webnovel

♥ Chapter 51 ♥

(Long awaited moment)

♡ Syden's POV ♡

Unti-unti kong iminulat ang mata ko at sinubukan kong gumalaw, pero bakit parang masakit ang buong katawan ko? I could feel na ang hina ko. Napahawak ako sa ulo ko na kumikirot at medyo masakit. Sinubukan kong tignan ang paligid, parang pamilyar sa akin ang lugar na 'to. 

Dahan-dahan akong bumangon kahit ramdam ko pa rin ang pagsakit ng buong katawan ko. Umupo muna ako ng ilang segundo at napansin kong parang may injection na nakatusok sa braso ko. Tinanggal ko 'yon ng dahan-dahan bago tumayo. Pagkatayong-pagkatayo ko, naramdaman ko na lang na na malapit na akong ma-out of balance, kahit anong klasing balanse pa ang gawin ko, hindi ko alam kung bakit hindi ko pa makontrol ang buong katawan ko.

Hinintay ko na lang na mahulog ako sa sahig pero biglang may sumalo sa akin kaya napahawak ako sa braso niya. Tumingala ako para tignan siya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero natulala ako ng makita ko siya. Nanlaki ang mata ko at lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko, halata din namang nabigla siya sa akin. Nagkatinginan kami ng ilang segundo pero bumitaw din ako sa pagkakahawak sa kanya at nilayuan ko siya.

"Bakit ka tumayo kung hindi mo pa naman kaya?" mahinhin niyang sabi.

Lalo akong natulala sa sinabi niya na parang hindi siya yung taong kilala ko. Yung tingin niya sa akin, iba. Parang may nagbago sa kanya lalo na yung pananalita niya.

"A-ano bang, ginagawa mo dito?" pagkatapos kong itanong yon sa kanya, napayuko na lang ako kasabay ng labis na pagtataka.

"Isn't it obvious? Binibisita kita" sagot niya.

Nagbago ba talaga ang taong to? Binibisita daw ako?! Para saan?

Tinignan ko siya dahil nagtaka lalo ako sa sinabi niya, "Para saan?"

Nilapitan niya ako kaya medyo napaatras ako, "To check if you're okay"

Hindi ko alam kung bakit pero kinalabahan ako sa inaasal niya ngayon.

"Can't you see? Okay naman ako. And why do you need to visit me, hindi naman tayo magkaanu-ano. Isa pa, dba galit ka sa akin-" -S

Bigla niyang hinawakan ang balikat ko kaya natigilan ako sa pagsasalita, "Kagising-gising mo nagpapastress ka, could you please sit down for a while. Naririndi ako sa boses mo" pinaupo niya ako kaya no choice ako kundi umupo talaga sa kama.

Bakit parang naninibago ako sa kanya? Ano bang meron?

Tinanggal niya ang pagkakahawak sa balikat ko at tumayo ng maayos. Ako naman, tinignan ko lang siya.

"I know, hindi kami nakinig sa'yo noong oras na gusto mong mag-explain-" narinig ko pa lang yon, kumulo na ang dugo ko.

"Alam ko, you don't need to explain. I understand" tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako kaya napatingin nanaman ako sa kanya.

"Tatanggapin ko kung ayaw mo na akong kausapin. But please, listen to me just once, I promise after this hindi na kita guguluhin, just listen to me" pahayag niya.

Looks like nakikiusap siya sa akin and I could see it sa mukha at pananalita niya. Tinignan ko siya ng masama and said nothing.

"I just want to say sorry for all the bad things that I did to you. Hindi ko naisip yung mararamdaman mo. I understand kung hindi mo ako mapapatawad, but please let me prove that I really want to apologize" bigla akong napatingin sa kanya, sa mga sinabi niya.

Hindi siya ganito, parang hindi siya si Carson, parang ibang tao siya. I'm at the moment again na tulala. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

I felt so guilty about it.

"Dba I should be the one to apologize?" tanong ko sa kanya. Hindi pa rin matanggal sa isipan ko kung bakit tila ang bait niya ngayon. Naumpog ba siya or something?

"You did nothing. It was all my fault. Don't apologize. It should be me to apologize to you for all the things that I did. I still blame myself for saying cruel things to you. I should have forgiven you sa una pa lang dahil wala ka naman talagang  ginawang masama... Will you please let me prove that I really want to apologize?" habang sinasabi niya yon. I don't know how to act kase seryoso siya at nakikita ko yon sa mukha niya.

I know the feeling when you really want to apologize to someone but then they won't listen or give you a chance.

So maybe, I should forgive him dahil pare-pareho lang naman kaming lahat dito na  nagkakaroon ng kasalanan.

Nakaupo pa rin ako sa harapan while he is still looking at me, tumango na lang ako, "You don't have to prove it. Apology accepted" sagot ko.

