webnovel

Chapter 19(A wrong Action of love)

Akmang bubuksan na ni arriane ang pintuan ng banyo ng bigla na lamang may humawak sa kanya.Hindi na siya nakapagsalita pa ng bigla na lamang sakupin ni Niel ang kanyang mga labi.At sa halip na itulak niya ito palayo ay mas lalo lamang siya ritong napayakap,kasunod ang nag aalab niyang pakiramdam.Limang taon din ang nakalipas bago naulit ang ganung pakiramdam niya sa sarili lalo na at sa iisang tao parin.Ngunit hindi gaya nang dati na may halong takot iyon, samantalang ngayon ay talagang kusa na siyang nag paubaya at mismo ang binata na ang gumawa ng paraan upang matanggal lahat ang kanyang natitirang saplot.Hindi na nga niya alam kung papaano sila nakarating sa loob ng banyo basta ang mahalaga ay mapunan ang matinding pangangailangan nila sa isa't isa.Pareho silang halos habol ang hininga ng matapos ang kanilang ginawa.At hindi gaya ng dati na matapos ang nangyari ay pinagtulakan siya pauwi ng binata, samantalang ngayon ay nakayakap lamang ito sa kanya ng mahigpit na animo'y mawawala siya pag pinakawalan siya nito.Sabay narin silang naligo at hindi parin siya pinapakawalan ng binata kahit na nasa kama na sila.Inilipat na lamang ni Nathaniel si Niel sa isang maliit na kama at ito ang nahiga roon.

"wait, what are you doing"?nagtatakang tanong niya rito dahil sa pag aakalang doon ito matutulog sa kabilang cottage.

"why,?Is there something wrong"nakangiting tanong nito sa kanya.

"no.. pero.."Pinigil nito ang anumang sasabihin niya sa pamamagitan ng mabilis na halik sa labi."Do you think after what happened between us, ay makakatulog pa ako na hindi ka katabi"?pagkawika nito ay muli siya nitong kinabig upang yakapin ng mahigpit.

Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa alapaap sa labis na kaligayahan dahil nagkaroon na nang katuparan ang kanyang pangarap na makasama at makayakap muli ang binata.

Pakiramdam niya ay tanging siya lamang at ang binata ang tao sa mundo at wala nang haharang sa kanilang nararamdaman.Iyong pakiramdam na wala kang pinoproblema at tanging ang taong mahal mo lamang ang iniisip mo.Nakatulog silang magkayakap ng binata at hindi na inisip ang anumang mangyayari kinabukasan.

"Nagising si arriane na wala sa tabi niya si Nathaniel kung kaya naisip niyang baka panaginip lamang siguro iyon.Ngunit nang akma na siyang babangon ay nakaramdam siya ng pananakit ng kanyang katawan at nakita rin niyang nasa baba ang anak niyang si Niel nakahiga at hanggang ngayon ay masarap parin ang tulog nito.Kinapa niya ang kanyang celphone at saka tiningnan ang oras roon.

"Oh my!!napatayo siya bigla bagamat masakit ang kanyang buong katawan dahil kailangan niyang mag order ng breakfast para sa kanilang tatlo.

Ngunit bigla rin siyang nakaramdam ng lungkot ng mapagtantong baka lumipat ang binata sa kabilang cottage at hindi pinanindigan ang sinabi nito kagabi.Sabagay lasing nga naman na siguro ito kagabi kung kaya ganun na lamang ang sinabi nito sa kanya.Ngunit sa bandang huli ay bumalik din ito sa cottage nito.Lumabas siya at tiningnan ito sa labas ngunit walabdoon ang binata.Naisipan niya ring puntahan ito sa cottage ngunit ni'y anino nito ay wala doon kung kaya kinabahan siya.

"Hini kaya umalis na naman ito kagaya ng dati."tanong niya sa sarili.Pakiramdam niya ay dinudurog ang kanyang puso dahil sa isiping mauulit na naman ang nangyari dati na bigla na lamang naglaho si Nathaniel matapos ang nangyari sa kanila.

Muli ay naglakad lakad siya papalapit sa baybayin upang lumanghap ng preskong hangin at upang maibsan ang sakit na narardaman niya.Hindi pa naman magigising si Niel dahil alas dyes na ito gigising kung kaya nagpatuloy siya sa paglalakad.Nakarating siya sa malapit sa coffee shop kung saan magkakatabi rin ang mga cottages doon.Papasok sana siya sa Coffee shop upang mag order ng kape ng biglang may tumawag sa kanya.

"Arriane..hi.. you're here?"Masayang bati sa kanya ni Mat..

"Hi. bati niya rito at hindi na niya naiwasan nang bigla siyang yakapin ng lalake..

Bagamat saglit lamang iyon at yakap iyon ng isang kaibigan ngunit iyon ang tagpong nakita ni Nathaniel nang papalabas siya ng coffee shop.

