webnovel

Anonuevo's Residence 13

~Umaga~

"Isabelle, ano na sunod mong gagawin ngayong bumalik na ung mga ala-ala ni Jervin nung kabataan niya?"

"Hindi ko alam…"

"Nung isang araw narinig ko ung sinabi ni Yvonne habang pinapanuod mo siya sa bolang kristal mo."

"H-huh?"

"Hahayaan mo lang ba siya na isama si Jervin sa paglayas niya? Pano pag hinanap siya ng angkan niya? Pano pag pinagbintangan niya tayo? Ano gagawin mo?"

"Para namang hindi mo alam ung pinagdaraanan nung bata…"

"Hindi un magandang dahilan para idamay si Jervin! Ano?! Matapos natin siyang palakihin ng halos magdadalawang dekada, hahayaan mo lang siya na kunin ng batang un?!"

"Hindi lang ikaw ang may ayaw ng ideya na un!"

"Ayaw mo rin? Pero ba't parang wala ka namang ginagawa para hindi sumama si Jervin sakaniya?!"

"Kasi wala akong karapatang magdesisyon kung ano ang gusto niya sa buhay niya! Wala tayong karapatan!"

"Inamin mo rin. Kahit kelan hindi mo tinuring na anak si Jervin, noh?"

��Bakit? Tinuring mo ba siyang tunay mong anak?"

"Nagsalita ang ina na hahayaan lang na maglayas ang kaniyang anak! Ay mali! Hindi pala natin siya anak! Hindi mo pala siya anak kaya madali lang sayo na bitawan siya!"

"Tama na! Oo! Hindi natin siya anak! Hindi ko siya anak! Pero pakinggan mo rin naman ung nararamdaman ko! Hindi lang naman ikaw ung masasaktan pag lumayas si Jervin, e!"

"Manahimik ka na! Hindi porket ampon siya ay hahayaan mo na lang siya na maglayas din katulad nung babaeng un!"

"Tumigil ka na. Tumigil ka na. Tama na!"

"Tsk! Ang umagang-umaga ganito nanaman tayo."

"A-ampon ako?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Jervin sakaniyang sarili habang nakatayo ito sa tapat ng pintuan ng kaniyang kwarto na bahagyang nakabukas.

"Ampon ako?"

Pag uulit muli ni Jervin ng kaniyang tanong sakaniyang sarili sabay naupo na sa sahig. Hindi nagtagal ay mayroon nang tumulong luha mula sakaniyang mata habang nakatitig lamang siya sa pinakang baba ng pintuan na bahagyang nakabukas pa rin.

"Oh? Jervin, anong ginagawa mo dyan?"

Takang tanong ng ate ni Jervin nang makita ang binata na nakaupo sa sahig at nakayuko. Hindi umimik ang binata kaya't naupo na lamang ang kaniyang ate sa tapat ng kaniyang kwarto ng mayroong pag-aalala sa mukha nito.

"Narinig mo ba ung pinag-awayan kanina nila mama't papa?"

Nag-aalalang tanong ng ate ni Jervin sakaniya habang nakatingin pa rin ito sa binata. Sa pagkakataong ito ay dahan-dahan na nitong tinignan ang kaniyang ate sa bahagyang nakabukas na pintuan ng kaniyang kwarto habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag-iyak.

"Totoo ba na ampon lang ako?"

Tanong pabalik ni Jervin sakaniyang ate habang umiiyak at nakatingin pa rin ito sakaniyang ate. Hindi kaagad naka sagot ang ate ng binata sa tanong nito sakaniya at nanatili lamang nakatingin sa binata na nakatingin din sakaniya. Ngunit ilang saglit pa ay mayroon nang luha ang tumulo mula sa mga mata ng ate ng binata.

"Totoo nga."

Sabi ni Jervin sabay tayo na mula sakaniyang pagkakaupo sa sahig at saka naglakad na patungo sakaniyang aparador upang kunin ang kaniyang uniporme pang eskwela nang hindi pa pinupunasan ang kaniyang mga luha.

"Jervin."

