webnovel

Chapter 3.5 Start

Sa ngayon iniisip ko parin kung ano na ang gagawin ko. Babalik ba ko sa pagiging IDOL ko o ipag papatuloy ko yung sinimulan ko.

Naisip ko rin yung punto ni Louie kanina.

Past is past and it will never come back.

Bakit ko nga ba hinahawakan pa ang nakaraan kung pwede naman akong gumawa ng kasalukuyan at future.

"Miss Ainsleigh!"

Bumalik nalang ako sa aking diwa ng marinig ko ang sigaw ni Manong Randi.

"Ingat Lei" sabay sabay na sabi ni Liz, Mari at Louie.

Pumasok naman ako sa sasakyan ng walang imik.

"Kamusta naman ang unang araw mo sa school" tanong ni Manong Randi.

"Hindi okay, manong iniiwasan niya ko" malungkot kong tugon.

At itinuloy ko ang kwento kay manong Randi.

"Miss Ainsleigh, wag kang magagalit sa akin ha payong matanda lang" sabi ni Manong Randi.

"Bakit mo ba siya pilit na hinahabol?" personal niyang tanong.

"Kasi best friend ko siya at nangako kami sa isa't-isa na walang iwanan" sagot ko.

"Pero iniwan ka niya 8 years ago hindi ba?" dugtong ni Manong Randi.

"Alam kong may maganda siyang dahilan kung bakit niya ko iniwan noon" tugon ko.

"Pero kung ano man yun, ang tunay na magkaibigan nag sasabihan ng problema, hindi ko naman sinabing wag mo siyang maging kaibigan pero ayoko na makikita kitang ganyan, malungkot." may punto lahat ng sinabi ni Manong.

Simula ng maging IDOL ako masaya ako nawala yung lungkot sa buhay ko pero akala ko pang habang buhay na pero hindi pala.

"Manong, satingin mo ano na ba ang dapat kong gawin? Balik na kaya ako?" tanong ko sakanya.

"Miss Ainsleigh, sa gulo ngayon wag muna hindi mo pa sila kayamg ihandle kaya nga kailangan mong mag lie low muna pero pwede ka naman bumalik any time" tama siya baka mas lalong hindi ko kayanin ang lahat.

"Sa nakita ko ngayon may mga kaibigan ka na bakit hindi ka muna mag enjoy kasama sila tutal mukang close na kayo" parang may lumabas na malaking bulb ng ilaw sa utak ko.

"Tama ka Mang Randi, mag stay ako sa school para sa mga kaibigan ko at hindi para sakanya!" magana kong sagot.

"Ayan! Ganyan si Miss Ainsleigh laging positive hindi yung parang batang nag mumukmok sa gilid hahaha" bigla namang hininto ni Mang Randi ang sasakyan at bumaba.

Nakita kong bumili siya ng Ice cream crepe sa labas.

"Wow paborito ko!!" agad kong kinuha ang inabot niyang Strawberry flavor crepe.

"Reward mo yan Miss Ainsleigh" sabay ngiting matamis ni Mang Randi.

Para na talaga siyang tatay ko, sila Mom at Dad kasi busy sa mga business nila kaya simula noon siya lang ang nakakasama ko.

Siya ang nakikita ng iyak, tawa, takot at galit sa mukha ko.

Mas alam niya pa ang ayaw at gusto ko kesa sa magulang ko.

"Bye Miss Ainsleigh" kaway niya.

"Byebye manong salamat sa pang lilibre" sabay labas ko ng building.

Dali dali naman akong nag cap at nag mask para walang makakita sakin.

Wala kasing nakakaalam kung saan ako nakatira kahit media walang alam.

Agad agad akong pumasok sa loob ng aking silid at nag bihis ng pang bahay.

Isang tawag ang agad saki'y bumugad.

"Kamusta ka na ?" bati ng aking matalik na kaibigan sa mundo ng IDOL.

