webnovel

Chapter Eleven: "Because I Love You"

Louinna Therese's POV

TODAY is the first day of practices. Meaning, no classes the whole day until next week. Mrs. Altamonte announced it just this morning that's why I have't brought any extra clothes for practice. Nakiusap ako na pass muna ako sa practice dahil mabilis akong pawisin tapos wala pa akong extra na damit pero hindi daw pwede dahil one week na lang daw ang natitirang preparation for the upcoming Private Schools Socio-cultural Competition (PSSCC).

"So, the theme of our musical play is love," panimulang ani Professor Marissa na siyang incharge sa musical theater play. "Before we formally start our practice, I want each of you first to know what your role in the play is. Here, the list of your roles were written," she said while waving the folder that she is holding.

Ohs and woos filled the whole practice room. Well, I can't blame them. Of course, they are all excited as to what role they will get.

"I will definitely be the leading lady," a girl said. Nasa likuran ko siya kaya naman hindi ko alam kung ano ang hitsura at kung ano ang ekspresyon niya.

"You sure will, sissy! You're very beautiful, you see? Everyone will surely be mesmerized as soon as you appear on the stage," another girl said.

Napalingon ako ng kaunti sa kanila at nakitang naka-thumbs up pa ito. Hindi rin ako nakatagal sa pagtitig sa kanila dahil baka mapansin pa nila ako. Gayunman ay nasilayan ko naman ang gandang taglay nila.

"Sisimulan natin ang announcement sa pinakamababang pwesto. Ang mga una kong tatawagin ay ang mga make up artists. Nangunguna diyan si Hailey Madison. Pumapangalawa naman si Riley Richards."

Pagkakasabi noon ni Professor Marissa ay agad na pumunta sa harapan ang dalawang babaeng balingkinitan. Halata sa kanilang mga katawan na alagang-alaga nila ang sarili.

"Mabgat ang role niyo, Hailey at Riley pero hindi nga lang kayo makikita sa stage. Ikaw, Hailey, ang incharge sa mga babae at ikaw naman, Riley, ang sa mga lalaki," ani Professor Marissa. Ngiti lamang ang isinagot ng dalawa. Pagkatapos nilang mag-bow ay pumwesto na sila sa dati nilang inuupuan. Sa medyo bandang likuran ko sila.

"Sunod naman ay ang mga props men. Una ay si Jerome dela Fuerte. Pangalawa ay si Johan Harrison. Ang pangatlo naman ay si Hans Guevara."

Katulad ng ginawa nina Hailey at Riley kanina ay agad ding pumunta sa harapan ang tatlong makikisig na lalaki. Kanina ay magkakatabi din sila, nakaupo sa dulong bahagi ng practice room. Lahat sila ay kapwa nakangiti.

"O, 'wag kayong magtatampo sa akin, ha?" ani Professor Marissa na ikinatawa ng halos lahat ng members. "Huwag kayong mag-alala. Hindi man kayo makikita sa stage bilang karakter, malaki pa rin ang role na naibigay sa inyo. Pagbutihin niyo, ha?" dagdag pa niya. Tumango naman ang tatlo bilang sagot at naupo na ulit sa dulong bahagi ng practice room kung saan sila nakaupo kanina.

"Ang pangatlong role na babanggitin ko ay ang mga bitches na magiging kontrabida sa palabas. Well, not totally na kontrabida pero kasama sila sa listahan ng mga hahadlang sa pag-iibigan ng mga bidang karakter. Take note... MAGAGANDA SILA. So, una diyan si Cassandra Martin na gaganap bilang Cassy Perez. Pangalawa ay si Calixta Rivera na gaganap bilang Cally Corazon. Pangatlo naman ay si Mathilda Diaz na gaganap bilang Math Gonzales. Kumbaga, kayo ang mga kontrabida na mambubwisit sa mga bida. In short, you will be the ones who will pester the protagonists' lives. Maaari nang pumunta sa harapan ang tatlong nabanggit," aniya na ikinatili ng mga kalalakihan. As for me, hindi ko kilala ang mga nabanggit kaya wala akong naging reaksyon man lamang ukol dito. Siguro nga ay magaganda sila. Ngayon lang kasi ako nakarinig ng mga matitinis na tili ng mga lalaki.

Mula sa likuran ko ay tumayo ang isang magandang babaeng matangkad at sobrang puti. Naka-crossed arms siya habang papunta sa harapan. Ang suot niyang damit ay puting crop top na pinaresan niya ng maiksing ripped maong shorts na nakapagpalitaw sa mahaba at walang maski isang gasgas na hita. Ang suot naman niya sa paa ay mga siguro ay five inches long white heels. Ang buhok niya ay blonde na nakabraid ng simple three strand na bumagay sa hugis ng kanyang mukha. Siya ang babaeng nag-thumbs up kanina.

