Kasalukuyang nakakaramdam ng matinding panghihina ang buong katawan ni Caitlin. Nanunuyot na din ang lalamunan niya. Hindi niya magawang ibuka ang bibig at subukang magsalita. Animo'y hinihigop ang natitira niyang lakas na kahit simpleng pagdilat ng kanyang mga mata ay hindi niya magawa. Napaungol si Caitlin.
"Lee-Lee? Gising ka na ba?" biglang nanghihinang tanong ng boses mula sa gilid niya. Hindi makasagot si Caitlin. Namamangka pa rin kasi ang diwa niya.
"Lee-Lee! Gising! Bilis!" mariing muling tawag ng boses sa may gilid niya. Sa pagkakataong iyon hindi na nakaligtas sa pandinig ni Caitlin ang nakalakip na matinding pagkabahala sa boses nito.
Lee-Lee? Ulit niya sa sarili. Parang may invisible force na sumipa sa diwa ni Caitlin na awtomatikong nakapagpadilat sa kanya at nakapagpabalik din sa ulirat niya. Ngayon lang niya napagtanto kung kaninong boses ang tumatawag sa kanya. Sinubukan ni Caitlin na igalaw ang ulo niya para silipin ang kaibigan niyang si Luce pero parang lantang gulay na bumagsak ang ulo niya sa matigas na sementong kinahihigaan niya.
Caitlin hissed in pain. Bakit ba kasi hindi niya magalaw ang katawan niya?
"Lee-Lee? Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Luce.
"Err...I don't think so" namamaos na tugon naman niya. Sa wakas kahit papaano gumagana na ang vocal chords niya. Dahil hindi pa din niya maigalaw ang kanyang ulo at nanatiling nanghihina ang buong katawan niya minabuti na lamang ni Caitlin na itutok ang tingin sa itaas. Nagbabaka-sakali na may makita siyang makapagbibigay sa kanya ng impormsayon kung nasaan sila ngayon. Sumalubong sa paningin ni Caitlin ang isang dome like ceiling na puno ng sangkatutak na kandila na lumulutang sa may ere. Napakurap si Caitlin.
LUMULUTANG??!!!
"Luce?" nag-aalangang tawag ni Caitlin sa kaibigan habang nananatiling napagkit ang tingin niya sa mga lumulutang na kandila. Pati ba utak niya na alog na rin?
"Alam ko Lee-Lee. Hindi ka nagha-hallucinate. Talagang may mga lumulutang na kandila ngayon sa itaas natin. Anyway, hi—"
"Seryoso?" disoriented na tanong niya ulit sa kaibigan
"Lee-Lee. Alam kong para akong baliw sa sasabihin ko pero—"
"Aside from the fact na may lumulutang na mga kandila sa paningin ko?" agad na sansala ni Caitlin kay Luce.
"Yeah. Sa tingin ko mild pa lang ngayon ang nakikita mo. Teka nga lang—saglit itong natigilan na animo'y may na-realize bago muling umarangkada ang nag-hihisterikal na nitong boses--mas may malaki tayong problema kaysa sa mga lumulutang na kandila" frustrated ng bulalas nito.
"Talaga?" naguguluhan na muling kumpirma niya. Para kasi sa kanya malaking problema na iyon!
"Caitlin Rose!" exasperated na tawag nito sa buong pangalan niya. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Caitlin ang malalim na paghugot nito ng hininga at marahas na ibinuga iyon na animo'y doon ito kumukuha ng lakas ng loob at pasensiya sa mga sandaling iyon.
"Sige na. Carry on friend" napipilitang pahinuhod naman niya dito habang nakapagkit pa rin ang tingin niya sa lumulutang na kandila. Hindi pa man nakakapaghanda si Caitlin sa mga gustong sabihin ng kaibigan niya ay parang gripong todo ang bukas na namutawi ang mga salita mula sa bibig ng nito
"Mamatay na tayo ngayon kung wala pa tayong gagawin para makatakas. Gagawin tayong alay ng mga pesteng bampirang iyon para buhayin ang matandang huklubang bampirang leader nila. Namahinga daw iyon ng halos 500 years at ngayon ang tinakdang oras para muling buhayin ito. Alam kong imposible hindi ba? Bampira? Sa mga kwento lang yun! OMG! Ayoko pang mamatay! At ito pa! Ang party na ito ay para daw sa matandang hukluban na iyon. At kasama tayo sa listahan ng iaalay nila We are freaking cornered! They set us up!" humahangos na litanya ni Luce sa kanya.
