webnovel

The Dawn

Pagkarating namin ay may nakita kaming isang babae na kinakalaban ng isang lalakeng magmalaki kaysa sakanya.

"O 'bat di mo tulungan?", tanong ni Kin sabay tapik sa akin.

"Bakit di ikaw?', sabi ko sa kaniya.

Bigla siyang natumba at nawala ang kanyang depensa. Nakaambang aatake na ang lalake ng bigla nalang ako nahulog mula sa kinatatayuan ko. Nagpagulong-gulong ako at napunta sa pagitan ng dalawa.

"Sino ka?', tanong ng babae.

"Importante pa ba iyon?', tanong ko.

"Sino ka namang humaharang sa dinadaanan ko?", sabi ng lalake.

"Alam mo di ko naman talagang gusto ang madamay dito. Kaya aalis na ako.", sabi ko habang nanginginig sa takot.

"Ano?!", sabi ng babae.

"Ikaw na ang uunahin ko!", at natuon ang buong atensyon ng lalake saakin at nakahanda nang ako'y atakihin.

Lalapat na ang pagwasiwas ng espada niya ng hugutin ko ang espada ko. Pagkahugot ko ay may itim na usok ang lumabas mula sa espada na siyang dahilan ng pagatras ng lalake.

"Dugo ni Helios?! Babalik di ako, tandaan mo ito.", sabi ng lalake at umalis.

Pinuntahan ko naman yung babae at tinanong ko, "Ayos ka lang?". Biglang hinawi ang kamay ko papalayo at tumayo siayng magisa.

"Bakit ka pa nandito? Di ba naduduwag ka naman, hindi kailangan ng mundong ito ang mga taong tulad mo.", sabi ng babae.

"Wow! Salamat sa akin at niligtas ko buhay mo.", sagot ko.

"Alam mo kahit wala ka dito, mapapatay ko yung taong iyon. Masyado ka lang kasing pabida.", sumbat niya saakin.

"Sa tingin mo ba ginusto ko yung pagkahulog ko? Pero kung alam mo lang gusto talaga kitang tulungan ehh…"

"Bakit, ano ba ng mapapala mo saakin kung sakasakaling tulungan mo ako?"

"Kailangan mo ba talagang lagyan ng dahilan ang bawat kilos na gagawin ng isang tao? Yan ang dahilan kung bakit may mga taong hindi na natututong humingi ng tulong kahit alam nila sa sarili nila na nahihirapan sila."

"So namemersonal ka na ngayon?!"

Biglang sumingit na si Kin sa usapan. "Teka ng muna! Bakit ba kayo nagaaway? Ano ba ang nangyari?", tanong niya at hinawakan Yung babae sa balikat.

Kumalma rin yung babae, "Patawad, wala lang ako sa sarili ko."

"Ayos ka na? Pwede na kita makausap ng maayos?", tanong ko. "Ako nga pala si Ayato, at ito yung kasamakong si Kin."

"Ako si Yuri. Patawad talaga sa mga nasabi ko kanina.", sabi niya at yumuko.

"Ayos lang. Patawad din sa mga nasabi ko.", sagoy ko.

"Ok na kayo? Magkasundo na kayo?" tanong ni Kin.

"Sa tingin ko ok na naman ang lahat. Kung nagiisa ka, bakit di ka sumama saamin?", sabi ko

"Pasensya na kayo. Naglalakbay lang ako mag-isa. Kaya kung ayos lang…", sabi niya at umalis.

"Hayaan mo na siya. May iba pa naman tayong makakasama.", sabi ni Kin.

"Teka? Sino ba ng nagsabing kailangan ko pa nang kasama?", tanong ko.

"So… ang ibig sabihin, gusto mo siya?"

"Bakit naman tayo napunta doon?"

Ilang saglit lang ay nagbilang na ulit ng countdown upang tapusin ang first phase ng elimination round.

"Tapos na ang unang bahagi ng elimination round at dadako tayo ngayon sa ikalawa. Kailangan ninyong bumuo ng isang maliit na grupo na hindi bababa sa tatlong ka miyembro kahit sino at kahin ano ay maaaring magsama sa isang grupo. Mayroon lamang kayong kalahating minuto upang bumuo ng grupo. Ang matitira na hindi nakabuo ng grupo ay tangal na. Ang matatangap lamang na bilang magkagrupo ay ang mga taong nakabuo na ng pagsasama maging maliit man o Malaki ang dahilan na siyang dapat ay may katuturan.", sabi ni Forh. "At magsisimula na tao sa loob ng…

…3…

…2…

…1…

Simulan na!", at tumunog ang hudyat.

"Ano!", sabi ko.

"Dali! habulin na natin si Yuri bago pa siya makalayo ng tuluyan."

At dali-dali na nga kaminag tumakbo at nauwi sa isang bangin na kung saan ay madali naming makikita kung nasaan si Yuri.

"Ayun siya!", sabi ni Kin.

"Paano natin siya maaabutan? Nasa baba siya ng bangin?", tanong ko.

"Naaalala mo pa ba yung sinabi ng supervisor kanina?", sabi ni Kin.

"Yung al… huwag mong sabihin…", badyang may pangamba. Hinila niya ako pababa kasama niya sa bangin upang maabutan si Yuri.

(Ang sinabi ni Forh bago magsimula ang first round ay… "Wag kayong mag alala kung mamamatay kayo. Ang lahat ng damage na matatamo ninyo ay mapupunta sa nasa braso niyo. Makakaramdam parin kayo ng sakit, pero wag kayong mag-alala sa mga bugbog at sugat na maaari ninyong matamo.")