"Mabuti naman. Kayo ba?" tanong ko halos isang buwan rin kasi kaming hindi nagkita.

"Ito sobrang busy sa mga shooting lalabas na ulit yung bago naming album" pagmamalaki niya.

"Buti naman kung ganoon basta babalitaan mo parin ako ha!" at umoo naman siya sabay baba ng telepono.

Siya si JK, nang magsimula ako sa larangan ng entertainment siya ang unang gumabay sakin. Siya rin ang nag turo saakin kaya naman talagang magkadikit kaming dalawa.

Dati nga napagkamalan pa kaming may relasyon at talagang nagwala ang mga tao yung iba sabi ay bagay daw kami yung iba naman ay hindi kami tanggap.

Pero ang totoo, matalik lang kaming magkaibigan kumbaga siya ang pumalit sa pwesto ni Dongmin nung nawala siya.

Bago matulog, agad akong nag ehersisyo at saka naligo naging gawain ko na ito simula ng mag artista ako.

Dapat ay maging handa na ko simula bukas para sa bagong simula.

Kinabukasan ay agad akong gumising ng maaga para mag almusal at naghanda sa aking pagpasok. Ayoko kasing sumabay sa maraming estudyante dahil baka magkagulo sila.

Pagkarating ng aming sasakyan agad kong nakita ang madaming estudyante sa labas ng aming paaralan kaya naman ipinasok ni Manong Randi ang sasakyan sa loob ng eskwelahan.

"Miss Ainsleigh, ingat po kayo" agad naman akong tumango at umalis.

Ligtas na ko sa mga umiidolo sakin dito sa loob ng eskwelahan kasi nag bigay na ng pahayag ang aming punong guro na bawal akong gambalain.

Nakita ko naman agad si Liz kaya agad akomg tumakbo papalapit sakanya.

"Good morning, Liz" bati ko sakanya.

"Jusko ko po! Lei nagulat naman ako sayo" gulat na sabi ni Liz.

"Hahaha, sorry kung nagulat kita" hinging paumanhin ko.

"Mas nakakagulat yung dami ng tao sa labas halatang inaabanagan ka akala ko hindi ako makakapasok ng buhay dito sa school" pagbibiro pa niya.

"Pasensya na ha, mapapagod rin siguro sila" sabay kindat ko.

Nagtawanan kami at dumiretso na sa kanya kanyang locker para magpalit.

Physical Education kasi ang una naming subject kaya kailangan naming magpalit ng P.E uniform. Pagdating namin sa gym nandoon na yung iba kong kaklase.

"Good morning Lei, ang dami mong taga hanga sa labas iba ka talaga!" sabi ni Eunice isa sa mga kaklase ko agad rin naman akong nag pasalamat sakanya at saka umupo sa isang sulok.

Maya maya pa "Lei! Good morning!!" sigaw ni Louie.

"Good morning!" masigla ko namang bati sakanya.

"Tara dito wag ka nga jan sa sulok lagi ka nalang nag pupunta sa sulok" sabay hatak sakin ni Louie.

Ngunit pilit akong bumibitiw sakanya dahil ayokong umupo sa harapan masyado kasing agaw atensyon. Napaharap kami sa dalawang paparating.

Si Dongmin at Mari.

Ano kaya ang mayroon sa kanilang dalawa iniisip ko talaga kung may namamagitan sa kanila kasi iba yung bawat ngiti ni Mari pag kausap niya si Dong min ganoon din naman si Dong min ngumingiti siya kahit papaano.

Napansin kong masama ang tingin samin ni Dongmin kaya agad akong napatingin sa kamay ni Louie at inalis ang kamay ko.Hindi ko alam kung bakit ko ginawa pero parang naka sanayan ko na pero makulit talaga si Louie at kinuha ulit ang kamay ko at kinaladkad ako sa upuan nila hindi na rin ako nakatanggi.

