webnovel

♥ CHAPTER 80 ♥

✿ Syden's POV ✿

Pagkatapos ng nangyari kahapon, ayaw ko munang pumunta sa cafeteria. Mas maganda siguro kung dito muna ako dahil baka mas sumama at bumigat pa ang loob ko kapag lumabas ako. Halos kakagising lang namin ni Blake, kagaya ng sinabi ni Max nakitulog muna siya sa ibang kwarto dahil pinayagan naman daw siya kaya kaming dalawa lang ni Blake ang natulog sa kwartong 'to. Pero dalawa naman ang kama at iisang tao lang ang kasya kaya nakatulog naman kaming pareho ng maayos.

Sa ngayon, nakaupo lang ako sa kama habang hinihintay ko si Blake. Sabi niya kasi siya na lang daw ang bibili ng makakain namin dahil baka pagtripan at pahiyain nanaman daw ako ng ibang estudyante kagaya ng ginawa ni Roxanne kahapon. Kaya ngayon wala akong magawa dito sa kwarto at hinihintay ko lang siya.

Kasalukuyan rin akong nakatitig sa bintana at naisipan ko itong buksan para naman kahit papaano, makalanghap ako ng sariwang hangin. Sadyang nakakabored lang talaga dito. Tumayo ako para buksan ang bintana pero bago ko pa man magawa iyon, nakarinig ako ng mga yabag na parang maraming tumatakbo sa hallway. Napatingin ako sa pintuan at nagtaka ako. Dahil sa mga ingay na 'yon, hindi ko na itinuloy ang pagbukas sa bintana bagkus ang pintuan ang binuksan ko. Sumilip ako sa labas, at maraming tumatakbo papalabas ng building kaya nagtaka ako. Hindi ko alam kung dapat din ba akong tumakbo eh hindi ko man nga alam kung bakit ako tatakbo papalabas. Sinusubukan kong kausapin ang mga estudyanteng tumatakbo papalabas ng building pero hindi nila ako pinapansin.

Bigla na lang may sumigaw kaya napatingin ako sa dulo ng hallway, nanlaki ang mata ko ng may nakita akong tatlong estudyante na nakahandusay sa sahig. Namumutla ang mga ito at tila tuluyan ng nanigas. Lahat kami nabigla at dahil don, mas lalo pang umingay at nakarinig kami ng mga pagsabog kaya tumakbo na rin ako papalabas. May mga oras na natitigilan ako sa pagtakbo at binabalak na umatras dahil marami akong nakikitang estudyante na nakahandusay din sa sahig, walang dugo, namumutla at nanigas na, kaya siguradong patay na ang mga ito. Ang iba sa kanila, nakabukas ang mga mata kaya nakakatakot silang titigan. Napapaatras ako sa tuwing makakakita ako ng ganon pero kahit naguumpisa nanaman akong manginig sa takot, nilakasan ko ang loob ko para makatakbo pa rin palabas ng building.

Lahat ay nagkakagulo at hindi alam kung saan pupunta. Basta't nagsisigawan at nagsisistakbuhan, ang iba nagtutulakan pa. Bukod sa mga estudyanteng namatay na at nakakalat sa hallway, hindi ko inaakala na mas marami pala akong makikitang ganon ang pagkamatay sa labas mismo ng building. Walang dugo, naninigas at namumutla. Kinalat sila sa buong campus na nakahandusay sa sahig kaya kahit saan ka tumingin, may mga patay na estudyante. Pero mas ikinakatakot ko na baka makita ko ang mga kaibigan o kakilala ko sa ganoong sitwasyon at hindi ko kakayanin kapag nangyari 'yon.

Habang tinitignan ang paligid, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naalala ko na lang si Blake na pumunta sa cafeteria kaya pumasok ako sa kabilang building para puntahan at hanapin siya doon, katulad ng building kanina kung saan ako nanggaling, ganon rin ang dinatnan ko sa building na pinasukan ko. Maraming mga patay na estudyante ang nakakalat sa hallway, nagsisigawan at nagsisitakbuhan din ang iba para makalabas. Ako lang ang natitirang tao na itinuloy ang paglalakad papasok sa building.

