webnovel

Chapter 7

I feel his lips brushed mine and though it is just a quick kiss, I still felt the intensity of it. I am mind blown by it at tila ata huminto ang mga oras ng mga sandaling ito. Di ko inaasahan ang pangyayari, sandali kong nakalimutan ang paligid at kung nasan kami ngayon. When the kiss ended, I can't help but to look at his eyes. Nakakita ako ng sari-saring emosyon, is it confusion? Passion? Lust? Love?

Wait, love? Saan mo naman nakuha yan Jonnie? The man is incapable of loving, remember?

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa naisip ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko at ng tingnan ko ang paligid, nakita kong tahimik ang mga guests na tulad ko pero nakatutok ang mga mata nila sa amin. Di ko kinaya ang kahihiyan na nararamdaman kaya't walang lingong tumakbo ako palabas sa lugar na iyon.

"You are so stupid, Jonnie!" saway ko sa sarili ko. Wala na akong pakialam kung may makarinig man sa akin. I'm totally losing it.

"Jonnie!"

Narinig kong tinatawag ako ni Jimmy pero di ko siya pinapansin. Hindi makakatulong sa akin ngayon kung makakausap niya ito, kahit nga makita ito ay ayoko. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang mapunta ako sa labas ng events center. Wala na akong pakialam kung may tumitingin sa aking ibang tao.

"Jonnie..." si Jimmy ang nagsalita pero di ko pa rin ito pinapansin. Dahil siguro nakahalata ito na ayaw ko siyang kausapin ay namalayan ko na lang na nasa tabi ko na ito pero di na nagsalita pa. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang cellphone mula roon. Dinial ko ang number ni Bernard. Siya lang naman ang alam kong makakatulong sa akin ngayon. Gusto ko ng umalis sa lugar na ito!

"Hello? Bern? Pwede bang humingi ng favor?" tanong ko rito sa kabilang linya.

Naramdaman kong mas lumapit sa akin si Jimmy pero I just ignored him. Dahil siguro sa nangyari, kahit isang kilometro ang layo namin ay mararamdaman ko pa rin ang presensya nito.

"Okay Bern. Salamat. I'll wait for you." Sabi ko kay Bern sa telepono at sabay pasok muli nito sa bag ko.

"Ihahatid na kita..." sabi ni Jimmy na nagpagitla sa akin.

"No need."

"Please let me." Sabi nito sabay hawak sa mga kamay ko. Pinilit kong alisin ang mga ito sa paglakahawak nito pero sadyang malakas ito.

"Bitawan mo ko, Jimmy!" Sigaw ko na rito.

Binitawan nito ang mga kamay ko ngunit di ko inaasahan ang sunod nitong ginawa. He cupped my face and forced me to look at his eyes.

"Tingnan mo ko sa mata, Jonnie." he pleaded. He sounds frustrated, but why?

Nakipaglaban ako ng tingin sa mga mata nito. Pinipilit kong binabasa ang nais iparating niyon. Naramdaman kong unti-unting lumalapit ang mukha nito sa mukha ko. Kitang kita ko rin kung paano titigan nito ang parte nito na parang kinakabisa nito ang mga iyon. Napapikit ako ng mga mata ko ng maramdaman kong konti na lang ang pagitan ng mga labi niya at labi ko ....

"Jonnie!" Tila kami nagising mula sa isang panaginip at naghiwalay kami nang makarinig kami ng isang tinig.

"Jonnie! Anong problema?" si Bernard ang dumating.

"Ber-na-ard." Tawag ko rito habang hindi makatingin ng diretso rito. Feeling ko may nagawa akong kasalanan. Ngunit nagpapasalamat na rin ako sa pagdating nito. Baka kasi kung hindi ito dumating, baka kung ano na ng katangahan ang nagawa ko.

"Halika na? Ano bang naging problema?" Tanong sa akin ni Bernard habang nakatigin ito kay Jimmy.

"Wala naman. Napagod lang ako kanina."

"O sige, halika na." Sabi ni Bernard sabay abot ng helmet sa akin. Medyo namomroblema ako kasi nakagown ako pero inisip ko na lang na mas okay na ito makaalis lang sa lugar na ito.

Naglakad na kami papunta sa motor nito ng naramdaman ko na namang hinila ni Jimmy ang isang braso ko.

"Jonnie," pigil nito sa akin. "Ako na ang maghahatid sa'yo. Mahihirapan ka, naka gown ka."