"Good morning class, today ang gagawin natin ay basketball girls at basketball boys....." at pinaliwanag ng aming guro ang mga bawal naming gawin sa loob ng gym at saka nag bunutan ng mga kakampi.

"Alam mo bakit maraming tao dito sa gym?" bulong ni Liz sakin.

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi ba obvious, 2 lang yan pwedeng dahil sayo o dahil kay Dongmin. Star Player kaya siya." pagpapaliwanag ni Liz.

Napatingin ako bigla kay Dongmin na kausap si Louie mukang hindi kasi sila mag kakampi.

"Bakit ako nadamay? Hindi naman ako magaling sa sports" pagtatanong ko ulit.

"Alam mo Lei ang inosente mo talaga, 2 lang naman din yan pwedeng pata suportahan ka o I bash ka kasi diba tawag sayo Miss Perfect!" pagpapaliwanag ni Liz.

Naalala ko tuloy ang mga ginagawa ko pag May atheletic competition kami puspusan talaga ang pag sasanay minsan nga ilang oras lang pahinga namin.

Maya maya pa ay nagsama sama na ang mag kakampi at nagisip na kami ng mga posisyon namin. Ako ang naging shooter si Mari ang point guard dahil hindi daw siya magaling sa basketball si Liz naman sa rebound dahil may tangkad ding taglay si Liz at mataas tumalon dahil sa volleyball team siya ng paaralan at si Liz na ang nag takda ng gawain sa iba.

Nagsimula agad ang laban pagkatapos ng 2 minuto. Ng i-jamble na ang bola agad namin itong nakuha at ngayon ay nasa akin na para ishoot.

"3 points!" sigawan ang lahat mapa babae o lalaki. Ngayon lang ulit ginanahan ng ganito.

Napatingin naman ako sa gawi nila Louie. Nakita kong kumindat si Louie at agad akong kumaway.

Nag sunod sunod ang lamang namin sa kalabang kupunan pero hindi maganda ang lagay ng tuhod ko. Naalala ko na nadapa ako kahapon kaya naman may sugat pa ito at baka nga nagdurugo na.

"Liz, pwede bang magpahinga ako hindi maganda ang lagay ng tuhod ko" naalala naman agad iyon ni Liz at humingi ng kapalit sakin.

Nang umpisa ay maganda naman ang nangyayari ngunit habang tumatagal unti unti na kaming natatalo kaya naman hindi ako nagatubiling sumabak muli sa Basketball.

"Lei, sure ka ba? Baka mapaano yang tuhod mo" sabi ni Mari.

"Okay lang ako hindi naman na siya kumikirot" pag eenganyo ko sa kanila .

Natapos ang laro at nanalo naman kami. Susunod na ang laban nila Dongmin at Louie. Halatang kilala siya ng karamihan dahil may mga cheerleading team pa na nag che-cheer sa kanya.

"Go Dongmin! Go Dongmin! Go go go Dongmin!" sigaw ng mga cheerleader.

Pati kay Louie ay meron ding nag che-cheer.

Habang nanunuod ako sakanila ay pilit kong pinipigilan ang aking emosyon na sumigaw, tumili at tumalon tuwing nag shoshoot si Dongmin.

Pero bigla nalang.

"Ahhhhhhh!" tili ko.

Bigla kasing bumagsak si Dongmin papalapit na sana ako sakanya pero bigla niyang itinaas ang kamay na nagpapahiwatig na ok siya kaya naman hindi na ako lumapit pa.

Nakita ko naman na may mga babaeng nag aabot ng tubig sakanya ng matapos maglaro pero dinaanan niya lang lahat ng ito ng hindi man lamang tinitignan.

Sana isang araw mag karoon ako ng lakas ng loob na lumapit sakanya at mag abot ng tubig at tuwalya sakanya.

"Lei! Lei!" sigaw ni Liz tinatawag niya ko para umalis na at pumunta sa susunod na klase.

下一章