Hindi niya mainindihan ang pinagsasasabi ng kaibigan! Nasobrahan ba ito sa pag-inom? Speaking of—nasaan ba si Romulus?
"Caitlin? Nakikinig ka ba? May naintindihan ka ba sa mga sinabi ko?" naiinis na tanong nito
"Actually, wala. Ano nga ulit sabi mo?"
"Snap out of it ok?! Were being kidnapped by blood-thirsty vampires at hindi nila kailangan ng pera natin dahil mas gusto nila tayong sipsipin!"
"Sipsipin, you mean ang dugo natin? Seryoso? What a bunch of weirdos"
"Sh*t! Caitlin naman, stop being too damn realist for once!"
"Sinasabi mo bang kinidnap tayo ng bampira at mamamatay na tayo dahil gagawin nila tayong alay? As in parang sacrificial virgins in old times?" pagkumpirma niya sa mga sinabi nito
"Wala akong sinabing virgins" napapagod na saad nito
"And your telling me na may bampira sa Pilipinas?
Luce remained quiet and she forced out a laugh. "I'll take a rain check"
"As usual kailangan mo ng proof?"
"You got that right"
"Well ang pruweba mo napakadaling makuha. Observe Caitlin, para makapag-gather ka ng impormasyon to prove or discounted what I said!"
Napalunok si Caitlin. Kung ganoon susubukan niyang mag-obserba gamit ang limited resources niya. Una sa listahan—kung bakit nanghihina ang katawan niya at kung bakit hindi niya magalaw iyon.
She tried to move her limbs first. Katulad ng nangyari kanina hindi niya talaga magalaw iyon. She's tied down to a slab of stone. Naririnig niya pa ang tunog na nililikha ng kadena sa mga paa niya kapag tuwing ginagalaw niya iyon. Muli siyang napalunok. Nagsimula ng magrigodon ang puso niya dahil sa kaba. Mariin siyang napapikit at bumilang ng sampu bago muling idinilat ang kanyang mga mata.
Sinunod naman niyang ginalaw ang kanyang mga kamay—only to scream in pain! Patuloy na humihiwa ang sakit sa magkabilang kamay niya at patuloy na nanunuot ang matinding sakit sa katinuan niya. Nakagapos pala ang bawat kamay niya sa magkabilang gilid katulad na rin ang mga paa niya. Ang pinagkaiba malapit sa pala-pulusuhan niya ay may matulis na bagay na nakabaon at kapag tuwing sinusubukan niyang igalaw iyon ay patuloy na lumalalim ang hiwa nito sa laman niya.
She's starting to feel faint. Kaya pala kasalukuyan siyang nakakarinig ng animo'y a parang tulo ng gripo iyon pala dumadanak na ang sarili niyang dugo! Naglagay man lang ba ang pesteng kultong iyon ng batya para masalok ang dugo niya? Ugh!
"Lee-Lee" muling tawag kay Caitlin ni Luce
"Here. Still alive" Caitlin croaked out
"Good! Don't die on me first" relieve na utos nito. Napangiwi siya. May pinapatunguhan man ang sinasabi ni Luce, mas kinakailangan niyang unahin ang makaisip ng paraan kung paano sila makakaalis doon. Kahit imposible talaga para sa kanya ang maniwala na may mga bampira sa totoong buhay. Hindi din siya makakapayag na gawin siyang fertilizer ng mga kultong iyon! Tama siguradong kulto ang mga ito. Mga mawalang magawa sa buhay!
"So? Naniniwala ka na ba sa akin?" Luce inquired. Bago pa man makasagot si Caitlin ay biglang paulit-ulit na nag-replay sa utak niya ang nangyari sa kanya kanina. Si Romulus. Ang kulay ng mga mata nito. Ang pagiging alay na sinasabi ni Devon. Natigilan si Caitlin ng bigla siyang may maalala.
