webnovel

Chapter 19: 178 Years Old!?

"Nice to meet you, Andrea." Kahit hinde pa masyadong kilala ni Farrah si Andrea, malaki na agad ang tiwala nya sakanya. Hinde alam ni Farrah kung dahil lang ito sa pagka-fun nya sa mga Fairies or dahil magaan lang talaga ang pakiramdam nya kay Andrea. Napaka ganda ni Andrea at napaka cute pa kaya gustong gusto talaga ni Farrah na yakapin sya. Kaso mabilis umiwas si Andrea, kaya tuwing yayakapin ni Farrah si Andrea, palaging palpak.

"Alam mo Farrah, ayokong niyayakap ako. Kaya layo layo ka muna." Si Andrea dahil ayaw mayakap ni Farrah, lumipad sya papalayo kay Farrah at lumapit sya sa mga Shadows. "Hi, ako nga pala si Andrea. Kayo anong pangalan nyo?" Tanong ni Andrea sa mga Shadow. "Hello, ako nga pala si Shadow 1, at sya si Shadow 2, sya si Shadow 3, sya si Shadow 4, at. sya si Shadow 5." Isa isang tinoro ni Shadow 1 ang mga kasama nyang Shadows.

"Tika, Shadow1,2,3,4,5? Bakit ganyan ang mga pangalan nyo? Yan ba ang binigay sa inyo na pangalan ng magulang nyo at magkakapatid ba kayo?" Tanong ni Andrea. Nagtataka sya kung bakit ganun ang pangalan ng mga Shadows. Ang mga ganun kasing pangalan ay napaka kakaiba para sa mga tao dito at kahit nga sa mga tao doon sa dating mundo ni Farrah.

Kaya natural lang na magulohan si Andrea. "Wala kaming magulang, at kung may pwedi man kaming tawagin na magulang, yun ay si Goddess Farrah." Sabi ni Shadow 1 habang nakatingin kay Farrah. Ang ibang mga Shadows ay sang ayon din dahil ngumiti sila pagkasabi ni Shadows na si Farrah ang pweding maituring nilang magulang.

" Goddess? Tika si Farrah ba ang tinotokoy nyong Goddess Farrah?" Tanong ni Andrea na naguguluhan na talaga ngayun. "Oo sya nga, at sya rin ang gumawa saamin kaya kami buhay nga yun." Sabi ni Shadow 1. Tumingin si Andrea kay Farrah mula ulo hanggang paa pagkarinig nya sa sinabi ni Shadow 1. "Kung ganun edi nanay nyo si Farrah at anak nya kayo?" Tanong ni Andrea na nakahawak na sa ulo nya.

"Masasabi mo na ganun nga." Sabi ni Shadow 1. Si Shadow 1 ang spoke person ng mga Shadows kaya kahit hinde na sila magsalita nasasabi parin ni Shadow 1 ang gusto nilang sabihin. "Pano naman nangyari yun!? Kitang kita na mas bata sa inyo si Farrah at kitang kita na walang ganung pangyayari kung saan ang magulang ang mas bata kaysa sa anak. Lalong lalo na kung tao kayo. Hinde ako naniniwala sa mga sinasabi nyo." Sabi ni Andrea na hinde na talaga alam kung ano ang paniniwalaan nya.

Ayon kasi sa palagay nya, hinde pwedeng mangyari na magluwal ang isang tao ng anak na mas matanda sakanya. Lalong lalo pa kasi si Farrah ay parang 15 o 16 years old palamang. Kung sya nga ang nanganak sa kanila edi dapat sumabog na ang tiyan nya sa sobrang laki ng mga Shadows. "Ok Andrea, ako na ang mag sasagot sa mga tanong mo kasi sigurado ako naguguluhan kana saamin." Si Farrah na kanina ay tahimik at nakikinig lang at pinagtatawanan si Andrea ay nagsalita narin para ipaliwanag sakanya ang nangyayari. Gusto pa sana ni Farrah na makinig kong ano pang mga masasabi ni Andrea kaso gusto nya nang bumili ng damit at magpalit.

Kaya hinde nya na pinatagal pa at ipinaliwanag na kay Andrea kung bakit tinatawag nila si Farrah na Goddess Farrah at kung bakit kakaiba ang mga pangalan ng mga Shadows at ang iba pang mga dahilan. "Ginawa mo sila? Paano naman mangyayari yun? I damit, may mga kakayahan ka na hinde pangkaraniwan sa mga tao pero para makalikha ka ng buhay na nilalang nang hinde ka nanganganak ay parang hinde kapani-paniwala. Buti sana kung isa kang Diyos maniniwala ako pero isa kalang namang tao." Sabi ni Andrea.