Sunod namang tumayo ang isang babaeng naka-blue polo dress na hanggang tuhod ang haba. She partnered it with white rubber shoes. Siya na yata ang kahihilian ng ibang babae sa tabi-tabi dahil sa kanyang angking kagandahan. Ang buhok naman niyang wavy ay nakalugay lamang. Siya naman ang kanina'y kausap ng naunang natawag. Agad na siyang naglakad, halatang dismayado. Siguro, akala niya ay siya ang magiging bida sa palabas.

Nang makapunta na sa harapan ang dalawa ay hinintay namin ang pangatlong natawag ngunit wala nang sumunod sa pangalawa.

"Where is Mathilda? May nakakita ba sa kanya?" tanong ni Professor Marissa.

Lahat ng estudyanteng kanina ay nagkakantyawan ay mga natahimik na dahil sa hindi pagsipot ng babaeng ang pangalan ay Mathilda. The room was filled by deafening silence.

We were surprised by the loud sound made by the slammed door. We all turned our gaze to the door and there, we saw a very beautiful girl wearing a pink off shoulder tucked in an above the knee maong skirt partnered with sparkling pink high heels. Naka-shades pa ito. Her hair is in a bun ngunit may mga iilang piraso ng buhok na hindi isinama sa pagkaka-bun ng buhok. Siguro ay dahil maiksi ang mga ito. Ang bun niyang buhok ang nakapagpalitaw sa slender neck at sa collar bone niya na talaga namang kaiinggitan ng ibang tao.

Kung sinabi ko kaninang ang pangalawang natawag ay kahili-hili, ang isang ito naman ang pinaka-attractive sa kanilang tatlo na tunay namang titilian ng sinumang lalaki na makakasalubong niya dahil sa aking sobrang ganda nito. Nalalapit na yata siya sa hitsura ng isang dyosa.

"Oh, Professor Marissa. I am sorry for being late today," she apologized.

"It is okay. We haven't started practicing yet. Sinasabi ko lang ang role ng bawat isa sa inyo para hindi kayo maguluhan," Professor Marissa replied.

"Oh. So, what's my role?"

"You're one with the bitches in the play. Kontrabida sa lovelife ng mga bida kumbaga."

"Interesting," sabi naman ni Mathilda sabay smirk. Tinggal na niya ang shades niya at nagmartsa na papunta sa harapan. Nag-bow lamang sila habang nakangiti. Ang dalawang babaeng kanina ay nag-uusap ay muling pumwesto sa likuran ko habang si Mathilda naman ay pumwesto sa tabi ko.

"Hi," aniya habang nakangiti sa akin.

"H-Hello," sagot ko naman habang nakangiti rin.

"Ano ang role mo?"

"Wala pa, eh. Hindi pa sinasabi."

"OMG! Baka ikaw ang leading lady! Ayieeeh!"

"Hala? Leading lady daw? Hindi pwedeng ako ang leading lady, 'no! Ang ganda ko naman yata kapag ako pa ang naging leading lady diyan," sabi ko habang tumatawa. Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko kaya napahinto ako sa pagtawa.

"Bakit naman hindi pwedeng ikaw? Maganda ka kaya! Sa totoo lang..." tumigil siya sa pagsasalita at tumabi sa akin ng malapit na malapit. May ibubulong yata. "Mas maganda ka pa kaysa sa mga nasa likuran natin," bulong niya saka nag-wink sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya.

Napatingin ako sa likuran ko. Bumungad sa akin ang nakairap at nanlilisik na mata nina Cassandra at Calixta.

"What?!" masungit na ani Calixta. Siya yung nag-a-aspire na maging leading lady.

Imbes na sumagot ay nginitian ko na lamang sila.

"Nice. Dapat ganyan, hindi pumapatol sa mga mabababa. Don't stoop down to their level, girl. Masasayang lang ang energy mo kapag pinatulan mo pa sila," natatawang ani Mathilda.

"Yeah, right. I'd rather say nothing," I said. Nagtawanan kami na animo'y matagal nang magkakilala at nagkakasama. Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng loob ko sa kanya. Pakiramdam ko nga ay magkaibigan na kami kahit ngayon pa lang kami nagkita.