Nang nasaksak si Romulus, hindi man lang nito ininda ang sugat nito. Kahit ang dami ng nawalang dugo parang balewala lang dito ang nangyari but is that enough proof? May posibilidad pa din na baka talagang kulto lang ang may pakana ng nangyayari ngayon. Iba na ang mundo ngayon, maraming mga tao ang may kanya-kanyang hilig sa buhay na minsan hindi maipaliwanag at hindi naiintindihan ng iba.
"Tungkol sa sinabi mong kasali tayo sa listahan. Sa tingin ilan ba tayong nandito ngayon?" nag-aalangang tanong ni Caitlin kay Luce. Kung sakaling makahanap sila ng paraan para makatakas kinakailangan din niyang tulungan ang ibang kasama nila na nabiktima tulad nila. Hindi siya makakapayag na may malagay ang buhay sa panganib dahil lang sa paniniwalang mga bampira ang mga ito at kailangan ng mga itong uminom ng dugo.
"Hindi ko alam. Wala akong matandaan. Ang huling naaalala ko ay nang uminom ako ng alak ng binigay sa akin ng waiter kanina"
"Kung ganun nasaan si Lor—" naputol sa pagtatanong si Caitlin ng biglang sumingit ang kaibigan.
"Are we going to die? May narinig akong sigaw ng babae kanina. I'm scared that someone actually died. Those people who did this, they will be coming back. Kailangan natin makaalis dito or they might really s--slit our throats" nauutal na dagdag pa ng kaibigan.
Parang biglang lumobo ang ulo ni Caitlin sa narining. Someone died? Mariing napapikit si Caitlin at pilit na binubura sa isip ang eksenang bumuo sa utak niya pero kahit anong gawin niya paulit-ulit na bumabalik ang mga iyon. Lalong hindi siya makapag-isip ng matino. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin para makaalis sila doon. She tried to move her hands again—Caitlin winced. It still has the same effect. She could barely stifle her scream.
"Siguradong magpipiraso muna ang mga kamay natin bago tayo makawala dito" aniya sa nanghihinang boses.
Caitlin heard her friend's sigh. "Akala ko naman makakaisip ka ng paraan para makaalis tayo dito. Your the expert when it comes to fixing things" hindi nakaligtas sa pandinig niya ang pangingibabaw ng pagod at pagsuko sa boses nito.
"Anong akala mo sa akin? Si Wonderwoman?"namamanghang tanong niya dito.
"Mali. Akala ko si Darna ka e" natatawang tugon naman nito.
"Luce!" naiinis na tawag niya dito Ang weid ng feeling. Ganito na ba talaga kapag nahaharap sa life and death situations? Nasisiraan na ng bait? Even without looking at Luce she could feel her grin. She smiled in return.
Biglang binalot ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. It almost felt like…--Caitlin mentally shook her head. Hindi pwede! Hindi sila pwedeng basta sumuko! She need to think of something.
"Were going to die aren't we?" hindi na napigilang muling tanong ni Luce.
"Nope Luce. We're going to talk some sense into them. Hindi tayo mamamatay. They're just a bunch of crazies"
"Sabi ko na nga ba. Hindi ka pa rin naniniwala sa sinasabi ko" naiinis na sigaw nito. Umalingawngaw ang boses nito sa bawat sulok ng kwarto. Napangiwi siya. May lakas pa rin pala itong sumigaw sa kabila ng kalagayan nila
"Luce, hindi naman s—"
"Talk some sense into them? Kung talagang naniniwala ka sa akin na mga bampira sila alam mong imposible ang gusto mong mangyari! Kapag sinabi ko sigurong trinaydor niya tayo at siya ang may pakana ng lahat nang ito hindi ka rin maniniwala!" dagdag pa nito
"Luce anong sinasa—"
Kasabay ng ingay na nilikha ng pagbukas ng pinto ng lugar na kinalalagyan nila ay nahinto rin sa pagtatanong si Caitlin sa kung anuman ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Luce. Hindi pa man tuluyang nakakahuma si Caitlin sa gulat—bigla na lamang humantad sa kanya ang mukha ng nakangising si Devon.
