webnovel

Chapter 18

Nagngingitngit pa rin ang kalooban ni Charisse sa inasal ni BJ kanina. Hindi niya maintindihan kung ano ang iniisip nito at yun ang ginawa.

Oras na ng hapunan ngunit hindi pa rin ito lumabas ng kwarto kaya wala siyang choice kundi iakyat ang pagkain.

Kumatok siya ngunit walang sumagot. Kumatok siya ulit.

"Anong kailangan mo?"

"Sir dala ko po ang hapunan ninyo."

"Mamaya na ako kakain." Agad namang sagot nito.

"Sir lalamig po yung sabaw. Tsaka ito na po, bitbit ko na." Pilit niya dito.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ma-ma-ya na a-ko ka-ka-in."

"Sige po, iwan ko na lang po ito. Babalik ako mamaya para kunin ang pinagkainan ninyo."

"Goodness! Can you just go down and get lost? Ayoko ng kausap! Umalis ka dyan!" Sigaw nito.

"Aray ha, ang sakit naman nun." Bulong niya sa sarili. "Sir di ba po, mas lalo nyong kailangan ng kausap ngayon? Handa po akong makinig. Sir." Nakarinig siya ng kalabog. Kasunod nun ang pagbukas ng pinto. "Hoy! Hindi mo ba talaga maintindihan na gusto kong mapag-isa? At higit sa lahat ayaw kitang kausap! Pakialamera!"

"Pak!" Binalibag nito ang pinto. Napamaang si Charisse. Nagulat siya sa inasta ng amo. Galit na galit ito. Muntik na nga niyang mabitawan ang hawak na tray ng pagkain. Ngayon lang niya ito nakitang sobrang nagalit. Oo at lagi itong masungit ngunit ngayon lang niya nakita sa mga mata nito ang apoy ng galit.

"Ako na naman yung mali?" Takang tanong niya sa sarili habang pababa ng hagdan. "Talaga namang ngayon niya mas kailangan ng kausap kundi tuluyan na talaga siyang masisiraan ng bait. Haay naku mas lalo siyang madedepress sa ginagawa niya." Katwiran niya sa sarili. Hindi siya nagagalit dito kahit sinigaw-sigawan pa siya. Awa ang kanyang naramdaman para sa amo.

"Wala rin naman akong magagawa kung ayaw niya akong kausap." Sabi niya na may buntong-hininga. "Baka nga wrong timing lang talaga ako." Naisip niya.

Tuloy-tuloy siya sa kusina at inilapag ang dalang pagkain sa mesa. Inayos na muna niya ang mga pagkain pagkatapos ay umupo sa tabi ng mesa.

Nagdadalawang-isip siyang pumasok ng kwarto. Hindi niya rin alam kung bakit kaya hindi muna siya tumayo sa kinauupuan at nagpasyang hintayin na lang na bumaba si BJ.

Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng ingay sa labas. Nagkakagulo ang mga tao. Bigla naman siyang kinabahan. Unang naisip niya si BJ kaya tumakbo siya paakyat sa kwarto nito.

Nadatnan niya si BJ na nakatayo sa tabi ng bintana. Nakasilip sa labas. Hindi niya ito pinansin at pumuwesto siya sa kabilang dulo. Sumilip siya sa labas. Nagsilabasan na ang kanilang mga kapitbabay at may mga barangay tanod na rin na nandun. "Ano kayang nangyari?" Wala sa loob na sambit ni Charisse.

Lumingon si BJ sa kanya. Ramdam ni Charisse ang talim ng tingin nito. Parang sinasabi ng mga mata nito na "bakit ako ang tinatanong mo?"

"Ay, nasabi ko ba yun ng malakas? Teka lang sir, lalabas po ako at magtatanong." Pagkasabi ay agad na siyang bumaba. Hindi na niya hinintay ang sagot nito.

Pagkabukas niya ng gate ay sinalubong kaagad siya ng kapitan ng barangay. "Mabuti naman at lumabas ka." Bungad nito sa kanya.

"Magandang gabi po. Ano po bang nangyari?"

"Magandang gabi rin." Sagot nito. "May napansin lang sila na mga kahinahinalang mga tao na umaaligid dito."

"Po!? Sa bahay po namin?" Bigla siyang kinabahan.

"Hindi ko masasabing sa bahay nyo lang talaga pero sa mga napapansin ng mga kapitbahay ay may mga umaaligid dito sa lugar natin."

"Ay ganun po?"

"Nung nakaraan ay may nakapansin dun sa kabilang baryo, yun ang balita. Pero ngayong gabi ay dito nga sa atin lalo na dito sa may malapit sa inyo." Patuloy nito.

"Wala naman po akong napansin. Bihira lang din po kasi akong lumabas ng bahay."

"O sige, mag-ingat kayo dyan. Basta ipagbigay-alam nyo kaagad sa amin kung may mapapansin kayong kakaiba."

"Opo. Maraming salamat po."