Tumayo na ako para lumabas pero hinawakan niya ako sa braso again, kaya napatingin ulit ako sa kanya, "Hindi ka pa magaling kaya hindi ka pa pwedeng lumabas" sambit niya.

Feeling ko ang hina nga ng buong katawan na ko na parang ang tagal kong natulog.

Bigla akong napatingin sa salamin kaya nakita ko ang sarili ko. Wala na yung mga sugat ko. Lumapit ako ng bahagya sa salamin at napansin kong pumayat ako ng husto. Hinawakan ko ang mukha ko at nafeel kong kuminis na ulit yung balat ko kagaya ng date.

Humarap ako kay Carson na parang hinihintay naman ako, "Ano ba talagang nangyari? Bakit feeling ko ang hina ng katawan ko?"

Lumapit siya ng konti sa akin at seryoso nanaman siya, "Do you still remember? Clyde was about to kill me, but you pushed me instead and risked your life"

Hindi ako nakakibo sa sinabi niya habang nag-iisip. Ako? Risked his life for him? Ilang segundo rin ang lumipas ng biglang bumalik sa isip ko lahat ng nangyari. Oo nga pala.

I risked my life to save him, for him to forgive me. Kaya ba ganito siya ngayon dahil sa ginawa ko?

"You really mean it?" sabay ngiti niya sa akin.

Napakunot naman ang noo ko, "Mean what?"

"Magsusuicide ka talaga para lang mapatawad kita?" patawa niyang sabi.

Nakuha pa talagang mang-asar. Oo na, ganon ako I will do everything para lang makuha ang gusto ko kahit pa anong sabihin nila, gagawin ko. Hindi naman kasi siya marunong magbiro kaya sineryoso ko talaga yung sinabi niya.

"If that's the only way, I will do it" sagot ko na lubusan naman niyang ikinatahimik.

Lumapit lalo siya sa akin pero tinignan ko lang siya. Kahit naninibago pa rin ako sa kanya, I don't know but why do I always feel this. Kapag kasama ko ang isa sa mga members ng Black Vipers, I always feel safe and comfortable kahit nakakatakot ang aura nila.

"Don't do that again. Don't risk your life for someone. It's too dangerous and I hate it" pahayag niya na mas lalo ko namang ikinagulat. Pero nginisian ko siya.

"You hate dangerous things?" sarcastic kong tanong sa kanya.

"Yes. You're dangerous that's why I hate you" nilapitan niya ako, as in sobrang lapit, "But that hate is turning into something else" ani niya sabay ngiti ng masama sa akin that made me uncomfortable. Tapos, iniayos niya na ulit ang tayo niya.

Tinopak ba siya? What da heck is that?!

Natulala nanaman ako kasi sobrang naninibago ako sa kanya. Siya ba talaga yung kausap ko or ibang tao? Baka naman imagination ko lang na siya yung kausap ko. No way!

Biglang nagreklamo yung tiyan ko kaya lalong lumapad yung ngiti ng lalaking 'to.

"Gusto ko ng kumain" masungit kong sabi sa kanya.

"One month ka ng natutulog, it's just normal na magutom ka"

What?!?!? One month nakong tulog?! Seryoso ba siya?!

"ONE MONTH?!" sigaw ko.

"Kapag sinabi ko hindi na kailangang ulitin. Isa pa, can you please stop shouting? Hindi ka pa nga magaling tapos magsisisigaw ka na. It's just better na natulog ka na lang" pagsusungit niya.

Sana nga di na lang ako nagising! Tsk!

Bigla akong may naalala, "Nasaan pala si Raven?"

"May inaasikaso" cold niyang sabi pero hindi siya makatingin sa akin. Nag-iba yung pakiramdam ko sa sinabi niya.

"Ano naman?" tanong ko.

"Wala ka na don" sagot niya.

Akala ko bang nagbago na siya? Bakit ganito siya ngayon?

Inisnob ko na lang siya at tumingin ako sa may bintana pero nagreklamo nanaman  ang tiyan ko kaya napatingin nanaman si Carson sa akin.

"Gusto ko ng kumain sa cafeteria" naglakad ako papunta sa pintuan pero pinigilan nanaman niya ako.

Ilang beses na ba niya akong pinigilan lumabas?

"I will just buy you something to eat" lalabas na sana siya pero siya naman yung pinigilan ko.

"Pwede bang don na lang ako kumain. Nabobored na kasi ako dito eh" pahayag ko sa kanya.

"Mahina ka pa. You should just rest and wait for me" sabi niya gamit ang cold niya boses at mukha.

"Then samahan na lang kita bumili tapos dito ko kakainin?" sabi ko sa kanya.

"Gutom na ako eh ayokong maghintay" dagdag ko.

Napahawak siya sa ulo niya at nagbuntong hininga, "Fine, sasamahan na lang kita"  tapos tinignan niya ako ng masama.

