webnovel

Chapter 8

Kinabukasan, maagang nagising si Charisse. Ang sarap pakinggan ng mga tiktilaok ng manok. Inihanda nya kaagad ang mga listahan ng kailangan bilhin saka nagsimulang maglinis. Nagsimula siya sa sala hanggang sa labas ng bahay. Hindi pa ito masyadong maalikabok. Kunsabagay, kakalinis lang ng katiwala dito. At sa pagkakaalala niya ay hindi na muna ito babalik dahil nandun naman siya na siyang mag-aalaga muna sa bahay at mga halaman. Tinapos na niya ang pagdidilig at mag-aalas-otso na rin ng umaga.

Pagbalik niya sa loob ng bahay ay siya namang pagbaba ni BJ ng hagdan na kagigising lang.

"Sir good morning po!" Bati niya dito.

"Walang maganda sa umaga." Sagot nito na dumiretso ng kusina. Sumunod siya.

"Sir hihingi po sana ako ng pera kasi mamamalengke po ako."

"What!?" Bigla itong lumingon sa kanya. Napatigil siya. Nagalit niya ata.

"Ikaw talaga! Hindi mo nakitang kagigising ko lang sinalubong mo na ako kaagad ng ganyan?" Pinandilatan siya nito. "Ni hindi mo ako tinanong kung gusto ko ng kape or nagugutom ba ako?" Halos pabulyaw na sabi nito.

"Ay naku, wrong timing yata. Naku, Charisse." Sabi niya sa sarili. Pero nilakasan niya ang loob at sumagot. "Pasensiya na po. Wala po kasi akong maipapakain sa inyo. Hindi pa po ako nakapagluto kasi po wala po akong lulutuin." Pahayag niya.

"Ano!?" Lalong nagdilim ang mukha nito. Magtatanghali na't lahat...."

"Sir relax po, ang aga aga high blood kayo kaagad." Putol niya sa sasabihin nito. "Hindi naman kasi trabaho nung katiwala ang mag-groceries para sa inyo kaya ako na po ang aalis. Kaya nga nanghihingi ako ng pamasahe sa inyo. Medyo malayo po ang siyudad at paano ba naman kasi itong si Ruby, hindi man lang nag-iwan ng cash." Mahabang paliwanag niya.

Natigilan si BJ at nag-isip. Naalala nga niyang take out food lang ang dala ni Ruby kahapon. Dahil sa pangamba nakakaligtaan niya ang ilang mga bagay. "Sandali." Sabi niya at umakyat na ng kwarto.

Napangiti naman si Charisse habang tinitingnan ang amo paakyat. "Takot din palang magutom."

Nang makabalik ito ay nakapambahay pa rin.

"O ayan, umalis ka na." Sabi nito pagkabigay ng limang daan.

"Sir sandali, hindi nyo ako sasamahan?" Takang tanong ni Charisse.

"At bakit naman kita sasamahan?"

"Sino pong kasama kong magbitbit?"

"What!?" Gulat na sagot nito. "Isasama mo ako para gawing tagabitbit? Are you crazy or what?"

"Tulong lang naman po ang hinihingi ko sir. Pero kung ayaw nyo po, ok lang din naman. Babalik-balikan ko na lang."

"Yung boss mo talaga kasama mong mamalengke? Swerte mo! Mamalengke ka mag-isa!"

"Sabi ko nga po, mamalengke ako mag-isa." Sagot ni Charisse na naalala ang bilin ni Ruby na hindi pwede ng basta lumabas ng bahay si BJ. Bakit nga ba niya naisip na isama ito sa palengke. Nagalit pa tuloy. Pero nakaganti naman siya. One point para sa kanya ngayong umaga.

"Pakisulat na lang po dito ang mga kailangan nyo sir. Pati yung mga gusto nyong pagkain." Inabot nya rito ang papel na may list ng kanyang bibilhin.

Tahimik na kinuha ni BJ ang papel at nagsulat ng iilan. Pagkatapos ay ibinalik niya ito Kay Charisse. Kinuha lang niya ang papel at ipinasok sa bag. "Sigurado po kayo sir na hindi nyo ako sasamahan?" Pangungulit nya dito. Tiningnan siya nito ng masama. Ngiti lang ang iginanti ni Charisse dito at tumalikod na. "Bye sir!"

"Umalis ka na nga at nang matahimik na ang buhay ko."

Ngiting-ngiti pa si Charisse nang lumabas ng pinto. "Masarap pala asarin 'tong si sir." Komento niya.

Nakahinga naman ng maluwag si BJ nang umalis si Charisse. Sa wakas ay tahimik na rin ang bahay. Umupo siya sa sala at binuksan ang TV. Ilang sandali pa ang lumipas ay may kumatok. Natigilan si BJ at nakaramdam ng kaba. Wala siyang hinihintay na bisita at kakaalis lang ni Charisse.

"Sino yan?" Lakas loob niyang tanong.

"Sir, pakibukas po ng pinto." Narinig niya ang boses ni Charisse. Nagtataka naman siya pero binuksan pa rin niya ang pinto.

"Bakit andito ka pa?"

"Ay sir naiwan ko po kasi susi ko eh. At tsaka po nakasalubong ko si Mang Danny." Lumingon siya sa matanda. "Kang Danny, dito po".

" Sir may dala lang po siyang pagkain." Sabi niya sa amo na ngayon ay nakatingin sa matanda.

"Maganda umaga ho sir. Pasensiya na po at ito lang ang kaya namin ng asawa ko." Anito habang iniaabot ang lunch box na may kanin at manok.

"Salamat ho." Sagot ni BJ habang kinukuha kay Mang Danny ang pagkain.

Nagulat naman si Charisse sa narinig. Totoo ba talagang "salamat" yung sinabi niya?

"Walang anuman ho." Sagot naman ni Mang Danny na nahihiya. "Sana po magustuhan nyo ang luto ng asawa ko sir."

Hindi nagsalita si BJ. Tiningnan lang ang pagkain. Kaya si Charisse ang sumagot. "Naku po, masarap talaga ang luto ng mga nanay. Di ba sir?"

Tumango lamang ito pero blangko ang mukha. Sige ho ipapasok ko muna to." Sabi nito at pumasok sa kusina.

"Mang Danny sabay na po tayong lumabas kukunin ko lang ang susi ko sa kwarto." Paalam niya sa matanda na nag-aalala pa rin baka hindi magustuhan ni BJ ang pagkain.

Pagkatapos kunin ang susi ay dinaanan niya si BJ sa kusina. "Sir kumain po kayo ha at baka gabihin ako sa pag-uwi." Habilin nya dito.

"Ok lang kahit huwag ka ng bumalik." Sagot nito na hindi man lang lumingon sa kanya.

"Talaga po sir? Pwede na akong umuwi?"

Tiningnan lang siya nito. "Pwede at maghanap ka ng kapalit mo. Yung maayos kausap ha."

"So ako, hindi. Ganun?" Sabi niya sa sarili. Umismid siya at umalis na. "Bahala ka nga sa buhay mo!" Naibulong niya habang nagmamaktol palabas.

下一章