Naitutulak rin nila ako dahil sa pagtakbo nila pero hinahayaan ko na lang. Liliko na sana ako ng daraanan pero bigla kong nakita ang isang lalaking nakaitim, hindi ko ito mamukhaan dahil suot nito ang hood ng jacket niya. May itinulak itong lalaki sa pader at sinigurado niyang hindi ito makakagalaw. Nagulat na lang ako ng matignan ko ng maayos ang lalaking itinulak nito sa pader, namumutla ito at nanginginig na parang giniginaw. Napansin ko rin na nahihirapan itong huminga.

Biglang may kinuha ang lalaking nakaitim mula sa bulsa niya at kagaya ng biktima nito, nagulat din ako sa nakita ko. Naglabas ito ng injection at hinawakan niya ito ng maayos habang hindi pa rin makagalaw ang lalaking nasa harapan niya, "P-please...d-don't do this to me. M-maawa ka sa akin, ayaw ko pang mamatay" sambit ng lalaki habang nakatingin sa injection na hinawakan ng lalaking nakaitim. Ngunit hindi siya pinakinggan nito at tuluyan nitong itinusok sa braso niya ang hawak nitong injection. Tinignan ko ito ng mabuti at nakita kong walang kulay ang liquid na nasa loob ng injection na 'yon at hindi ko alam kung para saan 'yon. Parang tubig lang ito pero sigurado akong may epekto ang liquid na 'yon.

Nang tuluyan ng maubos ang laman noon ay muling ibinalik ng lalaki ang injection sa kanyang bulsa at nakita ko ang pagngisi nito habang tinitignan ang lalaking tinurukan niya na lalong namutla at nanginig ng sobra na halatang gusto pa nitong magsalita pero hindi na niya magawa dahil sa sobrang panginginig.

Binitawan na siya ng lalaking nakaitim at umalis na ito kasabay ng pagbagsak niya sa sahig. Pagkaalis ng lalaking nakaitim, agad kong nilapitan ang estudynateng tinurukan ng injection para kausapin ito. Nahawakan ko pa ang braso nito para alalayan siya pero sobrang lamig nito at halatang naninigas na sa panginginig. Nagtama ang mga mata namin pero bago pa man ako makapagsalita para kausapin siya ay tuluyan na itong hindi gumalaw at kahit hindi ito gumagalaw, nakabukas ang mga mata nito. Natakot ako dahil doon kaya binitawan ko agad siya at tumayo na ako habang nanghihina ang aking mga binti. Tinitigan ko pa ito ng ilang beses at tila isang bangungot na titigan ito dahil sa pagkamatay niya.

Nakaramdam ako ng takot dahil sa harapan ko ngayon, ay isang patay na estudyanteng sobrang putla, nanigas at nakabukas ang mata. Ang mga mata nito'y tila nakatingin sa akin kaya muli nanaman akong nanginig at nanlamig dahil sa takot.

Muli kong inalala ang ginawa sa kanya ng lalaki kanina, tinurukan niya ng kung ano ang estudyanteng nasa harapan ko ngayon kaya ito tuluyang nanigas at nanlamig. Nakita ko na nagtama pa ang mga mata nila kaya sigurado akong nakilala ng lalaking ito kung sino ang lalaking nakaitim kanina, kaya ba siya pinatay dahil nakilala niya kung sino 'yon?

Base sa balita na kumakalat sa campus, lahat daw ng estudyanteng nakakakita sa killer na pumapatay ng walang bahid ng dugo, pinapatay ng killer. Posible bang ang lalaking nakita ko kanina...siya ang killer?

Then the way he kills, he uses injection para walang kahit na anong dugo ang lumabas sa biktima nito. He injects them and they will immediately die. Ang lalaking nakita ko kanina, there's a big possibility that he is the mastermind behind these deaths. Siya ang may kagagawan ng kaguluhan ngayon sa campus at sa pagkamatay ng maraming estudyante.

