webnovel

Chapter 2

🥀

Kinabukasan ng umaga ay agad akong nagluto ng aking makakain para bago ako pumasok ay magka- laman ang aking tiyan. Mahirap kapag walang energy lalo na kapag napuyat ka. Halos sumpain ko na sarili ko kanina dahil hirap akong bumangon sa sobrang antok. Alam niyo yung the best para magising? Ayon sinampal ko lang naman sarili ko ng sobra. Inipit ko lang sigaw ko para hindi sila magising eh.

Nagising na din ang mga pinsan kong lalaki. Tatlo sila kaya ito mga señorito ang mga galawan dahil pinagluto ko lang naman at saka pinagtimpla pa ng kape. Ayos aba, kulang nalang ng sahod para maging yaya. Naligo na agad ako dahil ayaw ko silang mauna dahil mababagal sila at matagal maligo.

Agad akong nagayos ng sarili ko at napatigil ako nang maalala ko ang nangyari kahapon. Halos magkapasa na ako sa sobrang lakas ng pagkakahampas ni Crisa sa braso ko noong binigyan ako ni Sir Leo ng pangtaas na PE. Mahihirapan daw akong gumalaw at saka sinabi niya pa saakin na huwag ko na bayaran dahil extra niya 'yon.Namula naman ako at saka sinampal ang aking sarili para matigil ako sa kahibangan ko.

Paglabas ko ng kwarto ay agad akong umalis ng bahay dahil pupunta pa akong seven eleven para bumili ng energy drink. Habang naglalakad ako ay nakikinig ako ng musika para pakalmahin ang sarili ko. Nagiging iritable ako at mabilis magalit dahil sa kulang palagi ang tulog ko.

Gusto kong magpatingin sa kalagayan ko pero saan naman ako kukuha ng pera dahil tinitipid ako ng tito at tita ko. Sa totoo lang may naiwang pera sina mama para saakin pero sa kanila napunta dahil bata pa daw ako kahit na alam ko na ang bagay na 'yon.

Papasok sana ako ng may unang bumukas ng pinto at agad ko itong nakilala. "Good morning!" Nakangiti niyang pagbati na agad ko namang ikinataranta.

"Sir.Leo good morning din po." Nahihiya kong pagbati at saka niya binuksan ang pinto. "Ladies first." Aniya kaya hindi pa ako nagdalawang isip na pumasok sa loob.

"Bilisan mo baka malate kapa." Sabi saakin ni Sir bago siya kumuha ng sandwich at kape. Kukuha sana ako ng energy drink na muli siyang nagsalita. "Payag ka bang sabay na tayo? Tutal doon din naman ang punta ko at may motor ako para hindi ka malate." Aniya kaya napaiwas ako ng tingin dahil nakatitig ito saakin.

Kinuha ko na ang enery drink bago ko siya hinarap. "Huwag na po kasi mas okay na ang maglakad para excercise." Sagot ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng bahagya kaya lumabas ang kanyang malalim na dimple na isa sa kaliwa.

"Basta sabay kana." Aniya bago pumunta sa counter para magbayad. Napakamot na lamang ako ng ulo dahil nagtanong pa siya tapos sasabihin basta sumabay ako. Gulo mo zer!

Nagbayad na ako sa counter at talagang inintay pa ako sa labas habang nakasakay na siya sa kanyang motor. "Tara, suotin mo 'to." Sabay abot saakin ng helmet kaya agad ko namang sinuot iyon.

"Salamat po sir." Sabi ko at agad naman siyang ngumiti. "Wala 'yon."

Pagkasakay ko ay hindi ko alam kung saan ba ako hahawak kung sa baywang niya ba? Hayst huwag do'n kaya sa bandang likuran ko, doon ako humawak. "Hawak ka ng mabuti." Bilin niya bago niyo pinaandar ang motor.

Napahinga ako ng maluwag dahil hindi naman siya matulin magpatakbo kundi dahan-dahan na may pagiingat. Bumalik saaking isipan ang mga nangyari pero naputol iyon noong magsalita siya. "Saan ka nakatira dati?" Tanong niya.

"Sa Quezon po." Sagot ko agad. "Ahmm sir saan po kayo nakatira?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya narinig ang tanong ko dahil sa ingay ng paligid. "Paki-ulit ang ingay kasi eh." Aniya ng malumanay.

"Wala po sir." Sagot ko agad kaya napairap nalang ako sa kawalan ng dahil sa sinabi ko. Bakit ko nga pala tinatanong kung saan ba siya nakatira? Ang baduy naman Raven.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa school na agad naman kaming pinagtitinginan ng mga estudyante pero hindi ko na sila pinansin. "Sir, salamat po.." nakangiti kong pasasalamat sa kanya. Agad naman niyang hinimas ang ulo ko. "Walang anuman.." tugon niya na ikinatigil ko, hindi dahil sa sinabi niya kundi sa ginawa niya. Namula yata ako. "Sige na baka malate ka pa." Dugtong pa niya kaya tumango na lamang ako. Wala na akong masabi pa, umurong yata dila ko.