Hinawakan naman ni Bernard ang isang braso ko, pinipigilan akong ni lingunin man si Jimmy.

"Sa tingin ko hindi na kailangan pare. Andito na ako. Ako ang kailangan niya hindi ikaw." Sagot ni Bernard kay Jimmy habang kitang kita kong nagngangalit ang mga bagang ng mga ito. Kung ibang pagkakataon siguro ito, iisipin kong pinag-aagawan nila akong dalawa pero dahil nakakastress na, titigilan ko na.

"Bitawan ninyo akong dalawa. Nakakaattract na tayo ng ibang tao please lang."

Nakinig naman ang dalawa sa sinabi ko. Thank God.

"Halika na Bern. Uwi na tayo." aya ko kay Bern.

Umupo na ako sa motor nito at hinila sa akin ang helmet na binigay nito kanina.

"Mag-uusap tayo mamaya ha? Alam kong may nangyari." sabi ni Bernard sabay suot ng helmet sa akin.

Yumakap ako kay Bern pagsakay ko sa motor. Lagi ko namang ginagawa ito kaya di na bago sa akin.

"Higpitan mo. Baka malaglag ka."

"Okay." sabi ko sabay gawa sa sinabi nito. Di ko napigilang tumingin sa kinatatayuan ni Jimmy at doon nakita ko ang lungkot sa mukha nito. Tumango lang ito sa akin at ang sunod na narinig ay ang tunog ng motor habang papalayo kami rito.

Andito kami ngayon ni Bernard sa paborito naming resto. Makikita ito malapit sa St. Ives College kung saan kami unang nagkakilala. It looks like an American diner na may pagka Riverdale ang set up. As usual, we ordered the same food that we always order here: american burgers, fries and milk shakes.

"Uy, ano ba talaga nangyari?" pangungulit sa akin ni Bernard.

Tumingin ako rito pasalit salit sa pagkaing nakahain sa harapan ko. I am so confused. Dahil sa kalituhang iyon, nawalan na din ako ng gana kumain.

"Now that we are already here, come on, tell me, what really happened?"

"Bern..."

"O?"

"Siya iyon ..."

Sandali itong nag-isip. "Anong ibig mong sabihin?"

"Siya iyong kinuwento ko sa'yo dati. Siya iyong nanakit ng damdamin ko."

"Seriously?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Lumipat ito ng upuan patabi sa akin. Hinawakan niya ang mga kamay ko at honestly, his hands helped me to calm my senses.

"Bakit nandito siya?" Tiim bagang nitong tanong sa akin.

"Hindi ko alam. Bigla na lang siyang sumulpot ulit e."

"Ikaw, anong balak mo?" Tanong muli nito sa akin.

"Anong balak ko? Ano ba dapat ang balak ko?"

"Hindi ko alam sa'yo. Kasi parang okay naman kayo di ba? Kung hindi nga lang ako dumating kanina baka kung ano na ginagawa ninyo sa kalsada e."

May natunugan akong galit sa boses nito. Pero bakit?

"Wait, galit ka ba?" Tanong ko rito na hindi makapaniwala sa inaakto nito.

"Hindi. May karapatan ba akong magalit Jonnie?"

"I know na may utang na loob ako sa'yo ngayong araw na ito because you came to my rescue pero ayaw ko yang inaakto mo, Bern. Bakit parang may kasalanan ako sa'yo?"

Sandali itong natahimik sa sinabi ko. Naramdaman siguro nitong naiinis na talaga ako. He knows that I don't like being interrogated. After all, he is my bestfriend kaya alam na niya ang ugali ko.

"Okay, I am sorry okay? So, what happened sa wedding? You seemed so down based on your voice kanina."

"Well, he is my partner na wedding singer. Pinsan niya yung groom."

"At hindi mo nabanggit sa akin?"

"Why should I? Ayaw na kitang abalahin sa mga ganung kaliit na bagay. I can handle it."

"Remember, basta ikaw... okay lang na abalahin mo ako. Okay?"

Napangiti ako sa sinabi nito. Iyong iyon din ang sinabi nito noong college kami. He's my knight in shining armor. Siya din ang dahilan kung kaya't nakarecover ako sa sakit na dinulot sa akin ni Jimmy. He was there when I felt that I am not good enough, reminding me that I am capable of loving kahit na nga naging manhater na ako.