"Ang sunod na babanggitin ko ay ang kontrabida sa palabas. Siya ay si Charles Fuertes na gaganap bilang David Williams. Siya ang kababata and, at the same time, best friend ng ating bidang babae. Siya ay sikat at gwapo na halos lahat ng babae sa Scarlet University na pinapasukan nila ay nagkakagusto sa kanila."

Pagkakasabi ni Professor Marissa noon ay agad nang tumayo ang isang lalaking makisig na nakaupo sa bandang harap namin ni Mathilda. Nakasuot siya ng plain white-colored t-shirt at black na Outlier New Way Short. Pinaresan niya ito ng white sneakers.

"O, Charles, tandan mo na may mga intense scenes dito. Ihanda mo ang sarili mo. Dapat halo-halo ang mga emosyong ipapakita mo sa mga viewers," muling sabi ni Professor Marissa.

"Noted, professor. Alam ko na ang mga iyan bago pa man ako nag-audition. Well, if all of you or maybe some of you don't know, hinirang akong pinakamagaling na artista noong sumali ako sa isang TV show," sabi niya sabay wink. May halong kayabangan ang kanyang boses. He's a boastful one, I bet.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nag-bow na siya at umupong muli sa pwesto niya.

"He's handsome, huh?" Mathilda said and giggled.

"But kinda boastful. I don't like him," I said while rolling my eyeballs.

"Tsk. At least he has the looks. I don't have any intention of adding him to my list of boyfriends. Just a fling may do," aniya and winked at me.

"Seriously? You have a list of your boyfriends? Pinagsasabay-sabay mo?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

"Yeah. Wala namang masama, 'di ba? Besides, they only think of me as one of their bitches," aniya. Nasilayan ko ang pait sa kanyang pagngiti.

"Ayan kasi, eh. Huwag mo kasing pagsabay-sabayin. Bumabalik tuloy sa iyo ang mga pinaggagagawa mo," panenermon ko sa kanya na animo'y mommy niya.

"Whatever. I have nags. Skip those. Isang lalaki lang naman ang hindi nanloko at nanloloko sa akin, eh," aniya. Ang ngiti sa kanyang labi ngayon ay totoo na. Hindi katulad kanina na may kasamang pait.

"Sino naman?" I asked out of curiosity.

"JD," tipid na sagot niya.

"JD who? Same University? What grade?" sunod-sunod na tanong ko. Well, I was just amazed. Iilan na lang kasi ang mga matitinong lalaki sa mundo ngayon.

"Joshuan Dwayne Wrights. Same Univesity. Grade 11. Section A," nakangiting aniya saka bumaling sa akin. Ako naman ay natulala dahil sa narinig ko.

Joshuan Dwayne Wrights. That Joshuan Dwayne Wrights.

"O, bakit parang malungkot ka yata?"maya-maya ay tanong niya.

"Ha? Hindi kaya!"tanggi ko kahit totoo namang nalungkot ako bigla sa nalaman.

Kasama pala siya sa listahan niya.

"Ang sunod na babanggitin ko at huli sa lahat ay ang mga bida natin. Please come in front Louinna Therese Mendoza and Joshuan Dwayne Wrights. Give them a big round of applause, everyone!" masayang sabi ni Professor Marissa. Napuno naman ng palakpakan ang buong room.

"WOOOOOOOOOOH!"

"KYAAAAAAAAAAAAAH!"

"HALAAAAA!"

"AYIEHHHHHH! BAGAAAAAAAAAAAAAAAAY!"

"#JoshLou"

"#DwayRese"

"Nakakakilig!

Agad na akong tumayo at pumunta sa harap, not minding what others are saying. I just plastered a fake smile on my face while looking at them. Hindi ko alam kung bakit ganito sila. Nag-duet lang naman kami pero ang lakas ng impact sa kanila. Marami nang nagkalat na shippers kahit saan ako pumunta.

Simula pa kaninang tumapak ako dito sa loob ng practice room ay hindi ko pa nakikita maski ang anino niya. Siguro ay hindi siya makikipractice. Busy?

Tsk! Baka ayaw niya lang akong makita!

"Where is Mr. Wrights?" tanong sa akin ni Professor Marissa.

"I don't kno---"

I cut off by Mathilda by saying, "Malapit na po siya. Countdown tayo. In three, two, one."

Nang bigkasin niya ang ONE ay biglang bumukas ang pinto ng practice room. Bumungad sa amin ang nakangiting mukha ni Joshuan. Nakaputing polo shirt siya na pinaresan niya ng itim na shorts at puti na sneakers.

Ang gwapo niya ngayon.