Habang pababa ay sinisigaw naming ang pangalan ni Yuri para alam niya na paparating kami.

"Yuri! Yuri!", sigaw naming pero ilang saglit lang ay nawala na kami ng control sa pagbaba namin, at halos babanga na kami kay Yuri

"Pagsinabi kong talon, talon. Kuha mo?", sabi ni Kin.

"Oo.", sabi ko.

"Isa… dalawa… TALON.", at tumilapon kami sa ere upang mapahina ang pagbanga at pagbagsak naming pareho hindi kami makaliko sa tatamaan namin at dere-deretso kami kay Yuri.

"YURI!!!", sigaw namin.

At natamaan na nga naming siya sakto sa pagtatapos ng elimination round.

"Maligayang bati sa lahat ng mga nakapasa sa elimination round. Maaari na kayong makapag pahinga pumasok nalamang kayo sa isang pinto na lilitaw sa harapan ninyo.", sabi ni Forh at umalis.

Parehas kaming tatlo na natumba sa sahig at kaming dalawa ni Kin ay aksidenteng napatong kay Yuri. 'Di ko namalayan na yung kamay ko ay nahawak na sa dibdib ni Yuri ng di sinasadya. At siya'y nagising na at napansin ang pagkahawak ko.

"Bastos!", sigaw niya sabay sampal. "Hindi mo na nga ako binastos sa pagiisip pati ba naman sa pisikal? Ano ba ng problema mo?!", dagdag pa niya.

"Aksidente lang iyon. Hindi ko naman talagang ginusto na mapahawak ako sa bagay na di dapat hawakan.", sabi ko. "At isa pa, hindi ko naman kasalanan kung paano tayo naabot sa ganito. Ang sisihin mo si Kin.", panduro ko kay Kin

"O bakit naman ako nadamay diyan… Kung di ko gagawin iyon hindi tayo makakapasa sa elimination round.", paliwanag ni Kin

"Imbis na nagging masaya ako at nakapasok ako, nagging kahiyahiya pa ako sa sarili ko at sa angkan ko.", sabi ni Yuri.

"Bakit naman nadadamay pati mga lelong at lelang mo?", tanong ni Ko.

"Bakit ko naman kayo kailangan sagutin sa mga tanong niyo?", sagot ni Yuri.

"Tama na nga yan itigil na natin to. Ang mahalaga nakapasa tayo at mag-aadvance na tayo.", sabi ko. May isang pintuan ang lumitaw sa harap namin.

Pinasok namin ang pinto at dinala kami nito sa loob ng parang isang fivestar hotel lobby. Sa lugar ding iyon ay may iba't ibang uri ng mga tao at nilalang ang nakapasa sa eliminiation.

Ilang saglit lang din ay nagpakita na si Forh muli.

"Congratulations! Sa inyo na mga nalampasan ang elimination round. Ipapakita na namin ang nagging resulta ng inyong mga performance."

Nang ipapakita na ang screen na may mga record ng mga ginawa namin ay may ibang screen ang nagpakita.

"We… Ar… re… D…da…. wn… We… l …ule… a… l", sabi ng isang distorted sound at video.

"Ano iyon?!", tanong sa isip ng karamihan saamin.

"Huwag kayong mabahala isang maliit na technical issue lang ang naganap at hindi ito isang malaking bagay. Alam kong mga pagod na kayo kaya naghanda na kami ng mga kuwarto para sa inyo."

At pinuntahan na nga namin ang magiging kuwarto namin pansamantala. Ang lugar ay medyo masikip.

"Talaga bang matutulog ako kasama itong dalawang ito.", sabi ni Yuri.

"Hay nako. Kailangan pa bang isipin iyan?", sabi ko. Papasok na sana ako ng kuwarto ng bigla akong natumbang muli.

Nang idilat kong muli ang aing mga mata ay gising na ako sa tunay na mundo. Dalidali akong nagbihis at naghanda sa pagpasok. Dahil na rin sa pagmamadali ay di ko na napansin ang mabigat na panahong darating at dumeretso na ako sa pagpasok.

Habang papasok ng eskuwela ay napansin ko ang isang ambulansya na nagmamadaling mapa daan mula sa direksyon na kung saan ang school namin. Dali-dali akong tumakbo papasok nang malaman ko ang mga nangyayari. Sa kasamaang palad ay hunarangan ako ng pulis at di ako makapasok. Sa isang tindahan ay nakita ko si Hiro na mukhang balisa, nilapitan ko at tinanong.

"Anong nangyayari?"

"May isang lalaki ang tumalon mula sa ibabaw ng building. Patay.", sabi niya.

"Sino yung namatay?", tanong ko.

At nagsimula na siyang umiyak. Ilang saglit lang ay dumating si John at niyakap si Hiro habang humahagulgol sa iyak.

"Ayos lang siya. Huwag na tayo mag-alala, ligtas na siya.", sabi ni John kay Hiro.

"Sino ba ang namatay?!", pilit na tanong ko.

Lumingon si Hiro at John saakin at sinabi na nila.

"Ang pinakamatalik naming kaibigan.", sabi ni John

'Ang aming nakasama mula pa noong simula.", sabi naman ni Hiro.

"Si Ayato Suzuki!", sabi ng dalawa at nagpatuloy sa pag iyak si Hiro habang yakapyakap ni John.

下一章