Babaeng spoiled pero di brat, lahat ng gusto niya nakukuha niya. Ngunit pano na lang kung ang nag-iisang nagpapasaya sa kaniya at minamahal niyang tunay ay mawala. babalik pa ba ang mga ngiti sa kaniyang labi at may pag-asa pa kayang sumaya ulit siya?
Grace POV
*tok**tok**tok*
"Mamaya pa mommy"- sabi ko kay mommy kanina pa katok ng katok eh.
"Bumangon ka na malelate ka niyan"- sabi ni mommy na katok pa rin ng katok.
"Sige po babangon na" - pagkasabi ko noon umalis na siya at bumangon na ko.
Pumunta na ko sa bathroom at naligo na alangan namang kumain di ba. Pagkatapos ko naligo nagbihis na ko nang T-shirt at pants well first day pa lang eh. Pagkatapos ko magbihis nagsuklay na ko at nagblower ng buhok at sinuot ko na yung eye glasses ko. Yes EYE GLASSES hindi ako nerd ah malabo lang talaga mata ko since elementary I don't want to wear contact lenses that's why.
After ko mag-ayos, lumabas na ko ng kwarto ko at pumunta ng dining area at nakita ko c kuya na kumakain kasama si mommy at daddy. Oh my gosh namamalikmata ba ko, nandito cea...
"KUYA!!! KUYA!!! KUYA!!!" - sigaw ko sabay takbo sa kanya, siya naman napatayo dahil sa pagsigaw ko , nagulat pa siya nung yumakap ako sa kaniya pagkatayo niya
"Wag ka nga sumigaw pangit, kauma- umaga sumisigaw ka " - sabi niya sabay yakap pabalik sakin. Kumalas siya sa pagkakayakap sakin sabay sabing....
"hindi naman halatang namiss mo ko niyan pangit "- sabi niya habang nakatingin ng pang-asar sakin.
"Tss at sino naman nagsabing namiss kita kulkulat(pangit) " - sabi ko sabay upo at kuha ng pagkain. umupo na rin siya at kumain na din ulit.
"Good Morning Princess " - sabay na sabi ni mommy at daddy.
" Good Morning din mommy, daddy" - bati ko sa kanila.
"Sus di pa kasi amining namiss niya ko eh" - sabi niya or should i say asar niya.
"Tss bakit naman kita mamimiss. " - sabi ko sa kanya
"Dahil ngayon mo lang ulit nakita ang gwapo mong kuya"- sabi niya sabay kindat sakin
"Gwapo? san banda? "- sabi ko, kaya ayun parang batang nagsumbong kila mommy
"Hay nako para pa rin kayong mga bata, hanggang ngayon." - nakangiting sabi ni daddy
"Wag mo na ngang asarin yang kapatid mo, sige ka magtatampo yan sau. " - sabi ni mommy kay kuya
"Yan kc wag mo daw ako asarin " - nakangiti kong sabi kay kuya.
"Kawawa naman ako, wala man lang akong kakampi, pinagkakaisahan niyo ko" - nagtatampo niyang sabi sabay pout.
"Wag ka ngang ganyan di bagay sayo" - ako
" Tama na nga yan malelate na si princess ohh" - sabi ni daddy para matigil ang bangayan namin.
"Sige po alis na po ako " - sabi ko sabay tayo at nagpaalam na kila mommy, paalis na sana ako ng...
"Wait lang hintayin mo kaya ako "- kuya
"Bakit naman kita hihintayin "- nagtataka kong sabi sa kanya
"Ihahatid kita sa school mo malamang " - pabara niyang sabi sabay punta ng garage para kunin yung kotse niya.
"Sakay na "- sabi niya
Kaya sumakay na ako and while were on the way at my school. I'm having a bad feeling that something is wrong.
"Bakit ka pala nandito? "- tanong ko sa kanya, tiningnan niya ko saglit tapos bumalik ulit sa daan yung tingin niya.
"Bakit bawal?"- kuya
"Bakit sinabi ko ba? "- ako
"Tsk "- kuya
"Ehh bakit nga kc " - inis kong sabi sa kanya
"Basta !!! malalaman mo rin sa tamang panahon" - seryoso niyang sabi , habang nakatingin pa rin sa daan.
wow maka tamang panahon si kuya aldub fans lang.
"K "- walang gana kong sabi.
Narinig kong may sinabi siya pero hindi ko maintindihan, hay hayaan ko na lang nakakabadtrip lang.
"Were here." - pagkasabi niya nun lumabas na ko ng kotse at papasok na sana ako ng gate ng...
"Susunduin kita mamaya ha" - sabi niya at akala ko wala na siyang sasabihin kaya maglalakad na sana ako ng may pahabol siyang sinabi at naguluhan ako kung bakit niya yun sinabi.