"Walang anuman." Pagkasabi nun ay binalingan nito ang mga tao. "O sige na, magsipagtulog na kayo. Magsabi agad kayo sa amin kung sakaling may mapansin ulit kayo. Dapat maging maingat at alerto tayo, hindi natin alam kung ano ang pakay ng mga taong yan."

Agad namang sumunod ang mga tao. Nagsiuwian na ang mga ito maliban sa mga tanod na nagpa-iwan at magbabantay na lang. Pumasok naman ng bahay si Charisse. Sinigurado niya na nai-lock ng maayos ang gate. "Paano kung si sir Sungit ang hinahanap ng mga yun?"

Malalim ang kanyang iniisip nang pumasok ng bahay kaya hindi niya napansin si BJ na nakaupo sa may sala.

"Ano daw ang nangyari?" Pukaw nito sa lumilipad niyang isip.

"Ay sir! Andyan po pala kayo. Ano po....may...may mga tao daw na umaaligid dito sa atin. Napansin lang mga kapitbahay kaya humingi ng tulong sa barangay. Hindi raw kasi tagarito at kahinahinala ang mga kilos nila."

"Talaga? Marami ba sila?"

"Hindi ko po alam eh. Basta ang sabi " mga tao". Sa tingin nyo po sir kayo hinahanap ng mga yun?" Hindi na niya napigilan ang magtanong.

"Possible. Pero hindi tayo nakasisiguro."

"Kunsabagay. Pero sir iba pa rin po yung nag-iingat. Kaya sir huwag na po kayong lumabas ulit ha at delikado po para sa inyo."

Hindi sumagot si BJ. Nakatingin pa rin ito sa labas at tila ang lalim ng iniisip.

"Sir nasa kusina lang po ang pagkain nyo." Muli niyang paalala rito. "Tawagin nyo lang po ako pag may kailangan kayo, nasa kwarto lang po ako."

"Sige." Maikli nitong tugon.

"Aba, milagro at sumagot." Sa isip-isip niya habang tinutungo ang kanyang kwarto.

Maghahating-gabi na ay hindi pa rin makatulog si Charisse. Iniisip niya ang mga taong umaaligid daw sa lugar nila. At nagtataka rin siya kung bakit hindi siya tinawag ni BJ. "Hindi kaya siya kumain o baka naman siya na ang naghugas ng mga plato?"

Hindi talaga siya mapakali. Bakit ba ang dami niyang iniisip? Nandun yung babangon siya at hihiga ulit. Tumagilid. Nakadapa. Tumihaya. "Ay naku Charisse lumabas ka kaya at nang malaman mo! Mabawasan man lang yang iniisip mo!" Sabi niya sabay bangon.

Lumabas siya ng kwarto ngunit parang iba ang pakiramdam niya sa paligid. "Bakit parang nakakatakot na?" Aniyang dahan dahan ang paghakbang. Napansin niyang nakabukas ang ilaw ng kusina. "Ay seryoso? Bukas pa yung ilaw?" Tumingin siya sa direksyion ng sala, nakapatay na yung ilaw at tahimik na rin sa taas.

"Crack!" Biglang may nahulog at nabasag. Sa kusina.

"Ano kaya yun?" Natatakot siya ngunit kailangan niyang tingnan. Wala siyang ibang nakapa sa daanan kundi ang walis. "Bahala na." Hawak hawak niya ito ng mahigpit habang dahan dahan itinulak ang nakaawang na pinto ng kusina. Pagkabukas ay nakataas na ang kamay niya na may hawak na walis. "Huli ka!"

Pareho silang nagulat ni BJ. Pinupulot nito ang basag na plato.

"Ay sir! Kayo po pala yan." Sabi niyang dahan dahang binaba ang hawak na walis. Napahiya tuloy siya. Pero kahit papaano ay nakahinga naman siya ng maluwag. Akala niya ay may nakapasok sa bahay nila.

"Malamang! Tayong dalawa lang naman ang nandito." Sabi nito na tumayo. "Hahampasin mo pa ako ng walis."

"Pasensiya na po talaga sir. Akala ko po kasi tulog na kayo at may nakapasok na ibang tao." Paliwanag niya.

"Ay naku. Paranoid ka lang. Narinig mo lang yung pinagkakaguluhan sa labas kanina hindi ka na mapalagay." Komento nito.

"Hindi naman po malayong mangyari yun di po ba?" Sabi niyang inilapag ang walis at naghanap ng dust pan. "Ako na po magliligpit niyan sir. At saka ano po bang nangyari?" Usisa niya rito.

"Wala. Nabitawan ko lang." Simpleng sagot nito at naghugas na ng kamay. "Ang bilis mo namang makarating dito." Pansin nito.

"Hindi po kasi ako makatulog kaya lumabas po ako. Sakto namang narinig ko yung ingay mula rito." Sagot niya habang winawalis ang basag na plato.

"Hindi makatulog? Paranoid ka nga...tsk..tsk.." Sabi nito na napailing pa. "Masyado mo yatang dinibdib ang nangyari kanina."