"Alam mo Andrea, dito sa mundong ito marami talaga ang mga nangyayaring kababalaghan at mga kakaibang pangyayari. Ang mga kakayahan ko ay aaminin ko, ito ay sadyang makapangyarihan talaga. At ang tao na tulad ko para mag taglay nito ay sadyang kakaibang kakaiba talaga alam ko yun. Wala akong magagawa dito kasi regalo ito saakin." Sabi ni Farrah. "Regalo? Regalo mula kanino? Gusto ko rin syang makilala. Kaya pagkilala mo ako." Madaling sinabi ni Andrea.

Base kasi sa sinabi ni Farrah, ang kapangyarihan nya ay ibinigay sakanya ng isang nilalang na nakatira sa mundo na tinatayoan ni Andrea at Farrah. Ang hinde nya alam, ang nagbigay ng mga kapangyarihan ni Farrah ay si God doon sa langit. Kaya kung gusto syang makilala ni Andrea, kailangan nya munang mamatay or hintayin na kausapin ulit si Farrah ni God para makausap rin sya ni Andrea. "Pasensya na Andrea pero wala sya sa mundong ito. Nasa ibang itaas sya." Sabi ni Farrah habang tinotoro ang langit.

Tumingin din si Andrea sa taas. "Sa taas? Wala naman akong nakikitang tao sa taas ha. Nasaan naman? Pinagloloko mo lang yata ako eh." Sabi ni Andrea. Hinde kasi naintindihan ni Andrea ang ibig sabihin ni Farrah. "Nasa langit sya pero hinde mo sya makikita kasi nasa parang ibang mundo sya. Mas iba pa sa mundo nating ito. Hinde mo sya makikita pero makikita ka nya." Sabi ni Farrah habang nakangiti.

"Hinde ko talaga ma-gets, ipaliwanag mo pa nga Farrah. Ang hirap intindihin eh." Sabi ni Andrea habang kinakamot ang ulo nya dahil gulong gulo na talaga sya. Hinde nya maintindihan kong anong mga sinasabi ni Farrah. "Andrea, ito nalang para madali mong ma-gets. Marami talaga dito sa mundo ang mga dapat at hinde mo pwedeng malaman. For example, tulad ng mga Kapangyarihan ko. Wag monang alamin kong saan ito nanggaling kasi hinde mo rin naman magegets. At saka ilang taon kana pala? "Sabi ni Farrah.

Pansin ni Farrah na simula kanina noong unang pagkakita palang nila sa isa't isa ay parang bata na ang turing ni Andrea kay Farrah. Kaya tinanong ni Farrah si Andrea kung ilang taon na sya. "Pabayaan na nga natin yun. Ilang taon na ako? 178 na ako ngayong taon bakit?" Sabi ni Andrea na parang wala lang. Pagkarinig doon ni Farrah gulat na gulat sya. 178! Napaka tanda na pala ni Andrea. Akala nya nung una mas bata pa sya kaysa sakanya dahil napaka cute nya at kasing laki lang sya ng baby.

Ngayun nya nalang nalaman na matanda na pala si Andrea. Mas matanda pa nga sya sa lolo ng lolo ni Farrah. Kaya dapat ang itawag na ni Farrah dito ay Lolo Andrea. "178 talaga? Hinde ka nagbibiro!? Alam moba na 15 Years Old palang ako. Dapat pala Lola Andrea ang itawag ko sayo." Sabi ni Farrah habang shock na shock. "Hoy bata! Wag mo akong tatawagin na Lola. Aaminin ko midyo matanda na nga ang 178 para sainyong mga tao pero para saaming mga Fairy, parang pang teenager lang ang edad na ito." Sabi ni Andrea na proud na proud pa sa edad nya.