Pagkakasabi ko noon sa utak ko ay napatingin saiya bigla sa akin at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Nagsimula na siyang maglakad papalapit sa akin habang nakangiti pa rin ng malawak.

Nang makarating na siya sa kinaroroonan ko ay saka niya lamang inalis ang tingin sa akin.

"What's up, everyone? Is everything fine? By the way, I am sorry for being late today because something came up and I need to go to the mall. Actually, I was already here not too long ago but because of the urgent thingy, I ran off to the mall," he explained and winked at each and everyone in the room.

"WOOOOOH! #JoshLou and #DwayRese FOR THE WIN! #HARTHAAAAAART! AYIEEEEEEEEEEEEEEH!" sabay-sabay na sabi nila.

"Hahaha! What is wrong with all of you today? May shippers na kaagad kami ni Louinna Therese, eh, hindi pa nga nag-uumpisa ang play," natatawang ani JOshuan. There he goes again with his Tagalog speaking with English accent. Hayst!

"OPKOOOOOOOOOORS!"

"YAAAAAAAAAAAAAAS!"

"O, okay na pala ang mga characters. Wala bang aangal?" tanong ng biglang sumulpot na si Mrs. Altamonte. Nakangiti siya ng malaki habang nakatingin sa amin ni Joshuan na magkatabi sa stage. "Dumarami na ang JoshLou at DwayRese shippers, ah! Baka ma-fall kayo sa isa't-isa niyan? O baka naman... na-fall na kayo sa isat-isa? Hmm?" natatawang dagdag pa niya na naging dahilan ng pag-alingawngaw ng mga kantyaw sa paligid.

"Baka nga?" gatong naman ni Joshuan sabay tingin at kindat sa akin na nakapagpatili sa lahat ng naroroon sa practice room. Hindi lang mga babae ang kilig na kilig kundi pati ang mga lalake.

"Ugh! Stop that nonsense!" sigaw ko sa kanilang lahat. Agad akong yumuko at tumakbo na papunta sa upuan ko. Ramdam ko kasing uminit ang buong mukha ko.

Sana ay walang nakapansin na namumula na ang buong mukha ko. Huhu!

"Namumula ka na yata, Louinna Therese?" tanong ni Joshuan. It didn't sound like a question to me, though. More like a tease.

Iniangat ko ang mukha ko at pinanlisikan siya ng mata sabay sigaw, "Hindi namumula ang mukha ko!"

"O, tama na diyan! Baka umiyak na si Therese niyan, eh," natatawang suway ni Professor Marissa.

"Oo nga. Umupo ka na sa tabi ni Therese, Joshuan. Mag-usap muna kayo,"nakngiting ani Mrs. Altamonte. Sinunod naman ito ni Joshuan. Umupo nga siya sa tabi ko ngunit hindi ako ang kinausap niya kundi si Mathilda. Well, girl friend niya si Mathilda, eh. Langan namang ako ang kausapin niya, 'di ba? Tsk!

"So, ang title ng musical theater play ay 'Because I Love You'. Bago ko ibigay sa inyo ang mga copiesniyo for the play's script, nais ko munang tanungin kung ano nga ba ang love para sa mga bida natin. Let's start with you, Therese," ani Professor Marissa sabay patayo sa akin.

"Well, love is a strong feeling of affection to a person, place, thing or events," I plainly answered without any emotion.

"Good. How about you, Joshuan?"

"As for me, love is everything. I mean, if you love someone, then you would feel anytype of emotion. Like for example... If you love a certain person, you will feel happy, but not only happiness... include sadness. How? Kasi, kung talagang mahal mo ang isang tao, kapag iniwan ka niya ay masasaktan ka at malulungkot ka. Hindi naman kasi porket mahal ka, mahal ka na habambuhay. Siguro ay may mga ganoon pero hindi lahat. Kakaunti lang ang bilang ng mga ganoon. Kung nagmamahal ka, nasasaktan ka, natatakot ka, nasisiyahan ka, nagagalak ka. Hindi mo naman masasabing hindi ka kailan man masasaktan dahil kasama na iyon sa pang-araw-araw nating buhay. Never post about I want a perfect boyfriend/girlfriend who will never make me cry, who won't hurt me and will do everything to make me smile every second of the day because that kind of relationship does not exist. Maybe in fiction world where anything can be perfect but not in this real world," mahabang sagot niya sabay tingin sa akin at mapait na ngumiti.

His long answer left us dumbfounded. Parang may pinanghuhugutan siya ngunit hindi namin mapagtanto kung ano.

Ano nga ba?

#

下一章