"Natural lang po yun sir. Alam naman po natin pareho na hindi kayo ligtas. Kaya kailangan po natin na mag-ingat."

"Masyado ka lang nag-iisip." Kalmado pa ring sabi nito. "Hindi tayo matutonton dito kaya hayaan mo sila."

"Bakit po parang siguradong sigurado kayo?" Kunot-noong tanong niya. Napaisip. "Siguro kilala nyo po yung mga taong umaaligid dito."

"What!? Seriously, talagang naisip mo yan?" Nag-iinit ang mukha ni BJ sa galit. Pagbintangan ba naman siya?

"Eh bakit po ganyan kayo kapanatag? Baka nga mga kaibigan nyo lang yun eh." Hindi na napigilan ni Charisse na maibulalas ang nasa isipan niya.

"You're unbelievable!" Sagot ni BJ sa kanya. "Talagang pinagbibintangan mo kami ng mga kaibigan ko? Look, hindi nila tayo ma-trace dito. Wala nga akong contact sa labas di ba?"

"Eh....di ba po lumabas kayo? Paano kung may nakakita sa inyo at sinundan kayo?" Giit pa rin ni Charisse.

"So you know better than me? Kapag sinabi ko, sinabi ko. So keep your mouth shut!"

"Sir nag-aalala lang naman po ako sa inyo."

"You don't have to! Hindi naman kita nanay di ba? Kung makatalak ka daig mo pa ang nanay ko!"

"Hindi ko nga po kayo kaano-ano pero pwede naman po siguro akong mag-alala para sa inyo."

Mahinahon pa ring paliwanag ni Charisse. Nagsalubong ang mga kilay ni BJ. Nag-iisip.

"Nag-aalala para sa akin o natatakot kang managot kung may masamang mangyari sa akin?"

"Sir kayo po ang nasa panganib dito. Mas natatakot akong may masamang mangyari sa inyo."

Gusto ng maiyak ni Charisse. Sobrang manhid ba talaga ng amo niya at hindi nito maramdaman ang nararamdaman ng mga tao sa paligid niya?

"Talaga? And why is that?"

"Sir hindi naman po siguro tinatanong yun."

"So nag-aalala ka ng walang dahilan? Amazing!" Tumawa ito ng mapakla, pagkatapos ay nag-isip. "Parang alam ko yang mga ganyan eh." Ngumiti ito ng nakakauyam. "Hoy Charisse hindi ako pumapatol sa katulong ha." Mariing sabi nito.

"Ano!?"

"Huwag ka ng magkaila. Tandaan mo yung sinabi ko, hindi ...ako....pumapatol sa ka-tu-long. Maliwanag?"

"Ang kapal naman talaga ng mukha! Kung hindi lang kita boss...naku!" Nanggigigil na bulong ni Charisse. Ngunit pinilit pa rin niyang kalmahin ang sarili at ngumiti.

"Hoy, maliwanag ba?"

"Sir, maliwanag pa po sa sikat ng araw. At saka po may sasabihin din po ako." Aniyang bahagyang lumapit dito. Nagulat si BJ at napaatras. "Sir huwag po masyadong confident hindi ko po kayo type."

"Hahaha! Talaga ba? Hindi mo ako type? Ilang beses nga kitang nahuling nakatingin sa akin."

"Pag nakatingin po ba may gusto na kaagad? So hindi po ako titingin sa inyo, sige po sa dingding na lang o di kaya ay sa sahig." Aniyang tumingin din sa dingding at sa sahig.

"Well, you know what I'm talking about. And let me correct nga pala....hindi nakatingin kundi nakatitig! Yun, that's the word!" Aniyang nang-aasar.

"Sir masyado po kayong mapanghusga."

"Aba, ako pa ang mapanghusga ngayon? Kung wala akong sasabihin, manhid ako. Kapag may sinabi naman ako, ako'y mapanghusga." Sabi nitong nakahawak pa sa chin na tila nag-iisip.

"Depende po yun sir. Basta po tandaan nyo rin sir na hindi ko po kayo type ha. Kaya huwag po kayong mag-alala at hindi rin po ako papatol sa inyo."

"Good. Pero totoo ba yan?"

"Hala! Feeling nyo po talaga may gusto ako sa inyo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Charisse.

"Yup!" Mabilis na tugon nito.

"Sir Sungit alam nyo po, yung mga tipo kong lalake ay siyempre po maka-Diyos, masipag, may mabuting puso, responsable, mahinahon at gentleman." Diniinan pa niya ang salitang mahinahon at gentleman. "At hindi po kayo yun. Ni hindi po kayo marunong magpasalamat at mag-sorry. Taas kaya ng pride nyo."

Natahimik bigla si BJ sa tinuran niya. Nawalan yata ito ng sasabihin.

"Ok na ba sir? Naniniwala na po kayo?" Untag niya dito.

"Ummm...well, that's good. The feeling is mutual."

"Ayun! O sige na sir matulog na po kayo at antok lang yan." Sabi niyang pinapaalis ang amo.

"Whatever!" Sabi naman nitong lumabas na ng kusina.

下一章