Wala siyang ibang nagawa kundi ang mapakurap.
"My, my...Hindi ko gusto ang naging reaksyon mo. Inaasahan ko pa naman na mas matindi pa kaysa sa isang kurap ang makukuha kong reaksyon mula sayo" nangingiting puna nito. Kahit sabihin nito na hindi nito nagustuhan ang naging reaksyon ng dalaga iba naman ang pinapakita ng hilatsa ng mukha nito. Halata ang tuwa sa mukha ni Devon.
Hindi siya umimik. Wala siyang panahon para kay Devon.
"Tsk.Tsk. Hindi mo man lang ba itatanong kung anong nangyari sa taga-pagligtas mong si Romulus?"
That did it. Hindi na napigilan ni Caitlin ang bahagyang panlalaki ng mga mata niya at ang bahagyang pag-awang ng bibig niya. Devon's smile grew even wider.
DAMN IT!
Gustong-gusto talaga ng lalaking ito ang i-torture siya! Alam nitong makakakuha ito ng reaksyon mula sa kanya kapag binanggit nito ang pangalan ni Romulus.
"Wag kang mag-alala. Hindi pa siya mamamata sa ngayon. Sisiguraduhin kong mapapanood mo ang pinakamagandang palabas na iyon sa buong buhay mo"
"Devon tumigil ka na. Hindi siya para sayo" biglang saad ng isang babae na sumulpot sa tabi nito. Nakasuot ito ng itim na damit habang natatakpan naman ang mukha nito ng mainipis at itim na seda. May bitbit din itong isang makapal at malaking libro.
"Pero pwede ko naman siyang kunin kapag napagsawaan na siya ni Master hindi ba?" tugon naman ni Devon habang matiim ng nakatitig sa kanya.
Caitlin tried to remain emotionless. "Iyon ay kung maaabutan mo pa siyang buhay matapos siyang mapagsawaan"
"Kung ganun Minerva, payag akong maghintay sa kung anuman ang kahihinatnanan niya"
Sa kabila ng itim na sedang nakatakip sa mukha nito—sigurado siyang nababahiran ng pagkaawa ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Nakakasiguro siya doon. She knows pity when she feels one. She feels her hackles rise.
"Umalis ka na. Magsisimula na ang seremonya. Hindi nila magugustuhan kapag nakita ka nilang umaaligid dito" ang akala ni Caitlin makakahinga na ulit siya ng maayos dahil pinapaalis na si Devon pero panandalian lang pala ang relief na naramdaman niya dahil hindi pa rin ito tapos sa pagto-torture sa kanya. Talagang yumuko pa ito hanggang sa gahibla na lang ang layo ng mga mukha nila. Nanginig si Caitlin. Hindi niya malaman kung sa takot ba yun o ano pa man—but as far as she's concerned she's too pissed with him to be even scared.
Tinitigan niya ito ng masama. He chuckled in return. For the first time his smile finally reached his cold eyes.
"Let's meet again, Princess" biglang saad nito. Bago pa makaisip ng pambara si Caitlin sa binata ay na nagpabaon ito ng isang mahinang pitik sa noo niya at tsaka lang ito umalis sa paningin niya. The nerve!
"Just stay put and try not to struggle too much because it will just be useless" malamig na saad ni Minerva. Caitlin couldn't find a retort because just as she said, deep down she feels that it will be a futile effort. Her blood run cold and it renders her with undeniable fear and feelings of utter defenselessness. She hates it.
Kasabay ng pag-alis ni Devon ay sunod-sunod na mga yabag ng mga paa ang ang namayani sa lugar na kinalalagyan nila. Mayamaya lamang ay nagbigay si Minerva ng isang simpleng pagbati sa mga bisita bago muling bumalik sa direksyon nila ni Luce.
"Don't make a noise, dahil kung hindi it will be the last thing you will ever do. I'm giving you this favor. Since you're going to die anyway, it's better if you're conscious right? You have to witness the full show"
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Caitlin ang impit na iyak na kumawala kay Luce. Caitlin gritted her teeth. She's never been so angry in her whole damn life and it's been going on for the whole damn night she felt like she's already burning with rage!
