Lisa's Pov
Narating namin ang headquarters. Nadatnan namin na lahat busy, mukhang napakalaking grupo ang kakaharapin namin. Dumiretso kami sa conference room dahil sabi ni Jennie hihintayin daw kami dun.
Pagpasok namin sa conference room, nadatnan namin dun ang mga tanders. Nandun sin sina Jennie, si Boss at ang ibang elite na sila Agent Silver, Gold, Maroon at Blue. Mukhang naka code red kami. Ibig sabihin napakadelikado ng magiging mission. Mga top elite lang madalas ang nasa mission na to.
"Agent Black balita ko nagkaengkwentro kanina. Bakit di ka humingi ng back up? May sibilyan kang kasama." sabi ni agent Blue.
"Hindi na sibilyan yang mga kasama ko. Mga estudyante ko yan. Isa pa nakaya naman namin." sabi ko.
"Maupo na kayo Lisa at may importante tayong pag uusapan. Napakadelikado nito. Dahil ang mga kalaban natin ay ang mga nag aaklas na mga agent. Hindi dito sa field natin. Sila ay ang mga top secret agent na kasama ng mga magulang mo." sabi ni Boss.
"Hindi ko maintindihan Boss. Pano nasali ang mga magulang ko?" tanong ko kay Boss
"Makinig kang mabuti Lisa. Ang mga magulang mo ay kasali sa Alpha Pentagon. Sila ay ang limang top elite secret agent sa buong mundo. Nagkawatak watak sila dahil sa insidente sa mga magulang mo. Nagtayo kasi ang mga magulang mo ng school para sa mga gustong maging secret agent. Marami ang kumontra. Hindi pa nareresolba ang kaso ng magulang mo dahil magaling ang gumawa ng krimen. Nang mamatay ang mga magulang mo may tatlong natira sa Alpha Pentagon. Kaso namatay din ang isang miyembro na humawak sa kaso ng magulang mo. So dalawa na lang ang natitira." sabi pa ni Boss.
"Eh dad asan na ang dalawang natitirang Alpha Pentagon?" tanong ni Jennie sa ama nya.
"Ako ang isa dun at ang isa ay ang ama ni Josh. Itinuring kong kaibigan ang ama ni Josh. Kaya nung sinabi nya na ipagkakasundo ang anak ko sa anak nya pumayag ako. Huli ko na lang nalaman na panay illegal ang gawain nila. Mas malakas at mas magaling sya sa akin. Ang nakakatalo lang sa kanya ay ang ama mo Lisa. May kutob ako na ang pumatay sa mga magulang mo at sa isang pang miyembro ay ang ama ni Josh." sabi pa ni Boss.
"Bakit si Lisa ang ipinagkasundo mo? Bakit hindi si Jennie?" tanong ni Jk.
"Nalaman nila na anak ni Agent Thunder at Agent Storm si Lisa. Nakita kang nag eensayo ni Josh at nang ama nya nung dumalaw sya sa bahay nyo Lisa. Naimpress ata sayo. Tiwala naman ako. May usapan kasi kami kahit ang ama mo Lisa na ipakakasal namin ang mga anak namin. Kaso nalaman ako na kinakalaban nya ang pamahalaan. Hindi lang dito pati sa ibang bansa." paliwanag ni Boss.
"Kaya pala sabi ni Josh malaking tulong ako sa grupo nya. Paano ako makakaalis sa kasunduan na yon?" tanong ko.
"Simple lang magpakasal ka Lisa. Nang sa ganun mavoid ang kasunduan." Kaso dapat ilihim natin dahil malamang pagnalaman nila to pipigilan ang kasal mo." sabi pa ni Boss.
"Ayun naman pala Lisa, pakasal na kayo ni Jk." sabi ni V.
"Sya nga naman mahal. Pakasal na tayo. Baka maagaw ka pa sakin ng demonyong Josh na yon." sabi ni Jk.
