webnovel

Chapter 21(Comfrontation)

"Kagaya nga diba ng sinabi mo.. kung sino sinong lalake ang kinakalantari ko!!kaya hindi kaba nandidiri na sabihing ikaw ang tatay ni Niel.?"Sinabi niya iyon dahil sa sobrang sama ng kanyang loob rito..

"ang tanong ko lang ang sagutin mo arriane!!Iyong pag donate ko nang dugo kay Niel,iyong pagkakapareho namin ng blood type.. nagkataon lamang ba iyon?"galit narin ito sa kanya.

"bakit?"tumawa siya.. kung sasabihin ko ba saiyo mr.Cruz ay maniniwala kaba!?aakuin mo ba!! sa tingin ko hindi dahil ganun nga kadali para sayo na husgahan ako dahil sa ginawa kong pang aakit saiyo noon!!Sumbat niya rito.

"Kung ganun.. totoong ako nga!"bakas sa mukha nito ang panlulumo.

"Bakit nag oo" naba ako!!? sarkastikong sagot niya.

"huwag mo akong paikutin arriane.. mismo ang kaibigan ko na siyang nag imbistiga sayo ang nakadiskubre at hindi nalalayo ang taong tinutukoy ni mr.Guanzon na nakabili ng bahay niyo ang taong nakabuntis sayo.At ako lang naman ang lalakeng naging manliligaw ng ate mo na minahal mo.. at bigla ring naglaho matapos ang nangyari sa atin ng gabing iyon."maigting nitong sabi.Tumawa siya ng pagak!!

"Paano kung hindi kalang pala ang naging lalake sa buhay ko noon huh!!"

"Masyado ka naman yatang maswerte mr. cruz.. at ganun lamang kadali sayo na sabihing anak mo ang anak ko!!".

"oo.. arriane ganun lamang kadali.. dahil iyon ang totoo hindi ba?"

"bakit.. kung sasabihin ko bang anak mo nga si Niel.. may mababago ba?"" umiiyak niyang sagot.

Hindi ito umimik kung kaya tinalikuran niya ito.

"Umalis kana please.. at huwag kanang magpapakita saamin kagaya ng dati.. masaya naman na kami ng anak ko na wala ka.."ngilid ang luhang wika ni arriane at binuksan ang pintuan upang itaboy ang binata dahil pagod at hina na siya sa pakikipag away rito lalo na at talagang nagmamatigas ito.

"No!!I dont want to leave!!"gusto ko makausap si Niel"pagmamatigas nito.

"para ano!!para guluhin ang isip ng anak ko.?"

"anak ko rin iyon arriane..nanatili itong nakatayo sa harapan niya.

"hahaha!!""talaga!!??papaano?"sabihin mo nga saakin?".panunumbat niya.

"Itinago mo kasi ang totoo arriane.. kung hindi mo itinago marahil kinikilala na akong tatay mi Niel ngayon.."Sa sinabi nito ay mas lalo lamang siyang natawa ngunit napakasakit ng kanyang kalooban."

"kagaya ng sinabi ko Nath.. Walang magbabago sa pagtingin mo saakin"Kahit pa siguro maging santa ako.. ay hindi parin magbabago ang pagtingin mo saakin.. kaya huwag mong isumbat sa akin kung bakit hindi ko sinabi sayo ang totoo dahil kung tutuusin bigla ka na lamang naglaho na parang bola matapos ang gabing iyon.. tapos ngayon tatanungin mo ako kung bakit hindi ko sinabi saiyo ang totoo.?"panunumbat niya rito dahil iyon naman talaga ang totoo.

"pero hindi mo parin sinabi saakin noong nagkita tayo."

"ang tigas din pala ng ulo mo ano!!'palagay mo kaya noong nagkita tayo at sinabi ko sayo..maniniwala ka!!kaya please umalis kana...alis.!!sigaw niya rito saka ito itinulak palabas ng kanyang unit.

Wala itong nagawa kundi ang lumabas at siya naman ay mabilis na isinara ang pintuan at halos ibuhos ang lahat ng kanyang sama ng loob sa mundo.Humagulhol siya ng iyak dahil pakiramdam niya ay napakabigat ng kanyang nararamdaman lalo na ngayon na alam na ni Nathaniel na anak nito si Niel.Pero ano pa ang silbi non,,?Hindi naman siya mahal nito.. mas lalo lamang siyang masasaktan kung makikipag kumunikasyon lamang ito sa kanya dahil lamang sa kanyang anak.Mas mahihirapan siyang makamove on.Aminado siyang mahal na mahal na niya ang binata kahit pa sabihing napakasama nito sa kanya.. kahit pa pag isipan siya nito ng masama..kahit pa dedmahin siya nito..