Halos gustong sumabog ng damdamin niya ng makita ang tagpong iyon.Hindi niya inaasahang paglabas niya ng coffee shop ay iyon ang makikita niya..ang magkayakap si arriane at ang lalakeng hinihinala niyang kabit nito.kakatawag lang kasi ng kaibigan niya sa kanya at ibinalita nito ang tungkol sa pinaiimbistigahan niya at na confirmed niya na kasal ang lalake at may sarili itong pamilya kung kaya sigurado siyang kabit nga si arriane.At nakunpirma nga niya ang nakita niya ngayon.

Hindi pa ba nakuntento si arriane sa kanya kagabi at talaga bang hinanap pa nito ang lalake roon.Pinatay niya ang tawag mula sa kabilang linya at hindi na pinakinggan pa ang mga sumunod na sasabihin ng kaibigan niya,at confirmed nga dib na may kinakatagpo itong babae at sigurado siyang si arriane iyon.Nag init ang kanyang mukha saka mabilis na nilapitan ang dalawa.

"Oh, Nath,. you"re here.. kanina pa..Hindi na naituloy ni arriane ang sasabihin ng bigla na lamang sinuntok ni Nathaniel si Mat na hindi rin naka paghanda kung kaya subsob ito sa buhangin.

"Wait!!ano ba.. tama na!! "halos mamaos si arriane sa kakasigaw dahil hindi na niya maawat ang dalawa dahil lumaban narin si mat dahil sa labis na pagkabigla nito sa pananapak ni Nathaniel sa lalake.

"gago!!ano bang problema mo!?galit na sigaw ni mat saka akmang aamba na naman ng suntok, mabuti na lamang at dumating ang guard ng resort at naawat ang dalawa.Maging siya ay nagulat din sa ginawa ni Nathaniel kung kaya sinundan niya ito pabalik ng cottage.

"ano ba ang problema mo!?tuloy tuloy parin siyang nakasunod dito hanggang sa cottage nito.

"ako ang tinatanong mo kung ano ang problema ko!!"sarkastikong wika nito saka ngumiti pa ng nakakainis.

"Ikaw ang problema ko!!iyang kati mo!!hindi kapa nakuntento sakin kagabi kung kaya nakipagtagpo kapa sa kabit mo!"Litanya nito na ikinagulat niya kung kaya isang malutong na sampal ang pinakawalan niya.

"Ganun ba kababa ang tingin mo saakin!!huh?!kaya ba lagi mong binabastos ang pagkato ko!!kaya ba lagi mong pinaparamdam saakin na parang basahan lang ako na pagkatapos gamitin ay pwede ng itapon!!!"umiiyak niyang sigaw rito.

"Hindi nga ba!?"mas masakit pa sa magkabilang sampal ang sinabi nito sa kanya.kaya tuluyan siyang napahagulhol.

"wala kang karapatan para pagsalitaan ako ng ganyan!!dahil hindi mo alam ang pinagdaanan ko!!"halos mapugto ang ugat niya dahil sa sobrang galit sa binata.

"yes, hindi ko alam, pero hindi naman siguro magsisinungaling ang imbestigador na binayaran ko upang imbistigahan kayo ng lalake mo!!"Mas lalo siyang napatda sa pag amin nito sa kanya.Pina imbistigahan siya nito?para ano??

Napapailing na lamang siya habang umiiyak at dahil narin sa matinding awa niya sa kanyang sarili.

"wala kang alam..Mr.Cruz.!!at naawa ako sayo dahil ikaw ay wala paring pinagbago,,mapanghusga ka parin,,pero mali yatang tao ang hinusgahan mo.. samantalang ang babaeng mahal mo ang sumisira sayo!!pagkasabi noon ay kinuha niya ang kanyang celphone at binuksan ang kanyang gallery upang ipakita sa binata ang isang video clip na matagal nang nakatago sa celphone niya.

"ayan ang gusto mong pakasalan hindi ba!!?iyang babaeng pinagmamalaki mo!! ngayon sino saamin ang nakakadiri?!"Nakita niyang napaatras ito kasabay nang panlalaki ng mga mata nito dahil sa nakita."Ang tagal kong tinago iyan at ayuko na sana pang sabihin sayo!! iyon nga lang ay inapakan mo na ang pagkatao ko..!!kaya ngayon sabihin mo saakin kung sino saamin ang malandi!!?"ang pagkakamali ko lamang ay ang minahal ko ang kagaya mo!!Nangingilid ang mga luhang wika niya at saka ito tinalikuran.Hindi naman na natinag ang ang binata sa kanyang kinatatayuan dahil sa nangyari at hindi rin ito nakapagsalita.Kung kaya nagmamadali siyang pumasok sa kanilang cottage at kinuha ang kanyang mga gamit saka ginising ang kanyang anak.

"mommy,why?"nagtatakang tanong ni Niel ng makita nitong nagliligpit ang siya.

"Let's go back in manila anak."wika niya saka pinunasan ang mga luhang nag uunahan kanina pa.