Muli akong napatingin sa hallway at hindi ko alam kung makikita ko pa ba si Blake sa cafeteria dahil baka naman nakalabas na siya. Maraming mga estudyante ang tumatakbo at nagsisilabasan kanina kaya sigurado akong sumunod na rin siya sa mga ito. Muli kong tinignan ang estudyanteng nasa harap ko at muli akong nanginig dahil sa nakita ko.

Nagmadali na akong lumabas at ang pinakamadaling paraan para makalabas lalo na't ako na lang ang natitira dito sa loob ay yung exit ng building sa left side kung saan ako patungo ngayon. Bago pa man ako lumiko, nabigla ako sa lalaking nakatayo sa harap ng isang classroom. Muling bumalik sa isipan ko kung sino ang lalaking nakita ko ngayon lang at yung nakita ko kanina, 'yon ang suot ng lalaking nakaitim kanina. Siya yung nag-inject at pumatay sa estudyante kanina!Anong ginagawa niya at nakatayo siya sa harapan ng isang classroom? Is he planning to kill someone again?

Nagawa ko ng makapagtago ng tignan niya muna ang paligid bago siya pumasok doon sa classroom. Nang marinig kong nagsara ang pintuan, muli kong sinilip ang classroom na pinasukan niya at nagtago ako ulit. Maybe, he is planning to kill again kaya sinugurado niyang walang makakakita sa kanya bago siya pumasok doon sa classroom.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko habang nakasandal sa pader at nagtatago. Dahil sa kaba na nararamdaman ko, sobrang bilis ng paghinga at tibok ng puso ko. Kung itutuloy ko ang paglalakad, may posibiliad na lumabas siya mula sa classroom na 'yon at makita niya ako. Kapag nangyari 'yon, baka ako naman ang biktimahin niya.

Nanatili lang ako sa pinagtataguan ko habang nag-iisip ng paraan kung paano ako lalabas dahil baka makita niya ako na naglalakad sa hallway pagkalabas niya. Muli kong sinilip ang classroom na pinasukan niya, biglang nagbukas ang pintuan at kaagad itong lumabas na mas ikinagulat ko pa ang nakita ko at bago niya pa man ako makita, muli akong nakapagtago. Tila hindi na ako makahinga dahil sa nakita ko. Ang lalaking nakaitim na nakita kong pumatay sa estudyante kanina gamit ang injection, ang pumasok sa classroom na 'yon at pagkalabas nito...hindi ko aakalain na siya ang pumapatay.

Other than him, wala ng iba pang lumabas mula doon. Nakita ko na lang siya na naglalakad palabas ng building at hindi ako nakita nito dahil nakatalikod siya sa akin. Tinignan ko ito ng maayos hoping na hindi nga siya ang nakikita ko. Pero hindi ako bulag para hindi sabihin na siya nga 'yon, siya nga ang nakikita ko. Then....

He's the killer. He was the one who killed the boy earlier by using that injection.

I thought he's a good friend. But I was wrong, he's doing something sa tuwing walang nakakakita sa kanya. He's doing everything secretly!

Hindi ako makapaniwala at halos matulala ako habang iniisip lahat ng nakita ko. Tuluyan na akong naglakad papalabas ng building habang iniisip lahat ng ginagawa niya kapag maraming nakakakita sa kanya. Mukha siyang inosente pero may itinatago pala siyang sikreto. Sikreto na kahit kailan, walang makakaalam kung hindi makikita.

Pagkalabas ko sa building, tila nawala ako sa sarili ko dahil hindi ko pa rin makalimutan ang lahat ng nakita at nalaman ko. Hahakbang pa sana ako pero napansin ko ang mga estudyante na halos nawawala na sa sarili ang iba habang nakatingin sa mas marami pang patay na estudyante na nakakalat sa campus. Pare-pareho lang ang pagkamatay ng mga ito, naninigas, nanlalamig at sobrang putla. Kagagawan niya ba lahat ng ito? Baka naman may kasama pa siyang iba bukod sa kanya.