Kumaway siya bago ako tumalikod kaya patago kong hinawakan ang aking pisngi at saka hinampas iyon. "Malanding hormones tigilan mo 'ko." Bulong ko bago ko ininom ang aking energy drink pero mukhang hindi ko na kailangang uminom kasi nagising na yata ako sa ginawa ni sir Leo.

Pagkarating ko sa room ay iba ang tingin saakin ni Crisa at parang may mga kumikinang sa kanyang mga mata. "Ano 'yon? Close na agad kayo?" Tanong niya na parang kinikiliti sa kilig. Nakita niya siguro na kasama ko si Sir.

"Hindi at saka nakasalubong ko lang siya." Sagot ko sa kanya at saka inayos ko ang sarili ko. Sinundot naman niya ang aking tagiliran. "Asus! May paghimas pa ng ulo. Sana all talaga!" Aniya habang kinikilig. Napailing na lamang ako sa ginagawa niya.

Lumipas ang mga oras ay hindi nga ako inantok sa mga tinuturo kaya ito recite ako ng recite sa mga tanong ng teacher ko. Napapa-wow nga sila sa tuwing nasasagot ko ang imposibleng sagutin. Yung teacher namin kahapon na nagwalk out ay pinalitan ng bago. Pumasok ito sa room at saka nagsitigil ang mga kaklase ko sa kanilang mga ginagawa.

Napatulala pa ang lahat ng dahil may gwapong teacher nanaman na magtuturo saamin. Teka? 'Nanaman?' It means pogi din si Sir Leo? Syempre payag yung hormones kong malandi.

"Good morning! Ako nga pala ang bago niyong Filipino teacher." Pagbati niya kaya may ilang mga babae na nagaagawan pa kay Sir. "Ako nga pala si Sir Zach Delos Santos." Dugtong pa niya. Narinig ko naman ang sinabi ni Crisa na pinalitan niya na si Sir Leo bilang asawa niya.

"At alam ko din ang nangyari kahapon at sana hindi iyon mangyari saakin. Nagkakaintindihan ba tayo?" Seryoso niyang sabi. May masungit siyang side at yung unang pasok niya kanina ay happy side naman. Hindi ko alam kung alin siya don. "Magsuot ng name-tag sa tuwing subject ko.Kapag wala bukas bawas points dahil bukas may activity na agad tayo." Seryoso niyang sabi.

Nagsisagot naman ang iba na 'okay po sir' o 'sige po sir'. Nagsimula na siyang magturo at agad ko namang naintindihan dahil sa maganda siyang magturo. Nagtatanong pa siya kung nakaintindi ba kami para iulit niya ang kanyang tinuturo. Pero syempre ang sinasagot ng mga kaklase ko ay nakakaintindi sila dahil gusto na agad na matapos.

Habang nagsusulat kami ay may sinabi saakin si Crisa. "Pansin ko tingin ng tingin sayo si Sir Zach." Bulong niya na ikinalingon ko. "Anong sinasabi mo? Normal lang 'yon." Sabi ko sa kanya at saka binalik ang aking atensyon sa pagsusulat. Lahat nalang binibigyan ng meaning ni Crisa kaya kailangan ko pang ipaliwanag na mali ang kanyang iniisip.

Napairap na lang ako na bigla niya akong kinalabit. Pumangit tuloy ang sulat ko dahil nasanggi niya. "Tignan mo kasi..." sabay nguso kay Sir kaya agad naman akong tumingin pero hindi naman totoo ang sinabi ni Crisa.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Sabing normal lang 'yon dahil estudyante niya tayo. Kulit mo." Iritable kong sabi at saka pinagpatuloy ang pagsusulat.

Parang nabuhayan naman ako na biglang kumatok si Sir. Leo. "Excuse muna kay Raven Gatchalian." Aniya habang nakatingin kay sir Zach.

"Sino si Raven?" Tanong ni Sir Zach.

Tinaas ni Crisa ang kamay ko kaya tinignan ko naman siya ng masama. Kaya ko naman magtaas ng kamay eh. "Tawag ka ni Sir Leo." Ani ni Sir Zach kaya tumango naman ako.

Itinago ko ang mga gamit ko at saka sumunod kay Sir Leo. Pagkapunta namin sa faculty room ay agad niya akong kinausap.

"Bukas wala ako kasi pupuntahan ko ang nanay kong may sakit." Aniya habang nakatitig sa mga mata ko na ikinailang ko. "Eh saktong quiz natin bukas kaso wala ako. Ayaw ko namang mahuli tayo sa lesson. Ang gagawin mo ikaw ang magpa-quiz sa kanila tapos pa-check na rin." Pagpapaliwanag niya pagkatapos a inabot niya saakin ang mga tanong. "Pasensya na." Sabay kamot niya sa ulo.

"Ayos lang po Sir pero sa president ko nalang iutos kasi may authority siya." Sabi ko. Nagtataka kasi ako kung bakit pa ako tinawag kung mayroon naman kaming class president at isa pa hindi ko naman silang lahat close. "Si-sige kung ayon ang gusto mo. Salamat ha? Sige na bumalik kana sa room." Nakangiti niyang sabi kaya tumango naman ako bilang tugon.

Umalis na ako pero nakasalubong ko si Sir Zach sa hallway kaya umiwas ako ng tingin ng dahil nakatitig ito saakin.

🥀

下一章