Pinagkatitigan ko si Jk. Handa na ba ako sa isang kasal? Ang daming what if's sa utak ko.
"Lisa alam ko na gusto mong magkapamilya. Gusto din yun ni Errol. Subukan mong magtiwala sa mga tao. Wag mong pahirapan pa ang sarili mo." sabi ni Jennie.
"Sya nga naman Lisa. Alam mo ba na sinabi ni Errol samin na kakambal ka nya. At isa pa ibinilin ka sa amin ng kapatid mo. Eto ang huling bilin nya. Alam mo naman na isa akong abogado. Sa akin nya ipinagkatiwala ang last will testaments nya." sabi ni Agent Gold.
Oo nga pala isang abogado si Agent Gold. Binasa nya sa amin ang last will ni Errol.
"Ako si Errol Manoban o mas kilalang Errol Kim ay ipagkakaloob ko sa aking kakambal na si Lisa Manoban ang lahat ng ari arian namin ng pamilya Manoban. Pati na rin ang mga pag aari ko tulad ng bahay ko at mga sasakyan. Ang mansion ni Mr. Kim ay ipapangalan ko kay Jennie Kim. Ang rest house ko sa Palawan ay ipagkakaloob ko kay Mr. Kim. Ano man ang mangyari sa akin pakiusap alagaan nyo ang kakambal ko. Sa aking kakambal pakiusap magpatuloy ka sa buhay na maligaya." basa ni Agent Gold sa last will ni Errol. Di ko napigilan umiyak habang binabasa nya ang last will ni Errol.
"Sya nga pala Agent Gold paki gawa ako ng kasulatan na hahatiin ko ang shares ng Rainbow Agency and Academy. Tag 50% kami ni Mr. Kim. At hahayaan ko syang pamunuan ito. At isa pa lahat kayo apat Agent Silver, Gold, Maroon at Blue ay ipagkakaloob ko sa inyo ang titulo ng kinatatayuan nyong bahay dito sa compound ko." sabi ko na ikinagulat ni Mr. Kim at ng mga elites.
"Sa dami ng kasalanan ko sa inyo hindi ko deserve ang kalahati ng share mo. Lisa malaking halaga yun. At isa pa bakit pinamimigay mo ang mga ari arian mo." sabi ni Boss
"Hindi ko kailangan ng malaking halaga. Isa pa malaking kontribusyon kayong lahat sa agency at academy na to. Lahat kayo naging tapat kay Errol at mga kaibigan nya kayo." sabi ko.
"Salamat Lisa talagang napakabuti nyong magkapatid. Hayaan mo makakaasa ka sa amin sa lahat ng oras. Mapagkakatiwalaan mo kami. Tutulong kami sa hustisya para kay Errol." sabi ni Agent Maroon.
"Oo nga naman Lisa. Ayoko kayang dalawin ako ni Errol. Ayan pareng Errol aalagaan ko ang kambal mo ha! Wag mo akong dadalawin hehehe." sabi ni agent Silver na ikinatawa namin. Magagaling yan pero takot sa multo hahaha.
Tahimik lang ang grupo ng Bts. Alam ko gulong gulo ang mga tanders kasi nde sila masyadong updated sa pangyayari.
"Sya nga pala simula bukas dumito muna kayo sa compound. Lahat kayo safe sa lugar na to habang hindi pa natatapos ang kaguluhan na to. Sa bahay muna kayo ni Errol tumira. Malaki naman ang bahay kaya kasya kayo dun Bts." sabi ko.
"Sige sis. Mabuti pa simulan na natin ang pagpaplano. Mahirap na maunahan tayo ni Josh." sabi ni Jimin.
Nag usap usap kami tungkol sa plano namin. Lahat kami nagkaisa isa sa pagpapabagsak sa pamilya ni Josh. Gusto ko nang matapos to. Para sa ikatatahimik naming lahat.