webnovel

07: The Living Dead

Habang naglalakad ako sa hallway ay pinipigilan ko ang aking sarili na huwag umiyak. It's hurts. It is fucking damn hurt. It feels like my heart will break any moment. Its beating is like a knives that keeps on pressing and stabbing my chest.

Binuksan ko ang aking silid at nakita ko si Feira na nakatingin sa mga pictures frame ko. Hawak niya ang isang picture frame ko kaya agad akong lumapit sa kaniya at hinablot ko ito. I glared at her and she was just shocked.

I put back my picture before i speak to her.

"Don't touch anything inside my room." Malamig kong sabi sa kaniya.

"Napaka-cute mo pala noong baby kapa, Ced" nakangiti niyang komento sa larawan ko pero hindi ako umimik. I remain silent and walk away.

"A-ayos ka lang ba, Ced?" She asked but i didn't respond. I walked outside and stood up on the veranda. I stared to the forest from afar, next to it, is the cemetery. A cemetery where are all unlucky things happened to me.

First, I accidentally married a dead woman. Second, I lost my love of my life.

If i didn't go there. Jemea would not marry anyone else. I hate this. I hate what's happening right now.

Feira just appeared on my right side, staring at me. I can see her from my peripheral vision, smiling at me.

"Nakausap mo na mga magulang mo? Pwede ko na ba silang makilala?" Ngiting tanong niya.

Hinarap ko siya at nagsalita.

"You know what, never mind that. What do you expect? They will accept you as their in-law? Look at yourself. You're dead. You lo--"putol kong sabi dahil nakita kong nalungkot ang kaniyang mukha at parang iiyak na ata.

"G-ganon ba? Naiintindihan ko, Ced." Kanina lang ay malungkot ang mukha niya, ngayon ay nakangiti na ulit siya, or she is just trying to make a smile. But it looks like, she's not faking or forcing it. It is not fake, its a real and genuine smile.

How can she manage to smile like that? I already acted so rude and cold to her.

"Pwede ako makahingi ng tulong kay tanda. Hihingi ako ng potion para mag-mumukha akong tao. Patay parin ako, malamig at walang pintig ang puso pero sayo parang tumitibok ito. Baka dulot lang siguro sa sobrang tuwa dahil may asawa na ako. Which is you." Nakangiting wika niya.

"Asawa ko, kung iyan ang nagpapabagabag sayo, huwag ka nang mag-alala. Ngumiti ka na. Mas lalo kang gagwapo pag ngingiti ka."dagdag niyang sabi. Still wearing her smile.

"Stop smiling to me. Your smile starting to make me annoy!" Inis kong sabi at naglakad palabas sa silid ko. Iniwan ko siya don sa veranda.

Tss. Bwesit!

******

Bumalik ako sa mundo ng mga patay. Habang naglalakad pabalik sa lagusan ay naiisip ko si Ced, ang aking asawa. Alam kong may iniisip siya. Alam ko na may problema siya.

Gusto ko na makitang masaya si Ced dahil pinasaya niya rin ang tulad ko. Kung ano ang gusto niya, gagawin ko. Siya lang ang kaisa-isang nilalang na nagpakasal sa akin. Siya lang ang tumupad sa pangarap ko.

Nakasalubong ko si Lucio habang naglalakad ako papunta kay Tanda.

"Bakit bumalik ka rito? Iniwan ka na ba ng lalaking iyon?" Tanong ni Lucio sabay pumatong sa balikat ko.

"Hindi no. Hindi ako iiwan ni Ced. Nandito ako para kay Tanda. Hihingi ako ng tulong sa kaniya."sabi ko.

"Ano naman iyon?"

"Basta" sabi ko nalang at pumasok sa bahay ni Tanda.

"Tanda?" Sigaw ko sa pangalan niya habang hinahanap ko kung nasaan siya.

"Nandito ako. Ba't bumalik ka?."sabi niya sabay lumutang sa ere na may dalang aklat.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, Feira?" Tanong niya.

Iniikotan niya ako at sinusundan ko lang siya ng tingin. Nahilo ako sa pag-ikot niya sa akin at nabangga sa mga libro na nakaayos.

Nagkaroon ng ingay dahil sa pagbagsak ng mga libro na naka-pile na patayo.

Natamaan ako ng ilang libro sa ulo.

"Aray ko naman. Sa ulo pa talaga tumama." Reklamo ko sabay himas sa ulo at braso ko dahil sa pagbangga ko sa mga nakapile na pataas ng mga luma at maalikabok na libro ni Tanda.

"Buti nakalipad ako agad."sabi ni Lucio at pumatong kay Tanda.

Narinig kong tumawa ang Tanda kaya ngumuso lang ako.

"Tumayo ka na diyan."utos niya at dahan-dahan akong tumayo.

"Ta--" putol kong sabi dahil inilagay niya ang kaniyang hintuturo sa aking labi.

"Alam ko ang nais mong sabihin at kung bakit ka naparito." Sabi niya.

"Alam niyo pala eh tinanong niyo pa ako kanina." Sabi ko.

"Gusto mo maging mukhang tao?" Tanong niya at agad akong tumango.

"Opo! Gustong-gusto ko po. Para rin naman ito kay Ced eh. Gusto ko na hindi na siya malungkot." Sabi ko at tumango-tango lang si Tanda sabay talikod sa akin at pumunta sa isang silid kung nasaan niya siguro ginagawa ang mga spells niya.

Lumabas siya na may bitbit na maliit na botelya na may lamang kulay pula na likido.