Habang hindi makapaniwala ang iba sa nakikita nila, bigla kaming nakarinig ng mga pagsabog kaya napayuko kaming lahat at napasigaw habang tinatakpan ang tainga namin dahil sa sobrang lakas ng mga pagsabog. Nang tumigil na ang mga ito, biglang may sumigaw kaya napatingin kami lahat doon. Ibinaba ko na ang kamay ko at dahan-dahan kaming napatayo. Mas lalo kaming nabalutan ng takot ng makita namin ang bunduk-bundok na mga estudyanteng patay at nakalagay sa iisang lugar kaya nagkapatung-patong ang mga ito. Hindi na namin magawang makapagsalita at tila ilang segundo na lang, tuluyan na kaming mababaliw lalo na noong nakita namin kung anong nakasulat sa pader. Bunduk-bundok na mga estudyanteng patay na, at sa mismong pader nakasulat ang salitang,

"VENOM!" na mas lalo pang ikinatayo ng balahibo ko.

Habang nakatitig ako sa salitang Venom na 'yon, biglang may yumakap sa paanan ko kaya nagulat ako dito at hindi ko na maipaliwanag kung anong klasing takot pa ang mararamdaman ko, "T-tulungan mo...a-ako" sambit nito habang inaabot ang kamay ko. Namumutla din ito at nanginginig kagaya ng ibang patay na estudyante. Gusto ko siyang tulungan pero nabalutan na ako ng sobrang pagkatakot kaya pilit ko siyang nilalayuan habang nakayakap pa rin ito sa paanan ko, "L-layuan mo ako!" sambit ko dito habang nanginginig ako.

"T-tu...lung..an" tuluyan na itong bumitaw sa paanan ko at muli kong nakita ang pagbagsak nito sa sahig. Muntik na lang akong mapasigaw ng biglang may humawak sa braso ko, "Sy?" sambit ni Icah at tinignan ko silang tatlo at hindi pa rin ako makapagsalita lalo na't nanlaki ang mata ko dahil sa nangyari, "Okay ka lang ba? Namumutla ka!"nakita ko ang takot sa mga mukha nila habang nakatingin sa akin. Hinawakan ako ni Hadlee at nakita kong napabuntong-hininga ito, "Akala ko nabiktima ka na rin nila. Good to know na hindi ka nanginginig ng sobra at nilalamig. Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong nila ngunit nakatingin pa rin ako sa kanila ng hindi nagsasalita. Nakita ko rin ang pag-aalala sa mga mata nila habang nakatingin sa akin.

"Ang mabuti pa halika na, hindi na magandang nandito pa tayo at ulit-ulitin nating tignan ang mga estudyanteng nakahandusay sa buong campus. Alam kong natatakot ka, but wake up!" hinawakan ni Icah ang magkabilang pisngi ko kaya tinignan ko siya, "You're a brave girl right? Huwag kang magpaapekto sa nakikita mo!" sambit nito na nakapagpagising sa akin at tila bumalik na ako sa normal. Pinilit kong ngumiti kahit na ramdam ko na mayroon pa rin akong takot na nararamdaman at alam kong takot din sila pero nilalakasan lang din nila ang loob nila sa nangyayari.

Hinawakan ako ni Icah sa braso at isinama nila ako sa paglalakad kaya nakalayo kami sa lugar na 'yon. Napansin ko ang paligid at maraming umiiyak. Ang iba, tila tuluyan ng nawala sa sarili nila at palakad-lakad na lang habang lumuluha at tulala, "I mean, there were piles of students who were intentionally killed and it's written there Venom right?" sa paglalakad namin, nakakarinig kami ng mga nagbubulungan at ang iba'y nakatago sa pinakasulok na tila ayaw na nilang bumalik sa mga tinutulugan nila.

"What do you mean girl?"

"Then the killers name must be Venom. And he did such thing para makilala natin siya as Venom"

"Well, I think it's a warning from the killer"

"Iisang tao lang ba ang Venom na 'yon, they might also be a group?"

"Then this Venom is the one responsible sa pagkamatay ng mga estudyanteng walang bahid ng dugo?"