"oo mahal niya ito.. iyong akala niyang puppy love na naramdaman niya noon para dito ay akala niyang naglaho na, iyon pala ay mas tumindi pa at mas dumoble pa yata ang sakit noon sa kanya.

Napakasakit.. iyon ang nararamdaman ngayon ni Nathaniel lalo na nang makumpirma nga na anak niya si Niel.. ngunit mukhang wala na yatang pag asa na mag kaayos sila nila ni arriane lalo na at nakita niya ang poot nito sa kanya.Oo, nagkamali siya at tama naman talaga ito.. hinusgahan niya ang pagkatao nito at hindi niya inalam ang totoo.Ngunit kailangan niyang balikan ang kanyang mag ina.. oo tama.. ang kanyang mag ina.. na itinago ang katotohanan sa kanya.. ang babaeng ginawa ang lahat para lamang mahigitan ang babaeng pinangarap niya ngunit hindi niya iyon nakita at tanging ang mga maling nagawa lamang nito ang nakita niya at hindi ang pagiging isang mabuting ina at babae.

"Im so sorry".usal niya sa hangin habang umiinom ng alak.Gusto niyang puntahan ang kanyang mag ina ngunit wala siyang lakas ng loob.Narinig niyang may kumakatok kung kaya dali dali siyang tumayo upang buksan ang kanyang panauhin sa pag aakalang si arriane iyon at baka nagbago na ang isip nito.

Ngunit mas umigting lamang ang kanyang galit nang si Kaithleen ang kanyang napagbuksan.

"what are you doing here!!"galit niyang tanong sa babae.Hindi narin niya ito pinapasok sa loob.

" Nath im so sorry.. alam kung nagkamali ako.. and I realize that I trully love you!"Malambing nitong wika.

"Stop fooling me kaith.. tapos na ang mga palabas mo.!!. at alam ko na ngayon na hindi ka deserving sa love na binibigay ko.. bumalik kana doon kay mat.. total mas gusto mo naman yata iyong may sabit"!..sarkastikong sumbat niya.

"No.. Nath please.. ayaw na niya sa akin dahil nalaman na nang asawa niya ang tungkol sa relasyon namin!.umiiyak nitong sabi.

"really?"at tapos ngayon ay babalik ka sa akin!!ano ako.. siraulo!!lumayas kana hangga't hindi ko pa nakakalimutang babae ka parin kaith."

"pero Nath.. I love you.."pagmamakaawa nito.

"Leave!!"leave..!!sigaw niya kung kaya natakot ito at dali daling umalis.Siya naman ay naiwang nanginginig sa galit.Ngayon niya lubos na napagtanto kung gaano kalaki ang pinagkaiba ni arriane sa babae.

Si Kaithleen ay ginagamit ang ganda nito para sa pansariling pangangailangan.. at isa na siya doon.Samantalang si arriane ay halos hindi nagluluho para mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang anak.At higit sa lahat ang babaeng kanyang minaliit at pinandirian ay siya pa pala ang mas kahanga hanga.Hindi na niya itinuloy ang kanyang pag inom at nag ayus siya.. Buo na ang kanyang desiyon,kailangan niyang bumalik sa US sa mas madaling panahon.Ngunit bago iyon ay kailangan niya munang gumawa ng sulat para kay arriane.

Tinawagan niya rin ang kanyang attorney at sinabi rito na may kailangan siyang ayusin.

Ito lamang ang natitirang pag asa niya upang makabawi sa kanyang mag ina at mapatawad narin ni arriane.

Tinawagan din niya ang Airlines kung saan nag pa reserved siya ng kanyang ticket pabalik ng america.Kailangan niyang makaalis sa mas madaling panahon kagaya ng ginawa niya noon.

Dearest arriane.

"Im really sorry for everything that I've done to make you cry, lalo na nang pag isipan kita ng masama.. Im really sorry.. I admit that im wrong.. at sana mapatawad mo pa ako.Ninyo ni Niel.. hindi ko alam kung paano ko aaminin saiyo na mahal kita.. mahal na mahal arriane.. noon pa.. natatakot lang kasi ako aminin sa sarili ko ang nararamdaman ko dahil nga masyado ka pang bata noon.. Ngunit sana bigyan mo pa ako ng pagkakataon para maipakita at maiparamdam sainyo nang anak natin kung gaano ko kayo kamahal.Hayaan mo sana ako na makabawi kay Niel at punan ang panahon na hindi ko kayo nakasama.Patawarin mo ako kung pinag isipan kita na kabit ka.. dahil dala lamang iyon nang matinding selos..