"Sorry " - sabi niya sabay alis.
At naiwan ako dung nakatayo at naguguluhan sa sinabi niya.
Well kanina pa ko kwento ng kwento pero hindi niyo pa rin ako kilala. Then let me introduce myself I am Graciella Ellise Mirra Gerald 17 years old turning 18 next month. I'm a college student, 3rd year college to be exact and my course is Bachelor of Science and Information Technology or BSIT for short.
Papunta na ko sa room namin sa IT Building. May iba iba kasing Building dito, every course may sariling Building like BA Building for Business Ad students only, AS Building for Arts and Sciences students only, Ed Building for Education students only, To Building for Tourism students only, HR Building for Hotel and Restaurant Management only and the last but not the least IT Building of course for Information Technology students only like me and my room is in the third floor because I'm a third year student. I'm in section C....
"Good morning grace"- bati ni Justine sabay apir that's the way we greet each other everytime we meet.
"Good Morning din" - bati ko pabalik sa kanya
"Good Morning Be "- sabi ni anne
"Good Morning din Be " sabay upo sa upuan ko.
At nagkwentuhan na kami ng kung ano yung mga nangyari sa vacation nila. Almost 3 years na kaming magkakabarkada ng TRUEPA. Since 1st year magkakasama na kami, we've been through to many obstacles ahead of us. Maybe i won't survive without them, it will be difficult for me. Actually kulang kami ngayon kasi hindi nag-aaral yung isa tinatamad na daw mag- aral eh. Kung sino siya you'll know later.
Biglang may pumasok, i think instructor namin to.
"Good morning class, I'm one of your instructors for this semester. Please fill up your class cards and give it to me." - instructor
so yun nga ginawa namin pagkatapos namin i fill up yung class cards namin pinasa na namin.
"Nandito na ba lahat "- instructor
"Yes sir " - sabi nung classmate namin, di ko alam name eh
"Since first day ngayon, you have to introduce yourself in front for you to get to know each other. " - instructor
"Wag niyo sabihing magkakakilala na kayong lahat?" - tanong niya samin.
"Hindi pa Sir "
"Yes Sir"
"Naman Sir"
"Not yet sir"
iilan lang yan sa narinig kung sagot nila kay sir.
"Simulan natin sa ...." - instructor
"Sa likod Sir " - sabi ng mga classmates ko including my TRUEPA eh kasi nasa harap kami eh and we hate introducing ourselves always.
"Sa harap Sir "
sabi naman ng mga nasa likod, i think hindi lang kami ang may ayaw ah.
but at the end,
"Ok sa harap tayo magsimula "
Tumayo naman yung babaeng nasa harap
"Hi! I'm Jessica Tirol 18 years old, sana maging magkaibigan tayong lahat." -jessica
pagkatapos niya magpakilala nagpakilala na rin yung iba, hanggang sa si anne naman
"Hi guys! I'm Anne Ringor 19 years old turning 20 next month, yun lang and sana maging kaclose ko kayong lahat choss " - anne
"Hi I'm Ash Perez just turned 18 last week. I hope we can be friends. " - ash
"Belated happy birthday"
"Belated"
"libre naman diyan"
sabi nila pagkasabi ni ash nang birthday niya last week, hay that was very memorable night for her or should i say for us. Flashback ko na lang next chapter.
"Hai I'm Graciella Ellise Mirra Gerald 17 years old, turning 18 next month. " - sabi ko sabay upo
"Hai guys, I'm Justine Ferrer 20 years old turning 21 next month " - pagkatapos niya si john naman.
"Hello guys, I'm John Carbonell 19 years old ." - sabi niya
"Hi uhm I'm Avi Liquen 18 years old that's all " sabay upo
"Hai I'm Joanne Viel 17 years old, thank you " - joanne
"Hey sa inyo Rex Villa at your service 21 years old. " - rex
Pagkatapos ni rex sunud- sunod na silang nagpakilala at kahit first day naglesson na kami.
Fastforward
Uwian na namin ngayon, sabi nga ni kuya susunduin niya ko kaya pinauna ko ng umuwi sila ash. Ngayon ko lang sila hindi makakasabay umuwi. Hay ilang sandali lang dumating na rin si kuya at umuwi na kami, habang nasa biyahe kami wala kaming pansinan dahil sa nangyari kaninang umaga.
After how many years,
De joke lang after 10 minutes nasa bahay na kami.
Dumiretso na ko sa kwarto ko at nagbihis na, pagkatapos ko magbihis bumaba na ko at nagdinner na kami. Hanggang sa matapos kami kumain wala pa ring pansinan.
I've got this feeling talaga na something is wrong.
Hay bahala na itulog ko na lang to.
******************************************
Thanks for reading 😊