Yasmin at ang anak nito dahil sa taong ito.

Naisip tuloy nya: "Tama bang pumayag kami na makasal si Yasmin dito?"

Anthon: "Bayaw, pasensya ka na kung nailagay ko sa kapahamakan ang mag ina ko!"

"At aaminin kong may posibilidad na mangyari ulit na may magtangka sa kanila at sa inyo pero.... ipinangangako kong gagawin ko ang lahat para hindi na ito maulit muli!"

"Ngunit, kung sakaling gusto nyong ilayo si Yasmin sa akin pagkatapos nito, hindi ko rin kayo pipigilan! Pero kukunin ko ang bata para mas maprotektahan ko sya!"

Naintindihan sya ni Lando pero hindi sya ang magdedesisyon nito kungdi si Yasmin.

Lando: "Ano nga palang sabi ni Mr. Belmonte, nasaan daw si Yasmin?"

At ipinakita nito ang lokasyon.

Lando: "Teka, huminto na ang lokasyon ng bata!"

Pero sinong uunahin natin, magkaiba ang direksyon nilang dalawa?"

Hindi rin alam ni Anthon ang gagawin kaya tinawagan nya si Enzo.

Anthon: "Pre, saan ka na? Magkita tayo sa kanto ng paco!"

Ito ang dulo ng kalye na binabagtas nila. Ang signal ng bata ay sa kaliwa papuntang pantalan at ang kay Yasmin ay sa kanan papuntang kabilang bayan.

Magkasunod silang dumating sa dulo.

Enzo: "Pre, anong plano mo?"

Kinakabahan si Lando para sa kapatid. Natitiyak nyang ang anak nito ang pipiliin nyang unahing iligtas.

Lando: "Kailangan nating maghiwalay! Masyadong malayo ang lokasyon ni Yasmin!"

Anthon: "Tama si Bayaw!

Kayo na ni Lando kay baby Gab ako na kay Yasmin!"

Nagulat si Lando sa sinabi ni Anthon. Hindi nya inaasahan ito ang magiging desisyon nya.

Lando: "Sigurado ka Bayaw?"

Anthon: "Oo! Mas delikado ang lagay ni Yasmin dahil kasama sya ni Congressman! Kailangan ko syang mailigtas sa buwayang iyon at kailangan ko itong gawin magisa!"

Napahanga si Lando kay Anthon.

Anthon: "Bayaw, ikaw na ang bahala sa anak ko!"

At sumakay na ito at umalis.

Naiwan ang dalawang nagkakailangan pa.

Enzo: "Buti pa tara na! Malapit lang naman dito ang lokasyon pero mas maiging makarating tayo agad madilim na!"

Habang binabagtas nila ang daan, hindi sila naguusap na dalawa.

Pinagmasdan lang nila ang signal.

Pagdating sa lokasyon, nagulat sila ng makitang nasa gitna sila ng daan.

Mangilan ngilan lang ang bahay sa paligid at malayo pa sa kalye.

Lando: "Anak ng ...."

Kinuha ni Enzo ang dalawang flashlight, ibinigay kay Lando ang isa saka nagsimulang suyudin ang talahiban.

Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ni Lando sa posibilidad na nangyari sa bata. Kinakabahan na sya. Anong gagawin ni Anthon kapag may nangyari sa bata?

'Jusko, huwag naman po sana!'

下一章