"Maundy, are you ready?" tanong ni Daddy na nakadungaw sa labas ng aking kwarto. "Bumaba ka na agad, ha," dagdag pa nito.
"Yes, Dad!" nakangiti kong sagot at ipinagpatuloy ang pag-aayos sa sarili. Excited na akong makita ang Kuya Mico. Oo nga pala, hindi naman totally sa bahay ng mga Powers ako nakatira. Monday to Thursday ay rito ako sa mga Powers at kapag Friday to Sunday naman ay roon ako sa bahay ng mga Marice. Hindi naman nila ako tinanggalan ng karapatan na makisalamuha sa mga Marice. Pero, ang apelyido ko ay on process na para gawing Powers, pumayag na rin ako dahil iyon naman talaga ang nararapat.
"Oh, there you are," nakangiting sabi ni Jazz. "Andoon na si Chal Raed kaya sumabay ka na lang sa Daddy mo," dagdag nito at tumango na lang ako agad.
***
Nang makarating kami sa City Jail ay agad naming nakita ang isang table na sobrang ingay dahil kina Joy, Clarice, at Rose na sinabayan pa ng makukulit na sina Spade at Third.
"MONAAAAY!!" patakbo akong niyakap ng tatlo na para bang ilang dekada kaming nagkawalay. Parang hindi nila ako binisita kahapon, ah.
"Shoo, shoo! Mas nauna pa kayong yumakap sa'kin kesa sa jowa ko," pagbibiro ko pa.
"So, ganyan na? Jowa first, best friends next?" tanong ni Rosas.
"Hindi pa, 'yong mga Kuya ko pa," sagot ko naman.
"Tapos kami?" tanong ni Clarice.
"Hindi, andiyan pa si Spade at Third—"
"WAAAAAH!" nilagpasan ko na silang tatlo. Nakakahiya, napatingin pa 'yong ibang andito sa'min. Lokang mga 'yon sabay-sabay ba namang nagsi-iyakan.
Buti na lang at ang gwapo ng lalaking nakangiti sa'kin ngayon kaya medyo narelax ako. "How are you?" tanong niya matapos akong halikan sa pisngi. Hindi kasi kami nag-uusap nitong mga nakaraang araw. Pareho kaming busy. Siya sa pagtulong kay Kuya Mico at ako naman busy ako kakaisip anong ireregalo ko kay Kuya Mico sa muli naming pagkikita.
"I'm fine, thank you," sagot ko na agad ikinangiti ni Chal Raed. "KUYAAA!" naiyak talaga ako sabay napayakap sa kaniya, "miss na miss na miss na miss na miss na kita," dagdag ko pa.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi, "I miss you more, Love," umiiyak na rin si Kuya Mico, "you've gotten prettier with your natural hair color and fancy clothes," nakangiting aniya.
"Kuya naman, eh, lagi naman akong maganda," pagrereklamo ko pa na agad inilingan ng lahat, miski ang boyfriend ko ay agad na napayuko kaya ang over sa gandang si ako ay umaktong nasasaktan.
"Alright, alright! You're gorgeous since birth," kunyari ay napipilitan pang sabi ni Kuya. "Sit down now, kanina pa sila gutom, ikaw na lang talaga ang hinihintay."
"Kapag maganda talaga hinihintay," pagbibiro ko na naman.
"Mukha ka lang talagang pagong gumalaw, Monang," sabi ni Spade. Tss.
"Shhh, ang Bodyguard tahimik lang," sagot ko at agad namang kumunot ang noo ni Spade.
"Alam mo bang asar na asar siya habang nagkikwento sa'min na tinatawag mo siyang Bodyguard?" pabulong na tanong ni Chal Raed.
"Hahaha, ang cute-cute ni Spade," natatawang sabi ko. Ang sarap niya talagang asarin.
"So, siya na lang jojowain mo?"
Nakangiwi akong napatingin sa kaniya, "jinowa ko na si Third, jinowa na kita, jojowain ko naman si Spade? Ano next tatay mo, para pabibo ako?" tanong ko, at aba, tinawanan lang ako. Tss!