She's supposed to be scared—but she's too damn angry to get scared. How could they trample on other's lives so easily like its nothing but a passing fancy?
How could they easily talk about death when they're nothing but a bunch of fools who thinks dying is honorable and who treat their life as some means to an end?
Minerva turned her back from them and then it started. Unti-unting namayani ang malinaw and malalim na timbre ng boses ni Minerva habang patuloy ito sa pagdadasal. Her melodious voice dominate the cavernous room that it feels like the earth rumbles.
Deus of cruor quod nex
Creatura of nox noctis
Ego precor vos
Recipero is crucir vitualamen
Adveho intus
Deus of cruor quod nex
Creatura of nox noctis
Vivo pro cruor quod iuguoio pro cruor
Hic ego swear
For a dies vac wus caeder mos sino meus fortuna
Phasmatis of nex does suscitatio
Anong pinagsasasabi ng babaeng ito? Hindi na napigilang tanong ni Caitlin sa sarili. Mas lalo siyang hindi makapag-isip ng matino. Pakiramdam ni Caitlin may kung anong gumagapang sa katawan niya habang patuloy na nagssalita si Minerva. Sinubukan niyang wag pagtuunan ng pansin ang nararamdman at ibinalik niya ang kanyang atensyon sa kaibigan.
"Luce? Naririnig mo ba ako? ani Caitlin ngunit hindi sumagot ang kaibigan niya. "Lucia?!" muling tawag niya dito.
Kasabay ng nakakarinding boses ni Minerva biglang nakarinig si Caitlin ng impit na iyak mula sa direksyon ni Luce. Masyadong mahina iyon pero nakasisiguro siyang boses iyon ni Luce.
"Luce?" nag-aalalang tawag niya dito. "Naririnig mo ba ako?! Luce?" hindi na niya napigilang sigaw dito.
Habang tumatagal, lalong lumalakas ang pag-iyak sa paligid niya. Kung kanina isang partikular na boses lang ang narinig ni Caitlin, ngayon nanggagaling na sa iba't-ibang direksyon ang mga iyak. Patuloy lang ang pagpalahaw ng iyak na parang isang symphony na inaalay espesyal para sa patay—na animo'y nakakaranas ang mga ito ng walang katapusang pagdurusa at sakit na nanunuot pati sa mga kaluluwa ng mga ito.
At sa hindi niya malamang dahilan para siyang sinasaksak sa bawat ingay na naririnig niya.Bumabaon ito sa bawat kalamnan niya. Sinusugatan ang bawat parte ng pagkatao niya.
Inookupa ang bawat sulok niyon pati na rin ang katinuan niya, at higit sa lahat parang pinupunit nito pati ang kaluluwa niya.
Luce. Lors. Paulit ulit na tawag ni Caitlin sa isip
Ang sakit. Masakit. Napakasakit.
Luce. Lors. Please be safe
Gusto na niyang tumigil ang mga sigaw at iyak.
Nararamdaman niya na unti-unti itong nag-iiwan ng malalim na marka sa kanya, hindi lang sa kanyang tainga kundi pati ang buong pagkatao niya.
Please stop hurting.
Bakit niya nararamdaman iyon? Bakit niya nararamdaman ang sakit at paghihirap ng iba? Hindi niya mainitindihan kung bakit!
And she can't contain it all!
She feels like she's going to explode. Anong meron sa dasal ni Minerva? Nakakasiguro na siya ngayon na si Minerva ang nagdudulot ng walang katapusang sakit na iyon na animo'y may daang-daang punyal na tumatarak sa buong katawan at pagkatao niya!
As Minerva's chant continues, the hundreds of candles above them lost it's spark blinding her with darkness. The ground shook beneath them and a smoke swirling like a death held her vise grip and then a figure rise before Caitlin screamed like hell putting every ounce of her remaining energy!
"STOOOPPPP IT!! Stop.Stop.Stop.Stop." Caitlin endlessly chanted.