"are you crying mommy?"nilapitan siya nito saka sinilip ang kanyang mukha na kanina pa niya sinusubukang itago.

Sa sinabi ng kanyang anak ay tuluyan na siyang napahagulhol at mahigpit itong niyakap.

"mommmmmmyyyyy!!"umiyak din ito dahil marahil sa awa sa kanya.

"Let's go baby!" binitbit na niya ang kanilang mga gamit ng matapos niya itong iligpit.

"But si Tito Nathaniel mommy,"naalala ng bata ang binata ngunit hindi na lamang siya umimik.

"Let's go please, Niel."akmang uunahan na niya ito palabas ng pintuan ng muling magsalita ang anak niya.

"Is he the one who made you cry mommy?"bakas sa mukha ng paslit ang galit.

Tanging iling lamang ang kanyang itinugon dahil ayaw niyang magalit ito sa lalake.

"Niel let's Go".matigas ang tonong sabi niya upang hindi na ito magtanong pa kung wala itong nagawa at sumunod na lamang.Hindi narin siya nag aksaya ng oras na ilibot pa ang kanyang mga mata upang hanapin ang binata, bahala na itong umuwi dahil marunong naman siguro itong magbyahe mag isa!

Nasa sasakyan na sila ng may humahangos na lumapit sa kanya.Si Nathaniel iyon at mabilis siyang hinawakan nito sa braso.

"Arriane!! Can we talk please!!"maigting na sabi nito saka inagaw ang susi ng kanyang sasakyan.

"Let go of me!"galit niyang sabi ngunit parang wala itong narinig.

"Niel, balik ka muna sa cottage please,"..I just want to talk with your mom!"Isang utos iyon mula sa binata kung kaya mabilis na sumunod si Niel at bumalik ng ito sa kanilang cottage.Siya naman ay hinatak ng binata sa Cottage nito upang doon mag usap.Wala na siyang nagawa habang hinahatak siya nito dahil mas malakas ito keysa sa kanya.Nang makapasok sila ay agad siya nitong pinaupo sa sofa na naroon.

Hindi siya nagpatinag rito at mas pinakita niya ang kanyang galit sa binata.Halos nagsibalikan yata ang lahat ng galit niya at sama ng loob rito simula ng mabuntis siya at kulang na lamang ay mamatay sa panganganak kay Niel.Pero pasensiya ito at hindi niya sasabihin ang totoo dahil para sa kanya hindi ito karapat dapat maging ama ni Niel dahil masyado nitong nilait ang pagkatao ng kanyang anak.

"saan mo ito nakuha!"madilim ang mukhang tanong nito sa kanya na ang tinutukoy ay ang Video.Saka lamang din niya naalala na naiwan pala niya ang kanyang celphone rito.

"Bakit hindi mo tingnan ang detail niyan"..."matapang niyang sagot rito.Natigilan ito dahil marahil hindi nito naisip iyon.

Narinig niyang napamura ito ng makita nito ang sinasabi niyang detalye.

"That stupid man!"bulalas nito habang mahigpit ang pagkakahawak ng celphone niya.

"pwede ba ibalik mo saakin iyang celphone ko at balak mo pa yatang sirain iyan."...galit sa sabi niya.Biglang lumambot ang mukha nito saka ibinigay ang kanyang celphone.

"bakit hindi mo sinabi saakin arriane"? nanlulumong tanong nito.

"bakit??kung sasabihin ko ba ay maniniwala ka ba!""?isa pa ano naman ang pakialam ko sa buhay mo!!"sarkastikang wika niya.

"may pakialam ka!"dahil magkaibigan tayo!"

"kaibigan!!" parang bomba yatang sumabog iyon at halos mabingi siya.Kaibigan lamang pala talaga ang turing nito sa kanya...eh panu naman ang nangyari sa kanila kagabi..?? bilang kaibigan parin iyon??.

"you are such a bastard.. Nath!!hindi makapaniwalang sigaw niya.Hindi na rin niya maiwasang mapaluha dahil sa labis na sakit na nararamdaman niya...Bakit ba kasi nag expect na naman siya.. iyon pala ay bilang isang kaibigan lamang pala ang nararamdaman nito sa kanya.

Uso naba ngayon ang friendship sex?"Pag nangagailangan ng makakasex ay tatawagin lamang ang kaibigan!!parang isa isang tumusok iyon sa puso niya.Hindi talaga siya makapaniwala sa kanyang narinig kung kaya agad siyang tumayo at iniwan ang binata.Akala niya iyong pagbintangan siyang kabit!!makati!!ay napakasakit na.. ngunit mas masakit pala ang sabihing kaibigan ka lang ng taong mahal mo..Na pagkatapos ng nangyari sainyo ay kaibigan ka parin niya!!he is such an idiot!!"nagpupuyos siya sa galit ng balikan niya si Niel upang ayain ng umalis.Hindi narin nag akasaya pa ng panahon ang binata na sundan sila dahil alam nitong hindi niya ito gustong makasama.

"

下一章