"Did we hear it right?" biglang usal ni Kuya Mayvee.
"Na?" takang tanong ko.
"Na jinowa mo itong si Third? So, Chal Raed isn't your first boyfriend?" tanong niya dahilan para matahimik kami ni Third. Wrong move. Tsk! I decided to just keep it till this story ends, pero ayan, nahuli ako. Huhuhu!
"Bakit hindi namin alam, Ate Love?" tanong naman ni Miracle.
Wala, ayan na, mapapakwento tayo ng wala sa oras, tsk. "Okay, okay, ito na ikukwento ko na nang mapanatag ang kaluluwa niyo," at ikinuwento ko nga ang storya namin ni Third at halos maningkit ang mga mata ng mga kapatid ko habang nakatingin kay Third. Ang mga Powers ay di rin makapaniwala sa kwento ko. Buti na lang wala si Miss TS dito ngayon baka nalusaw na 'yon sa mga titig nila.
***
"All of us must be there, you can also bring your loved ones if you want," sabi ni Chal Raed. Nakaplano na kasing bumalik ang lahat sa Jovial Island para naman magkaroon kami ng bonding matapos ang lahat ng nangyari.
"Paano si Kuya Mico?" nag-aalalang tanong ko.
"Okay lang ako rito, Mon, don't worry about me," aniya. Pero, alam kong gustong-gusto niyang sumama.
"Nagkausap na kami ni Paps and even the Powers, sila na raw ang bahala para makasama ka, Kuya Mico, siguro they're gonna persuade the Chief and other policemen here. Basta hayaan na natin sila," nakangiting sabi ni Chal Raed.
"Thank you!" hindi ko naiwasang yakapin siya. Hay, ba't ba ang swerte-swerte ko?
"You're always welcome," sagot niya at hinalikan pa ang tuktok ng aking ilong. Buti 'di 'yon oily. Tsk!
"Iganyan mo nga ako, Spade, Baby," paglalambing pa ni Joy.
"Tayo na ba ulit?" tanong nito, pero agad nagbago ang mood ni Joy.
"Naglalambing na't lahat, hindi pa rin magets na gusto ko nang makipagbalikan!" pagmamaktol pa nito. Arte-arte kasi ba't 'di na lang sabihin nang diretso.
"Oh, drama-drama! Ikain mo lang 'yan!" sabi naman ni Rosas at binigyan siya ng isang buong ampalaya. Saan kaya galing 'yon? Binaon ni Rosas? Ibang klase!
"Che! Wala kang lovelife!" asar na sabi ni Joy. Foul! HAHAHA!
"Fafs Jazz, oh, inaaway ako," yumakap pa ito sa braso ni Jazz at natawa lang siya. Na-tawazone si Rosas. Hanggang ngayon ay push na push pa rin talaga siya sa kanyang oplan gawing lalaki si Jazz. Good luck!
At, ang ending naman kina Spade at Joy ay todo suyo itong si Spade para maging good mood na ulit ang Bruha. Ang arte-arte talaga! Mana kay Rosas!
Si Clarice naman at Third ay todo lamon lang at walang pake sa mundo.
Ang mga kapatid ko naman ay mukhang nagsisising hindi nila dinala ang kanilang mga jowa, pati na rin itong si Miracle ay may pinopormahan na rin pala. Binata na nga talaga ang Baby Miracle ko.
Kami naman ni Chal Raed ay nakangiting nakatingin sa kanila.
"I never thought na makikita ko pa rin ang lahat na masaya at parang walang problemang kinakaharap," bulong ko.
Umakbay sa'kin si Chal Raed at bahagyang hinagkan ang buhok ko, "alam kong darating ang panahon na magkakaroon ng katapusan ang bawat istorya nating lahat. I just hope that it's gonna be a happy ending one," tapos ay tumingin siya sa'kin, "especially our love story," aniya kaya halos mapunit na 'yong labi ko kakangiti.