Tawag ng ate ni Jervin sakaniya sabay tayo na rin mula sa pagkakaupo nito sa sahig at saka pumasok na sa kwarto ng binata na nag-aayos na ng kaniyang gamit pang eskwela.

"Aalis ka nanaman ng maaga ngayon?"

Takang tanong ng ate ni Jervin sakaniya habang nakatayo lamang ito sa loob ng kwarto at saka pinapanuod lamang ang binata sa ginagawa nitong pag-aayos sakaniyang gamit.

"Bakit? Anong tingin mo? Matutulog ulit ako kaya inaayos ko ung gamit ko?"

Pamimilosopo ni Jervin sakaniyang ate sabay suot na ng kaniyang bag at saka naglakad na patungo sa pintuan ng kaniyang kwarto nang hindi man lamang tinitignan ang kaniyang ate na kaniya lamang nilampasan.

"Saan ka pupunta?"

Tanong muli ng ate ni Jervin sakaniya habang hindi pa rin ito umaalis sakaniyang kinaroroonan at sinusundan ng tingin ang binata. Hindi sinagot kaagad ng binata ang tanong sakaniya ng kaniyang ate, sapagkat sinarado niya ang pintuan ng kaniyang kwarto.

"Kung saan hindi ko na ulit makikita ang mga mukha niyo."

Seryosong sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ng kaniyang ate sabay bukas nang muli ng pintuan ng kaniyang kwarto na magdadala sakaniya sa bodega ng mini grocery ng mga Dionisio at saka naglakad na siya papasok roon.

"Jervin!"

Huling tawag ng ate ni Jervin sakaniya bago niya isarado ang pintuan sa bodega ng mini grocery ng mga Dionisio. Napabuntong hininga na lamang ang binata habang nakayuko ito sabay bitaw na sa doorknob ng pintuan ng bodega. Makalipas ng ilang saglit ay naglakad na ito patungo sakaniyang locker upang ilagay na roon ang kaniyang bag at kunin na ang uniporme pang trabaho.

"Oh, andito ka na pala Jervien."

Biglang sabi ni Anna kay Jervin nang pumasok na ito sa bodega habang nakatingin sa binata. Hindi tinignan ng binata ang kaibigan sapagkat sinarado na niya ang kaniyang locker.

"Wala pa si Yvonne?"

Tanong ni Jervin kay Anna habang nakatingin lamang ito sakaniyang locker at hawak ang unipormeng pantrabaho. Naglakad ang kaibigan patungo sa lamesa at saka naupo roon.

"Hindi raw makakapasok ngayon si Ibon sa trabaho, e. Kasi for the first time sinelebrate ng angkan niya ung birthday niya."

Sagot ni Anna sa tanong sakaniya ni Jervin habang nagpipipindot na ito sakaniyang phone. Napabuntong hininga na lamang ang binata dahil sa narinig nito mula sa kaibigan at naglakad na patungo sa cr upang makapagpalit na ng damit.

"Ba't pala sobrang aga mo ngayon? Alas siyete pa lang ng umaga, oh."

Sabi ni Anna kay Jervin habang hindi nito tinitignan ang binata at patuloy pa rin sa pagpindot sakaniyang phone.

"Maniniwala ka ba na isa akong ampon?"

Mahinang tanong ni Jervin kay Anna habang nakayuko lamang ito sa harapan ng pintuan ng cr at hawak ang uniporme pang trabaho.

"Ha? May sinabi ka?"

Tanong ni Anna kay Jervin nang tumigil na siya sa pagpindot sakaniyang phone at saka tinignan na ang binata. Napabuntong hininga na lamang ang binata, nilingon ang kaibigan at saka nginitian ito.

"May regalo ka ba kay Yvonne?"

Nakangiting tanong ni Jervin kay Anna habang nakatayo pa rin ito sa harapan ng pintuan ng cr. Biglang pumalakpak ang kaibigan dahil sa tinanong ng binata sakaniya at mabilis na tumayo mula sakaniyang pagkakaupo sa lamesa.

"Meron! Mamaya bigay ko sayo, paki sabi na rin sakaniya 'happy birthday'~!"

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts
下一章