"It might be a name or something, not yet sure. And look, mukhang pinaghandaan niya talaga na makita ng lahat ang mga ginagawa niya"

"It's a warning para katakutan natin siya!"

"Then dapat ba tayong matakot? No way!"

"That's not the point, hindi natin alam kung paano siya pumapatay at nakakapatay ng maraming estudyante sa loob ng isang araw at ilang oras. We should be afraid dahil hindi natin kilala ang killer. Walang nakakakilala sa kanya"

"But there was this girl na nabiktima ng killer. She asked for my helped at tinanong ko kung bakit nagkaganon siya. She said, nakilala at nakita niya raw ang killer kaya pinapatay daw siya nito. Tinanong ko kung sino ang killer, but right before she speak, nalagutan na siya ng hininga"

"So do you mean, lahat ng estudyanteng namatay, nakita at nakilala nila ang killer kaya sila pinatay?"

Marami kaming narinig na usapan tungkol sa killer na pinaniniwalaang mas kilala ngayon sa tawag na Venom. No one knows about him. But thinking what happened earlier, malaki ang posibilidad na siya, ang nagtatago sa pangalang Venom.

Bago ko ikwento sa iba ang tungkol sa nakita ko, I need to make sure na tama nga ang hinala ko. That he, is actually the one who kills secretly, Venom. Habang nakasunod ako sa kanila, alam kong takot din sila. Lahat naman, matatakot kapag ganito na ang lagay ng campus. Napansin kong nasa tapat kami ng building kung saan ang kwarto nina Blake at Max kaya tinignan ko ng maayos ang building na yon at natigilan ako. Napansin 'yon nila Icah kaya tumigil sila sa paglalakad at tinignan ako kaya tinignan ko rin sila, "I need to find Blake and Max. Sa tingin ko hinahanap na rin nila ako but I need to check them first sa kwarto nila dahil baka nandoon lang sila" sambit ko.

"Sigurado ka bang kaya mo? Kung gusto mo sasamahan ka namin- " hindi ko na pinatapos si Maureen sa pagsasalita, "Okay lang ako. Don't worry about me" nginitian ko sila at tuluyan na akong nagmadali sa paglalakad papasok ng building. Walang katao-tao at ako lang mag-isa ang naglalakad, habang papalapit ako sa kwarto nila, napansin ko si Blake habang nakaluhod ito at nakatalikod sa akin. Nakalapit ako sa kanya at nakita kong may hawak itong injection habang nakatingin sa babaeng nakahandusay sa sahig, "Blake?" sambit ko dito.

Nakita kong nagulat siya at bago ito tumayo ay itinapon niya ang injection na hawak niya sa may basura at niyakap niya ako pero lumayo din naman ito agad, "Saan ka ba nanggaling? Nag-alala ako sa'yo" sambit nito.

"What are you doing?" sabay tingin ko doon sa babaeng nakahandusay sa sahig kaya tinignan niya rin ito.

"I'm just checking on her kung buhay pa siya. May nakita akong injection na nakatusok dito kaya tinanggal ko ito. I don't even know kung bakit may nakatusok sa kanyang injection" tinignan naming dalawa ang babaeng 'yon at hinawakan ni Blake ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, "Let's go. It's not safe anymore" naglakad kami papunta sa kwarto at binuksan na niya ang pintuan. Nadatnan namin doon si Max na halatang nag-aalala. Bigla siyang napatingin sa amin at nilapitan niya kami, "Saan ba kayo nanggaling?! Kanina ko pa kayo hinahanap?" sambit nito ng may pag-aalala.

"Nagkagulo kasi kanina kaya lumabas ako para hanapin kayo. Pero ang importante, magkakasama tayo ngayon at walang nangyari sa atin" sambit ko sa kanila bago nilock ni Blake ang pintuan.

"Just be careful. That Venom thing that everybody's talking about, is extremely dangerous" sambit ni Blake at hindi ako nakapagsalita habang iniisip yung nakita ko kanina.

I still need to know kung iisa ba ang lalaking nakita ko kanina at ang Venom na 'yon.

To be continued....

下一章