"Ano pang nangyari?" tanong pa nito sa akin habang hinihiwa nito into pieces ang inorder kong triple decker hamburger. Pinanood ko ito sa ginagawa nito and I can't help to think na napakaswerte ng babaeng mamahalin nito.

"He kissed me." Sagot ko rito. Napahinto ito sa ginagawa at tumingin sa akin na tila di makapaniwala

"Whaaaat? Pakiulit nga."

"He kissed me."

"Bakit?" Tanong nito with a grimace on his face.

"Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon. Di ko na kasi siya kinausap after nun. That's the time when I called you kanina."

"Sinampal mo ba?"

"Hindi."

"Bakit?"

"Anong bakit? Siyempre nabigla ako. Di na ko nakapagreact ng maayos. Buti nga dumating ka e." Tingin ko okay na ako, nakakain na ako e. I just can't resist the food I have here. Favorite ko talaga.

"Huwag ka na magpapakita doon ah. Baka next time di na ako makapagpigil, baka mabangas ko na mukha nun."

Natawa na lang ako sa sinabi nito. Alam kong hindi nito itutuloy ang sinabi nito. He is such a gentle soul na wala sa isipan nito ang 'mambangas ng mukha'.

"Sows, bangasin daw e. Kumain ka na nga diyan. Kaya ko na sarili ko." sabi ko ulit rito at ipinagpatuloy na ang pagkain.

----

The day ended smoothly. Saglit kong nakalimutan ang 'madramang' nangyari kanina sa wedding. Nakakadrain ng energy sa totoo lang pero buti na nga lang at nandiyan si Bernard sa tabi ko lagi. Kung ibang sitwasyon siguro, kung hindi ako nasaktan, baka naisip kong pwedeng maging kami. Pero my story is different so di pwede at di ko hahayaan.

"Anak," tawag sa akin ng Mama ko.

"Yes po Ma?"

"Nasa ibaba si Jimmy."

Kumabog ang dibdib ko pagkarinig pa lang ng pangalan ni Jimmy at hindi ko nagugustuhan iyon kasi ibig sabihin non ay may apekto pa rin ito sa akin. Bumaba ako sa salas at natagpuan kong naghihintay si Jimmy. Hawak nito yung photo album namin na nakadisplay sa coffee table namin. Marahil ay naramdaman nito ang presensya ko kaya nag-angat ito ng paningin. Ngumiti ito pagkakita sa akin pero di ko ginantihan ang ngiti nito.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko rito.

"Hi, Jonnie." Napansin kong suot pa rin nito ang damit pang-abay nito. Di pa ito umuuwi?

"I'm asking you, anong ginagawa mo rito?"

Lumamlam ang mata nito. Ayaw ko mang aminin, parang nasasaktan din ako sa lungkot ng mata nito.

Di ka pwedeng magpaapekto sa kanya Jonnie! Get a hold of yourself!, saway ko sa loob ng isipan ko.

"Let me explain, Jonnie. Yung sa nangyari kanina."

" I don't need your explanation. Iisipin ko na lang na napagtripan mo lang ako kanina. You are an entertainer after all." Sabi ko rito habang tinitignan ito. I know my words seems so bitter right now pero mas okay ng maging ganoon ako kesa naman maging tangang teenager katulad noon. People who are driven by their emotions become an easy target.

"Ano bang nangyari at nagkaganyan ka? Nawala na yung Jonnie na kilala ko noon."

Natawa ako ng pagak sa sinabi nito. Napakadali lang sabihin nito ang mga salitang iyon pero ako ito, damang dama ko pa din ang sakit.

"Sinong Jonnie? Yung habol ng habol sa'yo dati? Wala na yun, Jimmy. She's dead. At kung hindi nakakaistorbo sa'yo, aakyat na ako. I am done with this drama."

Akmang tatalikod na ako ng maramdaman kong niyakap niya ako patalikod. I can hear his breath at my ears. Damang dama ko ang init ng katawan nitong nakayakap ngayon sa akin. Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap nito. Nanghihina ako at gusto ko ng sumuko pero ayaw magpatalo ng utak ko sa puso ko.

"Bitawan mo ako." Mariin kong sabi. Sinunod naman nito ang utos ko pero bago ito humiwalay sa akin, bumulong muna siya sa tenga ko.

"I will bring her back. The old Jonnie whom I dear so much. Tandaan mo yan."

下一章