webnovel

3rd Grading

Ilang linggo na rin simula noong maging kami ni Shelley at simula noon ay napansin ko ang pagbabago sa kanya. Noong umpisa ay ayos naman sya, pero palagi na syang tahimik at hindi na sya tulad ng dati. Palagi syang tulala sa klase at hindi gaanong nakikihalubilo sa klase. Ang dating attendance nga na noon ay walang kulang, ngayon ay hindi na. Dahil tatlong araw na syang hindi pumapasok. Ngayon ang ikatlong araw. Hindi ko maintindihan.

Nang matapos ang klase namin kay Sir Toledo ay pinaiwan nya ako. May dapat daw kaming pagusapan.

"Bakit po Sir?" Tanong ko agad.

"Tungkol kay Shelley. Ikaw ang nasisiguro ko na dapat kong kausapin." Napabuntong hininga si Sir. Tila malalim talaga ang iniisip.

"Ano po iyon Sir?" May ideya ako sa gustong pagusapan ni Sir. Pero pinili ko na lang ang magtanong kaysa pangunahan si Sir.

"Napapansin kasi namin ng iba nyo pang mga guro na palaging wala sa sarili si Shelley. Tahimik at hindi tulad noon na palaging attentive sa klase. Nagaalala rin kami dahil sunod sunod ang pagliban nya. Nasa ikatlong markahan na tayo. Kaya dapat ay mas nagiigi pa sya. Kausapin mo sana sya Matt at kung kailangan nyo o nya ng tulong ay wag kang mahiyang lumapit sakin." sabi ni Sir sabay tapik sa balikat ko.

"Sige po Sir kapag pumasok na po sya kakausapin ko po!" Sabi ko

Sobrang nagaalala na ako kay Shelley

Tinatawagan ko sya pero laging walang sumasagot minsan pinapatay pa. Kinakabahan din ako at baka may nangyayaring masama sa kanya. O di kaya ay ayaw na nya sakin.

Umuwi ako sa bahay ng malungkot at walang ibang iniisip ng gabing iyon kung hindi ay sana pumasok na sya bukas. Dahil nasasabik na talaga akong makita sya.

Kinabukasan

Wala akong ganang pumasok. Dumaan din ako sa kanto nila at naghintay pero wala sya. Ayoko naman pumunta sa mismong bahay nila na walang pasabi.

"Matt, pumasok na si Shelley. Kausap ngayon ni Sir sa office."

Tumango lang ako kay Chase at wala ng sinayang na oras at nilapag agad ang bag ko at agad na pumunta sa office ni Sir.

Kumatok ako at binuksan ang pinto. Nandoon si Shelley ko, nakaupo at mukhang namayat.

"Oh Mr Cameron have a sit" Doon ako napansin ni Shelley. Nang lumingon sya ay nadurog ang puso ko. Maganda pa rin sya ngunit halata ang pamamayat nya. Malalim at maitim rin ang ilalim ng mata nito. Ang dating mapupulang labi ay namumutla. Ang dating masayahing mukha ni Shelley ay ngayon ay walang saya.

"Shelley, gaya nga ng sinasabi ko. Marami ka ng hindi nakukuhang maiksing pagsusulit. Maiiksi man ito ay makakaapekto ito sa standing at mga marka mo. Ang attendance mo rin ay hindi na maayos. May problema ba hija?" Tanong ni Sir

Tahimik lang si Shelley at imbis na sumagot ay umiyak ito. Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya mula sa gilid nya.

"Sir ako na lang ho magtatanong" sabi ko nakayakap parin si Shelley sakin habang palabas kami ng office ni Sir. Dinala ko sya sa library kung saan kami laging tumatambay

"Shelley tahan na!" Sabi ko medyo at tumahan naman sya

"Ano bang problema shelley? Bakit ka ba nagkakaganyan? Nagaalala ako ng sobra sayo"tanong ko sa kanya pero sya umiyak lang ulit. Napakasakit makita syang nasasaktan at mukhang walang pagasa. Masakit din sa parte ko na parang wala akong magawa para tulungan sya.

Yayakapin ko na sya pero tumakbo sya palayo sakin kaya hinabol ko na sya. Tumigil sya sa dulo ng pasilyo.

"Shelley naman...Kung hindi ka handang sabihn maghihintay akong sabihin mo" sabi ko ng mahabol ko sya at niyakap. Hindi na sya nagpumiglas at tmango lang sya. Pinunsmasan ko yung luhang bumabagsak sa mata nya. Dahil masyadong masakit makita syang umiiyak. "Narito lang ako Shelley. Narito lang ako mahal ko." nakayakap lang ako sa kanya hangganga sa tumahan at kumalma sya. Inaya na rin nya akong pumasok sa klase.

Ngunit ng nasa klase kami ay wala syang imik. Hindi na yung tulad dati na kapag nagpapakitang gilas ako sa klase ay todo ngiti sya. Dahil ngayon ay alam kong peke ang ngiti na ginagawad nya sakin.