Binuksan ko na yung pinto at nakita kong nandito pala ako sa tambayan nila, tinignan ko ulit yung kwartong pinagmulan ko. Eto pala yung kwarto ko date. Yung kwartong binigay nila sa akin para matulugan kaya pala familiar.

Pero dahil gutom na talaga ako, nagmadali akong lumabas, nakasunod talaga siya sa akin.

Naninibago ako sa kanya. Hindi ako sanay na ganito siya😨

Lumabas na ako at sinusundan niya pa rin ako, diretso lang ang tingin niya habang naglalakad at nakacross-arms pa siya. Pero kapag tinitignan ko siya, tumitingin siya sa akin, yung seryosong tingin kaya umiiwas ako.

Pero nakakapagtaka lang, hindi ko alam kung new rule ba ng Black Vipers ang magsuot ng white, pero kasi nakawhite si Carson. Sa pagkakaalam ko black lang palagi ang sinusuot nila, pero bakit naka-full white siya?

Medyo binilisan ko na lang ang paglalakad dahil gutom na talaga ako. Pagkarating ko sa cafeteria, maraming tao syempre at maingay. Hindi ko alam pero bakit may dugo ang ibang part ng cafeteria. Pumunta ko sa part na may siopao kase miss na miss ko na talagang kumain.

Kumuha ako ng dalawa bago umupo sa may bandang gilid na 2 seats lang. Pagkaupo ko, umupo na rin yung kasama ko kaya natigilan ako, "Seryoso ka ba talagang susundan mo ako hanggang mamaya?" tanong ko sa kanya habang ngumunguya.

"Obvious ba?" cold niyang sabi.

Sinimangutan ko na lang siya. Naiinis nanaman ako sa kanya! Tinuloy ko na lang ang pagkain ng siopao. Pero baka naman kasi isipin niyang madamot ako kaya sa kanya ko inabot yung isang siopao, "Gusto mo?"

Tinignan niya ako ng masama, "Kung gusto ko edi sana kanina pa ako kumuha" sagot niya.

Sinimangutan ko siya at inisnob. Ibinalik ko na lang sa supot yung siopao at tinuloy ang pagkain. Habang ngumunguya ako, napansin kong may mga grupo ng lalaki na nakangisi habang tinitignan ako kaya natigilan ako sa pagkain.

Napansin kong papalapit sila sa table namin kaya kinabahan ako lalo na nung mamukhaan ko sila, si Xander, kasama ang ibang members ng Phantom Sinners.

Parang nawalan ako ng gana at natulala habang nakikitang papalapit sila sa amin.

"Hey, did you miss me?" sambit niya habang nakangisi. Napatingin siya kay Carson at mukhang hindi niya ito nakilala dahil na rin sa outfit nito na may suot ding white cap.

Naalala ko yung araw na may ginawa siyang hindi maganda sa akin. Yung pambabastos niya! Parang naramdaman ko na gagawin niya ulit sa akin yon kaya natakot ako.

Pumunta siya sa likuran ko at binulungan ako using his seductive voice, "Namiss mo ba yung ginawa ko sa'yo?"

Hindi ako nakakibo dahil sa takot, lumipat siya ulit sa harapan ko at ipinatong niya ang kamay niya sa table, "Gusto mo ba gawin ulit natin 'yon?" dagdag pa niya.

Bigla na lang siyang napasigaw at nakita kong sinaksak ni Carson ang kamay niya na nakapatong sa table kaya hindi niya yon agad naialis.

"FVCKKK!! HOW DARE YOU!-" sigaw niya pero natahimik siya ng alisin ni Carson ang white cap niya.

Lahat ng members niya napaatras at tumakbo palayo. Lahat din ng estudyante natigilan sa ginagawa nila ng makita nila siya.

I could see Carson again. His black aura. Siya nga yung kasama ko at hindi ibang tao.

Iba yung mukha niya, lalo na yung mga mata niyang nag-aapoy. Bigla siyang tumayo at kinuha niya yung kinakain ko, then hinila niya ako papalayo sa cafeteria. Sobrang bilis niya kaya madali akong napagod dahil na rin sa kakahila niya sa akin.

"Sandali lang. Napapagod na'ko"

Mukhang galit na galit siya at hinarapan niya ako, "Stay away from them" sabi niya.

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, naramdaman kong sumakit at kumirot nanaman ang ulo ko. Nahilo ako kaya napahawak ako sa ulo ko. I nearly fell down but I felt his arms na sinalo ako.

"Dba sabi ko apology accepted. Hindi mo naman ako kailangang sundan all the time. Umalis ka na" bulong ko sa kanya.

Hindi na niya kailangang patunayan na gusto niyang humingi ng sorry, pinatawad ko na siya.

"I watched over you for a month. It's your

fault now, nasanay na kong binabantayan ka tapos ngayong nagising ka na pinapaalis mo na ako. It will be hard for me to do that. It's too late" after I heard his words, naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko and everything went black.

To be continued...

下一章