"Ito Feira. Kailangan mo lang itong inumin. Magkakaroon ka ng laman. Mawawala ang mga sugat mo ngunit patay ka parin. Isang malamig at walang pintig. Sapagkat ang likidong ito ay tatalab hanggang 100 araw lamang. Pagkatapos non ay babalik ka sa tunay mong anyo.Ngunit Feira, hanggang dalawang araw ka lang don. Paano kong malaman ito ng nakakataas. Maaari ka pa hindi makapunta sa langit." Paliwanag niya. Kita sa mukha niya na nag-aalala siya sa akin. Pero handa kong harapin ang anumang parusa basta makasama at mapasaya ko lang si Ced.

"Tanda, apat na taon na akong narito. Parang kahapon nga lang na namatay ako. Hindi pa ako matawag-tawag. Hindi ko alam kung bakit. May parte sa sarili ko na hindi gustong kumiwala sa akin. Gusto kong malaman bakit humantong ako sa ganito. Lahat ng mga patay rito, alam nila ang rason kung bakit sila namatay. Naalala nila kung paano, kailan at saan sila namatay. Ako? Ni isang detalye wala akong mahalungkat sa isipan ko. Wala akong maalala. Baka nasa mundo nila ang sagot."

"Kaya hindi ka matawag-tawag dahil may gusto ka pang gawin. Katulad ng makaranas na magkaroon ng asawa at malaman ang dahilan kung bakit ka pinatay. Kung pakakawalan mo ang lahat ng ninanais mo at tanggapin na hanggang diyan ka nalang."

"Hindi po ako papayag. Baka ako matawag sa taas. Gusto ko po muna maranasan ang magkaroon ng asawa."

Bumuntong-hininga ang matanda at tumango-tango.

"Sige, pagbibigyan kita Feira. 100 na araw ka lang sa taas. Kapag hindi mo pa nahanap ang sagot sa lahat ng katanungan na tumatakbo sa isip mo, wala na akong magagawa. Kailangan kang bumalik. Hindi ka para don. Sana sapat na iyon para sumaya ka kahit sandali na may asawa. Yan lang ba ang nais mo?

"Ayos na po ito, Tanda. Kahit isang linggo ay ayos na nga sa akin. Maranasan ko lang maging tao ulit. Isang daang araw ay sobra na po sa akin. Magagawa ko na ang mga gusto ko na hindi kinatatakotan ng mga buhay. Magagawa ko na lahat ng mga gusto ko. Syempre, hindi lang ako nag-iisa kasama na si Ced sa mga gusto kong gawin. Sigurado rin ako na mahahanap ko rin ang nawawala kong sarili" Masaya kong sabi.

"Masaya ako dahil nakatulong ako sa iyo. Hindi ko nais na sirain ang isang masayahing tulad mo na sa wakas ay naranasang ng magkaroon ng asawa." Sabi niya at napatalon-talon ako dahil sa sobrang saya. Hinawakan ko ng mahigpit ang potion saka niyakap si Tanda.

"Maraming Salamt po, Tanda."

"Walang anuman."

"Sige po. Aalis na po ako." Pagpapaalam ko at ngumiti lang siya sa akin.

"Masayang-masaya ka ah?" Sabi ni Lucio at pumatong sa balikat ko. Kakalabas lang namin sa bahay ni Tanda

"Syempre naman. Sino bang hindi sasaya sa ganitong sitwasyon?. Ang swerte ko talaga. May asawa na ako, magiging itsurang buhay pa ako."

"Sana permanente iyan."walang kwentang sabi ni Lucio.

"Nakakainis kang uwak ka. Ano ka ba naman eh! Ang nega mo sa akin ngayon ah!" Nagtatampo kong sabi.

"Alis ka sa balikat ko." Dagdag kong sabi.

"Wala lang kasi akong tiwala sa buhay na iyon. Parang may mali kasi eh." Sabi ni Lucio. Kinunotan ko siya ng noo.

"Anong mali?" Tanong ko.

"Hays ewan! Basta mag-iingat ka lagi ha?"

"Oo. Alam ko." Nakangiti kong sabi.

Nasa lagusan na ako. Pumasok na ako sa loob ngunit bago iyon ay nagpa-alam na ako kay Lucio. Sasama sana siya sa akin kaso may gagawin pa raw siya.

Nasa sementeryo na ako. Ginamit ko ang aking kapangyarihan at nagteleport sa lugar ni Ced.

Pagbuka ko sa aking mga mata ay nasa silid na ako ni Ced pero wala parin siya sa silid niya.

Dumidilim na rin ngunit wala parin siya rito.

Takot naman akong lumabas dahil baka may makakita sa akin. Gusto ko na si Ced mismo ang magpapakilala sa akin sa kanila. Ayaw ko naman na magbigla ang mga buhay na narito.

Dito nalang ako at hihintayin siya. Tinignan ko ang Potion at binuksan ito. Dahan-dahan ko itong nilapit sa bibig ko at ininom ang pulang likido na nasa loob.

Nababalutan ako ng pulang usok. Pagkawala ng usok, agad kong pinagmasdan ang sarili ko. Hindi na kalansay ang kamay at paa ko. May laman na ako. Wala narin ang mga butas na nasa tiyan ko. Napahagikhik ako sa tuwa at tumalon-talon. Tili lang ako ng tili.

"Yehey! Mukhang tao na ako. Woah! May itsura pala ako. Ang ganda mo, Feira!" nakangiting sabi ko habang nakatayo kaharap ang whole body na salamin.

"Excited na ako na makita ako ni Ced."

'Alam ko na matutuwa siya.'

Sana.

下一章