Ngunit matapos mo itong mabasa arriane marahin nasa kalawakan na ako at lulan ng eroplano pabalik ng america.

Lagi mong pakakatandaan arriane..

I love you.

love Nathaniel.

Halos naubos na yata ang mga luha ni arriane habang ilang ulit narin niyang nabasa ang sulat na iniwan ni Nathaniel sa siwang ng pintuan ng kanyang unit.Papasok na nga sana siya ng opisina niya ng mapansin niya ang isang sobre na nakaipit sa siwang ng pintuan kung kaya binuksan niya iyon at nanlumo siya ng mapagtantong sulat iyon galing kay Niel.

Nanghihingi ito ng tawad.. at sinabi pang mahal siya nito pero umalis na naman ito kagaya ng dati.

"papaano ako maniniwala sayo.. papaano kita patatawarin kung gayung umalis kana naman!!"umiiyak niyang sabi habang kinakausap ang sulat na halos basang basa na sa mga luhang kanina pa yata nag uunahan.

"Mahal na mahal naman kita eh.. pero umalis ka parin!!"

muli ay wika niya na parang bata na inagawan ng laruan habang nakasalampak sa sofa.

Hindi na siya papasok ngayon.. sapat na ang paghingi ng tawad ng binata at pag amin nitong mahal din siya nito upang puntahan niya ito sa unit nito.. sa pag aakalang baka sinasabi lamang nito iyon na umalis na upang puntahan niya ito sa unit nito.Kung kaya dali dali siyang bumaba ngunit nakailang beses na siyang nag doorbell at walang Nathaniel ang nagbukas kung kaya napasandal na lamang siya sa pader habang umiiyak.

"Napakasinungaling!!bulalas niya habang umiiyak dahil nga bigla na naman itong umalis.Papatawarin naman na niya ito.. iyon lang naman ang hinihintay niya.. ang sabihin nitong mahal siya nito.. ngunit iyon nga lang nagsabi naman itong mahal siya kung saan nakaalis na pabalik ng america ..Wala siyang nagawa kundi ang umiyak na lamang.

Mabilis na lumipas ang mga araw at balik trabaho na si arriane.Kagaya ng dati ay naging pukos siya sa kanyang trabaho upang hindi na niya maisip pa ang binata maliban na lamang kung nakikita niya si Niel.Ngunit nasa School na ito lagi at halos gabi na sila nagkikitang mag ina kung kaya magkatabi lamang sila sa pagtulog, kunting laro at kulitam ngunit hindi na sumasagi pa sa isip niya sa Nathaniel.Araw araw ay ganun lagi ang kanyang ginagawa ngunit hindi naman niya hinayaang mapabayaan niya ang kanyang anak.Ang ate Monica naman niya ay minsan na lamang pumunta sa kanila bukod kasi sa busy ito sa negosyo ay busy narin ito sa bagong love life nito na isang foriegner na nakilala nito sa new york noong nasa business seminar ito.. Masaya siya para sa kanyang kapatid dahil kahit papaano ay masya narin ito.Ngunit hindi ito masaya para sa kanya lalo na nang malaman nitong alam na ni Nathaniel ang totoo ngunit bigla na naman itong umalis.. lagi nga nitong sinasabing kalimutan na niya ang binata at baka takot lamang talaga ito sa responsibilidad bilang tatay at sagutin na niya ang matandang matagal na nanliligaw sa kanya.Ngunit mas gugustuhin na lamang niyang maging isang single mother habang buhay kung hindi man lang siya masaya.

Tama nang si Niel na lamang ang pagtuunan niya nang pansin at panahon total masaya na siya na magkasama sila ng kanyang anak.Nariyan naman din si manang Coreng na tumatayong magulang niya at hindi sila pinapabayaang mag ina.Lagi nga itong nag aayang magbakasyon muna silang mag ina sa bayan nito sa pangasinan upang makalimutan naman niya ang kanyang mga problema.Iyon din ang gusto niyang gawin at balikan ang pangasinan.Noong nagbubuntis pa lamang kasi siya kay Niel ay lagi siya nitong isinasama tuwing umuuwi ito sa pangasinan kung kaya namimiss niya ang lugar nito.

Nag schedule siya ng kanilang bakasyon para naman maayos niya lahat ng kanyang mga kailangan ayusin sa kanyang restaurant.Broken hearted man siya ngunit hindi niyon naapektuhan ang kanyang negosyo,bagkus mas lalo pa itong lumalago at nakikilala ng mga tao.Pero kagaya nga nag kasabihan,maswerte man siya sa negosyo ngunit malas naman siya sa kanyang love life.Napabuntong hininga siya saka ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

下一章