Natapos ang araw na iyon at ihahatid ko na si Shelley pauwi. Palabas na kami ng paaralan kaya hahawakan ko na sana ang kamay nya ngunit aksidenteng natamaan ko ang bewang nya

"Aray.." daing nya. Kitang kita sa mukha nya ang sakit na nararamdamn.

"Bakit? Sorry hindi ko sinasadya. Saan ang masakit?" Hindi ako mapakali. Ano ba ang nangyayari Shelley.

Mapakla syang ngumiti sakin at hinawakan ang kamay ko. Namiss ko ang paghawak nya sa kamay ko. Gustong gusto ko ang pakiramdam na malapit sya sakin. Gustong gusto ko ang pakiramdam na nasa tabi ko sya at kaya ko syang hawakan at hagkan. Gustong gusto ko yung pakiramdam na alam kong akin sya at ako ay sa kanya.

"Okay lang tara na uwi na tayo" hinatak nya ako at napansin ko ang braso nya at dahil maputi sya kitang kita yun.

"Shelley bakit may pasa ka sa braso?" Tanong ko at mukhang nagulat sya kaya umiwas sya ng tingin.

"Wala to! Nabangga lang kanina Tara na.nagugutom ako" sabi nya at nagiwas ng tingin. Ano ba ang tinatago mo Shelley?

"Tara kain ulit tayo sa mamihan!" Sabi ko tumango sya at ngumiti

Kumain kami doon. Kahit papaano ay nagbalik ang Shelley na nakilala ko. Nakangiti at masiyahin. Panay ang kwento ko sa kanya kung paano ako noon nago ko sya nakilala.

Alasyete na ng gabi kaya naisipan kong ayain na syang umuwi.

"Gabi na Shelley. Ihahatid na kita. Ayokong gabihin ka pauwi." Sabi ko sa kanya. Pero pinigilan nya ako sa pagtayo.

"Mamaya mo na ako ihatid" sabi nya

"Ganoon ba? Oo nga pala. Gusto sana kitang ipakilala sa mga magulang ko." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Matt kinakabahan ako eh!" Sabi nya. Halatang halata sa mukha nya na kinakabahan sya. Ang kaninang maputla na nyang mukha ay mas lalong namutla.

"Okay lang yun" tumango naman sya. Nasisiguro ko naman na mabait ang magulang ko at magugustuhan sya. Ang ganda at ang bait kaya ni Shelley. Kaya walang rason para hindi sya magustuhan nila papa at mama.

Magkahawak kamay kami habang bumabyahe pauwi sa bahay namin. Hindi ko binibitawan ang kamay nya. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng takot na kapag binitawan ko ang kamay nya ay mawawala sya sakin.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay humigpit yung kapit nya sakin. Ang cute pa rin ni Shelley.

"MAMA PAPA" sigaw ko ng makapasok kami sa sala. Siguro ay nasa hapag kainan sila mama at papa. Baka nagluluto ng pagkain.

"Makasigaw naman itong batang to" si Papa sa mapangasar na tono. At ng makita nya kami ni Shelley ay may mapangasar na syang tingin at ngiti sakin. Kahit kailan talaga si Papa.

"Oh May kasama ka pala!" Si Mama. Ngumiti sakin si Mama at si Papa naman ay pasimpleng sumipol.

"Ma si Shelley po Girlfriend ko!" Sabi ko. Natatawang tumingin si Papa kay Mama bago humarap kay Shelley.

"Aba sya ba yung inpirasyon na sinasabi mo??" Si Mama. Sarili nyang anak nilalalaglag nya.

"Mama naman eh!" sabi ko

"Good Evening po.Shelley Catherine Garlet po!" Sabi ni Shelley

"Sige tara kain muna kayo" si Mama

"Ma kumain na kami eh sige akyat lang kami..Tambay muna kami sa bubong" sabi ko at umakyat kami.

Kahit nahihiya si Shelley ay pinilit ko sya.

Inilapag ko lang bag ko sa kwarto at dumiretso sa bubong. Ang bahay kasi namin ay may dalawang palapag. Ngunit hindi kasing lawak ng unang palapag ang ikalawa. Kaya may espasyo doon na bubong at doon ko hilig tumambay kapag gabi at wala akong ginagawa.

"Dito tayo Shelley." Inalalayan ko sya ng pumasok sya. Naglatag ako ng kumot na madalas kong ginagamit. At nahiga doon.

Bahagya akong nagulat ng hatakin ni Shelley ang kaliwang braso ko at humiga sa tabi ko habang gamit na unan ang braso ko. Yumakap sya sakin ng mahigpit. Ito ang gusto ko. Ang narito si Shelley sa tabi ko, nakayakap sakin. Ang alam kong mahal ako ni Shelley at ganon din ako.

"Namiss kita ng sobra Mahal ko." bulong ko sa kanya at hinalikan ang noo nya.

