webnovel

Pinagkaisahan

Handa na ang lahat para sa general meeting.

Isa ito sa mga kaganapan na inaantay ng mga empleyado nila bago ang anniversary ng kompanya.

Dito pinapakita ang sales ng buong taon.

Binabanggit din dito kung sino ang may pinaka magandang performance ng taong kasalukuyan at kung minsan sinasabi din kung may ma po promote.

Pero pagkatapos ng nangyari kay Nadine at Nicole, parang nawalan lahat sila ng ganang dumalo.

Halos lahat kasi 'guilty' dahil kahit na hindi sila nagkalat ng tsismis aminado naman silang pinagisipan din nila ng hindi maganda si Nadine.

Ni hindi man lang nila naalala kung paano sila pinakisamahan ng maganda ni Nadine.

Pero kailangan dumalo ang lahat dahil 'compulsory' ang 'general meeting' at baka hindi sila makatanggap ng bonus sa pasko.

Ready na rin si Roland. Nakatanggap sya ng mensahe na may general meeting na magaganap mula sa 'cellphone' ni Edmund.

Kaya naghanda na ito at may kasamang pang isang abogado at tatlong 'bodyguard' nagpunta sila at nakapasok sa 'Luis Perdigoñez Building' na walang kahirap hirap para dumalo sa nasabing 'event'.

Sa Ilaya hall sa ikatlong palapag gaganapin ang 'general meeting' at sakop nito ang buong palapag.

Kaya dinoble nila ang seguridad.

Saktong alas kuwatro nagsimula ang general meeting at pinamunuan ito ng ni Ms. Onse.

Isa isa nitong tinawag si Belen, si Isabel at si Edmund, saka pinaakyat ng stage para duon maupo.

Bago nagsimula sinariwa muna nila ang alala ng namayapang si Luis at nagbigay respeto sa kanya.

Naroon din ang date ni Issay na si Anthon sa baba ng stage at buong pagmamalaking nakangiti at pinagmamasdan ang magandang kasintahan.

Bago ipakita ang mga magandang kaganapan nung isang taon at sa taong kasalukuyan pinakilala muna ni Ms. Onse ang tatlong namumuno na pumalit kay Luis.

Isa isa nyang ipinakilala ang tatlo at ang kanilang mga posisyon sa kompanya.

At saka tinawag si Edmund para magsalita.

"Magandang araw sa inyo! Alam kong kilala nyo na ako kaya hindi na ako magpapaliguy ligoy pa at gutom na rin ako! Hehe!"

"Simula ng namatay ang aking ama na si Luis, ako na ang naging acting CEO at ngayon panahon na para ayusin at pagtibayin ang 'structure' ng kompanya.

Dahil sa biglaang pagkamatay ng Papa, madaming sinuong na hirap ang kompanya na malamang karamihan sa inyo ay hindi ito alam! Nagpapasalamat naman ako at unti unti na tayong bumabawi at unti unti na rin natin itong nalalagpasan.

"Kaya masasabi kong masaya ang pasko natin! Salamat sa lahat ng bumubuo ng production team!"

"At ngayon panahon na para magkaroon ng maayos na pinuno ang kompanya! Panahon na para magkaroon ng tunay na CEO at hindi acting lang! Hehe!"

Nangingiti nitong sabi.

Nagpalakpakan ang lahat dahil walang nakakaalam na may dinadaanan pa lang problema ang kompanya at nagpapasalamat din sila ng marinig na unti unti na itong nalalagpasan.

Pero sino ang susunod na magiging CEO?

"Hindi ba sya ang anak ni Sir Luis, kaya dapat lang na sya ang pumalit sa posisyon ng kanyang ama!"

"Malamang siya na yan! Siya na ang nakatayo sa harapan e!"

Tuwang tuwa naman si Roland. Hindi niya ito inaasahan, hindi niya akalain na pormal syang ipapakilala ni Edmund sa mga naroon.

Buong pagmamalaki itong tumingin sa paligid at mayabang na ngumiti na tila gustong ipagsigawan sa mga taong naroon na 'ako yun!'

Edmund: "Kaya narito po ang aking tiyahin na si Madam Belen para siya mismo ang mag pakilala sa taong ito!"

Tumayo naman si Belen at saka naupo si Edmund.

Tahimik lang na nakangiti si Issay pero kinakabahan na sya sa sinabi ni Edmund. Wala syang alam sa nangyayari dahil hindi naman nababanggit sa Monday meeting nila ito.

'Bakit pakiramdam ko parang pinagkaisahan nila ako?'

Sa bandang likod kung saan nakaupo si Roland, naluluha naman ito, hindi nya akalain na isosorpresa siya ng pinsan nyang si Belen at ng pamangking si Edmund.

Belen: "Magandang araw sa inyo!

Siguro naman kilala nyo na rin ko!"

Sumagot naman at tumango ng 'Oo' ang lahat.

"Gutom na rin ako kagaya nyo!"

Nagtawanan ang lahat.

Pamilyar sila kay Belen dahil kahit nung nabubuhay pa si Luis nagpupunta na rin sya sa kompanya para tulungan ang kapatid.

"Walang sapat na salita para maipakilala ko ang taong ito, pero nasisiguro ko na mapapalakad ng taong ito ng maayos ang kompanya at madadala sa magandang hinaharap!"

"Wala ng sino mang karapatdapat na humalili sa iniwang posisyon ng kapatid kong si Luis Perdigoñez, kung hindi ang taong lubos nyang pinagkakatiwalaan!"

Hindi na makapagpigil si Roland sa sobrang 'excitement' kaya tumayo na ito sa kanyang upuan at inayos ang sarili, abot hanggang tenga ang kanyang ngiti, habang nag aabang na tawagin ang pangalan nya.

"Kaya hindi na ko magpapaliguyligoy pa, ipinakikilala ko na sa inyo ang bagong CEO ng LuiBel Company na si ...."

Masyadong malayo si Roland sa stage kaya nagumpisa na itong lumapit.

Ngunit ng malapit na sya, napatigil ito sa binanggit na pangalan ni Belen.

Belen: "Isabel delos Santos!"

Buong ngiti syang tumingin kay Issay.

Nagtayuan ang lahat at nagsigawan at nagpalakpakan!

Hindi pumasok sa isip nila na si Isabel ang tinutukoy ni Madam Belen.

Masaya sila dahil nakita na nila ang kabaitan nitong si Isabel. Marunong itong makisama at kung minsan kumakain pang kasalo nila sa canteen. Siya lang sa kanilang tatlo ang gumagawa ng ganuong bagay na minsan ginagawa din ni Sir Luis ng nabubuhay pa sya.

Hindi naman tumayo si Issay ng madinig ang pangalan nya. Ayaw nyang tumayo!

Kinausap nya ng tingin ang magtyahin na parang sinasabi sa kanyang 'nagkakaisa kaming gawin kang CEO'! At ng tininingnan nya ang kasintahang si Anthon, mukhang may kinalalaman din sya dito.

Nangiti na lang si Issay sa ginawa ng tatlo.

'Sabi ko na nga ba pinagkaisahan nila ako!"

下一章