Hindi na niya gustong makaramdam ng sakit. Before she knew it—tears unfailingly streamed down her face. It's been a long time since Caitlin cried like this- crying her heart out until she is on the vege of passing out.
Sa sobrang kakaiyak ni Caitlin hindi niya namalayan na papalapit na pala sa kanya ang bulto ng isang lalaking nanggaling pa mismo sa pinaka-ilalim ng lupa. Tuloy tuloy itong naglakad papunta sa direksyon ng babaeng matagal na niyang hinahanap at hinihintay. Muli itong bumangon upang tuparin ang matagal na niyang ipinangako sa sarili. Ang hanapin ang babaeng nakatakda para sa kanya. Ang babaeng naging iisang dahilan ng muling pagbangon niya. Sa pagkakataong iyon, hindi siya makakapayag na muli itong makawala sa mga bisig niya. Muli, ipaglalaban niya ito mula sa mga kapatid at hindi siya magdadalawang isip na itaya ulit ang buhay niya katulad ng ginawa niya noong nakalipas na daan-daang taon makuha niya lang ito.
Hindi inaakala ni Cain na sa muling pagbabalik niya—ang dugo mismo ng dalaga ang unang dadaloy sa mga labi niya at magbibigay muli ng buhay kanya. Katulad pa rin ito ng dati—ang dugo nito walang kapantay sa tamis at sarap.
At higit sa lahat ang dugo nito ang pinakadalisay sa lahat.
Kaya hindi maitatangging marami sa kalahi niya ang nagbuwis ng buhay upang makamtan ang dalaga. Maraming naglaban at namatay para dito. Pero hindi siya katulad ng iba—isa siya sa pinakamakapangyarihan at pinakamatandang bampira sa buong lahi nila. Siya rin ang nag-iisang pinuno ng angkan nila.
Hindi siya matatalo.
Matagal ng nawala ang natatanging araw niya.
Pagod na siyang maghintay.
He'll claim her. Now.
Walang kahirap-hirap na tinanggal ni Cain ang mga kadenang nakatali sa paa ng dalaga. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang mga pasa na namuo sa mga paa nito dulot ng mahigpit na pagkakalagay ng kadena. Papatayin niya kung sinuman ang lapastangan na naging dahilan ng mga pasang iyon
Mayamaya lamang ang iyak nito ay naging hikbi na lamang. Isang pamilyar na emosyon ang bumangon mula sa dibdib niya. Pamilyar—ngunit matagal din niyang hindi naramdaman.
Napangiti siya.
Sinunod na tinanggal ni Cain ang kadena nito sa magkabilang kamay at mabilis na inalis ang maliit na punyal na nakatarak din doon. Nang matapos, ay tsaka lamang niya hinarap ito at sinalubong ang mga mata ng dalaga.
Her eyes look different this time but he could see her same old soul mirroring through it. Full of anguish and determination.
His hand automatically seeks the slender curve of her neck but she automatically flinched from his touch.
She doesn't remember him.
He knew once she was born again things will be different because of what happened 500 years ago. They've been warned but he never thought she wouldn't remember.
A torrent of sadnees crashed through him. As always, she's the only one who could do that to him.
"What's your name, love?" Cain asked.
"Caitlin" she responded weakly
"I'm back, Caitlin" he loves the sound of her name rolling in his tongue.
He lifted her in his arms in one sweep and inhaled deeply in her neck, licking the sensitive part, his fangs automatically extending.
"It's my turn. This time you'll be mine" Cain whispered. Then without hesitation he sunk his fangs in her neck and devoured her like a starve monster.
Sweet, hot and excruciatingly delicious blood flowed into him. He felt like a mad man completely losing his sanity because one fragile human girl. A human girl which is his everything. His world.
Soft. Too damn soft.
More. More. More. Cain chanted in his mind.
He needed to taste her more, to crush her soft body in his. He needed to inhale her scent.
A soft small whimper came out from her soft mouth and that was his undoing.
He crushed his mouth into hers, biting, nipping, sucking.
And then Cain caught it--a faint scent that wasn't his, he stopped short.
He let out an animalistic growl.
"Vladimir, you bastard!" he screamed in between madness. He wasn't the first one after all.
Bloody hell!!!!