"Matt mahal kita!" bulong nya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at ngumiti sa kanya.

"Mas Mahal kita! Kaya Shelley kung may problema ka sabihin mo lang ah!" Sabi ko umupo sya kaya umupo din ako pero umiiyak nanaman sya.

"Oh bakit ka umiiyak tahan ka na!" Sabi ko at niyakap sya kaya niyakap nya rin ako pabalik

"Sorry....Wala namang problema eh masaya lang akong nakilala kita" sabi nya kaya hinalikan ko sya sa pisngi.

"Narito lang ako kapag may problema ka!" Tumango sya. Hinawakan nya ako sa pisngi at hinalikan ako sa labi. Tinugon ko iyon ng may pananabik.

Mahal na mahal ko talaga si Shelley.

"Mahal na mahal kita Shelley!" Sabi ko sa pagitan ng halik na ginawa namin.

"Mas mahal kita Mahal na mahal na mahal kita" sabi nya

Nakatulog si Shelley kaya di ko alam kung gigisinging ko ba sya o hindi dahil mukhang pagod na pagod sya at ang payapa ng itsura nya. Ang sarap titigan ni Shelley. Napaka inosente ng kanyang mukha at kahit natutulog ay maganda pa rin sya. Si Shelley ang unang babaeng kinahumalingan ko. Ang unang babaeng minahal at minamahal ko. Sya rin ang unang babaeng nagparamdam sakin ng kakaibang saya. Yung tipong ang saya sa tuwing may nasasagot ako sa pagsusulit. Sya rin yung babaeng ayoko ng pakawalan pa. At kung pagbibigyan ng tadhana at ng Dyos, gusto kong si Shelley na ang panghabang buhay. Ang makakasama ko sa habang nabubuhay ako. Ang mamahalin ko hanggang sa maubos ang hininga ko. Gusto kong sya ang maging ina ng mga magiging anak ko. Gusto kong sya ang magiging inspirasyon ko para mabuhay. Gusto kong sya ang mga iyon. Wala akong sasayangin. Wala. Dahil mahal na mahal ko sya.

Natigil ako sa pagiisio kung gaano ko sya kamahal ng napansin kong mahimbing na mahimbing na ang tulog nya. Kaya dahan dahan ko syang binuhat at maingat na pinasok ko sya sa kwarto ko at inihiga sa kama ko natulog na lang ako sa couch.

Kinabukasan

Nagising akong may kumot napatingin ako sa kama wala na si Shelley.

Pero may papel sa lamesa ko

Matt,

Alam kong nagaalala ka na sakin. Okay lang ako walang problema Matt. Mahal na Mahal kita sobra pa! Nagpapasalamat akong nakilala kita yun lang. Umuwi na ako wag kang magalala. Basta mag promise ka na magaaral kang mabuti maging masaya ka Para sakin ha!

I love you Matt

-shelley

Hindi ko alam halong saya at lungkot ang nararamdaman ko. Hindi ko maisip ng maayos kung anong gusto nyang sabihin. Nagayos na ako at bumaba para magagahan at makapasok na.

"Oh nauwi na si Shelley hindi mo manlang hinatid" si Mama

"Ahhh okay!" Yun lang ang nasabi ko. Wala ako sa huwisyo para pagusapan ang mga nangyayari. Dahil masyadong abala ang utak ko sa pagiisip.

Pumasok na ako pero wala parin si Shelley. Nagdaan ang exam week pero hindi sya pumasok.

Tinawagan ko sya pero wala parin. Araw araw pagkagising na pagkagising ko pinapadalhan ko agad sya ng mensahe. Sa tuwing tanghalian, hapunan, at gabi ay hindi ko rin nakakaligtaan padalhan sya ng mensahe. Hindi ko nakakalimutan na paalalahan sya na mahal na mahal ko sya at narito lang ako kung kailangan nya ng karamay.

Makalipas isang linggo

Hindi pa rin pumapasok si Shelley.

Kuhaan na ng report card at sakin binigay ni Sir yung card ni Shelley at gaya ng inaasahan ko ay bumaba talaga ang grades nya may line of 7 na sya.

Nagaalala na ako ng sobra sa kanya. Paulit ulit ko syang tinatawagan pero walang sumasagot sa tawag ko sobrang nagaalala ako hindi ko naman alam kung saan sya nakatira ano na bang gagawin ko.

Nang makauwi ako ay diretso lang ako sa kwarto at pinagmamasdan ang larawan ni Shelley at ang sulat na iniwan nya. Hindi ko maintindihan si Shelley. Ano bang nangyayari sa kanya?

Hindi ko rin maintindihan kung nagkulang ba ako ng paalala sa kanya na narito lang ako palagi, na mahal na mahal ko sya.

Hindi ko tuloy maiwasan kwestyunin ang sarili ko. Nagkulang ba ako? hindi ba sya nagtitiwala sakin?

Pero sabi nya mahal na mahal nya ako. Bakit ganito?

下一章