Napaisip tuloy si Farrah. 'Teenager palang para sainyong mga Fairy ang ganyang edad edi kung ganun puno ng mga Lushang at mga Lolo ang lugar nyo'

"Bakit ganyan ka makatingin? Wag mo akong tatawaging Lola tignan mo ang gagawin ko sayo." Sabi ni Andrea pagkakita nya kay Farrah na kakaiba sya kung tignan. Napangiti si Farrah pagkarinig sa sinabi ni Andrea. "Anong gagawin mo sakin sige nga? L. O. L. A. Bleh." Sabi ni Farrah at inilabas nya ang dila nya pagkasabi nya nito. Bigla namang napatakbo si Farrah kasi hinabol sya ni Andrea na may hawak nang stick na pampalo kay Farrah. "Pasaway kang bata ka, hinde ka marunong sumunod sa mga nakakatanda sayo!" Sigaw ni Andrea habang hinahabol si Farrah.

"Hahahah, edi inamin mo din na lola ka!" Grabi na ang tawa ni Farrah habang tumatakbo sya at si Andrea naman ay galit na galit na. Sigurado pag nahabol ni Andrea si Farrah makakatikim ito ng ilang palo sa puwet nya. Ang mga Shadows naman imbes na pigilan si Andrea sa paghabol kay Farrah ay nakatayo lang at pinapanood silang mag habolan. Alam naman kasi nila na magkaibigan na ang dalawa kaya wala na silang dapat alalahanin pa. At saka kahit hinde naman sila gumalaw sa pwesto nila, kayang kaya naman ni Farrah na ipag tanggol ang sarili nya.

Mas makapangyarihan sya kaysa sa mga Shadows kaya natural lang ito at saka sya rin ang gumawa sa Shadows so hinde talaga maikakaila na kahit wala ang tulong nila, kayang kaya parin na pagbasakin ni Farrah lahat ng kalaban nya. Kahit gaano paman ito kalakas. May mas lalakas pa ba sa Goddess nila? Syempre wala. Yun ang iniisip ng mga Shadows ngayun kaya kalmado lang sila. Nakikita naman nilang natutuwa si Farrah kaya natutuwa narin sila. Bata parin naman kasi si Farrah kaya natural lang na kailangan nya rin magkasaya paminsan minsan.

Pagkalipas ng isang oras na paghahabolan ni Farrah at Andrea, nahuli narin ni Andrea si Farrah at pinapalo na ito. Imbes na masaktan si Farrah nakangiti pa ito. Nilagyan nya kasi ng anino ang boong likoran nya at pinatigas nya ito ng napaka grabi kaya kahit anong palo ni Andrea wala syang maramdaman na sakit. "Ang daya mo Farrah, alisin mo yang anino na nakabalot sayo para mapalo kita." Sabi ni Andrea sa pinapalo nyang si Farrah. "Ano ako baliw, ayoko nga. Blehh." Hinde talaga mapigilan ni Farrah ang saya nya ngaun. Simula noong unang pagpunta nya dito sa mundong ito, ito palang ang unang beses na sumaya sya ng ganito.

Dahil hinde naman nasasaktan sa mga palo nya kay Farrah, tinigil nya nalang ang pag palo sakanya. "Woohhh, ang saya naman ng araw na ito, tara Lo.. i mean Andrea. Bibili tayo ng damit. Gusto kona kasing palitan ang soot ko." Sabi ni Farrah habang pinapakita ang sira sira nyang damit. "Tika, damit? Wag kanang bumili, ako nalang ang gagawa para sayo. Hinde moba alam na magagaling ang mga Fairies sa pag gawa ng damit. Kaya mag tiwala kanalang sakin. Matagal na akong gumagawa ng damit kaya easy lang yan para sakin." Sabi ni Andrea, kinindatan nya pa si Farrah pagkasabi nito.

"Maraming experience. Syempre sa tanda mong yan natural na yun." Pabulong na sinabi ni Farrah. "Anong sabi mo Farrah? Parang may narinig ako na hinde maganda." Sabi ni Andrea habang tinitignan si Farrah. "Huh ako? May sinabi? Wala naman akong sinasabi ha. Baka ang mga Shadows. Diba nag uusap kayo kanina. Diba?" Sabi ni Farrah. Ang mga Shadows naman dahil malalakas ang mga pangrinig nila ay malinaw na malinaw ang narinig nila na sinabi ni Farrah pero dahil sinabi ng Goddess nila na sabihin nilang nag uusap sila kanina. Wala silang magagawa kaya umoo nalang sila.

"Ahhh ganun. Akala ko may sinasabi ka Farrah." Hinde pari naniniwala si Andrea. "Wala, ay naku guniguni mo lang yun sigurado hehe. Tara itotoro ko kung saan ako nakatira."

下一章