webnovel

Prologue

Napakasarap pakinggan ang hampas ng alon sa ibaba habang idinuduyan ng malakas na hangin ang aking buhok. Nakangiti ako nang sobrang lapad habang diretso ang tingin sa taong tinututukan ko ng baril.

Sa wakas ay nagpang-abot din kami. Umaga pa lang ay minanmanan ko na siya at lahat ng kilos niya inalam ko. Pero, ngayon na ang takdang oras para harapin niya ang kaniyang katapusan. Hindi niya naisip na ang pagpunta niya sa lugar na 'to para sana makalanghap ng sariwang hangin ang dahilan ng kaniyang kamatayan.

Nasa tuktok kami ng isang matarik na bundok at kaunting hakbang na lang paatras ay haharapin na niya ang impyerno, ang lugar kung saan dati pa ay dapat niya nang tinitirhan. Sobra na ang galak na nararamdaman ko ngayon habang iniisip siyang mahuhulog at sasabay sa malakas na agos ng tubig, at kinabukasan ay ganap nang isang malamig na bangkay.

Hindi maitsura ang mukha niya habang nakalapat ang dalawang kamay na animo'y nagmamakaawa na huwag kong iputok ang baril. "What have...I done to you, Kid?" tanong nito na halata sa boses ang panginginig. Natawa tuloy ako agad dahilan para mas lalo siyang magtaka.

Mariin ko siyang tinitigan habang nabura na ang ngiti sa labi ko, "I've waited for this moment to come, about a year ago," panimula ko. Nakakunot lang ang noo niya habang pinapakinggan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko. "You're lucky enough that I spare your life for a year and let you experience a fancy-free life. You don't deserve it, honestly, but it's how I played with my prey," mas lalo siyang nagtaka sa mga binitawan kong salita. Mukhang hindi pa rin naaalala nitong Kano na ito ang karumaldumal na ginawa niya noon.

"Kid, I don't understand what you're trying to say, but please, end this sh*t!" saad niya, pero itinutok ko lang sa ulo niya ang baril dahilan para mapahakbang ito ng isang beses patalikod. Mas lalo lang akong natuwa sa ginawa niya.

"Are you now afraid, Mr. Johnson?" tanong ko. Bakas ang gulat sa mukha niya nang banggitin ko ang kaniyang apelyido.

Pinilit niyang ngumiti kahit halata namang takot na takot na siya sa nangyayari, "w-why would I? You're so small, you're too young. I'm just so scared that you suddenly appeared, holding a gun and now, you're pointing it at me!" hindi niya na napagilang mapasigaw, pero natawa lang ako sa ginawa niya.

"If you hardly can remember why I showed up, then I'll help you," sabi ko at ikinasang muli ang hawak kong baril dahilan ng sunod-sunod niyang paglunok. "One year ago, my best friend died together with her parents in their own home, and I saw that sh*t tragedy with my two naked eyes," ikinalma ko ang sarili nang muntik ko nang iputok ang baril. Labis ang galit na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang araw na 'yon, "the criminal wasn't arrested. He destroyed all the CCTV cameras so no one can find him. But, he's wrong, definitely wrong because I was there, hiding from behind. And after that day onwards, I promised myself that he'll pay the sh*t he did," umaapoy na 'yong mga mata ko at gustong-gusto ko na siyang paulanan ng bala, pero kinakailangan niya munang makonsensya.

"I did the right thing, Kid," nakangising aniya. Mukhang gusto niya pang ipagmayabang ang krimeng ginawa niya! "Mr. Anderson and his family deserved it! They all belong to hell and they need to meet Satan! And, I'd just help them! Mr. Anderson doesn't have a heart. I just stole money in the company because he's not giving me the right salary I must have, but what does he do?! He fired me and he had blocked me in all the job I tried to enter! That is why he deserved to die! They all deserve-" napatigil siya sa pagsasalita nang iputok ko sa lupa ang baril.

"FOR A SH*T LAME REASON YOU KILLED THEM. YOU KILLED THEM WITH NO MERCY AT ALL!" muli kong itinutok sa kaniya ang baril, "THEY DESERVE THE JUSTICE AND YOU'RE THE ONE THAT SATAN HAS BEEN WAITING TO MEET!" ilang beses ko'ng kinasa ang baril at walang awa siyang pinaulanan ng bala. Kung saan-saang parte ng katawan niya tumama ang mga balang pinakawalan ko. Hindi ako naaawa sa kaniya, bagkus natutuwa ako sa ginagawa ko.

Nang makita siyang nakahandusay habang naliligo sa sariling dugo ay napasigaw na lamang ako sa tuwa.

'Ito na Jane, nagawa ko na 'yong pangako ko. Nawa'y maging masaya na kayo. Sana sa muli mong pagbisita sa panaginip ko ay nakangiti ka na at hindi na puro hustisya ang bukambibig mo.'

Muli akong napatingin sa lalaking wala ng buhay. Lumapit ako sa kaniya at saka ako napangisi. Isang hamak na bata lamang ako, pero nagawa ko siyang pagulungin hanggang sa sumabay ang patay niya nang katawan sa agos ng tubig. Ilang segundo lang ay narinig ko na ang malakas na pagbagsak.

Sinira ko ang baril at saka inihulog sa rumaragasang tubig. Tinanggal ko ang suot kong gloves at kumuha ng lighter saka ko 'yon sinunog. Bumaba na rin ako agad ng bundok at ilang minuto ang makalipas ay nasa sasakyan na'ko.

"That will be the last, Finna. Then, you can now stop," ang sabi ng aking nakakatandang kapatid saka niya pinaandar ang sasakyan.

***

Ako si Finna Joy, namulat sa mundo kung saan ang pamilya ko ay may hawak na iba't ibang armas at tagaprotekta ng mga taong may matataas na antas. Sa murang edad ay hindi ko na mabilang ang mga demonyong kriminal na napatay ko. Ilang beses na akong ipinatigil ng aking mga magulang noon, pero gusto kong tumulong sa mga taong walang awang pinatay ng mga demonyong nabubuhay sa mundo.

Labing-isang taon na ang lumipas, pitong taon ako nang huli akong pumatay, pero nang mapunta ako sa Pilipinas ay doon na nagbago ang buhay ko...

....mas naging nakakatakot ako.

下一章