webnovel

Chapter 33

Chapter 33: Crying Lady

Ayradel's Side

Naalimpungatan ako nang makarinig ng medyo malalakas na bulungan. Mukhang dumami na yata yung mga kaklase kong nagsisipasukan.

Unti-unti kong dinilat yung mata ko, sa una malabo, pero unti-unti ko din napansin yung mga kaklase kong nakatayo sa harapan namin habang nagbubulungan. Pinikit ko ulit yung mga mata ko kasi inaantok pa ako nang bigla akong may marealize.

SA HARAPAN NAMIN?!

"Aish!" napaupo ako ng ayos at napahawak sa dibdib ko sa sobrang kaba. Nagsibalikan sa kanya-kanyang mga upuan yung mga nagu-usyoso kanina at napatingin ako sa paligid ko pati na rin sa lalaking katabi ko na mukhang nagising din dahil sa pag-half sigaw ko.

"Tsk. Baichi makareact ka akala mo lugi ka pa." mahinang sabi niya at kinusot yung isang mata niya, na parang antok na antok, habang tinitignan ako.

"Ba-bakit ba sa balikat mo ako natutulog?" mahinang tanong ko, habang nakangiwi. Iniisip kung ano nanaman kaya ang iniisip ng mga kaklase ko.

"Kasalanan ko ba?" sagot niya pagkatapos ay umayos ng upo kaya medyo napaatras ako. "Dapat nga magpasalamat ka pa sakin. Isang oras din yun na... aray..." hinawakan nya yung balikat nyang hinigaan ko. "Sinalo ng balikat ko 'yang malaking ulo mo." tumawa pa.

"Kapal mo, sana ginising mo na lang ako!"

"Tulog na tulog ka eh." ngumisi pa siya ng nakakaloko. "Mukha kasing... hindi ka nakatulog ng maayos eh. Bakit kaya? Ginawa mo naman yung kasabihan." saka pa siya tumawa.

Naramdaman ko ang pagdaloy ng init sa buong katawan ko papuntang pisngi ko. Gustong-gusto ko nang batukan yung sarili ko pati na rin 'tong lalaking katabi ko. Bwisit. Pinaalala pa. Argh!

"Ah, alam ko na!" napalingon ako sa Lee-ntik at agad na tumaas ang kilay ko nang tumalikod siya ng pagkakaupo sakin. Hinawakan niya pa yung balikat niya at nagstrech-strech.

Kumunot ang noo ko nang tapikin niya ang balikat niya habang nakatalikod siya sakin.

"Tutal may utang na loob ka, masahiin mo na lang 'tong balikat ko."

"Ano ka swerte?!" nilingon niya ako nang magreact ako.

"Baichi..." he is on his warning tone. "Ang sakit pa naman ng balikat ko dahil sa'yo."

Wala na akong nagawa kundi ilagay yung kamay ko sa kanang balikat niya para pindutin yon ng mahina, habang nakasimangot.

"Laksan-laksan mo naman!" reklamo niya pa.

Ngumiti ako ng plastic habang nagmamasage pa rin...

"Ahhh... Laksan ko pa? Parang ganito?"

"Oo ganyan."

"Ganito pala huh?" bulong ko pagkatapos ay gigil na gigil kong pinagkadiin-diinan ng full powers yung darili ko sa balikat nya. Dahilan para mapanganga siya at mapasigaw sa sakit.

"AAARAY YAAAH!!!!"

Binitawan ko yung balikat niya habang tawa ng tawa.

Saktong may dumating na teacher kanina kaya hindi ako agad nagantihan ni Lee-ntik, hanggang masamang tingin lang ang loko. Tawang-tawa ako kaya naman naramdaman ko na lang na naiihi ako. Nagpaalam agad ako sa teacher ko para mag-CR.

Hanggang daanan yata tawa pa rin ako ng tawa. Para lang akong baliw kasi ang bakla ni Lee-ntik kanina. First time, kaya tawa talaga ako ng tawa. Hanggang sa maramdaman ko na lang na may tumapik ng balikat ko.

"Besty!"

"Ay bakla ka!" napahawak akong dibdib ko. "Ano ba besty!"

Imbis na sagutin ako eh, ngumiti lang siya na parang retarded at siniko pa ako ng bruha sa tagiliran habang parang inaasar ako ng 'Ayie'.

"A.. Huy besty ano ba?" umiilag-ilag ako sa paniniko niya.

"Sabihin mo besty, anong ginawa nyong dalawa ni Richard kagabi? Huh? Yieee!"

"Huh? Ano? Anong ginawa?"

"Kayong dalawa! May ginawa kayo kagabi no? Yieee!"

Nalaglag ang panga ko sa tanong niya, habang iniilagan pa rin yung kamay niya.

"Ano bang iniisip mo besty?" di makapaniwalang tanong ko.

"Obvious ba?" tumigil siya saglit at nagpameywang. Yung mata pa niya eh, rumorolyo pataas. "Kanina tulog na tulog kayong dalawa sa room. Halatang pareho kayong puyat! Nung gabi, umuwi agad kami ni Ella sa mga bahay namin at wala pa non yung mama at papa mo... sabihin mo besty..." lumapit paunti-unti si besty habang naniningkit ang mata. Laglag naman ang panga ko habang umaatras. "...pinapasok mo ba ng bahay niyo si Richard Lee nung gabing yun no? Noh? Umamin ka! Kaya kayo puyat!"

Yung tingin niya, talagang nangtutukso at may maruming iniisip. Lumipad agad yung kamay ko para lang batukan siya pagkasabi nya nun. Bruha talaga 'to!

"Aray naman besty!" reklamo nya.

"Yaaan! Pinasama-sama niyo ako sa Lee-ntik na yon, tapos sabi niyo pa 'Kami na bahala sa bahay nyo besty'," ginaya ko pa yung boses nya habang nagme-make face. "Tapos ngayon bibira ka ng ganyan? Hoy umuwi agad kagabi sina mama at papa noh! Pahamak kayo!"

"OMG? Di ko alam na umuwi agad sina mama mo?"

Binatukan ko ulit sya for the 2nd time.

"Pano mo nga malalaman? Eh umuwi nga agad kayo!" sumimangot ako. "Pinagalitan tuloy ako, kasi walang bantay sa bahay. Alam mo naman si mama! Hays!"

"Sarreh na besty okay? Sarreh!" tumawa pa ang bruha.

"Ano? Magsi-CR ka rin ba?" tanong ko kay besty.

"Hindi. Bibili ako sa canteen. Dyan ka na!" sagot naman niya bago nagpatuloy ng paglalakad sa canteen, hindi kalayuan sa CR. Sungit talaga ng babaitang yun, oo!

Napailing-iling ako pagkatapos ay binuksan na ang pintuan ng CR. Walang tao sa loob kaya pumasok agad ako sa isa sa tatlong cubicle sa loob para umihi. Tapos pumunta ako sa maliit lang na gripo para maghugas ng kamay nang bigla na lang akong nakarinig ng hikbi.

Tumaas lahat ng balahibo ko, kaya nagmamadaling tatakbo sana ako palabas. Nasa may pintuan pa lang ako nang bigla akong napatigil nang marealize na parang hindi naman multo yung umiiyak...

Tao... Babae...

Dahan-dahan ulit akong pumasok sa loob habang pinapakinggang maigi yung hikbi. Nasa pangatlong cubicle, sigurado ako..

Dahan-dahan akong lumapit sa cubicle na yon, habang pinipigilan ang hininga. Hahawakan ko na sana yung knob nang kusa na itong nagbukas at lumabas habang nagpupunas ng luha si...

Marahang bumuka ang bibig ko at napakunot ng noo.

"J-jae anne?" Napatingin siya at agad na natigilan pagkakita niya sakin.

"A-Ayra," aniya.

"Jae! Bakit ka umiiyak?"

Tumungo siya kaya hinawakan ko ang balikat niya para silipin yung mukha niya. Hindi kami ganon ka-close ni Jae, pero nakaramdam talaga ako ng pag-aalala para sa kanya nang makita ko ang mugto niyang mata. Pinunasan niya gamit ang dalawang palad niya yung pisngi niya bago ako tignan ulit.

"Uh, wala, haha." sagot niya. She sniffed, but still managed to flash a weak smile. "Sumakit kasi yung puson ko kanina. Pero ngayon ayos na naman."

Hindi ako totoong nakumbinsi sa sagot niya pero tumango na lang ako.

"Ahh, pumunta ka na bang clinic? Gusto mo ihatid kita doon?"

Umiling-iling sya. "Hindi na. Ayos na ako."

Tinitigan ko siyang mabuti sa mata para iparating na hindi ako nakukumbinsi, pero yumuko lang siya at umiwas ng tingin.

"Alis na ako. S-sige..." tumango siya pagkatapos nilagpasan na ako.

"Teka Jae!" habol ko pero nakatakbo na siya nang tuluyan palabas ng banyo... Sinundan ko siya ng tingin at hahakbang na rin sana nang mapatingin ako sa sahig ng banyo, sa mismong paanan ko. Kunot ang noong pinulot ko yung bagay na nasa sahig...

Inikot-ikot ko ng tingin yung napulot ko. "Ano naman 'to?" tinitigan ko yon ng mabuti.

Isang picture.

Punit na picture to be exact...

Tinitigan kong mabuti yung nasa picture at nakilalang si Jae Anne nga yon...

Lumabas agad ako ng banyo para tignan kung nandun pa ba si Jae at nang maibalik ko yung picture na sa tingin ko ay nalaglag niya. Iginala ko yung paningin ko sa paligid pero mukhang nakaalis na sya.

Tinignan ko ulit yung picture at parang may iba akong naramdaman. Parang sobrang saya ni Jae Anne sa picture na yon. Naka-peace sign siya at may ka-holding hands, pero hindi na makita yung taong ka-holding hands nya kasi nga punit yung picture. Sinadya kayang punitin 'to? Sino naman kayang kasama nya sa picture na 'to? Pakiramdam ko, yung taong kasama niya sa picture na ito yung dahilan ng pag-iyak ni Jae?

Umiling-iling ako sa iniisip ko. Hindi ko dapat pinapakaalaman 'to. Hays, hayaan ko na nga lang. Ibabalik ko na lang 'tong picture na 'to mamaya kay Jae sa classroom. Baka mamaya mahalaga pala 'to sa kanya.

Pero dapat ko pa ba 'tong ibalik? Mukhang sinadyang punitin ang isang ito?

Bahala na.

Nilagay ko na lang yung picture sa bulsa ko.

下一章